You are on page 1of 14

TEACHER’S REFERENCE GUIDE / GABAY PARA SA GURO

Paaralan: ________________________________________ Baitang: __________________


Pangalan ng Guro: _________________________________ Lingo ng Pagtuturo: Unang Lingo
Petsa: Setyembre 14-17, 2021 Age Group: 4-6 years old

I- LAYUNIN Ang pangunahing layunin ng paunang gawain na ito ay upang maihanda ang
(Objective) mag-aaral para sa mas pormal na pag-aaral. Mahalagang mabigyan muna ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na maihanda ang kanilang mga sarili at
makapag-adjust mula sa bakasyon hangang ngayon sa pagbubukas ng
Patnubay sa Guro panibagong School Year 2021-2022. Mahalaga ang adjustment o transition
na ito sa larangan ng pisikal, sosyal, sikolohikal at maging sa emosyonal na
aspeto ng mag-aaral lalo na sa sitwasyong may pandemya at mag-aaral pa
rin sila sa pamamagitan ng home-based learning.
Ang mga layunin ng learning activities ay batay sa inaasahang Social and
Emotional Learning competencies o SEL. Ito ay nakapokus sa pagpapatalas ng
kasanayan ng mag-aaral sa: “organizing tasks and paying attention, listening,
collaboration, recognition of emotion of self and of others”.
I. Layunin (Objective): Pagkatapos ng mga aktibidad at pagbabahaginan sa
pagitan ng magulang (o tagapag-alaga) at mag-aaral, inaasahan na:
a. Mabigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na makapaglahad ng
kanilang karanasan at mga emosyon bago ang pasukan at sa
panahon ng pandemya (self awareness and self management).

b. Matukoy ng mag-aaral kung ano ang maaring aasahan nya sa


kanyang pag-aaral (tulad ng oras, tagal, aktibidad, atbp)
(relationship skills and social awareness).

c. Matukoy ng mag-aaral ang kaniyang kasalukuyan kakayahan at


maari pang kayang gawin. (self awareness and responsible
decision making)

d. Matukoy ng mag-aaral ang kanyang kasalukuyang emosyon


kaugnayan sa kanyang pag-aaral (self awareness and self
management ).

Magbigay ng sapat na oras upang maisagawa ang mga


nakatalagang gawain. Ang layunin ng araling ito ay:

a. Maunawaan ng mag-aaral na may mga simpleng bagay o


gawain na pwedeng maisagawa na naaayon sa kanyang
edad at kanyang kakayahan.
b. Matulungan ang mag-aaral na mapalakas ang kanyang
kakayahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kayang
gawin sa ibang tao.
c. Mapalawak ang imahinasyon ng mag-aaral at maiugnay ito
sa mga pangkasalukuyang pangyayari at pandemya.
A. Social and Emotional Self-Awareness, self-management, responsible decision
Learning Competency making, relationship skills, social awareness
and Skills
II- PAKSANG Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan at Pagkilala sa Sarili
1
ARALIN (Subject
Matter)
a. Sanggunian Social and Emotional Competencies, CASEL page 26-27
(References) Save the Children Hand-out
Ideas Bank for Creative Activities for Child-Friendly Spaces, 2010 United
Nations Children’s Fund (UNICEF)
https://www.pngegg.com/en/png-dhnia
https://thumbs.dreamstime.com/z/angry-sun-illustration-cartoon-summer-
40967827.jpg
b. Kagamitan (Materials) Lapis, Krayola, maliit na gunting, celpon para sa pagpapatugtugtog

c. Integrasyon (Values Ang pag unawa sa mga bagay na kayang gawin na naayon sa edad at
Integration) kakayahan ng isang mag-aaral ay mahalaga sa pagkilala sa sarili at
pagpapaunlad pa ng sarili.

III- PAMAMARAAN
(Procedure)
Gawain (Activity) A. Gawain/Aktibidad 1: Ang Aking Karanasan at Nararamdaman
Bago Pagpapasimula ng Klase
Panuto:

1. Sa pamamagitan ng paggamit ng maliit ng gunting gupitin


ang larawan ng mga batang may emosyon. Siguruhin
magdahan dahan sa paggupit.
2. Pumili ng isang larawan na makokonekta mo sa iyong
naramdaman kailan lamang bago magsimula ang pasukan.
3. Ikuwento sa pagsasabi… Ako si (pangalan ) na
(naramdaman) kasi (dahilan ng emosyon).

