You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Kwarter 1 Bilang ng Linggo 9 Araw 1

Petsa: Oktubre 23, 2023 Oras: 10:40-11:20 a.m.

MELCs
Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay
sa: a) edad; b) kasarian; c) etnisidad; at d) relihiyon

I. Layunin:
1. Natutukoy ang katangian ng populasyon
2. Nasasabi ang kahulugan ng populasyon
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng populasyon ng isang lugar

II. Paksang Aralin


Paksa: Populasyon
Sanggunian: MELC with CG Codes p. 35 Araling Panlipunan 3 PIVOT 4A BOW p. 169
Module pp. 13-16 LM p. 31-35
Kagamitan: larawan ng populasyon, tsart, powerpoint,
Pagpapahalaga: Pakikiisa

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit mahalagang matutunan natin ang mga pangunahing direksiyon?
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Gaano karami ang mga taong naninirahan sa inyong lugar? Kung ihahambing natin sa
karatig o katabing lugar, ano ang masasabi ninyo tungkol sa populasyon ng inyong lugar?
Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan.

Ano ang tawag natin dito?


Narito ang dalawang mahahalagang dapat nating tandaan:
1. Pamayanan- ay pangkat o grupo ng mga tao na naninirahan sa isang lugar.
2. Populasyon- ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook.

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

2.Paglalahad ng aralin
A. Pagsasagawa ng pangkatang gawain. Hatiin ang klase ayon sa dami para makabuo ng
pangkat na nais.
B. Pangkatang Gawain
Magbigay ng pamantayan sa paggawa upang mapanatili ang kaayusan ng klase.
Gawain:
a. Basahin at pag-aralan ang mababasa sa teksto.
b. Kumpletuhin ang tsart.
c. Humanda sa pag-uulat ang bawat pangkat.
Katangian ng Populasyon Kahulugan
1. Edad
2. Kasarian
3. Etnisidad
4. Relihiyon
Ang populasyon ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook. Iba’t-
iba ang kanilang edad at kasarian at ang kanilang pinanggalingan at pati na rin ang kanilang
relihiyon ngunit sila ay nakatira sa iisang pamayanan. Mahalaga ang bawat tao dahil sila ang
bumubuo ng populasyon ng isang lugar. Narito ang mga katangian ng populasyon:
d. Edad – pagsasabi kung ilang taon na ang isang tao.Tumutukoy kung bata o matanda.
e. Kasarian- pagtukoy kung lalaki o babae ang isang tao.
f. Etnisidad- pagtukoy sa isang tribo na kinabibilangan ng isang grupo ng tao. Ito rin ang
tinatawag na pangkat etniko. Mayroong Bisaya, Tagalog, Aeta, Maranaw, Igorot at iba pa.
g. Relihiyon- tumutukoy sa kung ano ang pananampalataya o paniniwala nabibilang ang isang
tao. Ang mga ito ay tulad ng Katoliko, Islam, Iglesia ni Cristo, Baptist.
3. Pagtatalakayan
Ano ang populasyon? Ano ang pagkakaiba nito sa pamayanan?
Ano – ano ang mga katangian ng populasyon?
Ilarawan kung ano ang tinutukoy ng edad, kasarian, etnisidad at relihiyon.
Bakit mahalaga ang populasyon sa isang lugar?
Paano ito nakatutulong sa lugar o komunidad na kanyang kinabibilangan?
Sa inyong palagay, ano ang maaaring mangyari kung walang populasyon?

4. Paghahalaw/ Paghahambing
Ano ang pagkakaiba ng populasyon sa pamayanan? Paghambingin ito.

5. Paglalahat
Ano ang populasyon? Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng populasyon sa isang lugar?

6. Paglalapat
Bilang isang bata na parte ng populasyon ng inyong lugar o komunidad, paano ka nakatutulong
upang maging maunlad ito? Ano- ano ang kayang mong gawin para dito.

7. Pagtataya
Tukuyin kung anong katangian ng populasyon ang tinutukoy sa bawat larawan kung ito ba ay edad,
kasarian, etnisidad o relihiyon.

