You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LUPA ELEMENTARY SCHOOL
TUBOTUBO NORTH, STA. CRUZ, ZAMBALES

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


Pangalan: ____________________________________________________________ Iskor: ________________

Baitang/Pangkat: __________________________________________________

A. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

__________ 1. Si _____________________ ang namuno sa paglalakbay ng mga Espanyol na unang nakarating sa kapuluan ng
Pilipinas.
a. Ferdinand Magellan c. Miguel Lopez de Legaspi
b. Lapu-Lapu d. Antonio Pigafetta

__________ 2. Ito ang unang isla sa Pilipinas na narating ng mga Espanyol.


a. Homonhon c. Cebu
b. Limasawa d. Sugbu

__________ 3. Ito ang lugar kung saan ginanap ang unang misa sa Pilipinas noong Marso 31, 1521.
a. Homonhon c. Sugbu
b. Limasawa d. Mactan

__________ 4. Siya ang pinuno sa pamayanan ng Limasawa.


a. Rajah Humabon c. Rajah Kolambu
b. Lapu-Lapu d. Sultan Kudarat

__________ 5. Paano napasailalim ang mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Espanyol?


a. Paggamit ng mga sandata upang labanan ang mga Pilipino.
b. Pagkulong sa mga Pilipino.
c. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Plipinas.
d. Kusang sumuko ang mga Pilipino sa mga Espanyol.

__________ 6. Siya ang kinatawan ng Hari ng Spain at pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral na nakatalga sa
Pilipinas.
a. Gobernador-heneral c. encomendero
b. Datu d. alcalde mayor

__________ 7. Siya ang hinirang na kauna-unahang gobernadora-heneral ng Pilipinas.


a. Ferdinand Magellan c. Miguel Lopez de Legaspi
b. Fernando Primo de Rivera d. Rafael Maria de Aguilar

__________ 8. Ito ang kataas-taasang hukuman sa Pilipinas noong panahong kolonyal.


a. Royal Audiencia c. Encomienda
b. Viceroyalty d. Residencia

__________ 9. Ito ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal na pinamumunuan ng cabeza de barangay.
a. Ciudad c. Barangay
b. Pueblo d. Corregidor

__________ 10. Siya ang namumuno sa mga pueblo o bayan.


a. Alcalde mayor c. Cabeza de barangay
b. Gobernadorcillo d. sultan

__________ 11. Ito ang sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas.

a. Tributo c. Pueblo
b. Principalia d. Bandala
__________ 12. Ito ay ang sapilitang paggawa ng Pilipino noong panahon ng kolonyang Espanyol.
a. Bandala c. Tributo
b. Kalakalang galyon d. Polo y servicio

__________ 13. Sa sapilitang paggawa ng mga Pilipino, ang mga _________________ ay sapilitang pinagtatrabaho ng kolonyang
Espanyol.
a. menor-de-edad
b. kalalakihang may edad 16-60
c. kababaihang may edad 18-60
d. kalalakihang edad 60 pataas

__________ 14. Ano ang sistemang bandala?


a. Sapilitang paggawa ng mga Pilipino.
b. Sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.
c. Kalakalang panlabas ng Pilipinas.
d. Sapilitang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino.

__________ 15. Ito ang tawag sa kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco na kung saan maraming mga produkto ang
lumalabas at pumapasok sa Pilipinas.
a. Kalakalang galyon c. Bandala
b. Polo y servicio d. Tributo

__________ 16. Ito ang tawag sa pagmimisyon ng mga prayle sa Pilipinas.


a. Buddismo c. Kristiyanisasyon
b. Relihiyong Islam d. Kolonyalismo

__________ 17. Ito ay ang uri ng tirahan na ipinatayo noong panahon ng mga Espanyol.
a. Bahay na kawayan c. Bahay na kahoy
b. Bahay na konkreto d. Bahay na bato

