You are on page 1of 7

School SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL Grade Level GRADE III-JACINTO

LESSON EXEMPLAR Teacher MELLANIE P. VILLANUEVA Learning Area ESP 3


Teaching Date October 11 - 15, 2021 Quarter FIRST (Week 5)
Teaching Time 8:00-8:30 / Tuesday-Synchronous No. of Days 6 (including Saturday)
Learning Area ESP 3
Learning Delivery Modality ONLINE

I. OBJECTIVES

A. Content Standards
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan, pagkakaroon ng tiwala, pangangalaga at
pagiingat sa sarili tungo sa kabutihan at kaayusan ng pamilya at pamayanan.
B. Performance Naipakikita ang natatanging kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan nang may tiwala, katapatan at katatagan ng
Standards loob.
C. Learning
Competencies or
Objectives

D. Most Essential
Napahahalagahan ang pagkilala sa kayang gawin ng mag-aaral na sumusukat sa kanyang katatagan ng loob tulad
Learning ng: EsP3PKP-Ic-16
Competencies 1. Pagtanggap sap una ng ibang tao sa mga hindi magandang gawa, kilos at gawi.
(MELC)
(If available, write the 2. Pagbabago ayon sa nararapat na resulta.
indicated MELC)

E. Enabling
Competencies
(If available, write the
attached enabling
competencies)
II. CONTENT Modyul 3: PAGPAPAMALAS NG KATATAGAN NG KALOOBAN
III. LEARNING LMS/MOODLE
RESOURCES
A. References
a. Teacher’s Guide
Pages
b. Learner’s Material
Pages
c. Textbook Pages
d. Additional
Materials from
Learning
Resources
B. List of Learning You Tube
Resources for
Developmental and https://www.youtube.com/watch?v=R08lMJ6_pbE
Engagement Activities
IV. PROCEDURES
Natukoy mo na at naipakita ang iba’t-ibang kilos na nagpapahalaga sa iyong mga kakayahan sa paggawa.
Ngayon, pag-aaralan mo naman kung paano haharapin ang mga pangyayari sa paligid. Dahil sa pandemyang
A. Introduction COVID-19, mahalagang matutuhan mo ang dapat na maging damdamin at kilos ng isang batang tulad mo.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan
ng kalooban.
B. Development Matatag ba ang iyong kalooban? Gaano katibay ito? Ano-anong halimbawa ang makapagpapakita nito?
Basahin ang mga sumusunod na halimbawa:
1.Nakangiti lang si Coco kahit natatalo na sa larong chess.
2.Kahit takot na mapagalitan, inamin pa rin ni Ivy na siya ang
nakabasag ng flower vase.
3.Kinanti ni Joel si Jun upang pumatol ito sa away. Umiwas na
lamang si Jun upang walang maging gulo.
4.Kalmadong lumakad si Boyet palabas ng bahay kasama ang
tatay niya nang kinailangang lumikas dahil sa baha.
5. Hindi pinanghinaan ng loob si Carmela kahit siya ay may
sakit. Masaya pa rin siyang nakipag-usap sa mga dumalaw.
Kaya mo rin bang gawin ang ipinakita nina Coco, Ivy, Jun, Boyet at Carmela? Paano nga ba maging matatag?
Ang pagkakaroon ng matatag na kalooban ay ang kakayahang harapin ang anumang gawain o sitwasyon nang
walang takot o
alinlangan. Halimbawa nito ay ang pagharap sa mga hamon ng buhay nang may tiwala sa sarili.
Palatandaan na matatag ang iyong kalooban kung ikaw ay:
Sa panahong hindi mo alam ang gagawin, ikaw ay natatakot o naguguluhan, lakasan mo ang iyong loob.

GAWAING PAGKATUTO BILANG 3.1: MAY KATATAGAN ANG BAWAT ISA!


Panuto: Pakinggan ang video ng awitin na makikita sa ibaba na may pamagat na “Maghintay ka Lamang”.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod ayon sa nilalaman at mensahe ng awit.
https://www.youtube.com/watch?v=R08lMJ6_pbE

1. Kapag nabibigo, dapat na _____


A. umiwas o tumakas ka B. lumaban ka
2. Kung may nararanasang suliranin, dapat na _____
A. mawalan ng pag-asa B. magkaroon ng pag-asa
3. Sa oras ng pagsubok, kailangan mo ng _____
A. tibay ng loob B. tibay ng isip
4. Ang pahayag na: “ang buhay sa mundo ay hindi laging lungkot at kasawian” ay _____
A. tama B. mali
5. Hangad ng awit para sa nakikinig nito ang magkaroon ng _____
A. katatagan ng kalooban B. kahinaan ng kalooban
C. Engagement GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3.2: KATATAGAN AY IPAKITA NA!
Panuto: Pag-isipan kung ang kilos na nakasaad ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban. Piliin ang TAMA kung OO at MALI
naman kung Hindi.

