You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Batangas City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINON4


IKAAPAT NA MARKAHAN
UNANG LINGGO
Unang Araw

MAYO 2, 2023

I. LAYUNIN

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento


2. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan

II. PAKSA
Pagsagot sa mga tanong
Pagbibigay ng kahulugan ng Salita Sanggunian: Patnubay ng Guro pp. 253-254
Kagamitan: Powerpoint,
Pagpapahalaga: Pakikiisa sa mga gawain, Pagtatanim ng mga puno at gulay

III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Gawaing Rutinari
● Panalangin at Pagbati
● Pagtatala ng liban
● Pagtsek ng takdang aralin
● Pagbaybay ng salita

B. Presentasyon ng Aralin

1. Pagganyak

Ipagawa ang Tuklasin Mo A, KM, p. 154.

Itanong: Ano ang ibig sabihin ng nakahihiligan? Putahe?

Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.

2. Paglalahad

Nakaranas ka na bang magluto?


Ano ang pagkaing nailuto mo na?
Paano mo ito iniluto?

Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan.

3. Pagtalakay

‘Leading every learner towards excellence with grit and discipline’


Address: San Isidro, Batangas City
Contact Number: 740-0439
Email: 109623@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Batangas City

Ano ang sikretong rekado ng putahe sa ating kuwento?

Basahin nang malakas ang kuwento. Ang Sikretong Rekado Grace D. Chong OMF

Matapos ang pagbasa ng kuwento, balikan ang mga hula na ibinigay bago ang pakikinig ng kuwento.
Itanong: Ano ang sikretong rekado ng ating kuwento?

4. Paghalaw

Pangkatin ang klase.

Ipagawa ang sumusunod na gawain.

Pangkat I – Isadula ang mga pangyayari sa kuwento

Pangkat II – Iguhit ang nangyari kay Mang Ador

Pangkat III – Iguhit ang niluto ni Teo

Pangkat IV – Isulat ang sikretong rekado sa isang papel

5. Paglalahat

Ano ang naging damdamin mo matapos mapakinggan ang kuwento

IV. Pagtataya

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino-sino ang tauhan? Ilarawan ang bawat isa.


2. Ano-ano ang nangyari sa kuwento?
3. Bakit masaya si Teo? Bakit siya pinayagang magluto?
4. Paano naghanda si Teo sa ipinagagawa sa kaniya ni Mang Ador?
5. Ano ang kaniyang iluluto?
6. Ano-ano ang sangkap nito?
7. Naluto ba ito ni Teo? Bakit?
8. Saan galing ang mga pagkain sa bahay nina Mang Ador?
9. Ano ang ibig sabihin nito?
10. Ano ang sinabing sikreto sa kaniya ni Mang Ador
11. Saan ito galing?
12. Tunay nga kayang ito ang dahilan ng pagiging masarap naluto ni Mang Ador?

V. Takda

Ano ang paborito mong putahe? Isulat ang mga hakbang kung paano ito lutuin.

‘Leading every learner towards excellence with grit and discipline’


Address: San Isidro, Batangas City
Contact Number: 740-0439
Email: 109623@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Batangas City

‘Leading every learner towards excellence with grit and discipline’


Address: San Isidro, Batangas City
Contact Number: 740-0439
Email: 109623@deped.gov.ph

You might also like