You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite
Lesson Exemplar in ESP Using the IDEA Instructional Process
Learning Area ESP
Learning Delivery Modality Online Synchronous Distance Modality

School Alapan 1 Elementary Grade Level


LESSON III
School
EXEMPLAR Name of Teacher Alana Mae G. Granado Learning Area ESP
Teaching Date and Time Week 4 Quarter 1ST Quarter

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
a. nakatutukoy ng mga damdaming ipinamamalas ng
isang batang may matatag na kalooban
b. naipakikita ang katatagan ng loob sa pagganap o
pagharap sa isang sitwasyon

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
sariling kakayahan, pagkakaroon ng tiwala,
pangangalaga at pag-iingat sa sarili tungo sa kabutihan
at kaayusan ng pamilya at pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipapakita ang natatanging kakayahan sa iba’t-ibang
pamamaraan nang may tiwala, katapatan at katatagan
ng loob
C. Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC)
Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa katatagan ng kalooban ( EsP3PKP-Ic-16)
pagkatuto
o MELC)

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)

II. NILALAMAN Pagpapamalas ng Katatagan ng Loob

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
b. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 pahina19-23
Kagamitang Pangmag-
aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk


d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Baitang ng PIVOT
Panturo para sa mga Gawain – Kagamitan ng Mag-aaral
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula

Mga Layunin
● Sasabihin ng guro ang mga layunin para sa
pagkaunawa ng mga mag aaral.

Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang mga damdaming ipinamamalas ng
isang batang may matatag na kalooban
b. naipakikita ang katatagan ng loob sa pagganap o
pagharap sa isang gawain o sitwasyon

Gagabayan ng magulang o tagapag-alaga ang bata


sa pagsagot sa tanong na ito.

Itanong: Bilang isang bata, anu-anong mga damdamin at


palatandaan ang makapagpapakita ng katatagan ng
iyong loob?

Gagabayan ng magulang o tagapag-alaga ang bata


upang magawa nang wasto ang gawain.

Gawain 1
Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Pumili
ng
isa na maaari mong tularan. Anong damdamin ang
maaaring nararamdaman ng mga batang tulad mo
kung
gagawin ito sa harap ng maraming tao. Ipaliwanag
kung
bakit ito ang iyong napili.
B. Pagpapaunlad Gagabayan ng magulang o tagapag-alaga ang bata
upang magawa nang wasto ang mga sumusunod na
gawain.

Gawain 2
Suriin at sagutin mo ang mga sumusunod na sitwasyon
gamit ang mga pananda. Gawin ito sa iyong kwaderno.
P- Palaging ginagawa
M- Madalas ginagawa
B- Bihirang ginagawa
H- Hindi ginagawa

1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo ng nakangiti.

2. Sumasali ako sa palatuntunan at paligsahan kahit


minsan ay natatalo.
3. Umiiwas ako sa pakikipag-away.
4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko
ng loob.
5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagalitan.
6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong
kasalanan.
7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di-
mabuting udyok ng iba.
8. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga
kaibigan
nang maluwag sa aking puso.
9. Tinatanggap ko kung pinapagalitan ako ng mga
matatanda,
10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para
mapaunlad ang aking kakayahan.

Sabihin: Ang natapos na gawain ay isa lamang pagtuklas ng


iyong taglay na katatagan ng loob.

Gawain 3
Basahin ang komik-strip at pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol dito.
Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sa
pag-uusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag-
aral na si Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita.

Pagproseso sa binasang komik-istrip.

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong batay sa


komik-strip na iyong binasa.

1. Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan?


2. Bakit nila pinag-uusapan si Allan?
3. Tama ba ang ginawa ni Allan sa kanila? Bakit?
4. Ano kaya ang pakiramdam nina Tom at Juan ukol sa
sitwasyon?

5. Sino sa kanila ang may matatag na kalooban?


6. Kung ikaw ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano
ang iyong gagawin? Bakit?
7. Masasabi mo ba na ang pagtitimpi ay palatandaan
ng
katatagan ng loob?

C. Pakikipagpalihan Gagabayan ng magulang o tagapag-alaga ang bata


upang higit na maunawaan kung paano gawin ang mga
sumusunod na gawain.

Gawain 4
Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic
organizer sa iyong kwaderno. Gamiting gabay ang
sitwasyon sa nakasaad sa loob ng kahon sa ibaba.
Magkaroon ng paligsahan sa pagbigkas ng tula.
Napili kang kinatawan ng iyong paaralan. Anu-ano
ang mga aksiyon para maipakita mo na matatag
ang iyong kalooban?

Ilagay ang iyong mga kasagutan sa graphic organizer


sa iyong kwaderno.

Gawain 5

Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin ang


mga tanong.

Habang naglilinis sa silid-aralan ay nasagi ni Rio ang


paso ng halaman at ito nabasag. Hinintay niya ang
kanilang guro at sinabi niya ang nangyari.

1. Anu-ano kaya ang kanyang nararamdaman bago at


pagkatapos niyang magsabi sa guro ng totoong
pangyayari?

2. Paano naipakita ni Rio na matatag ang kanyang


kalooban?

Gagabayan ng magulang o tagapag-alaga ang bata


D. Paglalapat upang higit na maunawaan kung paano ito sagutan.

Gawain 6
Anu-anong mga damdaming ipinamamalas ng isang
batang may matatag na kalooban? Isulat sa loob ng
lobo
sa sagutang papel ang iyong sagot.

Bilang pagtatapos ng aralin, babasahin ng bata


ang konsepto na nasa loob ng kahon. Ipauunawa naman
ng magulang o tagapag-alaga sa bata upang mas higit
pa niyang maunawaan.
Isulat sa iyong journal o kuwaderno ang kasagutan.
V. PAGNINILAY

Dugtungan ang mga sumusunod na salita upang mabuo


ang mga pangungusap batay sa iyong natutunan.

Naunawaan ko _______________________________________.

Nabatid ko na _________________________________________.

Kaya ang gagawin ko ay ______________________________.

You might also like