You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

Daily Lesson Plan


Araling Panlipunan 7

Petsa ng Pagtuturo: Pebrero 12, 2024 Markahan: Ikatlo


Oras ng Pagtuturo: 10:40am-11:40am Ruby
2:20pm- 3:20pm Sapphire

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa kasaysayan ng
Timog at Kanlurang Asya
2. Naipaliliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo
3. Naisasabuhay ang kaalaman tungkol sa epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa mga Asyano

II. Nilalaman
Papel ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kasaysayan ng Timog at Kanlurang
Asya
Most Essential Learning Competencies (MELC): Natataya ang mga epekto ng
kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya AP7TKA-IIIa1.4

III. Kagamitan Panturo


Sanggunian: MELCs AP7, ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Iba pang Kagamitan: Laptop, smart tv, chalkboard, powerpoint presentation, at
larawan

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagsasaayos ng Silid-Aralan at Pagtatala ng Liban
 Energizer
 Balitaan

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

 Balik- Aral
Ang guro ay tatawag ng mga mag-aaral na nais sumagot ng kaniyang
katanungan patungkol sa nagging talakayan noong nakaraangaraw.
Gabay na Tanong:
 Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw?
 Ibigay ang apat na uri ng pananakop
 Paano nagkakaiba ang mga ito?
1. Aktibiti
4Pics One Word!
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng aktibiti na kung saan mayroong ipapakita
ang guro ng apat na larawan na magsisilbing clue sa salitang hinahanap. Ito
ang halimbawa ng mga larawang kailangan nilang suriin.

Link: https://www.canva.com/

Gabay na tanong:
 Anu- ano ang mga salitang inyong nabuo mula sa gawain?
 Pamilyar ba kayo sa mga salitang inyong nabuo?
 Ano ang inyong ideya sa ating magiging talakayan ngayon?

2. Analysis
Magkakaroon ng malayang talakayan gamit ang powerpoint presentation.

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

 Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng


pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya.
 Aspektong Ekonomiya: Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na
materyales at pamilihan ng produktong Kanluranin. Umunlad ang sistema ng
transportasyon at komunikasyon upang mapabilis ang pagdadala at
pagluluwas ng mga produkto. Nailipat sa Europe ang mga likas na yaman ng
Asya na dapat pinakinabangan ng mga Asyano. Isinilang ang mga Asyanong
mangangalakal o middlemen siyang naging tagapagtaguyod ng ekonomiya.
 Aspektong Politika: Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang
teritoryo ang bawat bansa. Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga
Kanluraning bansa at sumulpot ang mga kolonyal na lungsod. Nawalan ng
karapatan ang mga Asyano sa pamahalaan ang sariling bansa gamit ang
sariling sistema. Nagpatayo din ng mga irigasyon, ospital, paaralan at
simbahan. Nagtatag ang mga mananakop ng isang sentralisadong
pamahalaan, ngunit ang matataas na posisyon ay para lamang sa mga
Kanluranin at ang mababang posisyon ay sa katutubo.
 Aspektong Sosyo-Kultural: Maraming katutubo ang yumakap sa
Kristiyanismo. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at
katutubo upang mapanatili ang katapatan ng kolonya. Nagkaroon ng
makabagong kaisipan at ideya na magamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan,
ekonomiya at iba pang aspeto ng buhay. Pinanghimasukan ang tradisyon ng
mga katutubo at ang mga kaugalian tulad sa mga pagkain at istilo ng
pamumuhay ay iginaya sa mga Kanluranin. Pagpapairal ng wikang
Kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.

3. Abstraksyon
Gabay na Tanong:
 Anu-ano ang naging epekto ng imperyalismo at kolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya?
 Sa iyong palagay, ano ang mga nagbago at nanatili sa buhay ng mga
Asyano sa ilalim ng kolonyalismo?

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

 Totoo bang ang imperyalismo ay nagbigay ng magandang


kinabukasan at pag-asa sa mga bansang sinakop? Pangatwiranan.

4. Aplikasyon
Ang mga mag-aaral ay aatasang lumikha ng isang sanaysay na sasagot sa
tanong sa ibaba. Isulat ito sa isang malinis na papel. Ang mga mag-aaral ay
bibigyan lamang ng sampong minuto para sa pagsasagot.
 Bilang isang Pilipino at Asyano, paano ka makatutulong sa pag-unlad
ng ating bansa, ng ating rehiyon sa makabagong panahon?
Rubriks:
Nilalaman………………………………………….5
Organisasyon……………………………………..5
Kabuuan…………………………………………..10

V. Pagtataya
Panuto: Suriin ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.
Isulat ang E - kung Ekonomiya, P- kung Pulitika, at SK - kung SosyoKultural na
epekto ang mga pahayag sa ibaba.
_____1. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at
pamilihan ng produktong Kanluranin.
_____2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
_____3. Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat
bansa.
_____4. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
_____5. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling
bansa gamit ang sariling sistema.
Tamang sagot:
1. E
2. SK
3. P
4. E
5. P

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

VI. Takdang Aralin


Ang mga mag aaral ay aatasang mag-aral at magsaliksik tungkol sa susunod
na talakayan, ang Nasyonalismo sa Asya.

Remarks and Reflections:


VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% above in the evaluation _____
B. No. of learners who require additional activities for remediation who scored
below 80% _____
C. Did the remedial lessons work? _____Yes _____No
D. No. of learners who continue to require remediation: _____.

Inihanda ni:

ANNA REALYN D. ARELLANO


Pre- Service Teacher

Iniwasto ni:

KARMINA M. RONQUILLO, MAEd


Cooperating Teacher

Pinansin ni:

REBECCA R. PAGCALIWAGAN, EdD


Principal IV

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020

You might also like