You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF SAN PABLO CITY
AMBRAY DISTRICT
AMBRAY ELEMENTARY SCHOOL
SAN PABLO CITY
LINGGUHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan (Week 2)
Pangalan: ____________________________ Petsa: _____________________
Baitang/Seksyon: _______________________ Iskor: ______________________

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
______1. Ang mga salitang ito ay mga banyagang salita na hiniram lang natin sa mga dayuhan. Ano ito?
A. salitang minana B. salitang hiram C. salitang sinalin D. salitang atin
______2. Ito ay isang pang-araw-araw na tala lalo na ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon
at pananaw.
A. anekdota B. talaarawan C. palabaybayan D. talabuwanan
______3. Ito ay maikling kuwento na isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang tao na kapupulutan ng
aral.
A. anekdota B. talaarawan C. palabaybayan D. talabuwanan

4-7. Paano isulat ang wastong baybay sa wikang Filipino ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?
______4. Napakasarap ng biniling cake ni Nanay para sa kaarawan ni Ate Lita.
A. keyyk B. kayk C. keyk D. kaeyk
______5. Paboritong laro ng magkaibigang Kobe at Antonio ang basketball.
A. basketbol B. basketboll C. baskettbol D. bassketbol
______6. Ang teacher ang nagsisilbing pangalawang magulang sa mga mag-aaral.
A. titser B. tetser C. titsser D. titseer
______7. Si Prince ang leader sa kanilang grupo.
A. lieder B. lidder C. lider D. leder

Panuto: Basahin ang anekdota sa buhay ni Jose Rizal. Sagutin ang mga tanong kasunod nito.

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina’y
hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't
sandali munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawat titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at
manaka-naka ay nangangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik
ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na
namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.
8. Sino ang batang labis ang hangaring matuto ng abakada? ____________________________
9. Ilang taon siya nang maisip niyang gusto pala niyang matuto nang magbasa? _____________________
10. Sino ang nagpakilala sa kanya ng mga titik sa abakada? _____________________________
11. Ano ang naging reaksyon ng kanyang ina at mga kapatid sa mabilis niyang pagkatuto ng abakada? ______
12. Ano ang ipinamalas na katangian ni Pepe? ____________________________________

Panuto: Basahin ang talaarawan ni Mimi. Sagutin ang mga tanong kasunod nito.

Miyerkules, ika-3 ng Hunyo 2020

Madaling araw kanina ay nanganak ang aming pusa. Sabik naming inabangan ang paglabas ng mga
munting kuting kaya naman maaga pa lang ay nasa kusina na kami. Habang naghahanda ng almusal ang
nanay ay sumilip kami sa aming alaga. Parang pagod na pagod ito. Ang saya ng aking pakiramdam nang
makakita ako ng apat na mga kuting na may kulay na puti, abo at mayroon din na magkahalong itim at abo.

13. Kaninong talaarawan ang iyong nabasa? ______________________


14. Ano ang kinasasabikan niyang abangan? _________________________
15. Ilang kuting ang nakita niya? _______________

You might also like