You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Daily Lesson Plan in ESP 4


Quarter 2-Week 1: Day 5
(November 11, 2022/11:45-12:05 PM)
I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang pag-unawa na hindi naghihintay ng
anumang kapalit ang paggawa ng mabuti.
B. PAMANTA
C. YAN SA PAGGANAP: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapwa.
D. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang mga paraan sa
pagtanggap ng mga puna.M4NS-IIa-64
E. Sa pagtatapos ng 30 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga paraan sa pagtanggap ng mga puna;
2. nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa pagtanggap ng puna; at
3. nabibigyang halaga ang pagtanggap ng puna nang maluwag sa kalooban.

II. NILALAMAN:
A. ARALIN: Maging Mahinahon sa Pagtanggap ng mga Puna
B. SANGGUNIAN: Manwal ng Guro sa ESP 4 pp. 16-19 at Kagamitan ng Mag-aaral pp. 44-57
C. KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV, Pangalan ng mga Mag-aaral

III. PAMAMARAAN:
1. PANIMULANG GAWAIN:
1.1 AWIT: ESP Song
2. PANLINANG NA GAWAIN:
2.1 BALIK-ARAL: Bumunot ng pangalan ng iyong kaklaseng ilalarawan. Magbigay ng 1 positibo at
negatibong puna sa kanya. Nararapat na ito ay pawang katotohanan lamang.
3. PANGGANYAK: Basahin ang kuwento tungkol kay Julie na isa sa lider ng kanilang klase. Ang
kuwento ay makikita sa p. 46 ng Kagamitan ng Mag-aaral sa ESP 4.
4. PAGLALAHAD: Itanong ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang katungkulan ni Julie sa kanilang klase?
2. Ano ang naging problema sa pagiging mabait niyang lider?
3. Sumasang-ayon ka ba sa pagpayag niya sa mga dahilan nina Bien at Joshua? Bakit?
4. Ano kaya ang naging damdamin ng Gurong Tagapayo nang makita ang paligid ng kanilang silid-
aralan? Bakit?
5. Sumasang-ayon ka ba sa mga sinabi ng guro ni Julie sa kanya sa mga dapat niyang gawin bilang
lider?
6. Paano tinanggap ni Julie ang mga puna ng kaniyang guro bilang lider?
7. Kung ikaw si Julie, ano ang mararamdaman mo sa sinabi ng iyong Gurong Tagapayo?
8. Paano mo tatanggapin ang mga puna na sinasabi sa iyo ng ibang tao?
5. PAGTATALAKAY: Itanong: Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa ating kalooban?
1. Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung
ito ay iyong susundin o hindi.
2. Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid.
3. Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa pagkilala natin sa ating sarili at upang
magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa iyong mga ginagawa.
6. PAGLALAPAT: Ang buong klase ay mahahati sa 3 grupo.
Panuto: Basahin at talakayin ang mga sitwasyon. Bumuo ng sagot ang bawat pangkat at iulat ito sa
klase. Isulat ang inyong kasagutan sa 3-5 pangungusap.
7. PAGLALAHAT:
Tandaan
Ang mabuting bata ay marunong makipagkapuwa, mahinahon at mapagpasensiya sa mga taong
namimintas at pumupuna sa kaniya. Tinatanggap niya nang bukal sa loo bang kaniyang pagkakamali
at kusang loob sa abot kaya niyang tinutuwid ito.

IV. PAGTATAYA: Paano mo ipapakita ang iyong pagiging mahinahon sa sumusunod na sitwasyon?
1. Natalo ka sa sinalihan mong paligsahan sa pagtula.
2. Bumagsak ka sa inyong lagumang pagsusulit. Laman ka ng usapan ng iyong mga kaklase.
3. Habang naglalakad ka pauwi sa inyo, ikaw ay nadulas. Pinagtawanan ka ng mga nakakita sa iyo.
4. Pinuna ng iyong kaklase ang hindi mo pagbibigay-galang sa matandang janitor ng paaralan.
5. Hindi ka isinali sa laro ng iyong kapitbahay dahil madaya ka raw.

Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Iba pang gawain:

You might also like