You are on page 1of 3

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan:_____________________________________ Petsa:_____________________
Seksyon:_____________________________________ Guro: _____________________

I. Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba na nangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan. Mula rito piliin ang pinakaangkop na
kasabihan, salawikain o sawikain batay sa sitwasyon. Itiman ang bilog ng letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal ng iyong mga
magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging inspirasyon upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang panahon
at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso noon ay umunlad at nagkaroon na ng magandang buhay.
A. Kapag may tiyaga, may nilaga. C. Huwag mong sa gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. D.Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha.
2. Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing kayo ang magkasama sa kaniyang panonood ng sine. Hindi ka
pumayag kaya nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang panahon. Ipinagkibitbalikat mo na lang ang kaniyang ginawa. Dumating ang
araw humingi siya ng tawad sa kanyang ginawa at naibalik ang inyong magandang pagkakaibigan.
A. Ang tunay na kaibigan karamay kainlanman. C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan.
B. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan. D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nanatili sa
katotohanan.
3. Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid19 ay taos-pusong naglilingkod hindi lamang sa ating komunidad at sa ating bansa.
A. bukal sa loob B. matalas na ulo C. makitid mag-isip D. malawak mag-isip
4. Sa kinahaharap nating iba’t ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring mag bingi-bingihan lamang tayo sa mga pangyayaring ito.
Kailangan nating kumilos.
A. taingang-kawali B. mahina ang loob C. bahag ang buntot D. matalas ang pandinig
5. Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng bagong empleyado kaya nilapitan ni Arnel ang kakilala niyang
tagamahala ng kompanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hiningan siya nito ng halaga upang maipasok siya sa trabaho. Hindi
tumugon si Arnel sa nais ng kakilala sa halip pumila sa hanay ng mga aplikante. Ipinagmamalaki niyang natanggap siya sa trabaho na
dumaan sa tamang
proseso
A. Matalas ang ulo. B. Mataas ang noo. C. Malawak ang isip. D. Bahag ang buntot.
II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba.
6. Lantang-gulay
A. sira na ang gulay B. lanta na ang gulay C. sobrang pagod D. sobrang tulog
7. Makapal ang palad
A. makalyo ang palad B. malikhain C. masipag D. matulungin
8. Maikling landas, di-maubos lakarin
A. anino B. daan C. sapatos D. tsinelas
9. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
A. baso B. batya C. lata D. tabo
10. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
A. alitaptap B. gamu-gamo C. paruparo D. tutubi
III. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng sumusunod. Piliin ang tamang titik sa loob ng kahon.
A. matulungin B. mabait na tao C. tapat, malinis ang kalooban A. magpakasal B. mamasyal C. mahinhin
11. maamong kordero 14. di-makabasag pinggan
12. bukas-palad 15. lumagay sa tahimik
13. busilak ang puso
B. Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa pangungusap.
16. Nalasing ang binata sa magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote B. nababad sa bote C. nadaganan ng bote D. nasagasaan ng bote
17. Sa hindi inaasahan, siya ay nabuntis na wala sa panahon.
A. nagdadalang-tao B. nagdadalang-poot C. nagdadalang-habag D. nagdadala ng buhay
18. Huwag maniwala sa tsismis.
A. kuwentong- tubero B. kuwentong-barbero C. kuwentong-bangkero D. kuwentong- karpentero
19. Mag-ingat sa magnanakaw.
A. mabilis ang kamay B. manipis ang kamay C. mabagal ang kamay D. makapal ang kamay
20. Presinto ang hantungan ng mga taong luko-luko.
A. basag ang pula B. basag ang tinig C. basag ang bungo D. basag ang pinggan
IV. Panuto: Itiman ang bilog ng letrang “A” kung makatotohanan ang pahayag at letrang “B” naman kung hindi makatotohanan.
21. Maaaring mamatay ang isang babae sa panganganak.
22. Maraming manliligaw mula sa ibang bayan ang dumarayo upang mabihag ang puso ng isang dalaga.
23. Mabilis na kumakalat ang balita kapag mayroong kasalan.
24. Nangangahulugang lumuluha ang isang tao kapag umuulan.
25. Tumataas ang lupa ng pinaglibingan ng magkasintahan.
V. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata at sagutin nang buong husay ang mga katanungan.
Para sa bilang 26-29:
Isang komunidad sa Baseco, Tondo ang nakaranas ng “hard lockdown” mula sa kautusan ng alkalde ng Maynila. Marami sa
kanila ay hindi alintana ang paglaganap ng virus na nakamamatay, ang COVID-19. Hindi rin nila nasusunod ang “ social distancing” at
karamihan pa ng mga kabataan ay naggala sa lugar, ang mga istambay ay nakahubad pa sa lansangan. Normal ang pang-araw-araw
na buhay, kung kaya’t tumaas ang bilang na nagpositibo sa nasabing virus.
26. Ang talata ay isang halimbawa ng tekstong __________________.
A. nagbibigay-alam B. nanghihikayat C . nanlilibang D. a at b
27. Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng talata ay __________________.
A. patunayan na totoo ang batas C. talakayin ang kahalagahan ng social distancing
B. ipaliwanag ang kahulugan ng hard lockdown D. patunayan kung bakit tumataas ang bilang na nagpopositibo sa
virus
28. Ang pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa virus sa Baseco, Tondo ay nagpapakita ng __________________.
A. hard lockdown C. katigasan ng ulo ng mga tao
B. kahigpitan ng alkalde D. totoong nakakahawa ang COVID-19
29. Ang mensaheng ipinararating sayo ng talata ay __________________.
A. ang COVID-19 ay nakamamatay C. marami talaga ang istambay dahil nawalan ng trabaho
B. karamihan sa kabataan ay napabayaan D. kailangan ang hard lockdown upang disiplinahin ang mga tao
Para sa bilang 30-35, Tukuyin kung anong bahagi ng talata ang isinasaad sa sumusunod na mga pangugusap. Piliin ang kasagutan sa loob
ng kahon.
A. Simula B. Gitna C. Wakas

