You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII

Banghay Aralin sa Filipino 2


Ikalawang Markahan/Ikalawang Linggo/Ikalawang Araw

Petsa: Nob.14, 2023 Oras: 1:00 – 1:50

MELC # 8

Nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuha ng mangyayari sa


nabasa/napakinggang teksto.

F2KM-Iib-f-1.2
(5 araw)

I. Layunin
1. Nahuhulaan ang susunod na mangyayari batay sa mga ibinigay na
sitwasyon.
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng hinuha sa kinalabasan ng pangyayari sa
bawat sitwasyon o kwento.
3. Napahahalagahan ang sarili o personal na karanasan
-
II. Paksang Aralin

Serving with Excellence; Values, Equality and Nobility

Address: Central Libjo, Batangas City


Telephone No. (043) 727-1358

Email: division.batangascity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII

A. Paksang Aralin
Paghihinuha ng pangyayari sa nabasa at napakinggang
kwento/mga sitwasyon
Sanggunian:
Modyul sa Filipino/ SLM, p.5-9
Kagamitan : mga larawan, pagsasanay, kwento, ppt.
Pagpapahalaga: Pahalagahan ang personal na karanasan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aral
Ibigay ang maaring sunod na mangyari sa sitwasyon na ipinakikita
sa larawan.

Siguro___________________
Baka______________
B Panlinang na Gawain
1Pagganyak (Pagsasadula)

(Isasadula ng mga bata ang mga sumusunod na sitwasyon, magtanong


ukol sa isinadula ng mga bata) Ano kaya ang susunod na mangyayari ayon
sa ipinakita nila?
1.Kumuha sina Dina at Dan ng sabon, maruming damit, tubig at panggana.
Maaring________________________.

Serving with Excellence; Values, Equality and Nobility

Address: Central Libjo, Batangas City


Telephone No. (043) 727-1358

Email: division.batangascity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII

2.Mahusay kang umawit, kinausap ka ng guro upang ikaw at ang mga


kaklase mo ay maghanda sa programa sa isang buwan, tinanggihan mo ito
dahil may lakad kayo ng pamilya mo sa ganoong petsa. Baka
___________________________________.
3.Maraming basurang dala si Esther, naiwanan ng trak ng basura ang
kanilang basura. Inilagay na lang nya ang mga ito sa tabi ng kanal.
__________________________________________________.

2. Paglalahad ng aralin
(Paghula sa susunod na maaring mangyayari mula sa mga sitwasyon).
Mga karaniwang gawain sa loob at labas ng silid-aralan.
a.Pumila nang maayos si Danica papunta sa kantina upang bumili ng
meryenda nya.
b.Sinagot sagot ni Abhy ang kanyang ina habang pinapangaralan sya nito.
Maaring,_______________________________________.

2.1Pagtalakay

Ano mga bata ang paghihinuha ng mga pangyayari ayon sa mga


ibinigay o nakitang halimbawa?
*Ang paghihinuha ay pagbibigay ng kasalukuyang nadarama, iniisip,
katangian, o nangyayari batay sa paglalarawan ng mga detalye o isang
sitwasyon. Maaring ito ay positibo o negatibo.
Ginagamitan ito ng mga salitang tulad ng tila, baka, mangyari, marahil
siguro.

Serving with Excellence; Values, Equality and Nobility

Address: Central Libjo, Batangas City


Telephone No. (043) 727-1358

Email: division.batangascity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII

1. Pagsasanay

Isulat ang maaring maging hinuha mo o susunod na mangyayari sa mga


pangyayari o sitwasyon sa ibaba.
a.Pinutol ng pinutol ni Mang Isko ang mga puno sa kanilang hardin, hindi
na nya ito napalitan ng mga panibagong puno.
_______________________________________________________.
b.Ang mga bata ay nagligpit na ng mga gamit nila sa eskwelahan at
pagkatapos ay nagpaalam na sila sa kanilang guro.
_________________________________________________________.

4. Paglalahat
Ano nga muli mga bata ang paghihinuha ng mga pangyayari?
Ano-ano nga muli ang ginagamit na salita upang makapaghinuha ng
mga pangyayari ukol sa isang kwento/ sitwasyon?
5.Paglalapat
Sagutin sa inyong kwaderno.
1.Ang pinagkainan ni Lorna ay iniwan na lang nya sa ibabaw ng mesa sa
kantina. Dali-dali syang umalis at nagtungo na sya sa sunod nyang klase.
______________________________________________________________.
2.Inilabas na ni Fe ang kanyang mga gamit sa eskwelahan tulad ng libro,
kwaderno at lapis. ______________________________________________________.

Serving with Excellence; Values, Equality and Nobility

Address: Central Libjo, Batangas City


Telephone No. (043) 727-1358

Email: division.batangascity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII

IV. Pagtataya
Sagutin sa isang buong papel. Ano kaya ang sunod na mangyayari?

1. ________________ 2. _________________

3. _______________ 4. _________________

5. Hindi nakakuha ng pagsusulit si Kara noong isang Linggo dahil sa


mataas ang kanyang lagnat. Hindi rin nya nasagutan ang mga pagsasanay
sa modyul na ibinigay na takda ng guro.____________________________.

V. Kasunduan
Pag-aralan pang mabuti ang tungkol sa pagbibigay ng hinuha o
mangyayari ukol sa iba’t-ibang sitwasyon o nababasang mga kwento.

Repleksyon:
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation.
C.Anotasyon

Serving with Excellence; Values, Equality and Nobility

Address: Central Libjo, Batangas City


Telephone No. (043) 727-1358

Email: division.batangascity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII

Serving with Excellence; Values, Equality and Nobility

Address: Central Libjo, Batangas City


Telephone No. (043) 727-1358

Email: division.batangascity@deped.gov.ph

You might also like