__________ 18. Ang ____________ ay mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya. Sila ang may hawak ng mataas na posisyon sa
pamahalaan.
a. Insulares c. Peninsulares
b. Mestizo d. Indios

__________ 19. Ito ang tawag sa mga Pilipinong naging Kristiyano anuman ang katayuan nila sa lipunan.
a. Insulares c. Peninsulares
b. Indios d. Mestizo

__________ 20. Ang tawag ng mga kolonyalistang Espanyol sa mga Pilipinong Muslim.
a. Infieles c. Mestizo
b. Moros d. Indios

__________ 21. Ito ang kauna-unahang paaralan na ipinatayo ng mga Heswita para sa mga lalaki noong 1589.
a. Unibersidad ng Santo Tomas c. Colegio de San Juan
b. Colegio de San Ignacio d. Colegio de Sta. Isabel

__________ 22. Ito ang unang aklat dasalan na inilimbag ng mga misyonero sa Pilipinas noong 1593.
a. Doctrina Christiana c. La Solidaridad
b. El Filibusterismo d. Spolarium

__________ 23. Kinilala siya bilang “Prinsipe ng Makatang Tagalog”.


a. Jose Rizal c. Graciano Lopez Jaena
b. Francisco Baltazar d. Juan Luna

__________ 24. Siya ang unang patnugot ng La Solidaridad na siyang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
a. Jose Rizal c. Graciano Lopez Jaena
b. Francisco Baltazar d. Juan Luna

__________ 25. Ito ang obra ni Juan Luna na nagwagi ng gintong medalya sa Epanya noong 1884.
a. Spolarium c. Monalisa
b. Doctrina Christiana d. La Solidaridad
B. Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili ng sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Reduccion Infieles Insulares Tribus Independientes


Peninsulares Kristiyanisasyon Encomedero Sultan Kudarat
Digmaang Moro Jose Basco y Vargas Miduel Lopez de Legaspi

_______________ 26. Siya ang nagpatupad ng Monopolyo sa Tabako noong 1781.

_______________ 27. Ito ang tawag sa pagmimisyon ng mga prayle sa Pilipinas.

_______________ 28. Ito ay ang sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Filipino sa mga kabayanan.

_______________ 29. Ito ang tawag sa labanan sa pagitan ng mga Muslim at Espanyol.

_______________ 30. Ito ay nangangahulugang “tribong malaya”.

_______________ 31. Sila ay mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.

_______________ 32. Sila ang mga Pilipinong hindi naging Kristiyano.

_______________ 33. Pinamunuan niya ang pang-apat na Digmaang Moro laban sa mga Espanyol.

_______________ 34. Sila ang namamahala sa encomienda at sapilitan nilang kinukuha ang mga ari-arian ng mga Pilipino.

_______________ 35. Siya ang kauna-unahang gobernador-heneral sa Pilipinas.

C. TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa patlang.

______________ 36. Hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ang kabundukan ng Cordillera.

______________ 37. Naging madali para sa mga misyonero ang pagbibinyag sa mga Igorot .

______________ 38. Ang jihad ay ang banal na digmaan laban sa mga Espanyol.

______________ 39. Ang pangangayaw ay isang tradisyon ng mga Muslim ng pakikidigma at pagpugot sa mga kaaway.

______________ 40. Ang Moro-moro ay isang dula-dulaan na pinasikat ng mga Espanyol upang ipakita na kalaban ang mga
Muslim.

D. Ibigay ang hinihinging sagot.


Mga dahilan ng tangkang pagsakop ng mga Espanyol sa mga Igorot
41. ______________________________________________________________________________
42. ______________________________________________________________________________
43. ______________________________________________________________________________

Mga tugon ng Igorot at Muslim sa tangkang pananakop ng mga Espanyol sa kanila


44. ______________________________________________________________________________
45. ______________________________________________________________________________
46. ______________________________________________________________________________
47. ______________________________________________________________________________

Sultanato ng Mindanao
48. __________________________________________________
49. __________________________________________________
50. __________________________________________________

You might also like