You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Timalang National High School


Timalang,Ipil,Zamboanga Sibugay

Pangalan :___________________________________________Iskor:______
Baitang / Seksyon :___________________________________Petsa:_____

1. Ito ay mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon
sa pamamagitan ng pasalindila (paraan na pagkukuwentong pasalita).
A. Kuwentong Bayan B. Kasabihan C. Salawikain d. Sawikain

2.Bakit kailangan ng datu ang mag-asawa?


A. Upang may tagapagmana ng kanyang trono B. Upang may makakasama siya habambuhay
C. Upang may magbunot sa kanya ng puting buhok D. Upang makapamuno siya nang maayos

3. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno?


A. Magandang kumilos C. May matipunong pangangatawan
B. Mapagkawanggawa D.Mahusay mamuno at magdesisyon

4. Alin sa sumusunod ang hindi naipakitang kaugalian sa pag-aasawa sa


binasang kuwentong-bayan?
A. Makatarungang pagtrato ng lalaki sa mga asawa B. Pag-aasawa nang higit sa isa
C. Pagmamahal ng babae sa asawa D. Pag-uusap ng mga magulang

5. Binunutan ni Hasmin ng puting buhok ang Datu upang magmukhang kasinggulang niya samantalang binunutan
naman ni Farida ng itim na buhok ang Datu upang maging kasintanda niya. Ano ang kaugaliang nais ipakita ng
akda sa sitwasyong ito?
A. Magawa ang kagustuhan C.Pag-intindi sa sariling kapakanan
B. Maging karapat-dapat ang asawa D. Pagmamahal sa asawa

6. Ang sumusunod ay mga katangian ng kuwentong-bayan maliban sa isa.


Alin ito?
A. Mga salaysay na likhang-isip lamang B. Nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon
C. Tungkol ito sa kultura ng isang bayan o mga bansa. D. Tungkol ito sa pinagmulan ng isang bagay at lugar

7.Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa ipinakitang kaugalian sa


pagpapakasal o pag-aasawa ng mga taga-Mindanao sa binasang kuwentong-
bayan?
A. Pag-aasawa ng mga kalalakihan nang higit sa isa
B. Paghingi ng pahintulot ng binata sa magulang ng dalaga
C. Pagtupad ng binata sa kundisyon ng mga magulang ng dalaga
D. Pamumuno ng datu sa pagdiriwang ng kasal

8. Hindi marunong lumangoy si Palunsai kaya nilimas na lamang niya ang tubig
sa karagatan gamit ang mga bao. Ano ang ipinakitang katangian ni Palunsai
sa sitwasyong ito?
A. Malakas B. Masunurin C. Matapang D. Matiisin

9.. Anong kultura sa Muslim ang pagpapaalam ng isang lalaki sa magulang ng


dalagang nais pakasalan?
A. Katangian B. Kaugalian C. Paniniwala D. Tradisyon

10. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pagpapatunay ng totoong


pagmamahal ng bunsong prinsesa kay Palunsai?
A. Ipinagtanggol niya si Palunsai sa kanyang amang si Dipatuan.
B. Minahal niya si Palunsai kahit hindi ito kakisigan.
C. Pinag-aralan niyang mahalin si Palunsai.
D.Tinanggap niya si Palunsai kahit hindi kabilang sa maharlikang pamilya.

11. Anong sitwasyon sa akda ang magpapatunay sa kaugaliang pagpapagawa


ng mga bagay sa binata kapalit ng pagpapakasal nito sa dalaga?
A. Pagbibigay ng dalawang supot ng perlas B. Paghiling na maging makisig
C. Pagkausap sa magulang ng dalaga D. Paglilimas ng karagatan gamit ang mga bao

12. Alin sa sumusunod na katangian ang hindi taglay ng pabula


A. nagsasalaysay ng makatotohanang pangyayari B. nakaaaliw ang mga tauhang hayo
C. napupulutan ng magagandang-asal D. nababasa sa isang upuan lamang

