You are on page 1of 12

Score:

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SIARGAO
DAPA WEST DISTRICT
DAPA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL AND SPED CENTER

1st SUMMATIVE TEST


FILIPINO 5
(2ND Quarter)

Name: _________________________________________________________________Grade/Section: _________________________

I.Panuto: Saliksikin ang mga hinihinging impormasyon sa sumusunod na diyagram.Itala ang iyong
mahahalagang impormasyong nasaliksik.

Ano ang COVID 19?

Ano ang mga sintomas nito? Paano naipapasa o


nakahahawa? Paano ito maiiwasan?

II.Basahin ang Dokumentaryo.Bilogan an letra ng tamang sagot.


Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay
ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang magagawa ngayon
ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos nito ay naging
senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of America. Si Quezon ay
mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at
nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng Malasariling Pamahalaan noon. Sa pamamagitan ng
pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at
mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil
sa kaniya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng
Wikang Pambansa.”
1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?
A. Andres Bonifacio c. Diosdado Macapagal B. Jose Rizal d. Manuel Quezon
2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
A. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
B. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
C. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
D. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
3. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A. guro, doctor, abogado
B. senador, modelo, kawal
C. alkalde, kongresista, pangulo
D. abogado, gobernador, senador
4. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
A. Pamahalaan ng Biak na Bato.
B. Pamahalaang Commonwealth.
C. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
D. Pamahalaang Rebolusyunaryo.
5. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
A. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
B. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
C. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
D. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.

II. Punan ang tamang sagot. Pumili ng tamang sagot sa kahon.


1.Ang ________o ang saglit na paghinto sa pagbigkas. Ito ay depende sa bantas na ginamit sa pagsulat ng
tula. Kapag kuwit ang bantas bahagya lang titigil (pause) ngunit kung tuldok naman ang ginamit na bantas,
titigil sa bahaging may tuldok bago magpatuloy sa pagbabasa kung mayroon pang kasunod na taludtod o
saknong.
2.Ang ________sa pagbigkas ng tula na inilalapat sa salita o pantig ayon sa tindi ng damdaming
ipinahahayag.
3. Ang _______sa pagbigkas ng tula ay maaaring mataas o mahina at payapa o mahinahon ayon sa
damdamin o emosyong ipinahahayag.
4. Ang _____________sa pagbigkas ng tula ay pagpapakita ng tamang ekspresyon ng mukha. Maaaring
masaya, o malungkot, may galit o pagmamahal.
5. Ang _______________________ay ang paraan ng pagkilos o paggalaw na ng bumubigkas ng tula.
Mahalaga ito upang maging kawilili-wili at kapani-paniwala ang pagbasa.
antala diin tono damdamin tikas, galaw, at kumpas

III. Panuto: Pag-aralan mabuti ang sumusunod. Magbigay ng iyong sariling opinyon o reaksyon sa sitwasyon
o pangyayari sa bawat larawan.
Pangyayari/Sitwasyon Sariling opinyon o reaksyon

1.

2.
3.
3

IV. Panuto: Basahin ang bawat pahayag.Tukuyin kung alin ito sa mga tamang hakbang sa wastong pagsagot sa
telepon.Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

v
A.Pagbati C.Pagtatanong

B.Pagpapasalamat D. Paghingi ng Pahintulot


_______________1. “Maari po bang makausap si Ginang Tess”
_______________2.”Sino po ang hinahanap ninyo?”
_______________3.”Maraming salamat po sa pagtawag.”
_______________4.”Magandang Hapon po.”

Panuto: Gumuhit ng kung ang pahayag ay gumagamit ng magagalang na pananalita.


Gumuhit ng kung hindi.Iguhit ito sa katabing numero.

1. “Maari po ba akong making ng tubig?’’


2. ‘’Bakit,Lolo?Ano ang nangyari?
3. “Magandang umaga po, Bb. Marisa.”
4. “Paraan nga dyan,Gio!”
5. ‘’Tumabi ka nga dyan.’’
V.Panuto: Punan ang personal data sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga datos na hinihingi.

Personal Data

Pangalan(Name):___________________________________
Tirahan(Address):_______________________________________
Address ng probinsya(Provincial Address):____________________________________
Cellphone No. /Telepono:___________________
E-mail:____________________
Petsa ng Kapanganakan(Date of birth):_______________________
Taas:______________
Civil status:__________________
Religion:_____________________
Ama:___________________________
Ina:_____________________________
Kasarian:__________________________
Bilang ng mga Kapatid: ___________

_____________________________
Lagda

Merry Christmas & Happy New Year


Inihanda: Bb. Jenniveve G. Lorozo

Parents Signature: _____________________

You might also like