B. Gawain/Aktibidad 1: Ang Aking Karanasan at Nararamdaman


Bago Pagpapasimula ng Klase
Panuto:

4. Sa pamamagitan ng paggamit ng maliit ng gunting gupitin


ang larawan ng mga batang may emosyon. Siguruhin
magdahan dahan sa paggupit.
5. Pumili ng isang larawan na makokonekta mo sa iyong
naramdaman kailan lamang bago magsimula ang pasukan.
6. Ikuwento sa pagsasabi… Ako si (pangalan ) na
(naramdaman) kasi (dahilan ng emosyon).

C. Gawain/Aktibidad 2 – Ano ang Aking Nararamdaman sa


Pagpasok sa Paaralan
Panuto:
1. Sa kaparehong mga ginupit na larawan pumili ulit ng mga
emosyon na nagpapakita ng iyong nararamdaman ngayong
bago magpasukan.
2. Ikuwento ito at sabihin “Ako si (pangalan mo) na (emosyon
mo ngayon) kasi (dahilan ng emosyon).

2
D. Gawain/Aktibidad 3: Pagpapahayg ng Sarling
Nararamdaman
Panuto:
1. Matapos kumain, tanungin ng magulang o tagapag-alaga
ang bata kung nagustuhan ba nya ang kanilang pagkain.
Kapag sumagot ay ipapakita sa bata sa pamamagitan ng
mukha o kilos nito kung paano nya nagustuhan o di
nagustihan ang pagkain (Sige nga ipakita mo nga sa akin
paano mo nagustuhan/o di nagustuhan ang ulam…).
2. Purihin ng magulang o tagapag-alaga ang bata dahil
nasasabi nito ang gusto nyang sabihin (Hal. Ang galing
ah….)

E. Gawain /Aktibidad 4: Pagkanta


Panuto:
1. Kung may internet connection ay ipadownload sa magulang o
sa tagapag-alaga ang kantang “Kung Ikaw ay Masaya Tumawa
Ka” at sabay na making sa unang pagkakataon. Sabayang
kantahin ito sa ikalwang pagkakataon kasama ang magulang o
tagapag-alaga o kapatid.
2. Habang ikaw ay naglalaro o tumutulong sa bahay ay maari ding
patugtugin ang kanta.

F. Gawain/Aktibidad 5: Paghahanda ko sa Pagpasok


Panuto:
1. Basahin ang kwento sa ibaba

Ito ang unang pagkakataon na papasok si Isha sa paaralan.

Sabi ng kuya ko masarap daw mag-aral kasi marami kang


makikilala na bagong kaklase.
Ang sambit ng kanyang ate, naku nakakagiliw ang mabait
na guro.
Maraming maraming gagawin sa klase sabayan kinuwento
ng ate at ni kuya.
Pero…sabi ni Ina “Isha iba ngayon ha kasi may pandemya.
Di ka na pupunta sa paaralan, di mo rin makikita ang
inyong mga kaklase maging ang iyong guro.
Pero marami ka pa ring gagawin.
Paano yun? Tanong Isha?
Sagot ni Ina, kukunin ko o ni Ama mo ang mga gagawin at
pagaaralan mo sa eskuwelahan at sa bahay mo lang
gagawin. Tapos matapos ang isang linggo dadalhin ulit
naming ito sa paaralan para makita ng iyong guro
Pero Ina, sagot ni Isha, mag-aaral pa rin ako?
Oo anak, dahil dito, mahalaga na gawin mo ang mga
3
pinagagwa sa yo ng iyong guro.
Pero sino magtuturo sa akin? Tanong pa nya.
Ako, sino pa? Si Kuya, si Ate maging si Ama.
Dapat lang ay makikinig ka sa mga ipagagawa at tapusin
mo ito dahil kapag Biyernes o Sabado ay dadalhin naming
ito sa paaralan para makita ng iyong guro ang iyong sagot.
Ganun po ba Ina. Hindi po ba mahirap yun Ina?
Hindi magiging mahirap Isha kapag naghahanda ka, sagot
no Ina.
Sige po Ina, tulungan nyo na lang ako para ko na magawa
ang pinapagawang aralin. At sana lang ay makapasok na
ako sa silid aralan ng aming paaralan at Nakita ko na rin
ang aking guro at kaklase. Mangyayari yun Isha, Inshaallah
sagot ni Ina. Kami rin gusto na naming bumalik sa klase
dagdag ng ate at kuya ni Isha.

