You are on page 1of 2

SURIGAO CITY PILOT SCHOOL

Surigao City
School ID: 132272

LAGUMANG PAGSUSULIT NO. 3


FILIPINO 6
( Kuwarter - I – Modyul 5 & 7 )

PANUTO: Ingatan nang mabuti ang papel na ito. Huwag ninyo itong sulatan at kusutin . Isulat sa inyong
lagumang pagsusulit na kuwaderno (summative test notebook) ang inyong mga sagot.

A. Ibigay ang wastong kahulugan ng mga sawikaing ginamit sa pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot:
1.Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato, Kahit hindi nila ako tutulungan, aangat ang ating kabuhayan."

\ A. Managa si Julia C. Pupukpukin ni Julia ang bato


B. Tutuparin ni Julia ng walang sala ang kanyang sinabi D. Tatagain ni Juli ang bato

2. Kung gusto mong "maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.

A. Magsabi ng katotohanan C. Maglaro ng buhangin


B. Magsinungaling D. Magpatiwakal

3. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas,

A. Namumutla C. May ahas na nakapasok sa bahay


B. Nangangati ang lalamuna D. Hindi nakakibo, nawalan ng lakas na magsalita

4.Puro balitang kutsero ang  naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.

A. Balitang sinabi ng kutsero C. Balitang makatotohana


B. Balitang walang katotohan D. Balitang maganda

 5. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.

A. Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao C. Nagkaigihan
B. Pinagsama-sam ang mga balat at tinalupan D. Nagkaba

 6.Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay naglalaro
ng apoy.

A. Nagluluto C. Nasunugan
B. Nagpapainit D. Nagtataksil sa kanyang asawa

 7. Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.

A. Mata-pobre C. Parating wala sa bahay


B. Galante;laging handang gumasta D. Laging kasapi sa lipunan

8. Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya't maraming may galit sa kanila.

A. May sakit sa dila C. May singaw


B. Daldalero o daldalera D.Nakagat ang dila

9. Ang apat na anak nina Nita at Mark ay tinaguriang mga anghel ng tahanan.

A. Maliit na mga bata C. Malilikot na mga bata


B. Magugulong mga bata D. Salbaheng mga bata

 10.Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa sariling pugad nila.

A. Pugad ng kanilang ibon C. Sariling tahanan


B. Pugad ng kanilang mga manok D. Sariling kuwarta
B. Piliin ang titik ng tamang salawikain para sa sumusunod na sitwasyon:

11. Ang batang laki sa layaw ay lalaking suwail, walang galang at walang pagpapahalaga sa kapya niya.
A. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat C. Anak na hindi paluhain, ina ang patatangisin
B. Matalino man ng matsing, napaglalalangan din D. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha
mo'y pahirin muna
12."Nay, gusto ko na pong bumali sa inyo. Hirap na hirap na po ako sa buhay may-asawa."
A. Akala ni Kapaho: ang pag-aasawa'y biro;kanin bagang isusubo't iluluwa kung mapaso
B. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
C. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto, sapagkat may sarili ring kinang ang tanso
D. Saan mang gubat ay may ahas
 13.Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at hindi na niya gagawin ang ginagawa
niyang maganda
` A. Matalino man ang matsing, napaglalamangan din C. Saan mang gubat ay may ahas
B. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib D. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat
14. Kahit kailan daw ay hindi magugustuhan ang lalaking iyon. Hindi raw niya ito tipo.
A. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo'y pahiran muna
B. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat
C. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
D. Akala ni Kapaho: ang pag-aasawa'y biro; kanin bagang isusubo't iluluwa kung mapaso
15. Tandaan mo,  hinding-hindi na kita pauutangin ng pera
A. Naghalo ang balat sa tinalupan C. Pag-iisang dibdib
B. Naghalo ang balat sa tinalupan D. Itaga mo sa bato

C. Basahin ang kuwento at ibigay ang sagot sa mga hinuha sa mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot:

ISANG PANGYAYARI SA DAAN


Bigla ang pangyayari. Hindi malaman kung saan nanggaling ang bata. Bigla itong sumibad sa gitna ng daan at
bago niya nalaman, nabundol na siya ng isang dyip. Nagdatingan ang maraming tao. Kasama na rito ang ina ng
bata. Lumuluha itong sumama sa ambulansiyang nagdala sa kanyang anak sa ospital. Galit na galt ang nga tao.
Gusto nilang bugbugin ang tsuper. Nang kanila nang dadaluhungin ang tsuper, siyang pagdating ng pulis.
“Hintay!” ang sigaw ng pulis. “Hindi kayo ang batas, Bayaan ninyong ang batas ang magparusa sa kanya.”
“Hindi pa ba sapat ang katibayang ito na nangyari sa bata?” Ang tanong ng nagagalit na isang lalaki.
“Hindi kayo ang makapagpapasiya niyan,” ang paliwanag ng pulis. “Tanging ang hukuman lamang ang
makapagpapatunay kung may kasalanan siya o wala. Maghintay kayo hanggang mapatunayan ng hukuman ang
kanyang pagkakasala.”

1. Ano kaya ang ginawa ng mga tao pagkatapos makapagpaliwanag ang pulis?
A. Hindi na sila kumibo.
B. Sinunggaban nila ang pulis.
C. Dinaluhomg pa rin nila ang pulis.
D. Tumakbo ang mga tao.

2. Ayon sa batas , kailan maaaring parusahan ang isamg tao?


A. pagkatapos makapagpaliwanag ang pulis
B. pagkatapos makapagpasiya ang pulis
C. pagkatapos mapatunayan sa hukuman na tunay siyang nagkasala
D. pagkatapos siyang nabugbog

3. Ano ang naging kasalanan ng tsuper?


A. pagsunod sa trapiko
B. pagtingin sa pulis
C. mabilis na pagpapatakbo
D. ang matinding pagpreno

4. Sa pangyayari, ano kaya ang mangyayari kung hindi pa dumating ang pulis?
A. Namatay na ang ina ng bata.
B. Binugbog na ng mga tao ang tsuper
C. Napabayaan ang kalagayan ng ina at bata.
D. May mga taong umiiyak

5. Upang maiwasan ang aksidenteng naganap, ang dapat gawin ng bata ay ________.
A. Tumakbo nang mabilis sa pagtawid sa daan.
B. Maghanap ng pulis bago tawagin ang ina.
C. Mag – ingat sa pagtawid sa daan.
D. Hindi makinig sa mga babala.

GOOD LUCK! GOD BLESS! STAY AT HOME !STAY SAFE!

You might also like