You are on page 1of 3

Ilarawan ang tauhan at tagpuan sa bawat sitwasyong ibinigay.

Bilugan ang letra ng tamang


sagot.
1. Si Roy ay nagbubulakbol sa pagaaral. Madalas itong sumasama sa mga barkadang
naglalagi sa daan sa lansangan. Kaya naman palagi siyang napapagalitan ng kanyang
tatay. Si Roy ay ________.
A. masunurin
B. sinungaling
C. masikap
D. matigas ang ulo
2. Maaga pa’y nasa tabing simbahan na si Lina upang magtinda ng kandila at sampaguita.
Ibinibigay niya sa kanyang ina ang kanyang kinikita sa araw-araw. Si Lina ay ________.
A. matulungin
B. masayahin
C. madaldal
D. maagap
3. Si Karen ay bunso sa limang magkakapatid. Hindi siya nagpapabilli ng bagong damit at
iba pang gamit dahil para sa kanya sapat na ang mga pinagliitan ng kanyang mga
kapatid. Si Karen ay _______.
A. maunawain
B. maawain
C. matipid
D. masikap
4. Nalaman ni Lorie na ampon lamang siya sa pamilyang napamahal na sa kanya. Labis
siyang nasaktan. Bunga nito, nagsimula siyang magrebelde at magpabaya sa pag-aaral.
Si Lorie ay_____.
A. madamdamin
B. masasakitin
C. bukas ang isip
D. mapagmahal
5. Aktibo si Rene sa pagsali sa mga programang pangkabataan na may adhikaing isulong
ang mga halimbawa ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Buhay pa rin
sa kaibuturan ng kanyang puso na siya ay kabilang sa pag-asa ng Inang Bayan. Si
Rene ay _______.
A. aktibista
B. makabayan
C. palakaibigan
D. marunong makisama

E. Maraming tao sa palengke


dahil
F. maraming namimili. Tiyak na
G. __________________.
H. A. Tahimik at malinis sa
palengke
I. B. Maingay at mainit sa
palengke
J. C. Malamig at tahimik sa
palengke
K. D. Sarado ang palengke
6. Maraming tao sa palengke dahil maraming namimili. Tiyak na __________________.
A. Tahimik at malinis sa palengke
B. Maingay at mainit sa palengke
C. Malamig at tahimik sa palengke
D. Sarado ang palengke

7. Komportableng natutulog sa kanyang kuwarto si Elena. Ilarawan ang kwarto ni Elena.


A. Tahimik at malinis
B. Magulo at maingay
C. Marumi
D. Makalat

Lagyan ng / ang patlang na katapat ng sagot.


8. Ricky, halika. Sabay-sabay tayong magtanghalian ng iba pa nating mga kamag-aral.
_____pautos _____palabati ____palakain ____palakaibigan
9. Alam kong ginagawa mo ang iyong makakayana. Huwag kang mag-alala.
_____maunawain ______matapang _____matampuhin _____mainipin
10. Baka hindi ako matanggap. Hindi na lang kaya ako mag-aaplay sa trabahong iyon.
_____mapagmalaki _____mapagpasensiya _____matatakutin _____makasarili

You might also like