You are on page 1of 9

ARALIN I

LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

Pamantayan sa Pagganap

 Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong


bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PN-Ia-b-1)

Mga Layunin

 Nauunawaan ang kahulugan ng maikling kwento.


 Napahahalagahan ang aral na nais ipabatid ng akdang “Si Usman, Ang Alipin”.
 Nakagagamit ng mga graphic organizers sa pagbibigay ng katangian ng isang mabuting
pinuno o lider at ugnayan ng tradisyon sa binasang akdang pampanitikan.

PANIMULA
Panuto: Ayusin ang mga gulo-gulong titik sa loob ng bilog na makabubuo ng makabuluhang salita na
tumutukoy sa bawat larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

N A
A
A A
N M
B I O M
H A G
A Y N
P
N H L G
A A A
Y A D A
S M I R
P A S
A

S
I A
Mga Gabay na Tanong:
N K
A
P A 1. Ano-ano ang pagkakaugnay ng mga salitang
G
nabuo?
2. Gaano kahalaga sa iyo bilang isang Pilipino
ang mga kaugaliang ito? Ipaliwanag.
3. Naisasabuhay ba ng pamayanan/pamilya mo
ang mga kaugaliang ito? Magbigay ng tatlong (3)
halimbawa.

Alam mo ba? Basahin ang talatang ito.


Kwentong-Bayan
Ang kwentong-bayan o folklore ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o
kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Ang mababasa mo ay isang kwentong-bayan ng Maguindanao na tinatawag ding


Maguindanaon, Maguindanau o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring katawagan. Ang
mga taga-Maguindanao na nangangahulugang mga taong tagakapatagan o people of the flood
plains ay itinuturing na pinakamalaking pangkat-etniko ng mga Pilipinong Muslim. Matatagpuan sila
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
sa gitna ng katimugang bahagi ng Mindanao at ang kanilang rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang
lambak na napaliligiran ng matataas na kabundukan maliban sa bahaging kanluran. Isang ilog ang
Ilog Mindanao ang dumadaloy rito na nagdadala ng tubig at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan
kung saan ang malaking bahagi ng lambak ay nagmimistulang mababaw na lawa.

1. Anong ang bansag sa mga taga-Maguindanao? Bakit?


2. Ano ang relihiyon ng mga Maguindanaon?
3. Ano-ano ang mga anyong lupa at tubig ang matatagpuan sa lalawigan ng Maguindanao?
4. Saan na bahagi ng Pilipinas matatagpuang ang lalawigan ng Maguindanao?

TALASALITAAN

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa


pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.
a. pagdadabog c. pagkainis
b. pagmamakaawa d. pagsigaw

2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinakinggan ng ama.


a. pagsigaw c. panunuyo
b. pag-iyak d. pagkagalit

3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng kanyang anak.


a. nagmamalaki c. galit na galit
b. nanghihina d. nauupos

4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian.


a. nasaktan c. nahirapan
b. nasugatan d. namatay

5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang bagong sultan.


a. naitanong c. napagpasiyahan
b. nalaman d. napag-usapan

Basahin at Unawain Mo!


Buong husay na basahin at intindihin ang kwentong-bayan mula sa Maguindanao na
pinamagatang “Si Usman, Ang Alipin”. Maaaring gamitin ang link na ito para sa mga mag-aaral sa
online learning, http://binibiningmarj.blogspot.com/2017/06/si-usman-ang-alipin.html at https://youtu
.be/oKYnZI-jsMI
Si Usman, Ang Alipin

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul Sampulna isang Maguindanaoan mula sa
lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong
sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang
Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo,
nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitilin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa
pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kaagad na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman
at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang
pagkikita nila ng binata. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakawalan si
Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa
ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan.
Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasita na mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig.
Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon,
nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.

Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na
tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan
ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook.
Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi
nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi
at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait
na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita
naman ang itinalagang sultana.

Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong kaharian. Natagpuan ng
taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

-Pinagyamang Pluma 7, 2017


-http://binibiningmarj.blogspot.com/2017/06/si-usman-ang-alipin.html

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong binasa?


2. Ano ang naganap sa palengke? Ano ang kautusan ni Sultan Zacaria?
3. Bakit nagmakaawa si Potre Maasita sa kanyang ama na si Sultan Zacaria?
4. Ano ang dahilan ng pagkamatay ng sultan?
5. Ano ang gintong aral na nais ipabatid ng kwento sa mambabasa?

