You are on page 1of 5

DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO 2

Unang Markahan

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Sagutan ito sa isang


malinis na papel. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
1. Si Myrna ay may alagang napakagandang pusa na nagngangalang
Mia. Iniligtas niya ito mula sa pagkakahulog sa malalim na hukay. At
napansin niya na may mga pusa at aso pa din na nangangailangan ng
bagong tahanan. Gusto sana ni Myrna na kunin at alagaan ang mga
hayop na nandoon. Ano ang ibig sabihin ng tekstong iyong binasa.
A. May alagang pusa si Myrna.
B. Iniligtas ni Myrna ang pusa sa pagkakahulog sa
malalim na hukay.
C. Nais niyang tulungan pa ang ibang aso at pusa na
nasa malalim na hukay tulad ni Mia.
D. Walang pakialam si Myrna sa mga hayop.
2. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigan at kuya niya ang nagbukas
sa iyo. Paano mo tatanungin ang kuya ng iyong kaibigan?
A. Nandiyan si Jerry?
B. Magandang umaga, si Jerry?
C. Magandang umaga po, nandiyan po ba si Jerry?
D. Nasaan si Jerry?
3.Tumawag sa telepono ang kuya ng kaibigan mo at ikaw ang
nakasagot. Ano ang iyong sasabihin mo sa kanya?
A. Sandali, tatawagin ko.
B. Ay! Baka tulog.
C. Sandali lang po, tatawagin ko si kuya.
D. Maghintay ka diyan!
4. Inutusan ka ng iyong itay na bumili sa tindahan ng bigas. Ano ang
isasagot mo sa iyong tatay?
A. May ginagawa po ako.
B. Opo, itay.
C. Ayoko, itay.
D. Mamaya na!
5. Sabihin kung ano ang mensaheng nais ipabatid ng
karatula.
 

Manatili sa loob ng bahay. Manatiling Ligtas.


 

A. Lumabas ng bahay araw-araw.


B. Panatilihin ang kaligtasan.
C. Huwag lumabas ng bahay upang maging ligtas.
D. Minsan lang lumabas ng bahay.
6.Ang batang si Berto ay laging lumiliban sa klase. Alam niya na
ang pamilya niya ay mayaman at nag iisa siyang anak. Sabi niya sa
kanyang sarili “Marami kaming pera kaya’t hindi ko na kailangang
mag-aral pa!” Hanggang sa nagkasakit ang kanyang ama at hindi
nagtagal ay binawian na ng buhay. Nagsimula na silang maghirap sa
buhay, napansin niya na ang mga kaklase niya dati ay may mga
trabaho na samantalang siya ay nag-aaral pa. “Kung nag-aral sana
ako ng mabuti noon, hindi sana kami naghihirap ngayon” ang
pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina
na hirap na hirap sa pagtatrabaho makakain lang sila.
Ano ang masasabi mo sa maikling kuwento na ito? 
A. Ang yaman ay hindi nauubos.
B. Ang tatay ang susi sa kayamanan.
C. Ang nanay ang magtatrabaho para yumaman ang pamilya.
D. Huwag sayangin ang pagkakataon at panahon ibinigay sa atin.

II. Panuto: Basahin ang kuwentong pinamagatang, ”Ang Leon at ang


Daga”. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Isang araw, mahimbing na natutulog ang Leon habang nilalaro
ng Daga ang buntot nito. Biglang nagising ang Leon at ito ay nagalit.
Nakiusap ang Daga na huwag siyang kainin ng Leon at nangakong
balang araw ay makakatulong din ito sa kanya. At hinayaan na nga ng
Leon na umalis ang Daga. Hanggang sa isang umaga, may mga
mangangaso na pumunta sa gubat upang manghuli ng Leon, nahuli
nila ang Leon sa pamamagitan ng patibong. Hindi makawala ang
Leon, mula sa hindi kalayuan, narinig ng Daga ang sigaw ng Leon.
Agad na nagpunta ang Daga sa kinaroroonan ng Leon upang sagipin
ito. Nginatngat nang nginatngat ng Daga ang tali hanggang sa
makawala ang Leon. Simula noon araw-araw nang naglalaro ang
Daga sa buntot ng Leon, at naging matalik silang magkaibigan.

7. Bakit pinakawalan ng Leon ang Daga?

A. Nakiusap sa kanya ang Daga na huwag siyang kainin.

B. Nag-iiyak ang Daga.

C. Nagtatakbo ang Daga.

D. Nagbait ang Daga.

8. Paano nakatulong ang Daga sa Leon?

A. Binigyan niya ito ng makakain

B. Pinagsilbihan niya ito ng mahabang panahon

C. Nginatngat niya ang tali upang makawala ang Leon

D. Binigyan niya ito ng munting sorpresa

Sundin ang panuto.

9 -10. Gumuhit ng hugis bituin sa inyong papel. Isulat ang inyong


pangalan sa loob ng bituin.
11. Ang salitang talino kapag dinagdagan ng unang pantig na “ma” ay
magiging bagong salitang ________na ang kahulugan ay
mahusay/magaling.
A. mata
B. matalino
C. malino
D. matalo
12. Alin sa sumusunod na salita ang matatagpuan sa salitang
kayamanan na ang ibig sabihin ay mga ari-arian.
A. kawan
B. maya
C. yaya
D. yaman
13. Ang maikling salita na matatagpuan sa lababo na ang kahulugan
ay paglilinis ng mga damit.
A. laba
B. bola
C. labo
D. bala

Isulat ang mga pangungusap na may wastong baybay, bantas at


gamit ng malaki at maliit na letra.

14. mahal ang kuwentas na ginto


15. gamitin mong pangkolay ang krayula
SUSI SA PAGWAWASTO
1. C
2. C
3. C
4. B
5. C
6. D
7. A
8. C
9. (bituin na may pangalan ng bata sa
10. loob nito)
11. B
12. D
13. A
14. Mahal ang kuwintas na ginto.
15. Gamitin mong pangkulay ang krayola.

You might also like