1.Nagsisikap pa ring mag-aral si Jack kahit mahirap lang sila.


2. Itinigil na ni Pia ang pagsagot sa mga aralin dahil nahihirapan
at napapagod na siya.
3. Tuloy lang sa paglalakad si Jessica kahit pinagtatawanan siya
dahil siya ay pilay.
4. Pinipilit ni Cheska na tumulong sa gawaing bahay kahit
marami siyang pinag-aaralang modyul.
5. Tumanggi si Val nang tanungin ng ina kung siya ang
nakabasag ng plato kahit totoo naman ito.
D. Assimilation May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng lakas at
tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang anumang
kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago gumawa ng aksiyon, at pagkakaroon ng kontrol o pagtitimpi sa kapwa.
Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong kalooban
upang patuloy kang makagawa ng mga makabuluhang aksiyon. Palaging isaisip na ang katatagan ng loob ay
isang uri ng katangian na dapat pahalagahan at isabuhay ng bawat tao.

Tulad ng pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Gayundin ang
paghingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.
Kahit ikaw ay nasa murang edad pa lamang, may mga kakayahan ka na upang maipamalas ang katatagan ng
iyong kalooban. Gagawin mo ito para sa iyong sarili, pamilya at kapwa.
Makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong kalooban upang patuloy
kang makagawa ng mga makabuluhang aksyon.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3.4: PAGTATAYA
1. Ito ay katangian na nagpapakita ng kakayahang harapin ang anumang gawain o sitwasyon nang walang takot
o alinlangan.
A. tatag ng loob
B. katapangan
C. pagka-matiyaga
2. Ang pahayag na “ang kailangan mo’y tibay ng loob kung mayro’ng pagsubok man” ay _____
A. tama B. mali C. di-tiyak
3. Masasabing matatag ang iyong kalooban kung _____
A. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago
B. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali
C. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa _____
4. Palatandaan ng katatagan ng kalooban ang
A. hindi pagpapadala sa pakikipag-away
B. pag-amin sa nagawang pagkakamali
C. lahat ng nabanggit
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, MALIBAN kay _____
A. Carl, na tinanggap ang pagkatalo sa laro nang nakangiti
B. Glen, na nakipag-usap ng mahinahon sa sumisigaw sa kanya
C. Claire, na nagmukmok sa silid nang nahirapang magbasa
Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
V. REFLECTION sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na _______________________
Nabatid ko na ___________________________
PAGNINILAY III- LUNA
Hindi nahirapan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa aralin
_____Nahirapan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa aralim
_____Hindi nasiyahan ang mga mag-aaral sa aralin dahil may kakulangan sa kaalaman, kasanayan at intesres sa aralin
_____Ang mga mag-aaral ay interesado sa aralin kahit nakaranas sila ng hirap pagsagot sa mga tanong ng guro
_____ Ang mga mag-aaral ay naging bihasa sa aralin kahit limitado ang kagamitan ng mga guro
_____Karamihan sa mga mag-aaral ay natapos ang gawain sa takdang oras
_____Ang ibang mag-aaral ay hindi natapos ang gawain sa takdang oras.
A. Bilang nga mga mag-aaral ng
nakakuha ng 80% at higit pa sa
pormatib na pagtatasa / mga gawain
na ibinigay para linggong ito
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng higit pang gawain
upang mapaghusay ang kasanayan sa
araling ito
C. Bilang ng mag-aaral na humingi ng
pag-alalay sa oras ng pagkonsulta sa
guro
D. Paano naipatupad ang oras ng
pagkonsulta?
E. Paano gumana ang mga Gawain sa
IDEA ng araling ito?

F.Ano ano ang hadlng o balakid na


aking naranasan na maaring
makatulong ang punong guro o
superbisor sa paglutas nito?
G. Anong modipikasyon at
karagdagang gawain ang maaring
kong maging suhestiyon upang
mapaghusay ang nilalaman ng aking
lingguhang aralin
A. Bilang nga mga mag-aaral ng
nakakuha ng 80% at higit pa sa
pormatib na pagtatasa / mga gawain
na ibinigay para linggong ito

Prepared by: Checked by: Noted by:

MELLANIE P. VILLANUEVA BONIFACIO S. FURIGAY JOSEFINO P. REYES


Subject Teacher Master Teacher I Principal III

FELIX C. LIBARIOS
Master Teacher I

You might also like