You are on page 1of 10

5

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 1
Dahilan ng Kolonyalismong
Espanyol
Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahang mapag-aralan ang mga konsepto ng kolonyalismong


Espanyol, mga layunin at pamamaraan ng kanilang pananakop at pamamahala sa Pilipinas sa
panahon ng Kolonyalismo.Mahahasa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa sa
mga nakasaad sa isang teksto.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:


1. Ang Kolonyalismo
2. Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Pinanakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: (MELC): Naipaliliwanag ang mga dahilan


ng Kolonyalismong Espanyol
 K to 12 BEC CG: AP5PKE-IIB-3

Matapos mong basahin at sundin ang mga Gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto, ang bahaging ginampanan ng


simbahan sa layunin at mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.

Tuklasin

Mapayapang namumuhay ang ating mga ninuno nang dumating at sinimulang sakupin
ang mga Espanyol ang kanilang lupain noong taong 1521.

Sa yunit na ito, pag-aaralan mo ang mga layunin at paraan ng pananakop ng mga


Espanyol sa ating mga lupain at ang pagkakaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng
ating mga ninuno.

Ang Kolonyalismo

Noong taong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman
at pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Ibig nilang madagdagan ang kanilang kayamanan
at kapangyarihan kaya sinakop nila ang ibang lugar. Layunin nilang ipalaganap ang relihiyong

1
Kristiyanismo. Ito ay sinasagisag ng tatlong G na ang kahulugan sa Ingles ay “ God, Gold, and
Glory” o “Diyos, Kayamanan, at Karangalan”.

Ang Kolonyalismo ay tumutukoy sa pananakop at pag-angkin ng mga lupang


matutuklasan. Gumamit sila ng dahas upang masupil ang mga taong tumanggi sa kanilang
pananakop.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges na nagbalak maglayag pasilangan gamit ang


direksiyong pakanluran na may limang barko, si Haring Carlos I ang naghikayat na
tumulong kay Magellan sa kanyang balak.

Nagsimula ang kanilang paglalayag noong ika-10 ng Agosto 1519, Lunes nang umaga
mula Spain. Pagkatapos napadpad sila sa pulo ng Homonhon bukana ng Golpo ng Leyte noong
ika-17 ng Marso 1521 at doon sila nagpahinga at nangalap ng kanilang makakain. Matapos
makapagpahinga at mangalap ng mga pagkain sa Homonhon si Magellan at ang kanyang mga
tauhan, nagtungo sila sa Limasawa.

Noong Marso 31, 1521, idinaos ang unang misa sa Pilipinas sa pulo ng Limasawa.
Pinamunuan ito ni Padre Pedro de Valderama. Noong araw ding iyon itinirik ang isang
malaking Krus sa tuktok ng isang gulod na malapit sa dagat.
Sanggunian: Hernandez, Vivian Labaton et. al, 1999. Pamana 5. Quezon City, Philippines. Christian Publishing, pp.68-70

Sa haba ng nilayag ng mga tauhan ni Magellan sa Limasawa kinulang sila sa


pagkain.Kaya nagtungo sila sa Cebu sa tulong ni Raha Kulambu nang mabalitaan ni Magellan
na ang Cebu ay mas masaganang pulo. Doon nagsimula ang pagkakaibigan ni Raha Humabon,
ang pinuno ng Cebu. Ito ang naging tanda ng kanilang pagkakaibigan noong ika-8 ng Abril,
1521.

Matapos ang mga pangyayaring iyon nagdaos sila ng misa at nagtirik ng krus noong
ika-15 ng Abril, 1521.May 800 ang nagpabinyag kasama si Raha Humabon at ang kanyang
maybahay na pinangalanang Juana bilang parangal sa ina ng hari na si Reyna Juana.

Hinirang si Humabon bilang kinatawan ng hari sa Cebu. Nakarating sa iba pang mga
pinuno ang kasunduang ito nina Humabon at Magellan na sinang-ayunan ni Zula, isa sa mga
pinuno ng Mactan. Ang isa pang pinuno ng Mactan, si Lapu-Lapu ay tumangging kilalanin si
Humabon bilang bagong hari ng Cebu at ang kapangyarihan ng mga Espanyol. Nilusob ni
Magellan ang Mactan noong Abril 27, 1521. Sa labanang naganap, natalo ng pangkat ni Lapu-
Lapu ang mga Espanyol at napatay ni Lapu-Lapu si Magellan.

2
Noong ika-21 ng Nobyembre, 1564 muling nag-utos si Haring Felipe II ng paglalayag
patungong Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Ekpedisyong Villalobos, nagkaroon ng pangalan ang bansa.


Tinawag itong Felipinas, sa ngalan ni Haring Felipe II ng Espanya.