13. Sumikat si Aesop sa kaniyang kapanahunan dahil sa


A. kabaitan B. pagsasalita C. pagsusulat D. pagtuligsa

14. Alin sa sumusunod ang makatotohanang pahayag tungkol sa pabula?


A. binabatikos dahil ginamit ang mga hayop bilang tauhan
B. kaunti na lamang ang nagsusulat ng pabula
C. nanatiling makaluma ang paraan ng pagsulat nito
D. patuloy na tinatangkilik sa bawat henerasyon

15. Nagbabago ang paksa ng pabula dahil sa


A. katangian ng tao B. kultura C. isyung panlipunan D. panahon

16. Ang pabulang binabasa natin ngayon ay kaunti na lamang ang pagkakahawig
sa orihinal. Ang pahayag na ito ay
A. totoo B. di-totoo C. maaari D. siguro

17.Si Bidasari ay binurol sa isang...


a. libingan b. palasyo c. hardin d. lumang bahay

18Bakit mahalaga ang mga manonood sa isang dula?


A. Sila ang magbabayad sa ginastos ng produksyon.
B. Kailangan ng pupuna sa mga kahinaan ng pagtatanghal.
C. Kailangan ng gagawa ng ingay habang itinatanghal ang dula.
D. Kailangan ng saksi sa matagumpay na pagkakatanghal ng dula.

19. Bakit sinasabing ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang dula?


A. Sapagkat siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura
ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
B. Dahil siya ang gumaganap at nagbibigay buhay sa dula.
C. Dahil siya ang nag-iisip ng sasabihin ng mga aktor na gagawin sa isang dula.
D. Sapagkat mas alam niya ang lahat ng dapat mangyari sa isang dula.
20.Bilang isang aktor, paano mo magagawa nang maayos ang iyong papel sa dula?
A. Galingan at higitan ang ibang aktor.
B. Ipakita ang talento sa pag-arte at sapawan ang iba.
C. Damhing maigi ang karakter at mag ensayo ng buong puso.
D. Gumawa ng sariling eksena kahit wala sa iskrip upang mas lalong Makita
ang angking talento

II-PANUTO: Salungguhitan ang mga panandang ginagamit sa paghihinuha.


1. Kailangan na sigurong higpitan ang pagpapatupad ng batas.

2. Ang panahon ngayon ay pabago-bago kanina ay maaraw ngayon ay tila yata uulan.
3. Sa tingin ko, hindi hadlang ang kapansanan upang makamit ang iyong pangarap.

4. Dahil sa masama ang kanyang pakiramdam kanina baka lumiban sa klase si Anna.

5. Tatlong buwan ang preparasyon ng kanilang kasal, marahil magarbo ang magaganap na pagdiriwang.

III-Panuto: Salungguhitan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.


1. Naging bansang malaya na ang Pilipinas dahil sa mga Amerikano.
2. Ang mga papel na basa ay inihiwalay niya nang lalagyan.
3. Dinala sa ospital ang mga sugatang sundalo.
4. Ang paborito niyang itim na blusa ay binigay niya sa kaibigan.
5. Masusustansiyang pagkain ang dapat na kinakain mo upang di ka Magkasakit

IV Panuto : Basahin ang bawat pangungusap. Ikahon ang bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng sanhi ng
pangyayari at salungguhitannaman ang nagpapahayag ng bunga. Tingnan ang halimbawa.

Hal.
Hindi nakaligo si Daryl dahil Nawalan ng tubig sa kanilang bahay

1. Ininom ni Dominic ang kalahating pitsel ng tubig sapagkat siya ay uhaw na uhaw.

2. Iniipon ni Harry ang kanyang baong pera kasi gusto niyang bumili ng laruang robot.

3. Tumapon ang tubig sa baunan ni Erica dahil hindi niya ito isinara nang maayos.

4. Nakalabas ng tarangkahan ang mga alagang aso ni Eunice dahil hindi nila naisara ang pinto.

5. Dahil palagi siyang kumakain nang labis-labis, tumaas ang timbang ni Jerome.

You might also like