You are on page 1of 10

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
SERRANZ LEARNING CENTER INCORPORATED

2nd PERIODICAL EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN VI

Name:__________________________________________________Section:________Score:_______

Test I-A. MULTIPLE CHOICES: Bilugan ang tamang sagot.

1. Napili ng mga Muslim ang kanilang relihiyong______.


a. Katoliko c. Protestante
b. Islam d. Aglipay
2. Ang____ang unang misyonerong dumating sa Pilipinas.
a. Heswita c. Dominiko
b. Agustino d. Pransiskano
3. Mahirap marating ng mga misyonero ang _____na tinitirhan ng mga Igorot.
a. Bulubundukin c. baybay dagat
b. Kapatagan d. tabing ilog
4. Bukod sa klima, naging suliranin ng mga misyonero dumating sa Pilipinas ang_____.
a. kultura ng mga Pilipino c. layu-layong tirahan ng mga Pilipino
b. wika ng mga Pilipino d. kakulangan sa pagkain
5. Ang_____ay isang palatandaan ng pagtanggap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
a. Pagbibigay ng mga pagkain sa mga pari
b. Pagseserbisyo sa kumbento
c. Pakikinig sa sermon
d. Pagpapabinyag
6. Malaki ang nagawa ni______sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino noong 1778-1787.
a. Jose Basco y Vargas c. Hortado de Corcuerca
b. Jose Raon d. Miguel Lopez de Legazpi
7. Pinakamataas na opisyal na hinirang ng hari ang____para sa itinatag na pamahalaang sentralisado.
a. cabeza de barangay c. alcalde mayor
b. gobernadorcillo d. gobernador-heneral
8. Nakikilala ang kasanayan at pagiging makasining ng mga Pilipino sa paggawa ng________.
a. tahanan c. galyon
b. alak d. laryo
9. Ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong_________.
a. ika-20 ng Enero, 1872 c. ika-26 ng Agosto, 1896
b. ika-17 ng Pebrero, 1872 d. ika-12 ng Hunyo, 1898
10. Isa sa mapayapang paghihimagsik ang nais matamo ni__________.
a. Jose Rizal c. Andres Bonifacio
b. Emilio Aguinaldo d. Marcelo H. del Pilar

Test II. Piliin mula sa kahon ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

Residencia polista Gobernador Heneral


Kristiyanismo kalakalang galyon pueblo
Encomendero cabeza de barangay alcadia
Polo tributo

_______________11. Ang mga katutubo ay kinakailangang magbayad ng buwis sa pamahalaang Espanyol.


_______________12. Ito ay naninilbihan sa polo.
_______________13. Ito ay tumutukoy sa mga lalawigang ganap ng nasakop ng mga espanyol.
_______________14. Karaniwang conquistador ang nabibigyan ng lupain upang pamahalaan.
_______________15. Ito ay nag-uugnay sa Pilipinas at Europeong merkado sa pamamagitan ng Mexico.
_______________16. Ang pamahalaan ng bayan ay pinamumunuan ng gobernadorcillo.
_______________17. Sino ang namumuno sa barangay.
_______________18. Ang pamahalaaang sentral ay pinamumunuan ng pinakamataas na pinuno sa pamahalaang
kolonyal.
_______________19. Sapilitang paggawa ay isa sa mga patakarang pangkabuhayang ipinatupad at sakop nito ang
mga lalaking nasa edad 16 hanggang 60.

Test III. TAMA o MALI: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagbibigay ng wastong kaisipan at Mali kung
hindi.

_________20. Itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging unang punong patnugot nito.
_________21. Si Gregorio del Pilar ang ikalawang punong patnugot ng pahayagang La Solidaridad.
_________22. Ang Kilusang propaganda ay naglalayong magkaroon mga repormang panlipunan at pampolitika sa
pilipinas.
_________23. Ang GOMBURZA at tumutukoy sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora.
_________24. Si Emilio Aguinaldo ang sumulat ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
_________25. Ilan sa mga kilalang propagandista ay si Jose Rizal, Graciano Loperz Jaena, at Marcelo H. del pilar.
_________26. Layunin ng La Liga Filipina ang manguna sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol.
_________27. Itinatag ni Marcelo H. del Pilar ang pahayagang Diariong Tagalog, na hayagang tumuligsa sa mga
mapang abusing Espanyol.
_________28. Naging kasapi ng La Liga Filipina si Emilio Aguinaldo.
_________29. Ang Nasyonalismong Pilipino ay nagsimulang umusbong sa Pilipinas noong ika-19 na dantaon bunga
ng mga pagbabagong naganap sa Europa.

