You are on page 1of 3

MASUSING Paaralan San Juan National High School Baitang 9

BANGHAY- Guro MIKE BENSON E. CABALTEA Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Agosto 19, 2019 Markahan Una
2:00-3:00

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
A. Pamantayang Pangnilalaman pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng
Kanlurang Asya
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal
B. Pamantayan sa Pagganap ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano
Nahihinuha ang mga katangian ng parabula batay
sa napakinggang diskusyon sa klase
F9PN-IIIa-50
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin
Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang
parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay
sa kasalukuyan
F9PB-IIIa-50
II. NILALAMAN

Parabula : Ang Alibughang Anak (Lucas 15:11-32)


III. KINAKAILANGANG KAGAMITAN
A. Sanggunian: TX Panitikang Asyano 9; pp. 191-200
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: Sipi ng lunsarang teksto:
Parabula ng Alibughang Anak
Talinghaga ng May Ari ng Ubasan
Parabula ng Banga

http://elampara.weebly.com/home/ang-parabula-
ng-alibughang-anak

Parabula ng Alibughang Anak


Manila Paper, larawan, laptop at
Amplifier with waistband lapel , Projector
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula
Panimulang Gawain ng Guro:
1. Mananalangin
2. Magtsetsek ng atendans
3. Magpapapulot ng dumi ang guro sa loob ng klasrum
4. Magbabalik-aral
B. Pangganyak
Ilarawan at ibigay ang mga katangian ng larawang nasa screen.

Itanong:
Nakarinig na ba kayo ng kuwento tungkol sa
“Parabulka ng Banga”?
C. Paglalahad ng Aralin
o Sa araw na ito tatalakayin ang parabula ng Alibughang Anak
o Paglalahad ng mga kasanayang pampagkatuto/layunin.

D. Pagtalakay sa Aralin
Magkakaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang akda gamit ang gabay na tanong.
1. Anong uring ama ang ama sa akdang binasa? Sa inyong palagay, tama ba ang
ginawa niyang pagbibigay ng pamana sa kanyang mga anak kahit siya’y buhay
pa at malakas pa?
2. Ano ang ibinubunga ng kaniyang ginawang desisyon? May kakilala ka rin bang
anak na ganito rin ang kinahihinatnan sa buhay dahil sa kanyang pagiging
alibugha?
3. Anong mga katangian ng iyong ama/ina ang sumasalamin sa katauhan ng ama
sa akda? Paano mo pinahahalagahan ang mga pag-aaruga sa iyo ng iyong mga
magulang?
4. Kung ikaw ang kapatid ng alibughang anak? Ano ang gagawin mo? Tatanggapin
mo ba ang pagbabalik niya?
5. Kung ikaw ang alibughang anak sa akda, anong mga aral ang iyong natutunan?
Kaya mo bang humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali?

E. Paglalapat

PANUTO: Pangkatang Gawain: Bigyang kahulugan ang mga salita o pahayag hango sa
talinghagang “Ang Alibughang Anak”. Gumamit ng grapik organayser sa pagtatalakay ng mga
sumusunod. Isulat ang sagot sa isang buong papel at ibahagi sa klase. Sa loob lamang ng 5
minuto.

LITERAL NA SIMBOLIKONG ISPIRITUWAL NA


KAHULUGAN KAHULUGAN KAHULUGAN
1. Alibugha
2. Kayamanan

3. Ama

4. Anak

5. Ang magsaya at
magalak ay
kailangan
sapagkat ang
kapatid mong ito
ay namatay at
muling nabuhay.
Siya ay nawala at
natagpuan.

F. Paglalagom

Ang Parabulang “Ang Alibughang Anak” ay nagpapakita ng dakilang pagmamahal ng


isang ama sa kaniyang anak na nagkasala. Nasaktan man ang ama sa maagang pagkuha
ng mamanahin ng kanyang anak ay ibinigay parin niya ito; at nang ito ay bumalik sa piling
ng kaniyang ama. Siya ay tinanggap ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan.
Ipinakikita ng parabula kung gaano kadakila ang pagmamahal ng isang magulang sa
kabila ng pagkakasala ng anak.
Bukod sa ating mga magulang ay isa pang nagmamahal sa atin nang lubos at kahit
ikamatay Niya pa ito ay kaya Niyang gawin. Walang iba kundi ang ating Diyos.
Nagpakamatay siya para sa iyo, sa akin, at sa lahat. Talagang dakila at lubos na
mapagpatawad at mapagmahal ang ating Amang nasa langit.

G. Pagtataya
(PAGSULAT NG SANAYSAY)
PANUTO: Bilang pangwakas ikaw ay susulat ng isang sanaysay habang nakikinig ng awitin
ni Freddie Aguilar na pinamagatang “ANAK” , mag-isip ka ng paraan upang mapasalamatan ang
iyong mga magulang at isulat ang mga aral at magagandang kaisipan na iyong natutunan. Isulat
sa isang buong papel.

H. Takdang-Aralin

PANUTO: Basahin ang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” (Mateo
20:1-16) sa pahina 196.

__ Natapos ang aralin/gawain at maaari nang magpatuloy sa


mga susunod na aralin.
__ Hindi natapos ang aralin dahil sa kakulangan sa oras
__ Hindi natapos ang aralin dahil sa integrasyon ng mga
napapanahong pangyayari.
V. MGA TALA __ Hindi natapos ang aralin dahil napakaraming idea ang
gustong ibahagi ng mga mag-aaral patungkol sa paksang
pinag-aaralan.
__Hindi natapos ang aralin dahil sa pagkaantala/pagsuspindi
sa mga klase dulot ng mga gawaing pang-eskuwela/mga
sakuna/pagliban ng guro.

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas sa
tulong ng aking punongguro Bat
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

Inihanda ni:

MIKE BENSON E. CABALTEA


Teacher – I

EDNA NENITA M. DELA CRUZ


Master Teacher – I
Filipino Koordineytor

You might also like