You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales Philippines 2201
Telfax: 047-811-1683 | Email: www.prmsu.edu.ph

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7

IMPERYALISMO SA PILIPINAS

Inihanda ni:

ELLA MAE D. FONTILLAS

BSE - 3 SOCIAL STUDIES

Ipapasa kay:

MARIE FE D. DE GUZMAN EdD

GURO

I. Layunin:
1. Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at
imperyalismo ng Espanya sa Pilipinas,
2. Natatalakay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Español sa
Pilipinas; at
3. Naipahahayag ang saloobin ng mga mag-aaral sa naging epekto ng
mga patakarang ipinatupad ng mga Español sa Pilipinas.

II. Nilalaman:

A. Paksa: UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT


IMPERYALISMONG KANLURANIN SA ASYA
B. Tiyak na Paksa: IMPERYALISMO SA PILIPINAS
C. Mga Sanggunian: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
pahina 324-325
Pana-Panahon
pahina 219-229
Asya Pag-usbong ng Kabishasnan
pahina 269-273
D. Mga Kagamitan: (Learner’s Module) Modyul para sa mag-aaral
Mga Larawan
Mga Pantulong Biswal
E. Teknik: Graphic Organizer
Whole Group Discussion
Group Work (Pangkatang Gawain)

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:

1. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat!

Maganda umaga rin po!


Maari na kayong umupo!

Salamat po Ma’am!
2. Pagtala ng lumiban

Kalihim may lumiban ba sa klase


ngayong araw?

Ikinalulugod ko pong sabihin na walang


lumiban sa klase nagyong araw Ma’am.
3. Pagbabalik-aral

Ano nga ba ang paksang ating tinalakay


kahapon?

Tungkol po sa mga pangyayaring nagbigay-


daan sa Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin sa Asya

Tama!
Upang mas maging malinaw sa inyo ang
ugnayan ng mga pangyayaring nagbigay
daan sa Imperyalismong Kanluranin sa
Asya, babalikan natin ang paksa na ito
gamit ang GRAPHIC ORGANIZER.
MGA PANGYAYARING NAGBIGAY-DAAN SA UNANG YUGTO NG
IMPERYALISMONG KANLURANIN SA ASYA

BARKO NG MGA MANANAKOP

M P P K
P
E A A R
A
R G G U
G
K H B S
L
A A A A
A
N H B D
L
T A A A
A
I N G
Y
L A O
A
I P Sa
G
S Ng P
Ni
M B A
M
O A G
A
G L
R
O A
C
N L
O
G A
P
R K
O
U B
L
T A
O
A Y

Mapa ng Asya
Ano ang Merkantilismo?

Merkantilismo ito ang prinsipyong pang-


ekonomiya, na kung may maraming ginto at
pilak, may pagkakataon na maging mayaman
at makapangyarihan ang isang bansa.

Tama!

Ano ang kaugnayan ng paghahanap ng bagong


ruta sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya?

Sila po ay naghahanap ng pangpalasa

Magaling!

Sino si Marco Polo?


Si Marco Polo po ay isang Italyanong
adbenturerong mangangalakal na taga
Venice.

Mahusay!

Anu-ano ang mga pagbabago sa paglalakbay?

Ma’am naimbento po ang kagamitang


pandagat tulad ng astrolabe at compass.

Tama!
Ano ba ang ibig sabihin ng astrolabe?
Ginagamit ito upang malaman ang oras at
latitud.

Tama! Kung astrolabe ang ginagamit para


malaman ang oras at latitud.
Ano naman ang ibig sabihin ng compass?
Ginamagamit ang compass upang malaman
ang direksiyon ng pupuntahan.

Ano ang Krusada? Krusada ito ay isang kilusan na inilunsad ng


simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang
mabawi ang banal na lugar.

Ano ba ang banal na lugar? Jerusalem po sa Israel.

4. Pagganyak

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan ukol sa


Imperyalismong Kanluranin sa Asya, may
ipapakita akong larawan. Ano ang nakikita
ninyo sa larawan?

