You are on page 1of 4

LAGUMANG PAGSUSULIT #1

Araling Panlipunan V
Kwarter 3

I. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap.Suriin kung TAMA o MALI ang sinasabi nito sa
kahulugan panungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

____1. Itinatag ang Pamahalaang Sentral o Sentralisado upang mapadali ang pamamahala sa bansa.

____2. Napalitan ang pamahalaang barangay ng Pamahalaang Sentralisado sa pagdating ng mga


Espanyol.

____3. May tatlong sangay ng pamahalaan ang itinatag sa bansa ng mga Espanyol ang lehislatibo,
ehekutibo at hudisyal.

____4. Ang mga Batas na ipinatutupad sa Pilipinas ay nanggagaling sa Hari ng Espanya.

____5. Ang Gobernador-heneral noon ay katumbas ng Gobernador natin ngayon.

____6. Tungkulin ng Gobernador-Heneral na humirang at mag-alis ng pinuno maliban sa hinirang ng hari.

____7. Ang tagapangulo ng Royal Audiencia ay ang Gobernador -heneral.

____8. Maaring suspendihin at pagmultahin ang mga opisyales na napatunayang nagkasala.

____9. Ang Gobernador-heneral ay maraming tungkulin at Karapatan sa pamamahala.

____10. Visitador -heneral ang lihim na nagsisiyasat sa mga gawi ng opisyales na nanunungkulan.

II. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa tinutukoy ng mga pangungusap sa ibaba.

dekreto superior pari pamahalaang sentralisado Audiencia Real

cumplase visita gobernador-heneral residencia

11. Ang Pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa bansa.

12. Siya ang kataas-taasang pinuno ng pamahalang Sentralisado.

13. Ang lihim na pagsisiyasat sa ginawa ng mga opisyales na nanungkulan sa pamahalaan.

14. Ito ang tinatawag na kataas-taasang Hukuman ng kolonya.

15. Ang Karapatan ng pagpigil ng batas ng isang Gobernador -heneral kung kinakailangan.

16. Ang hayag na pagsisiyasat sa mga opisyal ng pamahalaan sa pagtatapos ng kanilang tungkulin.

17. Ito ang tungkulin ng Gobernador-heneral na gumawa ng sariling batas.

18. Ang nangangasiwa sa mga Parokya.


Pangalan: ____________________________________ Baitang at Sekyon: ________________
Petsa: ______________________

LAGUMANG PAGSUSULIT #2
Araling Panlipunan V
Kwarter 3

I. Piliin sa kahon ang wastong sagot na tumutukoy sa bawat pangungusap sa ibaba.

Pedro de Valderama Lapulapu Ferdinand Magellan Paring Prayle


Rajah Kolambu Rajah Humabon Batang si Hesus Muslim
Limasawa Cordillera

1. Namuno siya sa paglalakbay ng mga Espanyol na unang nakarating sa Pilipinas.

2. Pinuno ng isla ng Mactan na tumalo sa mga dumating na Espanyol noong 1521.

3. Ang paring nanguna sa pagdaraos ng unang misa noong Marso 31, 1521.

4. Ang Rajah na naghandog ng isang basket na luya at bloke ng ginto kay Magellan.

5. Siya ang pinuno ng Cebu na nakilala ni Magellan na naging mabuti din ang pagtanggap sa kanila.

6. Dito naganap ang pinaniniwalaang unang Misa sa Pilipinas noong Marso 31, 1521.

7. Ito ang imahen na inihandog ni Magellan sa Rajah ng Cebu at ang kanyang asawa.

8. Ang lugar kung saan nahirapan ang mga Espanyol na puntahan sa kabundukan kaya nabigo ang ang
planong paglupig dito.

9. Sila ay hindi pumayag na isuko ang kanilang pagsamba kay Allah at matagumpay silang nakibaka laban
sa mga Espanyol.

10. Ang tumulong sa mga Espanyol na binigyan ng malaking responsibilidad upang magpalaganap ng
Kristyanismo sa bansa.

II. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Anu-ano ang mga naging TUGON ng mga Katutubong Pilipino sa Pagpapalaganap ng


Kristyanismo?

11.

12.

13.

14.

15.
LAGUMANG PAGSUSULIT #3
Araling Panlipunan V
Kwarter 3

I. Tukuyin kung TAMA o MALI ang salitang may salungguhit. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ang mga bahay na bato ay ginawa gamit ang ladrilyo at bato sa halip na tradisyunal na
Materyal na kawayan.
2. Ang nabuong pagpapangkat sa antas ng lipunan noon ay ang mga Espanyol, mga
Magkahalong lahi, at mga katutubong Pilipino.
3. Hindi naging Kristiyano ang mga Pilipinong Muslim na tinawag ng mga Espanyol na
Infeiles.
4. Bumaba ang pagtingin sa mga kababaihan sa panahon ng Espanyol, ang kanilang karapatan
ay nalimitahan.
5. Natuon ang gawain sa pag-aaral ng relihiyon at pagtupad sa mga gawaing bahay ang mga
kababaihan noon.
6. May tatlong antas ng paaralan na ipinatayo noon ang mga Espanyol ito ang elementarya,
sekondarya, at universidad.
7. Naitatag ang Escuela Pia noon na nakilala sa kasalukuyan bilang Ateneo De Naga University.
8. Isa sa mga kasuotan ng mga babae at lalaki noon ang tsinelas o sapatos, may mga palamuti
na beads at sequins ang tsinelas ng mayayaman.
9. Nagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng mga alahas na ginto na kinagawian na ng mga
Katutubong Pilipino subalit hindi nabago ang mga disenyo nito.
10. Ang mayayamang babae noon ay nagsusuot ng sayang de kola.