Test IV. Piliin sa hanay A ang tinutukoy sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.

Hanay A Hanay B
_________30. Ilustrado a. mga kasapi ng kilusang propaganda
_________31. Carlos Maria Dela Torre b. sila ang nagnanais na mabigyan ng karapatan ang
mga Pilipinong pari na mamahala sa mga parokya
_________32. Fray Botod c. Isinulat niya ang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo
_________33. Propagandista d. mga Pilipinong nakapag-aral sa malalaking
kolehiyo at unibersidad sa loob at labas ng bansa
_________34. Jose Rizal e. Itinatag niya ang Diariong Tagalog
_________35. Marcelo H. del Pilar f. Itinalaga ng bagong pamahalaang republika ng
espanya para mamahala sa Pilipinas
_________36. GOMBURZA g. malayang pag-iisip na hindi nakatali sa patakaran
ng pamamahala sa Pilipinas
_________37. Kilusang Sekularisasyon h. tatlong paring martir
_________38. Liberal i. tumutuligsa sa mapang abusong Espanyol.
_________39. 1871 j. nakabalik sa kapangyarihan ang monarkiya sa
Espanya

Test V-A. Isulat sa patlang ang bilang ayon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

_________40. Itinatag ni Andres Bonifacio ang katas-tasan, kagalang-galangang katipunan ng mga Anak ng Bayan.
_________41. Inilathala sa unang pagkakataon ang kalayaan bilang opisyal na pahayagan ng katipunan.
_________42. Nilusob ng mga Espanyol ang opisina ng Diariong de Manila at nakakuha ng mga ebidensiyang
magpapatunay sa katipunan.
_________43. Naitatag ang unang sangay ng kababaihan sa katipunan.
_________44. Itinatag ang kumbensiyon sa Teheros Cavite ang isang pamahalaang rebolusyonaryo.
_________45. Natuklasan ang katipunan dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga katipunero.
B. Ipaliwanag ang tanong. (5 puntos.)

46.-50. Ano ang mga aral na ating mapupulot sa pagkakatuklas ng katipunan? Paano ito posibleng maging gabay sa
kasalukuyang kalagayan ng bansa?

GOODLUCK!

Inihanda ni:
Ma. Evelyn A. Navarroza
Guro

Sinuri ni:
HERNANE R. DE JESUS
Punong-guro
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
SERRANZ LEARNING CENTER INCORPORATED

2nd PERIODICAL EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN IV

Name:____________________________________________Section:________Score:_______

Test I. MULTIPLE CHOICES: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


____1. Sino ang tinatawag na namumugot sa Hilaga?
a. Ibaloi c. Bontok
b. Kalinga d. Ibanag
____2. Aling pangkat etnolingguwistiko ang nagpalaganap ng sistema ng pagsulat na baybayin?
a. Bikol c. Tagalog
b. Ibanag d. Waray
____3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Badjao?
a. taong nasa bukid c. taong nasa bahay
b. taong nasa dagat d. taong nasa gubat
____4. Saan lalawigan nakatira ang mga kapampangan?
a. Sulu c. pampanga
b. Palawan d. Mountain Province
____5. Aling pangkat ang nagsusuot ng vakul.
a. Badjao c. basi
b. Ivatan d. Cotabato
____6. Ano ang ibig sabihin ng ranggong magani sa pangkat ng mga Bagobo?
a. manggagamot c. mayamang pinuno
b. guwapo d. nakapatay ng ng mga kalaban

Test II. Piliin mula sa kahon ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

Kagawaran sa Wikang Filipino Kagawaran ng Edukasyon Kagawaran ng Turismo


Kagawaran ng Hustisya Pambansang Aklatan Kagawaran ng Kalusugan
Kagawaran ng Pagsasaka Rizal Park Open Air-Auditoruim NCCA

