You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

Daily Lesson Plan


Araling Panlipunan 7

Petsa ng Pagtuturo: Pebrero 7, 2024 Markahan: Ikatlo


Oras ng Pagtuturo: 10:40am-11:40am Ruby
2:20pm- 3:20pm Sapphire

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo
2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pananakop
3. Nabibigyang halaga ang kaalaman patungkol sa ikalawang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo.

II. Nilalaman
Papel ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kasaysayan ng Timog at Kanlurang
Asya at Ang mga Nagbago at Nanatili sa Ilalim ng Kolonyalismo
Most Essential Learning Competencies (MELC): Nabibigyang halaga ang papel
ng kolonyalismo at imperyalismo sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya
AP7TKA-IIIa1.2

III. Kagamitan Panturo


Sanggunian: MELCs AP7, ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 197
Iba pang Kagamitan: Laptop, smart tv, chalkboard, powerpoint presentation, at
larawan

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagsasaayos ng Silid-Aralan at Pagtatala ng Liban
 Energizer
 Balitaan

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

 Balik- Aral
Ang guro ay tatawag ng mga mag-aaral na nais sumagot ng kaniyang
katanungan patungkol sa naging talakayan noong nakaraangaraw.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw?
2. Magbigay ng ilang dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo
sa Asya.
3. Magbigay ng ilang pangunahing salik sa panahon ng imperyalismo.

1. Aktibiti
Guess the Word!
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng aktibiti na kung saan kinakailangang
nilang magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang pananakop
at bigyang pakahulugan ito.

Pananako
p

Ang pananakop ay__________________________________________


_________________________________________________________
_________________.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


 Anu ano ang mga salitang inyong inilahad?
 Para sa inyo ano ang pananakop?
 Sa tingin nyo, saan patungkol ang ating tatalakayin sa araw na ito?

2. Analysis
Magkakaroon ng malayang talakayan gamit ang powerpoint presentation.

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

I. Uri ng Pananakop
 Sa Sphere of Influence ang isang lugar o maliit na bahagi ng bansa ay
kontrolado ng makapangyarihang bansa ang pamahalaan at pulitika
nito.
 Sa kolonya ang bansa ay isinasailalim sa pamamahala ng mananakop
na maaring tuwiran o di tuwiran sa pamamagitan ng pagtatag ng mga
institusyon tulad ng pamahalaan, batas at sistemama ng edukasyon
 Protectorate ang tawag sa bansang binigyan ng proteksyon laban sa
paglusob ng ibang bansa at pinahihintulutan ang mga opisyal ng
pamahalaang lokal na taglayin ang titulo at iba pang kapangyarihan
 Sa Concession ang mahihinang bansa ay nagbibigay ng konsesyon sa
mga makapangyarihang bansang mga espesyal na karapatang
pangnegosyo tulad ng karapatan sa daungan o paggamit ng likas na
yaman
II. Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
 Pinamahalaan at kinontrol ng mga Kanluranin ang ekonomiya ng mga
Asyano
 Ginamit ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman ng mga nasakop
na bansa upang makagaw a ng mas maraming produkto
 Kinontrol ng mga Kanluranin ang kalakalan at pinagtanim ang mga
Asyano ng mga produktong kailangan sa kalakalan.
 Kumita ang mga Kanluranin dahil ipinagbili nila ang mga sobrang
produkto sa kanilang mga kolonya sa Asya.

3. Abstraksyon
 Sa paanong paraan nagkakaiba iba ang uri ng mga pananakop na ito?
 Anu-ano ang mga naging epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya?

4. Aplikasyon

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

 Ipagpalagay na ang iyong sarili ay presidente ng bansang Pilipinas, ano


ang gagawin mo para maprotektahan ang bansang kinabibilangan mo
laban sa mga mananakop?

V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pinahahayag ng pangungusap at M kung
mali.
____1. Sa kolonya, ang mga bansa ay isinailalim sa pamamahala ng
mananakop na maaring tuwiran o di tuwiran sa pamamagitan ng pagtatag ng
mga institusyon.
____2. Ang di tuwirang pananakop ay direktang paggamit ng pwersa o
kapangyarihan.
____3. Consession ang tawag sa bansang binigyan ng proteksyon laban sa
paglusob ng ibang bansa at pinahihintulutan ang mga opisyal ng
pamahalaang lokal na taglayin ang titulo at iba pang kapangyarihan
____4. Kumikita ang Kanluranin dahil sa sobrang produktong ipinagbibili nito
sa kanilang mga kolonya sa Asya.
____5. Ang pananakop ay tumutukoy sa akto ng tuwiran, tahasan, 'di-
tuwiran, marahas, o tahimik na pagkuha o pag-angkin ng isang teritoryo.

Tamang sagot:
1. T
2. M
3. M
4. T
5. T

VI. Takdang Aralin


Ang mga mag aaral ay aatasang mag-aral tungkol sa susunod na tatalakayin,
ang nasyonalismo at ang paglaya ng bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Remarks and Reflections:

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY

VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% above in the evaluation _____
B. No. of learners who require additional activities for remediation who scored
below 80% _____
C. Did the remedial lessons work? _____Yes _____No
D. No. of learners who continue to require remediation: _____.

Inihanda ni:

ANNA REALYN D. ARELLANO


Pre- Service Teacher

Iniwasto ni:

KARMINA M. RONQUILLO, MAEd


Cooperating Teacher

Pinansin ni:

REBECCA R. PAGCALIWAGAN, EdD


Principal IV

Accelerate Learners’ Achievement with Excellence and Humility

Address: P. Herrera St., Batangas City


Telephone No. (043) 702-2094
Email: division.batangascity@deped.gov.ph
DEPEDBATC-SDO-F-009/R1/02-20-2020

You might also like