Mga Tanong sa Mag-aaral:

1. Sino ang batang magsisimula nang pumasok sa


paaralan?
2. Ano raw ang mangyayari kapag nagsimula na ang
klase?
3. Kung ikaw si Isha ano ang pwede mong gawin para
maging handa sa pagbubukas ng klase?
4. Ano ba sa tingin mo ang iba pang gagawin mo sa
pagsisimula ng klase?
5. Handa ka na bang magklase? Ano ng aba ang aasahan
nya gayong may pandemya?

G. Gawain 6: Panuto:
Panuto:
1. Pumili ng isang larawan at pagdugtungin ang mga putol
na linya mabuo ang larawan o tanawing kaaya-aya at
kulayan ito. Isabit sa dingding ang iyong ginawa bilang
bahagi ng matagumpay na gawain ngayong araw.

Paglalapat Mahalagang malaman ang mga bagay na kayang gawing mag-isa, at


(Application) may kasama o tulong ng iba. Ito ay mahalagang bahagi din ng
pagkilala sa sarili. Sa pamamagitan ng iba’t – ibang gawaing
nakatakda, matutunan ng mag-aaral na madiskubre ang iba pang bagay
na kayang-kayang gawin para sa sarili at sa ibang tao.

4
Analysis/Processin Panuto: Sasagutin ang mag-aaral ang katanungan at bibilugan ang
g tamang sagot:
1. Ano ang naramdaman mo noong ginawa mo ang gawain?

2. Nahirapan ka ba noong ginawa mo ang nakatakdang gawain?

3. Sinu-sino ang tumulong o kasama mo sa paggawa ng gawain?

Ilagay ang hugis puso sa kung sinong tumulong sayo?

IV. SELF-ASSESSMENT 1. Ano ang ginawa sa activity? Ipaliwanag ng maiksi

2. Ano ang natutunan mo sa mga gawain?

3. Ilang star ang nais mong ibigay sa iyong sarili?

LEARNERS ACTIVITY SHEET


Unang Bahagi
Pangalan ng Mag-aaral: _________________________ Edad: __________________
Paaralan: _____________________________________ Baitang: ________________
Pangalan ng Guro: ______________________________Araw ng Patuturo:Unang Linggo ng
Pagtuturo

Pamantayan sa Pagkatuto (Social and Emotional Learning Competency):


Mental and sikilohikal na preparasyon para sa pagpasok ng mga bata sa paaralan –
kakayahan na .
I. Layunin (Objective):
a.

II. Paksa: Ang Aking Paghahanda para sa Pagpasok sa Eskuwelahan

Mahal kong mag-aaral,

5
Nais ng araling ito na maihanda kayo para sa inyong pagpasok sa pormal na
paaralan. Nais naming maging kaaya-aya ang inyong karanasan sa inyong pagpasok at
mabigyan kayo ng suporta para maging madali sa inyo ang pagdadaanan sa pagsisismula
ng pagbubukas ng klase.
Nagmamahal,
___________________

III. Gawain/Aktibidad at Pamamaraan/Panuto:

A. Gawain/Aktibidad 1: Ang Aking Karanasan at Nararamdaman Bago Pagpapasimula


ng Klase
Panuto:

7. Sa pamamagitan ng paggamit ng maliit ng gunting gupitin ang larawan ng mga


batang may emosyon. Siguruhin magdahan dahan sa paggupit.
8. Pumili ng isang larawan na makokonekta mo sa iyong naramdaman kailan lamang
bago magsimula ang pasukan.
9. Ikuwento sa pagsasabi… Ako si (pangalan ) na (naramdaman) kasi (dahilan ng
emosyon).

Masaya kasi… Malungkot kasi… Nagagalit kasi...

6
Sabik na (Excited) kasi… Natatakot kasi… Kalmado
at Payapa
kasi…

B. Gawain/Aktibidad 2 – Ano ang Aking Nararamdaman sa Pagpasok sa Paaralan


Panuto:
3. Sa kaparehong mga ginupit na larawan pumili ulit ng mga emosyon na
nagpapakita ng iyong nararamdaman ngayong bago magpasukan.
4. Ikuwento ito at sabihin “Ako si (pangalan mo) na (emosyon mo ngayon) kasi
(dahilan ng emosyon).

C. Gawain/Aktibidad 3: Pagpapahayg ng Sarling Nararamdaman


Panuto:
3. Matapos kumain, tanungin ng magulang o tagapag-alaga ang bata kung
nagustuhan ba nya ang kanilang pagkain. Kapag sumagot ay ipapakita sa bata sa
pamamagitan ng mukha o kilos nito kung paano nya nagustuhan o di nagustihan
ang pagkain (Sige nga ipakita mo nga sa akin paano mo nagustuhan/o di
nagustuhan ang ulam…).
4. Purihin ng magulang o tagapag-alaga ang bata dahil nasasabi nito ang gusto nyang
sabihin (Hal. Ang galing ah….)