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

1. Sila ang mga Muslim, naniniwala sila kay Allah.


2. Ang mga magulang niya ay kabilang sa pangkat ng Ilokano, sila ay nakatira sa Vigan Ilocos Sur.
3. Sa parteng ito, maraming namamasyal na mga bata kaysa sa mga matatanda.
4. Sa loob ng silid- aralan mas marami angb bilang ng mga lalaki kaysa sa mga babae.

IV. Kasunduan
Alamin ang bilang ng populasyon sa kinabibilangan mong pamanayan.

V. Repleksyon

QL: __________ QN: __________

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Kwarter 1 Bilang ng Linggo 9 Araw 2

Petsa: Oktubre 24, 2023 Oras: 10:40 – 11:20 a.m.

MELCs
Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay
sa: a) edad; b) kasarian; c) etnisidad; at d) relihiyon

I. Layunin:
1. Nasusuri ang katangian ng populasyon sa iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay sa edad
2. Nasasabi ang kahalagahan ng populasyon
3. Napahahalagahan ang mahalagang datos mula sa ahensya ng pamahalaan

II. Paksang Aralin


Paksa : Populasyon
Sanggunian: MELC with CG Codes p. 35, Araling Panlipunan 3 PIVOT 4A BOW p. 169
Module pp. 13-16 LM pp. 31-35 TG pp. 18-22 Kaunlaran pp. 20-25
Kagamitan : tsart, slide deck
Pagpapahalaga: Masiglang Pakikibahagi

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano- ano ang mga katangian ng populasyon? Bakit mahalagang malaman ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Laro.
Magkakaroon tayo ng isang laro ang pamagat nito ay “The Boat is Sinking” .
Papangkatin ang mga bata ayon sa unang letra ng pangalan, buwan ng kaarawan at edad. Pag –
usapan ang ginawang pangkat.

2.Paglalahad ng aralin
Basahin at unawain ang nilalaman ng Tuklasin Mo na nasa LM pp. 31- 35.
Pagkatapos ay tunghayan ang datos na ilalahad ng guro.

Populasyon ng Bahagi ng mga


Barangay ng Bauan, Batangas
Ayon sa 2010 Census Population and Housing (Approximated Value)
Barangay Populasyon
Alagao 1, 836
Aplaya 7, 604
As-is 2, 239
Lead and Educate toward Success
Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Bagong Silang 410


Baguilawa 1,412

Bilang ng Matatanda at Bata


Barangay Bata (edad 18 Matatanda ( edad Kabuuan
pababa) mataas sa 18)
Alagao 1, 001 835 1, 836
Aplaya 3, 998 3, 606 7, 604
As-is 1, 086 1, 153 2, 239
Bagong Silang 195 215 410
Baguilawa 715 697 1, 412

3. Pagtatalakayan
Ilang barangay sa Bauan Batangas ang ipinakitang bilang ng populasyon?
Ano- ano ang mga barangay na kabilang dito? Aling barangay ang may pinakamataas na bilang ng
bata o may edad 18 pababa? Pinakamababa?

4. Paghahalaw/ Paghahambing
Ano ang masasabi ninyo sa barangay na may pinakamalaki/ pinakamaliit na bilang ng populasyon?

5. Paglalahat
Paano natutukoy ang populasyon nh iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan?

6. Paglalapat
Ano ang masasabi mo sa populasyon batay sa edad? Paano makatutulong ang populasyon sa isang
barangay? Magbigay ng halimbawa.

7. Pagtataya
Panuto: Araling muli ang datus ng limang barangay sa pamayanan ng Bauan. Tukuyin ang
populasyon ng iba’t- ibang bilang ng edad sa pamayanan ng Bauan.

1. Alin sa mga barangay ang may pinakamaraming bata ang edad? Pinakakakaunti?
2. Aling barangay ang mas marami ang matatanda?
3. At iba pa..

V. Kasunduan
Gumawa ng datus ng populasyon ng bata at matanda sa inyong sariling barangay.

VI. Repleksiyon

QL: __________
QN: __________

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Kwarter 1 Bilang ng Linggo 9 Araw 3

Petsa: Oktubre 25, 2023 Oras: 10:40-11:20 a.m.

