You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a.
b.
c.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggamit ng Magagalang na Salita sa Argumento o Debate
Sanggunian:
Kagamitan: larawan, powerpoint presentation
Pagpapahalaga:

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

2. Panalangin

3. Pagtala ng Lumiban sa Klase

4. Balik-aral
Isulat sa patlang ang titik K kung ang
pahayag ay nagsasaad ng katotohanan.
Isulat naman ang tiitk O kung ito ay isang
opinion.

_____1. Malaki ang naging epekto sa


ekonomiya ng pandemya sa bansa.
_____2. Maraming trabahador ang natigil sa
paghahanap buhay.
_____3. Maraming aning gulay ang
ipinamahagi sa mga mamamayan noong
Pandemic.
_____4. Para sa akin, ang basurero ang
pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
_____5. Malaki ang sakripisyo ng mga
frontliners para sa mga mamamayan.

B. Pagganyak
Basahin ang usapan ng dalawang bata.

Bata 1: masarap uminom ng gatas tuwing


umaga bago pumasok sa paaralan.

Bata 2: hindi ako sang-ayon kasi mas


masarap ang Milo.

Sino ang nag-uusap?

Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?

C. Paglalahad
Bawat isa ay may kani-kanyang opinyong
dapat nating igalang o irespeto ito man ay
pabor sa atin o hindi. At sa pagbibigay ng
opinion ay hindi maiiwasan ang
pagsalungat. Kailangan lamang na maging
magalang at malumanay sa pagpapahayg ng
pagsalungat upang maiwasan ang
makapanakit ng damdamin.

D. Pagtatalakay
Ang pahayag na pasalungat ay
nangangahulugan na hindi pagsang-ayon,
pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol o pagkontra
sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-
abay na pananggi ay ginagamit sa
pagpapahayag na ito.

Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang


mga sumusunod na hudyat:
 Ayaw ko ang pahayag na…
 Hindi ako naniniwala na…
 Hindi ako sang-ayon dahil…
 Hindi ko matatanggap ang iyong
sinabi…
 Hindi tayo magkasundo…
 Ikinalulungkot ko ngunit…
 Mabuti sana ngunit…
 Maling-mali talaga at walang
katotohanan ang…
 Nauunawaan ko subalit…
 Sumasalungat ako sa…

PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod at
punan ng angkop na hudyat ang bawat
patlang upang makabuo ng pahayag na
nagsasaad ng magalang na pasalungat tulad
ng AYAW, HINDI, HUWAG, WALANG,
DI.

1. __________ magulang nan ais


mapahamak ang kaniyang anak.
2. __________ ng magsisihan pa sa
nangyari, bagkus ay magsimula na
lamang.
3. __________ nagnanais na ganiyan
nag mangyari sa kaniya.
4. __________ sana ‘yan ang sinabpit
mo kung nakinig ka lang sa akin?
5. __________ mo nang dagdagan pa
ang problema ko.

PANGKAT 2
Panuto: Isulat sa patlang ang M kung ang
pahayag ng pagsalungat ay magalang. Isulat
naman ang HM kung ito ay hindi magalang.

_____1. Hindi ako naniniwala riyan, may


plano ang Diyos kung bakit nagaganap ito
sa atin.
_____2. Sumasalungat ako sa plano mo,
baka madehado tayo pagdating ng panahon.
_____3. Huwag ka ngang makulit, akin
iyan!
_____4. Ah, basta! Mali ang pananaw mo
sa buhay.
_____5. Hindi totoong tamad ako, lagi
akong nag-aaral tuwing uuwi ako mula
paaralan.

E. Aplikasyon
Gusto kang ibili ng bagong damit ng iyong
nanay kasi malapit na ang iyong kaarawan
kaya lamang ay hindi mo nagustuhan ang
kaniyang napili. Paano mo ito sasabihin sa
kanya nang may paggalang.

F. Paglalahat
Bawat isa ay may kani-kanyang opinyong
dapat nating igalang o irespeto ito man ay
pabor sa atin o hindi. At sa pagbibigay ng
opinion ay hindi maiiwasan ang
pagsalungat. Kailangan lamang na maging
magalang at malumanay sa pagpapahayg ng
pagsalungat upang maiwasan ang
makapanakit ng damdamin.

IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ang mga sumusunod na pahayag ay magalang na
pagsalungat at ekis naman kung hindi.
_____1. Maling-mali ang kaniyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
_____2. Tumahimik ka! Hindi ka lamang sinungaling, manloloko ka pa!
_____3. Ikinalulungkot kong sabihin na hindi ka makakakuha ng Pagsusulit ngayong araw.

V. Takdang Aralin

Prepared by: Checked by:


JINRO B. VALDEZ JOANA IVY T. PATINGGA
Practice Teacher Cooperating Teacher

Noted by:
JHONNY M. MAPPALA JR.
Master Teacher 1

You might also like