Ma’am isang Español po.

Ma’am globo po na mayroong mapa ng


Pilipinas.

Dahil po sinakop ng mga Español ang


Pilipinas.
Ano ang hawak ng isang Español?

Opo. Ito po ay tungkol sa Imperyalismo sa


Bakit hawak niya ang globo na mayroong mapa Pilipinas.
ng Pilipinas?
Magaling!
Alam na ba ninyo kung ano ang ating paksang
tatalakayin sa araw na ito? Ito po ay nagmula sa Latin na ang ibig
sabihin ay imperium.

Tama!
Ito ay “IMPERYALISMO SA PILIPINAS”

Ano ba ibig sabihin ng salitang imperyalismo?

Mahusay! At ang imperyalismo ito ay


pagpapalawak ng teritoryo.

B. Paglinang ng Aralin
Para sa pagpapatuloy ng kanilang mga hinuha, gagamitin ang BUKAS NA
AKLAT NA PAMAMARAAN. Ipabasa ang teksto ukol sa paksa sa pahina
324-325 ng kanilang modyul at pagkatapos ay magkaroon ng MALAYANG
TALAKAYAN ukol dito.

SUMAKOP LUGAR NA
SINAKOP

IMPERYALISMO
SA PILIPINAS

DAHILAN PARAAN
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano ang bansa ang sumakop sa
Pilipinas?

Ang sumakop po sa bansang Pilipinas ay


bansang Espanya po Ma’am.

Mahusay!

2. Ano naman ang mga lugar na


sinakop ng Espanya sa Pilipinas?

Ma’am, Luzon, Visayas at Mindanao po

Magaling!
Halos kabuuan ng Luzon, Visayas at
ilang bahagi ng Mindanao ang sinakop ng
Espanya sa Pilipinas dahil sa
matagumpay na pakikipaglaban ng mga
Muslim.

3. Ano ang kaugnayan ng relihiyong


Islam sa tagumpay ng mga
Muslim?
Ma’am dahil ito po ang kanilang
relihiyon.

Mahusay!
Bakit sinakop ng Espanya ang bansang
Pilipinas?

Ma’am sinakop po ng Espanya ang


Pilipinas dahil mayaman tayo sa likas na
yaman.

Magaling!
Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa
ginto at may mahusay na daungan tulad
ng Maynila.

Anong mga lugar sa Pilipinas ang may


ginto?

Ma’am Benguet, Ilocos, Camarines,


Butuan at iba pa.

Mahusay!
Ano naman ang pamamaraan na ginamit
ng Espanya para sakupin ang Pilipinas?

Ma’am ang paraan na ginamit ng


Espanya para sakupin ang bansang
Pilipinas ito ay ang mga:
1. Pakikipagsanduguan
2. Paggamit ng dahas at,
3. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Magaling!
Sino ba ang naglayag para sa Hari ng
Espanya upang sakupin ang bansang
Pilipinas?

Ma’am si Ferdinand Magellan po.

Tama!
Sino ba si Ferdinand Magellan?

Ma’am siya po ay isang Portuges.

Nasakop ba ni Magellan ang Pilipinas?

Hindi po niya nasakop ang Pilipinas dahil


napatay po siya ng tauhan ni Lapu-Lapu.

Sino ba si Lapu-Lapu?

Si Lapu-Lapu ay isang pinuno sa Mactan


na ayaw kumilala sa kapangyarihan ng
mga Espanyol at ng hari ng Espanya?

Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni


Magellan?

Ma’am napatunayan niya na bilog ang


mundo.

Tama!
Nung namatay si Magellan nagpadala ulit
ang Hari ng Espanya ng iba pang
manlalakbay.

Sinu ang manlalakbay na ito?


Ang paglalakbay ay pinamunuan ni
Miguel Lopez de Legaspi.
Tama!
Ano ang layunin ni Miguel Lopez de
Legaspi?

Layunin ay masakop ang bansang


Pilipinas.

Nagtagumpay ba si Legaspi na masakop


ang Pilipinas?