PAGSASANAY 1

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Si Usman, Ang Alipin” ay isang kwentong-bayan ng _____________.


a. Maguindanao c. Cebu
b. Laguna d. Maynila

2. Siya ay isang alipin. Siya ay matapang, malakas, mataas, kayumanggi at higit sa lahat, siya
ay matapat.
a. Zacaria c. Abdul
b. Potre Maasita d. Usman

3. Ang mga sumusunod ay katangiang taglay ni Usman maliban sa;


a. matapang c. maputi
b. malakas d. mataas

4. Isa pinuno ng palasyo. Isang sultang masama ang ugali. Siya ay malupit at pangit ang
hitsura.
a. Zacaria c. Abdul
b. Potre Maasita d. Usman

5. Siya ang dalagang anak ng sultan. May mabuting kalooban.


a. Zacaria c. Abdul
b. Potre Maasita d. Usman
Halimbawa ng pagninilay ng ginawa ng guro gabay sa mga mag-aaral sa pagsulat nito.
• Nauunawaan ko na ang kwentong-bayan ay hindi lamang nakatuon sa mga tauhan sa
akda bagkus ito ay nagbibigay tuon din sa mga kaugalian, tradisyon, paniniwala ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
• Nabatid ko na likas sa ating mga Pilipino ang magpahalaga sa mga kaugaliang
mayroon tayo tulad ng pagiging relihiyoso, masayahin, masipag at iba pa. Mga kaugalian o katangian
tunay na maipagmamalaki sa buong mundo. At bilang isang tao huwag maging gahaman sa
kapangyarihan, gamitin ito sa tama na hindi makasasakit ng damdamin ng ibang tao, ang bawat isa
sa atin ay may karapatang mabuhay nang mapaya at maayos.

Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod:

Nauunawaan ko na _____________________________
Nabatid ko na ___________________________________

PAGSASANAY 2

1. Sa panahon ng pandemya ay maraming suliranin ang kinahaharap ng bawat pamilya sa


pamayanan. Kailangan natin ng isang pinuno na makatutulong upang matiyak ang kaligtasan ng mga
taong nasasakupan. Ano-ano ba para sa iyo at sa mga magulang mo ang mga katangian ng isang
mabuting pinuno o lider? Punan ang mga kahon at sa mga linya ay sumulat ng maikling paliwanag
para sa bawat katangiang isasagot mo.

Para sa akin bilang magulang, ang isang mabuting pinuno o lider ay…

dahil

dahil

dahil

dahil

Para sa akin bilang mag-aaral, ang isang mabuting pinuno o lider ay…

dahil
dahil

dahil

dahil

2. Ang panitikan ay sumasailalim sa tradisyon ng isang lahi. Suriin ang ugnayan ng tradisyon sa
binasang akdang pampanitikan. Punan ang mga linya ng hinihinging kasagutan sa sumusunod.

Sa tradisyong Muslim, Paano ipinakita ni Potre Maasita ang tradisyong ito sa


napakalaking respeto ang pakikitungo niya sa kanyang ama?
iniuukol sa kanilang mga _______________________________________________
pinuno at nakatatanda. _______________________________________________
_______________________________________________

Sa tradisyong Muslim, ang Ano-ano ang ginawa ni Sultan Zacaria sa kanyang anak na
anumang uri ng pang- si Potre Maasita na nagpakitang hindi siya sumunod sa
aabuso sa kababaihan tradisyong ito?
tulad ng pang-aabusong _______________________________________________
emosyonal, pisikal at _______________________________________________
sikolohikal ay _______________________________________________
ipinagbabawal.

Sa tradisyong Muslim, ang Paano naiugnay ang tradisyong ito sa ginawang pagpili ni
babae ay may karapatang Potre Maasita kay Usman para maging asawa niya?
tumanggap o tumanggi sa _______________________________________________
alok na kasal. Hindi siya _______________________________________________
maaaring pilitin _______________________________________________
magpakasal nang hindi
ayon sa kanyang
kagustuhan.

Ang pagpupuntos sa iyong gawain ay nakabatay sa rubric sa ibaba.