Pinasok ng mga Espanyol ang Maynila noong ika-8 ng Marso 1570 na pinamunuan
nina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Ito ang dahilan ng isang madugong labanan noong
ika-24 ng Marso 1571. Muling nagwagi ang mga banyaga dahil sa makabago nilang sandata.
Tagumpay na mapasok ang pinakamalaking kuta ng Muslim sa Pilipinas. Nagpunta
si Legaspi sa Maynila noong ika-24 ng Mayo 1571 at nang nakita ni Raha Lakandula ang lakas
ng hukbo niya, siya ay nakipagkaibigan dito.

Itinayong muli ng mga Espanyol ang nawasak na Maynila. Nagtayo ng mga bahay,
mga simbahan at kumbento para sa mga misyonero. Ipinahayag ni Legaspi ang Maynila bilang
punong bayan ng Pilipinas noong ika-24 ng Hunyo 1571. Ang petsang ito ay tinatawag ding
“Araw ng Maynila”.

Isang barko na lamang sila sa limang dala ang nakabalik ang barkong Victoria na
pinamunuan ni Sebastian del Cano.
Sanggunian: Hernandez, Vivian Labaton et. al, 1999. Pamana 5. Quezon City, Philippines. Christian Publishing, pp.68-70

3
Suriin

A. Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat patlang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.

___________1. Tinungo ng pangkat ni Magellan ang Cebu.

___________2. Idinaos ang unang Misa sa Limasawa.

___________3. Bumalik ng Espanya ang barkong Victoria.

___________4. Naglayag ang pangkat ni Magellan kasabay ang limang barko.

___________5. Dumaong sila sa bukana ng Golpo ng Leyte sa Pulo ng Homonhon.

B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na nagsasabi ng dahilan ng Spain sa
pagsakop sa Pilipinas. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.

___________1. Upang makatuklas ng mga kayamanan.

___________2. Upang maipalaganap ang Kristiyanismo.

___________3. Upang makatulong sa mahihirap.

___________4. Upang makapaglakbay ang mga Espanyol.

___________5. Upang mag-angkat ng mga produkto.

4
C. Panuto: Bumuo ng timeline ng paglalakbay ng Espanyol sa ating bansa

1 2 3

4 5 6

Pinasok ng mga Espanyol ang Maynila noong Ika – 24 ng Marso 1571


Ika – 27 ng Abril 1521 nilusob ni Magellan ang Maynila
Ang madugong labanan sa pagitan ng mga Espanyol at hukbo ni Raha Sulayman noong
ika – 8 ng Marso 1570.
Noon ika – 17 ng Marso 1521 dumaong sa pulo ng Homonhon ang pangkat ni
Magellan.
Ipinahayag ang Maynila na punong bayan ng Pilipinas noong ika – 24 ng Hunyo 1571
Nakarating sina Legaspi sa Cebu noong ika – 13 ng Pebrero 1565

5
Tayahin
Panuto: Puzzle Hanapin at bilugan ang mga salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba

C D R Y L A P U L A P U
D E R M E N A P D M I Y
A L R M A Y N I L A S B
F C F E N S E M E R E D
S A E O D D D E Y T P A
T N L C M E I P D I M D
E O I Y I V L Y M N A S
K M P S R I F X A D T I
A U I A W L H M A E T A
D R N R M L Y I N G I D
E S A M R S K R C O V A
R I S P L L G T D I M N
Y T A U I O S E M T E T
M A S T T B O C L I B E
O B M C S O R D I L T M
N D I M E S P A N Y A A
D E T E C T R I T A I N

SULAYMAN VILLALOBOS

ESPANYA MAGELLAN

KOLONYA MAYNILA

Susi sa Pagwawasto
LAPU-LAPU FELIPINAS
Suriin
MARTIN DE GOITI DEL CANO

6
Sagot ng Pagwawasto sa mga Gawain
Suriin

Sanggunian:
Hernandez, Vivian Labaton et. al, 1999. Pamana 5. Quezon City, Philippines. Christian
Publishing, pp.68-70

Pasamonte, Jesus T. et al, 2010. Liping Makabayan 5, Quezon City, Philippines. CJS
Publishing, pp.65-67

Antonio, Eleanor D.. et al, 2017. Kayamanan 5, Quezon City, Philippines. Rex Book Store,
Inc., pp.102-104

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn C. Ortiola


Ilustrador: Freddie Q. Fontanilla
Tagasuri:
A. Pangdistrito
Dr. Virginia S. Cabero Marlyn C. Romero
Rogelio S. Tabigne Florentina P. Ciano
Madonna A. Casallo
B. Pangdibisyon
Dr. Marilex A. Tercias Dr. Lea C. Cacayan
Dr. Maribel G. Carpio Elizabeth M. Alcaide
Teresita S. Roxas Myrna B. Paras
Analisa M. Mulato Geni M. Sarmiento
Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison
Mario S. Cariṅo
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

7
Sagot sa Pagwawasto sa Tayahin

8
9

You might also like