Opo Ma’am, matagumpay na nasakop ni


Miguel Lopez de Legaspi ang Pilipinas.

Bakit nagtagumpay si Miguel Lopez de


Legaspi na masakop ang Pilipinas?

Ma’am nagtagumpay po si Miguel Lopez


de Legazpi na masakop po ang Pilipinas
sa pamamagitan po ng
pakikipagsanduguan.

Mahusay!
Ano ba ang Sanduduguan?

Ma’am ang Sanduguan ito po ang


pakikipagkaibigan sa mga lokal na
pinuno.

Tama!
Ito ay tanda ng kanilang
pakikipagkaibigan. Iniinom ng lokal na
pinunong Español ang alak na hinaluan
ng kani-kanilang dugo.

Tama ba ang ginawang


pakikipagkaibigan ng mga lokal na
pinuno sa mga Espanyol?

Hindi po Ma’am.

Bakit?
Dahil po ginawa lamang nila ito para
sakupin ang Pilipinas.
Mahusay!
Ano pa ang paraan na ginamit ng mga
Espanyol para sakupin ang Pilipinas?

Ma’am Kristiyanismo po.

Ano ba ang Kristiyanismo?

Ang Kristiyanismo ito po ay isang


relihiyon.

Mahusay!
Ito ay relihiyong ipinalaganap ng mga
Espanyol.

Sino ba ang nagpalaganap ng


Kristiyanismo sa Pilipinas?

Ma’am misyonero po.

Nakatulong ang mga misyonero na


maipalaanap ang Kristiyanismo
pagkatapos maisakatuparan ang
patakarang reduccion.

Ano naman ang reduccion?


Ang patakarang reduccion po ito po ay
naglalayon na mailipat ang mga katutubo
na naninirahan sa malalayong lugar
upang matiyak ang kanilang
kapangyarihan sa kolonya.

Mahusay!
Sa madaling salita, ang reduccion ang
paglipat ng mga katutubong tirahan mula
sa kalat-kalat na malalayong lugar tungo
sa mga siksik na komunidad.

Paano nakatulong ang Kristiyanismo para


mapasunod ang mga Pilipino?

Nakatulong ang Kristiyanismo upang


mapasunod ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng nasakop ng relihiyong
Kristiyanismo ang damdamin ng mga
Pilipino.
Nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at
damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t
mas madali tayong napasunod ng mga
Espanyol.

Pagkatapos nating malaman ang mga


dahilan at pamamaraan ng pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas, tatalakayin
naman natin ang mga patakarang
ipinatupad nila sa ating bayan

2. Pangkatang Gawain
Panuto: Hahatiin ng klase sa tatlong (3) pangkat na tatalakay sa mga PATAKARAN
NG IPINATUPAD NG MGA ESPAÑOL SA PILIPINAS. Ang mga mag-aaral ay
gagawa ng dulaan tungkol sa mga PATAKARANG IPINATUPAD NG MGA
ESPAÑOL SA PILIPINAS.

Pangkat ISA: Pangkabuhayan


Pangkat DALAWA: Pampulitika
Pangkat TATLO: Pangkultura

Pamantayan Krayterya Pangkat I Pangkat 2 Pangkat 3


Boses Malakas ang
boses at
maliwanag ang
sinasabi mula
umpisa
hanggang
matapos.
Pagsaulo Saulado ang
ulat. Tuluy-
tuloy rin ang
pag-uulat.
Paliwanag Sapat ang
naibigay na
paliwanag sa
ulat.
Pagtayo Laging maayos
ang pagtayo.
Natatalakay ang mga Patakarang ipinatupad ng mga Español sa Pilipinas.
Gamit ang TREE DIAGRAM.

MGA PATAKARANG IPINATUPAD


NG MGA ESPAÑOL SA PILIPINAS

PANGKABUHAYAN PAMPOLITIKA PANGKULTURA


PANGKULTURA
Ano-ano ang mga patakarang ipinatupad
ng mga Español sa Pilipinas?