D. Gawain /Aktibidad 4: Pagkanta


Panuto:
3. Kung may internet connection ay ipadownload sa magulang o sa tagapag-alaga ang
kantang “Kung Ikaw ay Masaya Tumawa Ka” at sabay na making sa unang
pagkakataon. Sabayang kantahin ito sa ikalwang pagkakataon kasama ang
magulang o tagapag-alaga o kapatid.
4. Habang ikaw ay naglalaro o tumutulong sa bahay ay maari ding patugtugin ang kanta.

“Kung Ikaw ay Masaya Tumawa Ka”

Kung ikaw ay masaya tumawa ka, Hahaha


Kung ikaw ay masaya tumawa ka, Hahaha
Kung ikaw ay masaya, Puso mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya tumawa ka, Hahaha

Kung ikaw ay Natutuwa, Pumalakpak


Kung ikaw ay Natutuwa, Pumalakpak
Kung ikaw ay Natutuwa, Puso mo ay sisigla
Kung ikaw ay Natutuwa, Pumalakpak

Kung ikaw may takot, Yumakap ka


Kung ikaw may takot, Yumakap ka
7
Kung ikaw may takot, Isip mo ay bagabag
Kung ikaw may takot, Yumakap ka

Kung ikaw ay masigla, ngumiti ka


Kung ikaw ay masigla, ngumiti ka
Kung ikaw ay masigla, isip mo ay sisigla
Kung ikaw ay masigla, maging healthy ka!

E. Gawain/Aktibidad 5: Paghahanda ko sa Pagpasok


Panuto:
2. Basahin ang kwento sa ibaba

Ito ang unang pagkakataon na papasok si Isha sa paaralan.

Sabi ng kuya ko masarap daw mag-aral kasi marami kang makikilala na bagong
kaklase.
Ang sambit ng kanyang ate, naku nakakagiliw ang mabait na guro.
Maraming maraming gagawin sa klase sabayan kinuwento ng ate at ni kuya.
Pero…sabi ni Ina “Isha iba ngayon ha kasi may pandemya.
Di ka na pupunta sa paaralan, di mo rin makikita ang inyong mga kaklase maging
ang iyong guro.
Pero marami ka pa ring gagawin.
Paano yun? Tanong Isha?
Sagot ni Ina, kukunin ko o ni Ama mo ang mga gagawin at pagaaralan mo sa
eskuwelahan at sa bahay mo lang gagawin. Tapos matapos ang isang linggo
dadalhin ulit naming ito sa paaralan para makita ng iyong guro
Pero Ina, sagot ni Isha, mag-aaral pa rin ako?
Oo anak, dahil dito, mahalaga na gawin mo ang mga pinagagwa sa yo ng iyong
guro.
Pero sino magtuturo sa akin? Tanong pa nya.
Ako, sino pa? Si Kuya, si Ate maging si Ama.
Dapat lang ay makikinig ka sa mga ipagagawa at tapusin mo ito dahil kapag
Biyernes o Sabado ay dadalhin naming ito sa paaralan para makita ng iyong guro
ang iyong sagot.
Ganun po ba Ina. Hindi po ba mahirap yun Ina?
Hindi magiging mahirap Isha kapag naghahanda ka, sagot no Ina.
Sige po Ina, tulungan nyo na lang ako para ko na magawa ang pinapagawang
aralin. At sana lang ay makapasok na ako sa silid aralan ng aming paaralan at
Nakita ko na rin ang aking guro at kaklase. Mangyayari yun Isha, Inshaallah
sagot ni Ina. Kami rin gusto na naming bumalik sa klase dagdag ng ate at kuya
ni Isha.

Mga Tanong sa Mag-aaral:

8
6. Sino ang batang magsisimula nang pumasok sa paaralan?
7. Ano raw ang mangyayari kapag nagsimula na ang klase?
8. Kung ikaw si Isha ano ang pwede mong gawin para maging handa sa
pagbubukas ng klase?
9. Ano ba sa tingin mo ang iba pang gagawin mo sa pagsisimula ng klase?
10. Handa ka na bang magklase? Ano ng aba ang aasahan nya gayong may
pandemya?

