You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Commission On Higher Education


Region V
TIWI COMMUNITY COLLEGE
Tiwi, Albay
PRELIMINARYONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan_____________________________________ Antas/Seksyon ____________________________ Iskor ___________________

I. Tama/Mali (2puntos)
Panuto: Isulat ang salitang Totoo kung ang mga pahayag ay tama at di-totoo kung ito naman ay mali.
Salungguhitan ang salitang nagsasaad ng maling pahayag at isulat ang angkop na salita.
___________1. Ang parabula ay isang akdang tumatalakay sa buhay ng isang tao.
___________2. Ang panitikan ay talaan ng buhay.
___________3. Ang tulang pasalaysay ay may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay, pag-ibig at
pakikipagsapalaran ng mga bayani sa paraang patula.
___________4. Ang trahedya ay uri ng dulang may malulungkot na pangyayari na halos ang mga pangunahing tauhan
ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli ay nagtatagumpay din.
___________5. Ang pabula ay kwento ng mga hayop.
___________6. Itinatanghal sa dulaan ang tulang liriko.
___________7. Ginamit ni Jose Rizal ang sagisag panulat na “Piping Dilat”.
___________8. Isa sa mga akda ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere.
___________9. Ang pasalindila ay paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao.
___________10. Ang duplo ay isang pagtatanghal tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo na
ginagampanan nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.
II. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
________11. Ang mga sumusunod ay layunin ng mga kastila sa pananakop nila sa Pilipinas maliban sa:
a. Pagpapayaman c. pagpapalakas ng kapangyarihan
b. pagpapahirap sa mga Pilipino d. pagpapalaganap ng pananampalatayang kristiyanismo
________12. Isang tulang nagpaparangal sa alaala ng namatay.
a. Dalit b. elehiya c. oda d. soneto
________13. Mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may
kababalaghang hindi kapani-paniwala.
a. Epiko b. karagatan c. awit/korido d. dalit
________14. Pagpapahayag ito na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Magbigay ng kuro-kuro, magpaliwanag at
humikayat ang layunin nito.
a. Talumpati b. pagtula c. dula d. pagsasalaysay
________15. Mga salaysaying hango sa bibliya na nakapagbibigay-aral sa mga nakikinig o nagbabasa.
a. Pabula b. maikling kwento c. parabula d. dula
________16. Uri ng tulang pumapaksa sa mga damdamin tulad ng kalungkutan at kasiyahan.
a. Tulang pasalaysay b. tulang liriko c. tulang padula d. tulang pandamdamin
________17. Isang awit sa pagpapatulog sa bata.
a. Diona b. dalit c. talindaw d. oyayi
________18. Ito’y patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
a. Sawikain b. salawikain c. kasabihan d. bulong
________19. Gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
a. Bulong b. bugtong c. palaisipan d. karunungang bayan
________20. Awit ng pag-ibig.
a. Kundiman b. kumintang c. diona d. talindaw
________21. Binubuo ito ng labing pitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
a. Tanaga b. haiku c. soneto d. karaniwang tula
________22. Dumating ang mga dayuhang kastila sa Pilipinas na taglay ang tatlong Gs:
a. God, garments, glory b. god, goal, glory c. god, gold, glory d. god, golden, glory
________23. Ang tema ng tulang ito ay hinggil sa pagtubos sa sangkatauhan kasali na ang sakripisyo at pagkamatay ni
Hesus sa Krus.
a. Santa Cruzan b. karagatan c. tibag d. pasyon
________24. Halimbawa ng “korido”.
a. Ibong Adarna b. Florante at Laura c. Doce Pares ng Pransya d. Siete Infantas de Lara
________25. Ang may kontrol sa mga imprenta noong panahon ng kastila.
a. Pamahalaan b. guwardiya sibil c. simbahan d. mga naunang Pilipino
III. Pagtatambal
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang wastong sagot na angkop sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
Hanay A Hanay B
_______26. Gintong Panahon a. Marcelo H. Del Pilar
_______27. Kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas b. Panahon ng Kastila
_______28. May sagisag panulat na “Piping Dilat” c. Graciano Lopez Jaena
_______29. Ginamit niya ang sagisag panulat na “taga-ilog” d. Andres Bonifacio
_______30. May akda ng “Ang Fray Botod” e. Panahon ng mga hapones
_______31. Alpabetong Romano
f. Emilio Jacinto
_______32. Utak ng katipunan
_______33. Ama ng katipunan
g. Jose Rizal
_______34. Utak ng himagsikan h. Doctrina Kristiyana
_______35. Gumamit ng sagisag panulat na “Dimasalang” i. Antonio Luna
_______36. May akda ng “Uhaw ang Tigang na Lupa” j. Apolinario Mabini
_______37. Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan k. Bugtong
_______38. May akda ng “Florante at Laura” l. Panahon ng kastila
_______39. Thomasites m. Francisco Baltazar
_______40. Binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod n. Tanaga
o. Liwayway Arceo

