You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STA. CLARA ELEMENTARY SCHOOL
STA. CLARA, BATANGAS CITY

Banghay Aralin sa AP 3
Ikatlong Markahan Markahan
Ikalawang Linggo-Ikaapat na Araw

Pebrero 22, 2023 1:50 - 2:30

I. Layunin:
A. Content Standard
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang rehiyon.
B. Performance Standard
Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong
kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
C. Learning Competency
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng heograoiya sa pagbuo at paghubog ng
uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon. AP3PKR-IIIa-2 #19 MELC
D. Unpack Learning Competency
Naipaliliwanag kung paano nakaimpluwensiya ang lokasyon at klima sa uri
ng pamumuhay.

II.Paksang Aralin:

Epekto ng Lokasyon at Klima sa Uri ng Pamumuhay


Sanggunian: K-12 CG. – 75 , MELC p.35 PIVOT BOW p. -168
PVOT LM.p.11-15/ Masipag na Pilipino 74-78

Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, tarpapel


Integrasyon: ESP- Pagmamahal sa kalikasan.
.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Balitaan
Tatawag ang guro ng batang may inihandang balita.
2. Balik-Aral
Pagbalik-aralan ang epekto ng lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng sariling lalawigan
o rehiyon.

B. Panlinang na Gawain

Address: Sta Clara, Batangas City Student Centered Embossed Success


Telephone No. (043) 726-5193
Email: 109625@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STA. CLARA ELEMENTARY SCHOOL
STA. CLARA, BATANGAS CITY

1.Pangganyak

Pagtatanong tungkol sa larawan.


2. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang aralin sa pamamagitan ng isang babasahin.

Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay ng mga tao.


Sa mga taong nakatira sa mga lugar na urban, maaring ang kanilang mga trabahao ay pabrika o
opisina.Sa mga lugar na rural naman ay may kaugnayan
sa agrikultura at palaisdaan. Isang halimbawa nito ay ang kaibhan ng lugar na urban kagaya ng
kalakhang Maynila at lugar na rural kagaya ng mga lalawigan ng Mindoro. Sapagkat marami ang
taong naninirahan sa kalakhang Maynila, mas higit ang mga trabahong nakatutugon sa mabilisang
takbo ng trabaho dito. Maraming mga tindahan dito kaya ang karamihang trabaho ay mga sales lady at
utility workers.
Bukod sa dami ng populasyon,nakakaimpluwensiya rin ang pisikal na kapaligiran sa uri ng
pamumuhay, Naangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay at iba pang produktong pananim, sa
Gitnang Luzon nanggaling ang karamihan sa mga palay ng buong Luzon, Sa kabilang banda naman,
maburol ang kabilang bahagi ng Cavite papuntang Batangas kung kayat pagpapastol ang pangunahing
produkto ng mga tao dito.
Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang klima. Sa
ang lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Sa malamig na lugar tulad ng
Baguio, ang mga tao ay nagsusuot ng makakapal na damit. Manipis at maluwag naman sa katawan
ang kasuotan ng mga nasa mainit na lugar.
Isang halimbawa ng impluwensiya ng klima sa tao ay ang mga produktong nagmumula sa
iba’t-ibang lalawigan. Abaka, niyog at palay ang karaniwang pananim sa Bicol dahil mahaba at halos
buong taon ang tag-araw dito. Tubo at niyog naman ang angkop sa lugar na ang klima ay higit na
maulan kaysa maaraw tulad ng Batangas at Tarlac.
Sa lugar na malimit daanan ng bagyo tulad ng Batanes ang kanilang mga bahay ay
karaniwang mababa at yari sa bato at kugon. Bangkang-bahay naman ang tirahan ng mga Samal at
Badjao, dito naangkop ang lugar sa kanilang lokasyon at sa uri na kanilang pamumuhay
3. Pagtalakay
1.Ano ang dalawang uri ng pamayanan?
2. Ano ang karaniwang trabaho sa mga lugar na urban?
3. Anong trabaho ang may kinalaman sa mga lugar na rural?
4. Sapagkat marami ang naninirahan sa Kalakhang Maynila at marami ring
mga tindahan. Ano ang karaniwang hanapbuhay ang kanilang
pinapasukan?
5 Ano ang naangkop na trabaho ng mga mamayan sa mga lugar na
palayan at kapatagan?

Address: Sta Clara, Batangas City Student Centered Embossed Success


Telephone No. (043) 726-5193
Email: 109625@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
STA. CLARA ELEMENTARY SCHOOL
STA. CLARA, BATANGAS CITY

6. Anong mga kasuotan ang kanilang isinusuot?


7. Nakaaangkop ba kayo sa klima sa inyong lugar?

4. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Anong kasuotan ang angkop sa iba’t-ibang panahon? Ipaliwanag ito.
Ikalawang Pangkat
Iguhit ang uri ng tirahan na angkop sa lugar na madalas daanan ng
bagyo.
Ikatlong Pangkat
Itala ang mga produkto sa mga lugar na mahaba ang tag-araw.
5. Paglalahat
Paano nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay sa
sariling lalawigan o rehiyon?
Ang lokasyon at klima ay nakaiimpluwensya sa paghubog ng uri ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ang kanilang kasuotan, produkto at
pananim, hanapbuhay at mga Gawain ay may kaugnayan sa lokasyon at
klima ng kanilang lugar.

6. Paglalapat
Sagutin ang sitwasyon.
Ikaw ay lumaki at nakatira sa Maynila. Nakasanayan mong magdamit ng maiiiksi.
Niyaya ka ng kaibigan na magbakasyon sa Baguio. Ano ang uri ng kasuotan na
dadalhin mo? Bakit?
7. Pagtataya
Ipaliwanag kung paano nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima sa mga
sumusunod na sitwasyon.
1.Nais ni Aling Nida na magtayo ng isang malaking pamilihan. Saan mas
angkop na magtayo ng ganitong uri ng hanapbuhay? Anong lokasyon ang
mas angkop para dito?
2.Isang negosyante si G. Ramon. Nais niyang mamuhunan sa mga
produktong pang agrikultura gaya ng mais, niyog, mangga at iba pang
prutas. Bakit mas mainam na pumili siya ng angkop na loaksyon para dito?
IV. Takdang-aralin
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa aralin.
Reflection:
Number of learners with high mastery level: ______________
Number of learners with average mastery level ______________
Number of learners below average/needs remediation_________

Address: Sta Clara, Batangas City Student Centered Embossed Success


Telephone No. (043) 726-5193
Email: 109625@deped.gov.ph

You might also like