You are on page 1of 2

Piliin ang angkop na reaksyon o opinyon tungkol sa nabasang talata.

1. Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. “Tara, maglakad na tayo para hindi ayo mahuli sa klase,” yaya ni Greg. “Sige”
sagot ni Annie. “Meron nga pala tayong pagsusulit ngayon sa Filipino. Nag-aral ka ba?,” sabi ni Greg. “Oo naman, pinaghandaan ko ang araw na ito wika ni
Annie. Anong katangian meron sina Greg at Annie.
A. Sina Greg at Annie ay hindi handa sa pagsusulit.
B. Sina Greg at Annie ay may pagpapahalaga sa pag-aaral.
C. Sabik pumasok sina Annie at Greg upang maglaro.
D. Sabik gumala sina Greg at Annie kaya gusto nilang pumasok ng maaga.
2. Sa Bayan ng San Andres may isang lalaki na nilalayuan ng mga tao dahil siya ay napaka itim, dahil dito laging malungkot ang lalaki at laging nag-iisa. Isang
araw may isang babae na lumapit sa kanya at laking gulat niya ng siya ay kinausap nito, “Kamusta? Ako nga pala si Jackie, at ikaw si?” tanong ng babae.
“Ako si Fred, bakit mo ako kinakausap?” sagot ng lalaki. Ano ang masasabi mo sa reaksyon ni Fred?
A. Hindi makapaniwala si Fred na may gustong makipagkaibigan sa kanya.
B. Alam ni Fred na nagsisinungaling ang babae.
C. Nahihiya si Fred na makipag-usap sa babae
D. Malungkot si Fred sa pangyayari.
3. Isang araw naglalakad si Jessica pauwi mula sa trabaho. Laking gulat niya nang marinig ang mahinang iyak ng bata. Muntik na niyang lampasan ang bata,
Nang buhatin ni Jessica ang bata, ang munting sanggol ay may mga sugat sa katawan. “Aba kawawa naman ang batang ito. Ano sa palagay mo ang
pinakatamang ginawa ni Jessica?
A. Pinanood ni Jessica ang batang umiiyak.
B. Iniuwi muna ni Jessica ang bata upang gamutin bago isauli ito sa kanyang ina.
C. Nagkunwaring hindi narinig ang iyak ng bata.
D. Malungkot na umuwi si Jessica dahil sa kanyang nakita.
4. Binigyan ng pera si Bea ng kanyang ina para ipambayad sa kanyang proyekto. Ngunit hindi inaasahang nagastos ni Bea ang pera sa walang kwentang
bagay, dahil dito hindi alam ni Bea saan siya kukuha ng pera para mabayaran ang kanyang proyekto. Ano ang pinakatamang gagawin ni Bea?
A. Naisip ni Bea na kumuha sa wallet ng kanyang ina ng walang paalam.
B. Pag-uwi niya ay pumasok siya sa kwarto ng ina at dahan-dahan kumuha ng pera,
C. Sinabi sa ina ang totoong nangyari at humingi ng tawad.
D. Umiyak ng malakas upang maawa ang ina sakanya.
5. Si Aling Luding ay madalas mamili sa groseri. Namimili siya ng mga de lata tulad ng sardinas, karne norte, salmon, tuna at kondensada. Namimili rin siya
ng mga prutas, mantika, asukal, kape, toyo, patis at suka. Pauwi na siya nang magtaka siya dahil marami pa rin siyang pera kahit napakarami na ng napamili
niya. Ano ang ginawa ni Aling Luding?
A. Naisip niyang marahil ay sobra ang isinukli sa kanya doon sa kanyang suking tindahan at masayang umuwi.
B. Nagkunwaring hindi maalala ang nangyari at isiping ito ay biyaya ng Diyos.
C. Ibili ng ipa pang pagkain ang nasobrang pera.
D. Bumalik sa pinagbilhan at alamin kung nagkamali ang tinder sa kanyang pagsukli.
Basahin ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mensahe / kaisipan nito. Piliin ang letra ng tamang sagot.
6. “Pag may isinuksok, may madudukot “ sa panahon ngayon na kung saan ay nakararanas tayo ng kahirapan, itaga natin sa bato na ang bawat sentimong ating
ginagastos ay napakalaking bagay upang tayo’y mabuhay. Huwag nating hayaang mabutas ang ating bulsa nang dahil lamang sa walang kabuluhang paggastos ng sa
gayo’y mabawasan na ang mga taong naghihirap sa ating bansa.
A. Matutong magtipid upang hindi makaranas ng paghihirap.
B. Hanggat may panggastos dapat lang na bilhin anuman ang naisin.
C. Marami ng taong naghihirap dahil sa labis na paggastos.
D. Huwag nating pabayaang mabutas ang ating bulsa.
7. Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog ng kilay para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na ang
bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang maging maayos ang pamamalakad ng ating bansa.
A. Ang mga Pilipino ay may likas na pagpapahalaga sa edukasyon.
B. Dapat magsunog ng kilay sa pag-aaral.
C. Ang edukasyon ay mahalaga.
D. Patunayan natin na mahalaga ang edukasyon.
8. Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na nangangailangan tayo ng tulong sa ating kapwa. Tulong na ang kapalit ay ang simpleng “pagtanaw
ng utang na loob.” Hindi ba’t isa rin ito sa mga pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “ ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.”
A. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa sa mga kaugaliang pinahahalagahan natin.
B. Tumulong sa nangangailangan upang ikaw din ay tulungan kung mangailangan.
C. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat na magpakatatag.
D. Hindi lahat ng pagkakataon ay maganda ang buhay natin.
Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t-ibang seleksyon. Isulat ang A- kung ito ay piksyon at B- di-piksyon.
9. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang
bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.
10. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa
kapatagan sa sapa na nasa may bundok.
11. Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural
Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.
12. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
13. Si Pagong at si Matsing ay dating magkaibigan, subalit nagkaroon sila ng pag-aalitan dahil sa isang puno ng saging na kanilang pinaghatian.
14. Kamakailan ay naibalita sa telebisyon na may mga nangunguha ng bata , kaya pinag-iingat ang lahat at maging alerto.
15. Ang alibughang anak ay bumalik sa kanyang ama matapos niyang mapagtanto na mas masarap pa ang kinakain ng mga inaalagaang baboy kaysa sa kanya.
B.
16.nobela
17.biblya
18.parabula
19.telebisyon
20.talambuhay

You might also like