Rubric

Pamantayan 3 4 5
Nilalaman Hindi gaanong malinaw Buo ang diwa ngunit Buong-buo ang diwa at
ang ibinigay na mga may ilang opinyon na napakalinaw ng
opinyon. Maligoy ang hindi maliwanag. gustong ibahagi.
pagpapaliwanag.

Pagiging Hindi gaanong maayos Maayos ang Napakaayos ng


Makatotohanan ng mga ang daloy ng usapan o pagkakasunod-usnod pagkakasunod-sunod
Ibinahagi pagsagot. ng mga ideya o diwang ng ideya o diwang nais
nais ihatid ngunit ihatid. Maraming
kulang sa paglalatag ng halimbawang naibigay.
halimbawa.

Paggamit ng mga Gumamit ng hiram na Mahusay ngunit may Napakaingat ng


Salita salita. Gumamit din ng ilang salita na hindi pagkakagamit ng mga
dalawang (2) wika sa angkop gamitin. salita.
pangungusap.

Kabuuan 15/15

PAGTATAYA

Analohiya: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. tula : poem kwentong bayan : ___________


2. Arthur P. Casanova : muling nagsalaysay _______________ : nagkwento
3. Maguindanao : _____________ Laguna : Luzon
4. ___________ : masama Usman : mabuti
5. Usman : isang alipin _____________ ; dalagang anak ng Sultan

PAGNINILAY

Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod:

Nauunawaan ko na ______________________________________________.

Nabatid ko na ___________________________________________________.
Talatinigan:
 alamat - Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o pook. Ang alamat ay
legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na ang ibig sabihin ay "upang mabasa".
 emosyon - ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na
gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na mararamdaman sa
buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba pa.
 ipinagbunyi - Ipinag diwang ang isa sa mga kasingkahulugan nito.
 kitilin - Ito ay nangangahulugang patayin.
 makisig - Nangangahulugang magandang lalaki o gwapo.
 mito - Ang mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng
mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
 Muslim - Ang taga-taguyod ng relihiyong Islam. Sa literal na kahulugan ng salita, paa sa paatao na
ipinagkaloob ang sarili kay Allah. Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang
ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si
Muhammad noong nabubuhay pa siya.
 pagkalinga - Ang kalinga ay alaga, aruga, taguyod, tulong o kandili na binibigay natin sa mga tao na mahalaga
sa atin. Isa itong pagpaparamdam sa kanila na sila ay mahalaga at hindi sila pinababayaan.
 pandemya - Isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga populasyon sa
isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o kahit pandaigdigan.

 pangkat-etniko - Kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o
sa isang magkatulad na kasaysayan.
 rehiyon - Isang salita o katawagang pangheograpiya na ginagamit sa maraming kaparaanan sa iba't ibang mga
uri ng heograpiya. Sa pangkalahatan, ang rehiyon ay isang may hindi kalakihang sukat (midyum) na lugar ng
lupa o tubig.
 Sikolohikal - Ang ibig sabihin ay may kaugnayan sa pag-iisip ng isang tao at kung paano ito ay nakaka-apekto
sa pagkilos ng isang indbidwal. Ito ay ay kaugnay sa estadong pang emosyonal ng isang tao.
 Sultan - Ang orihinal na kahulugan nitó bilang pangngalan sa wikang Arabe ay “lakas,” “kapangyarihan,”
“pamamahala,” at “diktadura.” Ginagamit ito noon upang tumukoy sa makapangyarihang gobernador sa ilalim
ng kalípa o sa ganap na kapangyarihan ng isang pinunò bagaman hindi umaangat sa pangkalahatang
kapangyarihan ng kalípa.
 Sultana - Isang pamagat o titulo na nakalaan para sa ilang mga pinunong babaeng Muslim sa kasaysayan.
Minsan itong ipinagkakamali bilang pamagat lamang para sa pangunahing asawa ng isang sultan.
 Sultanato - Isang Islamikong kaharian sa katimugang Pilipinas na itinatag bilang isang sultanato noong 1450 ni
Rajah Baguinda.
 tradisyon - Ang mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga magulang
papunta sa mga anak nila. Kaugnay ito ng mga salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian, simula, at
pinamulihanan.
Sanggunian:
 https://tl.wikipedia.org/wiki
 https://brainly.ph/question
 https://philippineculturaleducation.com.ph
 http://m.depinisyon.com/

You might also like