F. Gawain 6: Panuto:
Panuto:
2. Pumili ng isang larawan at pagdugtungin ang mga putol na linya mabuo ang
larawan o tanawing kaaya-aya at kulayan ito. Isabit sa dingding ang iyong
ginawa bilang bahagi ng matagumpay na gawain ngayong araw.

Tandaan: (papiliin ang bata ng nais na larawan at hayaang gawin ang pagbuo at
pagkukulay)

9
Gawain 6: Panuto: Sagutin ang mga katanungan. (Isusulat ng magulang ang sagot ng bata)
1. Ano ang naramdaman mo noong ginawa mo ang pagguhit at pagkukulay? Bilugan
ang larawan na angkop sa iyong nararamdaman.

10
Masaya Malungkot Nagagalit

Sobrang Napakasaya Natatakot Kalmado at payapa

2. Nahirapan ka ba habang ginagawa mo ang activity? Kulayan ang napiling sagot.

Oo Hindi

3. Sino-sino ang tumulong o kasama mo sa paggawa ng activity? (Isusulat ng magulang


o tagapangalaga ang sagot ng bata)

________________________________________________________________.

SELF-ASSESSMENT
Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang ginawa sa activity? _______________________________________

2. Ano ang natutunan mo sa activity? __________________________________

3. Ilang star ang nais mong ibigay sa iyong sarili? Kulayan.


11
ASSESSMENT CHECKLIST (FOR PARENTS/GUARDIANS/PARA-TEACHERS

Pangalan ng Mag-aaral:_ Markahan: __________

Bilang at Baitang:_Petsa:_________
Guro:___
12
PamantayansaPagkatuto (Social and Emotional Learning Competency):
Layunin (Objective):
Pagkatapos ng aktibidadnaito ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Pagkatapos ng mgaaktibidad at pagbabahaginansapagitan ng magulang (o tagapag-alaga) at mag-
aaral, inaasahanna:
b. Mabigyan ng pagkakataon ang bata na makapaglahad ng kanilang karanasan at mga emosyon
bago ang pasukan (panahon ng bakasyon) at sa panahon ng pandemya (self-awareness and self-
management).
c. Matukoy ng bata ano ang maaring aasahan nya sa paaralan (tulad ng oras, tagal, aktibidad, atbp)
(relationship skills and social awareness).
d. Matukoy ng bata ang kaniyang kasalukuyan kakayahan at maari pang kayang gawin. (self-
awareness and responsible decision making)
e. Matukoy ng bata ang kanyang kasalukuyang emosyon kaugnaya sa kanyang pagpasok sa
paaralan (self-awareness and self-management).
f. Maisa-isa ang mga aktibidad para mapanatili ang malusog na pangangatawan at kaisipan at
makaiwas sa COVID-19 sa panahon ng pandemya.

Paksa: Paghahanda sa Pagbalik Eskuwela

Ibang
Oo Hindi Obserbasyon
Mga Ginawa ng Mag-Aaral
(Yes) (No)

Gawain 1
Paggupit ng mga larawan
Pagpili ng larawan na naayon sa nilhad na
karanasan at kaugnay na emosyon (bago ang
pasukan)
Gawain 2
Pagpili ng larawan na naayon sa nilahad na
karanasan at kaugnay na emosyon (ukol sa
pagpasok sa paaralan )
Gawain 3
Pagpapahayag ng gusto at di gusto at
pagpapakita ng eskpresyon sa mukha
Gawain 4
Pagpapakita ang ekspresyon ng mukha, akmang
galaw o tamang damdamin habang inaawit ang
“Kung Ikaw ay Masaya Tumawa Ka”
Gawain 5

Pakikinig sa kuwento at pagsagot ng


katanungan ukol sa paghahanda sa pagpsok ng
naayon sa tanong.

13
Gawain 6
Nabuo ang napiling naglalarawan ng kanyang
nararamdaman, nakulayan ito at naisabit sa
dingding bilang bahagi ng matagumpay na
gawain.

Gawain 7
Nasagutan ang mga katanungan.

Oo Hindi
Mga Ginawa ng Mag-Aaral
(Yes) (No)

1. Nakita mo bang nasiyahan ang mag-aaral habang ginagawa ang itinakdang


gawain?

2. Madali lang ba sa mag-aaral ang itinakdang gawain?

3. Nagpatulong ba ang mag-aaral sa kanyang mga magulang o tagapangalaga o


kapatid?

Mga Nais Ipabatid o Rekomendasyon:

Name of Parent/Guardian/Parateacher

Submitted to
(Name of Teacher)

Date:
(Date Submitted)

14

You might also like