MELCs
Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay
sa: a) edad; b) kasarian; c) etnisidad; at d) relihiyon

I. Layunin:
1. Nasusuri ang katangian ng populasyon sa iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay sa
kasarian
2. Nasasabi ang kahalagahan ng populasyon
3. Napahahalagahan ang mahalagang datos mula sa ahensya ng pamahalaan

II. Paksang Aralin


Paksa: Populasyon sa Aking Pamayanan
Sanggunian: MELC with CG Codes p. 35, Araling Panlipunan 3 PIVOT 4A BOW p. 169
Module pp. 13-16, LM p. 31-35
Kagamitan: larawan ng populasyon, tsart, slide deck
Pagpapahalaga: Masiglang Pakikibahagi

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang katangian ng populasyon ang ating tinalakay sa nakaraang aralin?

B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
Sa ating klase, sino ang mas higit ang bilang babae o lalaki? Ilan ang mga lalaki, ilan ang
mga babae?

2. Paglalahad ng aralin
Basahin at unawain ang nilalaman ng Tuklasin Mo na nasa LM pp. 31- 35.
Pagkatapos ay tunghayan ang datos na ilalahad ng guro.
Populasyon ng Bahagi ng mga
Barangay ng Bauan, Batangas
Ayon sa 2010 Census Population and Housing (Approximated Value)
Barangay Populasyon
Alagao 1, 836
Aplaya 7, 604
As-is 2, 239
Bagong Silang 410
Baguilawa 1,412

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Bilang ng mga Babae at Lalaki


Barangay Babae Lalaki Kabuuan
Alagao 858 978 1,836
Aplaya 4,061 3,543 7,604
As-is 1,042 1,197 2, 239
Bagong Silang 171 239 410
Baguilawa 714 698 1, 412

3. Pagtatalakayan
Ano- ano ang bilang ng babae sa bawat barangay sa Bauan? Ng mga lalaki
Sa limang barangay na nabanggit, anong barangay ang may pinakamataas na bilang ng babae,
lalaki? Ilan ang bilang ng babae sa barangay Bagong Silang? ng mga lalaki

4. Paghahalaw/ Paghahambing
Ano ang masasabi ninyo sa barangay na may pinakamataas na bilang ng babae? ng lalaki?

5. Paglalahat
Paano natutukoy ang populasyon ng iba’t- ibang pamayanan sa sariling lalawigan?

6. Paglalapat
Ano ang masasabi mo sa populasyon batay sa kasarian? Paano nakatutulong ang mga babae at
lalaki sa inyong lugar o pamayanan? Magbigay ng halimbawa.

7. Pagtataya
Panuto: Araling muli ang datus ng limang barangay sa pamayanan ng Bauan. Tukuyin ang
populasyon ng iba’t- ibang bilang ng edad sa pamayanan ng Bauan.
1. Alin sa mga barangay ang may pinakamataas na bilang ng babae? Pinakamamabang bilang?
2. Aling barangay ang mas marami ang pinakamababa ang bilang ng babae? lalaki?
3. At iba pa.

V. Kasunduan
Gumawa ng datus ng populasyon ng inyong barangay at paghambingin ang bilang ng tao sa bawat
sitio ng barangay na iyong kinabibilangan.

VI. Repleksiyon

QL: ________

QN: ________

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Kwarter 1 Bilang ng Linggo 9 Araw 4-5

Petsa: Oktubre 26-27, 2023 Oras: 10:40-11:20 a.m.

I. Layunin
1. Nasasagot nang wasto ang mga tanong sa pagsusulit.
2. Nakasusunod sa panuto ng pagsusulit.
3. Naipakikita ang katapatan sa pagkuha ng pagsusulit.

II. Paksa
Paksa: Unang Panahunang Pagsusulit
Sanggunian: MELC ph. 143-146 SLM sa AP 3
CLMD 4A Budget of Work
Kagamitan: lapis, papel, test paper
Pagpapahalaga: Katapatan

III. Pamamaraan
A. Paghahanda ng kagamitan sa pagsusulit.
B. Pagtatakda ng pamantayan sa pagsusulit.
C. Pagkuha ng pagsusulit
D. Pagtataya
Nasunod ba ang panuto ng pagsusulit
Naipakita ba ang katapatan sa pagkuha ng pagsusulit.

IV. Kasunduan
Magsanay sa pagbasa at pagsulat. Mag-aral sa matematika ng multiplication table.

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph

You might also like