________________7. Ito ang nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan at pinangangasiwaan nito ang mga
programang pangkalusugan.
________________8. Ito rin ang pangunahing pisikal na nagsusulong sa mga kaso ng pamahalaan sa Korte.
________________9. Tungkulin ng kagawaran na ito na itaguyod ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng kurikulum sa paaralan.
________________10. Ang ahensiyang ito ay may tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating pambansang
wika at iba pang wika at diyalekto sa bansa.
________________11. Ang kagawarang ito ay nagtataguyod at naglilinang ng turismo sa bansa.
________________12. Ang ahensiyang ito ang nangangalaga ng mga makasaysayang record ng ating minanang
kultura.
________________13. Nagbibigay ito ng mga serbisyo sa mga magsasaka at mangingidsa upang mapaunlad ang
kanilang produksiyon.
________________14. Dito ginaganap ang “Concert at the Park” tuwing linggo.

Test III. TAMA o MALI: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagbibigay ng wastong kaisipan at Mali kung
hindi.
______15. Ang sinaunang barangay ay pinamumunuan ng datu.
______16. Ang bahay kubo ay karaniwang tirahan ng mga katutubong Pilipino.
______17. Ang gangsa ay isang katutubong sayaw.
______18. Ang sinaunang alpabeto ay tinatawag na baybayin.
______19. Ang Kangan ay kasuotang panlalaki.
______20. Mayaman at makulay ang katutubong kulturang Pilipino.
______21. Ang ating mga ninuno ay naniniwala at sumasamba sa mga anito.
______22. Ang mga magulang ang nagsilbing guro ng mga baybayin.

Test IV. Salungguhitan nag tamanag sagot.


23. Tungkulin natin na mag-aral ng mabuti at linangin ang ating talento, kasanayan, kakayahan na magagamit upang
maunawaan ang kulturang Pilipino. (Pag-aaral ng mabuti, Pagsasabi ng tapat)
24. Kailangan natin kumain ng wastong pagkain, mag ehersisyo at mamahinga kung kailangan.
(Pagpapanatili ng Mabuting kalusugan, Pagsali sa mga Samahan)
25. Masayang maibahagi sa mga samahang tumutulong sa pagsulong ng ating kultura.
(Pagsunod sa kaugalian at tradisyon, Pagsali sa mga gawaing kultural at mga Paligsahan)
26. Magagamit natin ang ating talento at kasanayan upang maitanghal at maibahagi ang kagandahan ng ating
kailangan. (Pagsali sa mga Samahan, Pag-aaral ng Mabuti)
27. Tungkulin natin igalang ang mga lugar na pinagtataguan o pinagtatanghalan ng mga bagay na sumisimbolo sa
ating kultura. (Pangangalaga sa mga aklatan, museo, parke, Pangangalaga sa ating kulturang minana)
28. Ang pagsasabuhay ng ating mga kaugalian at tradisyon ang pinakamagandang paraan ng pagsusulong ng ating
sariling kultura. (Pagsunod sa batas, Pagsunod sa mga kaugalian at tradisyon)

Test V. Punan o lagyan ng wastong kasagutan ang mga patlang.


29. Ang museong ito ay itinatag sa pamamagitan ng Atas ng republika Blg. 8492 bilang sentro ng pangongolekta at
iba pa.___________________________
30. Ang mga bata ay nanunuod ng pelikula at mga nakakaliw na pagtatanghal tungkol sa ating kultura.____________
31. Sa museong ito itinatago ang mg alaala at kayamanang nanggagaling sa Vatican._______________________
32. Ito ay pribadong museo na pag-aari ng korporasyong Ayala._______________________
33. Itinatanghal sa museong ito ang kasaysayan ng pera sa Pilipinas._______________________
34. Ito ang pinakamatandang museo sa bansa na nasa loob ng paaralan.________________________
35. Ito ang lumang bahay ng mga espanyol na ginawang museo._______________________
36. Dito nakatago ang mga alaala at memorabilya ni Padre Jose Burgos._________________________

Test VI. Ibigay ang mga sumusunod:


37-40. Kulturang Materyal
37.
38.
39.
40.

41-44. di-kulturang materyal


41.
42.
43.
44.