II. Tukuyin ang tamang sagot. Hanapin sa Hanay B ang sagot na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang
Sa inyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

11. Damit na panlalaki na may butones at A. Parian


nabubuksan sa harapan.
12. Ito ang telang balabal na isinasabit ng mga B. Peninsulares
Kababaihan mula kaliwa hanggang kanang
balikat.
C. Universidad ng Sto. Tomas
13. Ang unang paaralan na itinayo para sa mga
kalalakihan.
14. Ito ang mga paaralang itinatag para sa mga D. Mestizos De Sangley
anak na babae ng mayayamang Esapanyol.
15. Sila ang mga Espanyol na ipinanganak sa E. Bahay na Bato
Espanya.
16. Ang tawag sa mga Mestizos na may mga F. Pagtrabaho sa pabrika
magulang na Espanyol at Tsino.
17. Ito ang lugar kung saan naging tirahan ng mga G. Colegio de San Ignacio
Tsino na ibig sabihin ay “para sa mga Tsino”
18. Ang paaralang naitatag ng mga Dominican H. Camiso de Chino
noong 1611.
19. Ito ang mga Di-tradisyonal na gawain ng mga
kababaihan.
I. Lambong
20. Ang panahanan na naitayo sa panahon ng
Espanyol. J. Beaterio

K. Pag-aalaga sa mga anak

(Panahanan,Antas sa Lipunan,Katayuan ng Babae,Edukasyo,Pananamit)


LAGUMANG PAGSUSULIT #4
Araling Panlipunan V
Kwarter 3

I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa kahon. Isulat ang wastong
sagot sa inyong sagutang papel.

Francisco Juan Luna Gob. Narciso Doctrina Dolores


Balagtas Claveria Christiana Paterno

Nicolas Dela ikonograpiya Noli Me Tangere/ El La Solidaridad Komedya o


Cruz Bagay Filibusterismo Moro moro

1. Ito ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas na naglalaman ng mga dasal.


2. Naging tanyag siya dahil sa pagwagi ng gintong medalya ng kanyang obra na Spoliarium.
3. Ang naging opisyal na pahayagan o diaryo ng Kilusang Propaganda.
4. Ito ang mga aklat na isinulat niya bilang isang propagandista.
5. Ang tawag sa Sining ng paggawa ng mga larawan, imahen at pigurin.
6. Siya ang itinuturing na kauna-unahang Pilipinong mang-uukit.
7. Isang kwento sa anyong dula na nagsasalaysay ng labanan ng mga Moro at Espanyol.
8. Naging tanyag siya sa kanyang tulang “Florante at Laura”at kinilalang “Prinsipe ng Makatang Tagalog”.
9. Kilalang kompositor noong ika-19 na siglo na lumikha ng La Flor de Manila.
10. Siya ang nag-utos ng paggamit ng apelyidong Espanyol sa mga Pilipino upang maiwasan ang
pagkalito.

II. TAMA o MALI. Suriin ang mga may salungguhit na salita kung ito ay wasto o mali ang tinutukoy sa
pangungusap.

11. Naging tanyag ang pintor na si Jose Dans sa kanyang likha na pinamagatang Heaven,Earth at Hell.
12. Ang malalaking simbahan na gawa sa ladrilyo ang naging pamana ng Espanya sa larangan ng
Arkitektura.
13. Natutuhan natin sa mga Espanyol ang paghuhurno ng tinapay tulad ng ensaymada, empanada,
mamon at pandesal.
14. Ang Catalogo alfabeto de apellidos ay listahan ng mga apelyidong Espanyol na maaaring pagpilian
ng mga Pilipino.
15. Naging tanyag ang bayan ng Lumban, Laguna sa larangan ng paglililok ng mga Santo.
16. Ang mga pagdiriwang tulad ng Pasko, Mahal na Araw, Flores de Mayo ay ipinalaganap din ng mga
Espanyol na naging bahagi ng kultura ng mga Pilipino.
17. Nagmula sa mga Espanyol ang paggamit ng mga Pilipino ng kutsara,tinidor,plato,at tasa sa pagkain.
18. Ang Senakulo ay isang dula tungkol sa paglalarawan ng buhay at kamatayan ni Hesukristo.
19. Ang simbahan ng San Agustin na kilalang Paoay Church sa Ilocos Norte ay may tanyag na disenyong
“fortress baroque.”
20. Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar ay mga kilalang Propagandista na
na ginamit ang kanilang husay sa pagsusulat upang gisingin ang diwang makabayan ng mga
Pilipino.

You might also like