IV. Essay (5puntos)


1. Paano naipamalas ng mga bayani ang kanilang pagiging nasyonalismo?
2. Ano-ano ang mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ang naganap nang Panahon ng mga Kastila?

GOOD LUCK 
Republic of the Philippines
Commission On Higher Education
Region V
TIWI COMMUNITY COLLEGE
Tiwi, Albay
PRELIMINARYONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 106

Pangalan_____________________________________ Antas/Seksyon ____________________________ Iskor ___________________

I. Tama/Mali (2puntos)
Panuto: Isulat ang salitang Totoo kung ang mga pahayag ay tama at di-totoo kung ito naman ay mali.
Salungguhitan ang salitang nagsasaad ng maling pahayag at isulat ang angkop na salita.
___________1. Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
___________2. Si Teodoro Agoncillo ang tinaguriang “Ama ng maikling kwento”.
___________3. Ang parabula ay isang uri ng kwentong ang tauhan ay mga hayop.
___________4. Mababasa sa simula ng maikling kwento ang mga tauhan, tagpuan at suliranin.
___________5. Sa kwentong bitbit nag-ugat ang maikling kwento, salaysay na pumapaksa sa mga anito, laman lupa,
malikmata at iba pang mga bunga ng guni-guning di- kapanipaniwala.
___________6. Si Edgar Allan Poe ang “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog”.
___________7. Tinatawag sa Ingles na sketches ang Dagli.
___________8. Isa sa mga kilalang manunulat ng dagli si Iňigo Ed. Regalado.
___________9. Taong 1920, ang mga kathang tagalog ay nagkaroon na ng banghay.
___________10. Tinawag na Gintong Panahon ang panahon ng mga Amerikano.

II. Basahin at unawing mabuti. Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
________________________11. Ito’y salaysay tungkol iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo.
________________________12. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
________________________13. Ama ng Maikling Kwento.
________________________14. Ang pokus o tuon sa kwento ay nasa pangunahing tauhan.
________________________15. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari tungo sa pagbuo ng maikling kwento.
________________________16. May akda ng “Walang Panginoon”.
________________________17. Naglalahad ito ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong
umuunlad at pawang mga paglalarawan lamang.
________________________18. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon
ng manunulat.
________________________19. Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ang kanyang mga kasalungat na maaaring
kapwa tauhan o kalikasan o ng damdamin na rin niya.
________________________20. Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa katapusan
ng akda.
________________________21. Nakatuon sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala kadalasan, ang kwento ay
tumatalakay ng pantasya.
________________________22. Isinasalaysay ng kwentong ito ang pinagmuan ng isang bagay, pook, at pangyayari.
________________________23. Ito’y salaysay na hango sa Bibliya.
________________________24. Unang kwentong may banghay.
________________________25. Ang pang-isipang iniikutan ng mga pangyayari sa akda.

III. A. Pagtatapat-tapat
Panuto: Hanapin ang sagot
ng Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa patlang.
HANAY A HANAY B
________26. Lupang Tinubuan a. Efren R. Abueg
________27. Uhaw ang Tigang na Lupa b. Genoveva Edroza Matute
________28. Walang Panginoon c. Narciso Reyes
________29. Kwento ni Mabuti d. Deogacias Rosario
________30. Mabangis na Lungsod e. Liwayway Arceo

A. Pag-iisa-isa
1-3. Bahagi ng Maikling Kwento
4-7. Salik ng maikling kwento
8-10. Elemento ng maikling kwento
11-15. uri ng maikling kwento ayon sa kahinggilan
IV. Essay (5 puntos)
Ano ang katangian ng isang maikling kwento na ikinaiba nito sa isang nobela?

You might also like