Test VII. Ipaliwanag ang mga tanong.


45-47. Sa iyong palagay mas maganda ba at mabuti ang ating kasalukuyang kultura kaysa sinaunang kultura?

48-50. Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong sa pag-unlad ng ating kulturang Pilipino. Ano ang iyong
gagawin?

GOOD LUCK!
Inihanda ni:
Ma. Evelyn A. Navarroza
Guro
Sinuri ni:
HERNANE R. DE JESUS
Punong-guro
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
SERRANZ LEARNING CENTER INCORPORATED

2nd PERIODICAL EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN V

Name:______________________________________Section:________Score:_______

Test I-A. MULTIPLE CHOICES: Bilugan ang tamang sagot.


1. Kailan itinatag ang sultanato ng maguindanao ni Shariff Mohammed kabungsuan.
a. 1515 c. 1517
b. 1516 d. 1518
2. Ano ang tawag sa kasalukuyan ng Islam sa Pilipinas na nakatala sa mga dokumentong______.
a. Sharia c. Shariff Karim-ul Mahkdum
b. Tarsila d. mosque
3. Saan naitatag ng mayayamang sultanato ang kanilang maayos na sistema ng pamahalaan.
a. Luzon c. Mindanao
b. Visayas d. Maynila
4. Ano ang pangunahing produktong kinalakal ng mga tsino?
a. Sapatos at pantalon c. porselana at seda
b. Ginto at pilak d. tela
5. Kanino natin natutuhan ang sisteman ng pagbibilang?
a. Tsino c. Sultanato
b. Arabe d. Indian
6. Sino ang pinaniniwalang nagsimulang makipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino noong ika-9 na
dantaon.
a. Arabe c. Tsino
b. Indian d. sulatanato
7. Kailan nakarating sa bansa si Rajah Baguinda upang palaganapin pang lalo ang Islam sa Pilipinas.
a. 1390 c. 1490
b. 1391 d. 1491
8. Ito ay isang ebidensiya ng ugnayan ng mga sinaunang Pilipino at mga Indian na nakuha noong 900 A.D.
a. Ginuntuan Tara ng Agusan c. Laguna Copperplate Inscription
b. Alpabetong Sanskrit d. Bulol
9. Ano ang ibig sabihin ng sheriff?
a. nagmula sa lahi ni Karim ul-Mahkdum
b. nagmula sa lahi ni Putri Parimisuli
c. nagmula sa lahi ni Rajah Baguinda
d. nagmula sa lahi ni propeta Mohammed

Test II. Piliin mula sa kahon ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

Datu maharlika timawa maginoo


Barangay baybayin aliping namamahay
Umalohokan balangai Laguna Copperplate Inscription

___________________10. Siya ay pinuno ng barangay sa sinaunang lipunang Pilipino.


___________________11. Ito ay sinaunang alpabetong Pilipino.
___________________12. Binubuo nila ang malaking bahagi ng populasyon ng sinaunang pamayanan.
___________________13. Pinakamataas na uri ng lipunan sa sinaunang Lipunang Pilipino.
___________________14. Ito ay uri ng lipunan na maaring magkaroon ng ari-arian.
___________________15. Ito ay isa sa pinakamatandang dokumento na nahukay ng mga arkeologo sa bansa.
___________________16. Ito ang pinakaunang anyo ng pamahalaan sa sinaunang lipunang Pilipino.
___________________17. Siya ay tagapamalita ng mga kautusan ng datu.
___________________18. Sila ang kamag-anak ng datu at panggitnang uri sa sinaunang lipunan.