30. Ito ay nagpapakita ng ng pagsasara ng usapin, tema o paksang pinag-uusapan. Dito rin nagbibigay ng konklusyon, rekomendasyon o
paglalagom sa paksang pinag-uusapan.
31. Ito ang pambungad na pangungusap sa isang talata.
32. Nilalaman nito ang pinakakatawan ng talata, mga mahahalagang impormasyon, estatistika, mga ebidensya at marami pang ibang mga
salitang naglalarawan sa kabuoan ng paksa.
33. Ang layunin naman nito ay maibigay ang huling detalye, mga aral at opinyon ng manunulat o ng paksa mismo.
34. Binubuod nito ang lahat ng nabanggit sa buong paksa o ilang mahahalagang bahagi nito.
35. Ang layunin nito ay upang mabisang ipakilala ang paksa sa mga mambabasa.
VI. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga batay sa pangyayari. Piliin ang titik ng tamang kasagutan.
36. ___________hindi nakikinig sa magulang, siya ay napariwara.
A. Bunga nito B. Dahil C. Dahilan D. Kaya
37. Hindi nahuhuli sa klase si Ana, __________ maagang-maaga siyang gumigising.
A. bunga nito B. dahilan C. sa ganitong dahilan D. sapagkat
38. _______ nagkakasakit dahil palaging nakatutok sa gadgets.
A. Dahil B. Dahilan C. Kaya D. Sapagkat
39. ___________ ng kanilang pagsisikap, lalong yumaman ang magkakapatid.
A. Bunga B. Dahilan sa C. Kung kaya D. Sa ganitong dahilan
40. Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kanyang paaralan _________ nag-aral siya nang mabuti.
A. bunga ng B. dahil C. mangyari D. kung kaya
41. Sa pandemyang Covid19 mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang paglabas ng bahay. Ngunit si Aling Nene ay lumabas pa rin kahit
na walang Quaratine Pass ______________________.
A. dahil nahawaan siya ng sakit. C. sapagkat nahawaan siya ng sakit.
B. kaya nahawaan siya ng sakit. D. sa gayon ay nahawaan siya ng sakit.
42. ________________________, hinuli siya ng pulis.
A. Sapagkat may batas trapiko C. Bunga ng pagsunod sa batas trapiko
B. Dahil sa paglabag sa batas trapiko D. Palibhasa sumusunod sa batas trapiko
43. Sa dami ng proyektong tinapos ni Carlos _____________________________.
A. kaya siya ay tinanghali ng gising. C. sapagkat siya ay tinanghali ng gising.
B. kung siya ay tinanghali ng gising. D. palibhasa siya ay tinanghali ng gising.
44. Agad na bumisita ang alkade sa kanilang lugar, __________________.
A. kaya may problema. B. dahil may problema. C. Sa gayon may problema. D. Palibhasa may problema.
45. Hindi nagbayad ng buwis si Mang Delfin, __________________.
A. sapagkat giniba ang kanyang tindahan. C. palibhasa malaki ang kanyang tindahan.
B. kaya ipinasara ang kanyang tindahan. D. dahil nanatiling bukas ang kanyang tindahan.
VII. Panuto: Itiman ang bilog ng letrang “A” kung Katotohanan at letrang “B” naman kung Opinyon.
46. Inirerekomenda ng DOH ang paggamit ng surgical mask bilang proteksyon sa COVID-19.
47. Para sa akin, mas magandang laruin ang Mobile Legends kaysa DOTA.
48. Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang pagkakatukoy sa 81 kaso Omicron XBB subvariant at 193 infections ng XBC variant
sa bansa — ang una ay nakikitang "mas nakahahawa" at dahilan ng pagsipa ng COVID-19 cases sa Singapore.
49. Sa nakikita ko, mas mainam ang face-to-face classes kaysa sa modular class.
50. Pinatutunayan na maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.

You might also like