Ang patakarang pangkabuhayan, pampulitika at


pangkultura po Ma’am.

Magaling!
Unahin muna natin sa patakarang
pangkabuhayan.
Ano ang patakarang tributo?
Ang patakarang tributo ito ay pinagbabayad ng
mga buwis ng mga Español ang mga katutubo.

Tama!
Ang ilan sa maaring ipambayad ay ginto,
mga produkto at mga ari-arian.

Anong nangyari sa mga Pilipino ng


ipatupad ang patakarang tributo?

Dahil sa pangongolekta ng buwis at pang-aabuso,


maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng
kabuhayan.
Ano naman ang patakarang monopolyo?

Kinokontrol ng mga Epañol ang kalakalan.

Hinawakan nila ag pagbebenta ng mga


produktong nabili sa Europa tulad ng
tabako. Kumita rin sila ng malaki sa
kalakalang Galyon. Sila ang tinatawag na
mga illustrado.

Ano ang nagyari ng ipatupad ng Español


ang monopolyo?

Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila


nakapagtanim ng kanilang makakain.

Ano naman ang patakarang polo y


servicio?

Ito po ang sapilitang pagtatrabaho ng mga


kalalakihang edad 16 hanggang 60.

Ano ang ipinapagawa sa mga Pilipino?

Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan,


gusaling pampamahalaan at iba pa.

Anong nangyari sa mga Pilipino na


ipinatupad ng mga Español ang polo y
servicio?

Marami sa kanila ang nahiwalay sa pamilya at


C. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod sa tinalakay na leksyon.
Gamit ang TEKNIK na CROSS WORD PUZZLE.

J E S P A Ñ A S M M J N J C
R L E L L A A O I A A A E J
E U M A E Y N J N G Y U N T
D Z J K A O R O D E M G N R
U O A S P A L I A L A U Y I
C N I O I N A H N L R D K B
C V L O S W I K A A K N E U
I Y J E L Y N E O N J A N T
O K R I S T I Y A N I S M O
N P O L O Y S E R V I C I O

2. Pagpapahalaga

a. Makatwiran ba ang mga patakarang ipinatupad ng mga Español sa


Pilipinas? Ipaliwanag.

IV. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag at katanungan.


Isulat ang sagot sa isang-kapat (1/4) na papel.

A. Pagkakakilanlan: Bilugan ang titik ng tamang sagot


1. Pangunahing likas na yaman na kung saan mayaman ang Pilipinas kung kaya’t
hinangad ito ng Español.

A. Ginto B. Pilak C. Bronze

2. Relihiyong ipinalaganap ng mga Español.

A. Budismo B. Kristiyanismo C. Islam

3. Pag-inom ng lokal na pinuno at pinunong Español na alak na hinaluan ng


kani-kanilang dugo.

A. Sanduguan B. Pampolitika C. Pangkabuhayan

4. Itinuturing na isa sa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa


Asya.

A. Thailand B. Pilipinas C. Indonesia

5. Narating niya ang Silangan gamit ang rutang pakanluran.


A. Ferdinand Magellan B. Lapu-Lapu C. Miguel Lopez De Legazpi

B. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____6. Sa patakarang ito pinagbabayad ng buwis ng mga Español ang mga


katutubo.

_____7. Sa patakarang ito sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan edad


16-60.

_____8. Tawag sa kinatawan sa Pilipinas ng Hari ng Español na siyang


pinakamataas na pinuno.

C. Pag-iisa-isa

9-10. Magbigay ng 2 epekto sa mga Pilipino ng mga patakaran na ipinatupad


ng mga Español sa Pilipinas.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Isulat sa kwaderno.


1. Anong bansa ang sumakop sa Indonesia?
2. Anong mga lugar ang sinakop sa Indonesia?
3. Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang Indonesia?
4. Paano sinakop ang Indonesia ng mga Kanluranin?
Sanggunia
ng Aklat:
Araling
Panlipunan
Modyul
para sa
mag-aaral
Unang
Edisyon
2014
Pahina
326-327

You might also like