Test III. TAMA o MALI: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagbibigay ng wastong kaisipan at Mali kung
hindi
___________19. Naniniwala si F. Landa Jocano na may naninirahan na sa Pilipinas mahigit 20,000 taon na ang
nakalipas.
___________20. Ang mga Austranesyano ay nakarating sa ating kapuluan sa pamamagitan ng paglalakad sa mga
tulay na lupa.
___________21. Sinasabi sa Pacific Theory na nagpatong-patong ang magma at lava na dahilan ng pagkakabuo ng
mga isla ng Pilipinas.
___________22. Ayon sa Teorya ng Lupa, ang sinaunang tao ay naglakbay gamit ang mga sasakyang pantubig.
___________23. Noong panahon ng yelo ay nabuo ang malalaking tipak ng yelo mula sa tubig sa mga karagatan ng
mundo.
___________24. Ang Bottom of the sea Theory, na nagsasabing kailanman ay hindi naging karugtong ng kalakhang
lupain ng Asya ang Pilipinas.
___________25. Ayon sa Lost Continent Theory, isang kontinente sa Asya ang lumubog sa karagatan maliban sa
iilang bahagi nito.
___________26. Ayon kay Dr Bailey Willis, isang antropologo, ang Pilipinas ay nabuo mula sa pagputok ng mga
bulkan sa ilalim ng katubigan.

Test IV. Isulat sa patlang ang tamang sagot.


27. Ang dalawang kaharian mahigpit na magkaribal noong Pnahon ng Pagtuklas________________________.
28. Ito ay pananakop at pagkontrol ng isang bansa sa ibang lupain o teritoryo.__________________________
29. Ang pinag-aagawang kapuluan na dahilan ng pagkakaroon ng kasunduan ng Zaragoza noong
1529.______________________
30. Noong 1494 nagkasundo ang dalawang kaharian at nabuo ang____________________________.
31. Ang sistemang pang-ekonomiya na tumutukoy sa paglikom ng kayamanan bilang pangunahing batayan ng
kapangyarihan ng isang kaharian.______________________________
32. Isa sa mga Europeong manlalayag na nakarating sa kasalukuyang Hilagang Amerika___________________.

Test V. Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.


33-35. Tatlong pangkat ng o uri ng tao sa Lipunan
33.
34.
35.

36-38. Tatlong uri ng Alipin sa Kabisayaan


36.
37.
38.

Test VI. Kilalanin ang Pilipinong nagsabi ng sumusunod. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
__________39. Ang batas ay para sa lahat.
__________40. Ang tagumpay ng himagsikang Pilipino ay hindi natatapos sa larangan ng labanan.
__________41. Iisa ang mga Pilipino anuman ang kanilang paniniwala, pinagmulan, o katayuan sa buhay.
__________42. Nakakalungkot at hindi makatao ang ginagawang pagsasanay sa mga katutubo.
__________43. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?\
__________44. “Di kailangan, kapatid ko, ang magbukas ka’t bumasa ng pilosopiya, o nang teolohiya at iba pang
karunungan, upang maranasan mo ang kadakilaan nang Dios.”

a. Jose P. Rizal
b. Apolinario Mabini
c. Gregorio Sancianco
d. Marcelo H. del Pilar
e. Andres Bonifacio
f. Sultan Kudarat
Test VI. Ipaliwanag ang mga tanong.

45-47. Bakit na itinuturing na martir ang talong pari?

48-50. Ano ang pangyayari ang higit na nakagising sa pagkakaisa ng mga Pilipino upang lumaban sa masamang
pamamahala ng mga kastila?

GOOD LUCK!

Inihanda ni:
Ma. Evelyn A. Navarroza
Guro

Sinuri ni:
HERNANE R. DE JESUS
Punong-guro
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
SERRANZ LEARNING CENTER INCORPORATED

2nd PERIODICAL EXAMINATION


EPP V

Name:______________________________________Section:________Score:_______

I. PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong . Piliin at bilugan ang angkop na sagot.

1. Ito ay yari sa makapal at malinaw na materyal tulad ng marquisette at voile na ginagamit sa salamin ng bintana.
a. Glass Curtain b. Kurtinang draperies c. Draw draperies
2. Ito ang kurinang ipinapasok sa isang manipis na tubong bakal na maaring buksan at isara sa pamamagitan ng
paghila sa nakakabit na kurdon.
a. Kurinang Valance b. Draw draperies c. Stationary tape na kurtina
3. Ito ang piraso ng tela na inilalagay sa itaas na bahagi ng bintana.
a. Kurtinang Valance b. Glass Curtain c. Kurtinang draperies
4. Pira-pirasong tela na nakasabit sa itaas na bahagi ng bintana na may valance.
a. Kurtinang draperies b. Kurtinang Valance c. Draw draperies
5. Uri ng kurtina na nakasabit nang permanente sa lugar na nagsisilbing istraktura para sa bintana.
a. Glass Curtain b. Stationary tape na kurtina c. Draw draperies

Test II. Punan o lagyan ng wastong kasagutan ang mga patlang.

6. Ang______ay tanggapan ng mga panauhin kayat kailangan itong maging maayos.


7. Sa_____________matatagpuan ang lababo na pinaghuhugasan ng mga pinggan.
8. Ang_______________nagpapahinga at natutulog ang bawat miyembro ng pamilya.
9. Sa_______________ang nagpili ng mesa para sa hapag kainan ay nakasalalay sa espasyong paglalagyan nito at
ayon din sa bilang kasapi ng pamilya.
10. Dito tayo naliligo sa ____________upang malinisan ang ating katawan at mabango.
11. Ang ganda ng isang______________ay hindi nakasalalay sa laki at halaga kundi sa kasapi ng pamilya.
12. Ang_____________ang pinakamahalagang elemento sa loob ng tahanan.

Test III. Isulat ang tinutukoy kung ito ay Agahan, Pananghalian o Hapunan na inilalarawan sa pangungusap.
________________13. Si Nanay ay naghanda ng gatas na inumin at isang pirasong saging para sa almusal.
________________14. Nagluto si Tita Ayen ng piniritong isda at kanin na may kasamang panghimagas para sa bisita.
________________15. Masarap ang ginisang amplaya na ulam na inihanda sa mesa.
________________16. Ang pagkain namin bukas ay piniritong tinapa at itlog kamatis na may sawsawang toyo.
________________17. Naamoy ko na nilagang baka ang ulam naming ngayon.
________________19. Si Paulo ay bumili ng baboy sa palengke upang gawing bistik na baboy mamayang gabi.

Test IV. ISA-ISAHIN:


20-22. Uri ng Kurtina
20.
21.
22.

23.31- Gabay sa Pagpili at Pagbili ng de-kalidad na Pagkain


23. 30.
24. 31.
25.
26.
27.
28.
29.
Test V. Punan ng wastong kasagutan ang mga patlang. Pumili sa loob ng kahon.

Line or Japanese Arrangement Ikebana Round Flower Arrangement


Flower vase Triangular Flower Arrangement Cresent na ayos ng Bulaklak
Line Mass Arrangement Assymetrical Flower Arrangement
Hogarth na Pakurbang ayos ng Bulaklak Horizontal Flower Arrangement

____________________32. Ang pagdidisenyo ay kinapapalooban ng pangunahing materyales gaya ng ilang bulaklak


at “foliage” na makukuha sa local na lugar opamilihan.
____________________33. Ang paglalagay ng kandila sa gitna ay makapagdaragdag ng “romantic touch”.
____________________34. Maari itong maging A na disenyo sa isang mataas na flower vase, at maaring gamitin sa
latar o kasalan sa simbahan.
____________________35. Ito ay gumagamit ng maraming bulaklak upang makapagbigay ng mas malalim na
damdamin.
____________________36. Nagmulala sa bansang ike ay mabubuhay at bana nangangahulugan ng bulaklak.
____________________37. Hindi ito nangangailangan ng maraming bulaklak.
____________________38. Nakikita nito ang lahat ng anggulo na nagpapakita ng element na lumilikha ng hating
hugis.
____________________39. Ang pag-aayos ng mga bulaklak ay isang gawaing makasining ng pag aaayos ng mga
bulalaklak at inilalagay sa________.
____________________40. Ang ayos na ito ay isang anggulo na tinatawag na Hogart S.
____________________41. Ang mababang oval o oblong na sisidlan ay inirerekomenda subalit hindi sapilitan.

Test VI. ISA-ISAHIN:

42-46. Paraan ng paglalagay ng kurtina


42.
43.
44.
45.
46.

47-50. Kung ikaw ay papipiliin alin sa mga Ayos at Istilo ng Bulaklak ang iyong gagawin? Pumili ng isa at
ipaliwanag ito.

GOOD LUCK!

Inihanda ni:
Ma. Evelyn A. Navarroza
Guro

Sinuri ni:
HERNANE R. DE JESUS
Punong-guro

You might also like