You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
School Division of Zambales
Municipality of Subic
SUBIC NATIONAL HIGH SCHOOL
Mangan-vaca, Subic, Zambales
School ID: 301036

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7

PANGALAN: ________________________________________________ ISKOR: _________________________


BAITANG AT PANGKAT: ______________________________________

I. Piliin mula sa Hanay B ang titik ng salitang naglalarawan o binibigyang kahulugan sa


Hanay A. Isulat ang titik sa espasyo bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_____1. Ito’y isang uri ng akdang patula na ang a. kuwentong-bayan
layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam. b. tulang/awiting panudyo
_____2. Isa sa mga teorya ng pinagmulan ng Wika c. teoryang “Bow-wow”
na kung saan ay ginagaya ng tao ang tunog ng kalikasan. d. alamat
_____3. Ito’y maituturing na pinakamatandang sining e. mito o myth
na bahagi ng kultura ng mga Pilipino. f. palaisipan
Nakapaloob dito ang likas na kakayahang g.tugmang de-gulong
magpahayag ng kanilang iniisip sa maayos at maanyong paraan. h. tula
_____4. Ayon naman sa teoryang ito, ang tao ay i. bugtong
lumilikha ng tunog na may kahulugan upang j. teoryang “Pooh-pooh”
maipahayag ang tindi ng damdaming nararamdaman
tulad ng tuwa, galit, takot at iba pa.
_____5. Ito’y mga kuwentong nagsasaad kung saan
nanggaling o nagmula ang mga bagay- bagay.
_____6. Ito ay nasa anyong tuluyan na ang layunin ay
pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon.
_____7. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
_____8. Ito ay mga kuwentong may kinalaman sa mga diyos,
diyosa, bathala, diwata at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.
_____9. Mga paalala o babala na madalas makikita sa
mga pampublikong sasakyan.
_____10. Ito ay bahagi ng katutubong panitikan na
nasa anyong tuluyan na naglalahad ng kaugalian,
tradisyon, kultura ng isang partikular na lugar o pangkat.

II. TAMA O MALI: Isulat ang TUMPAK GANERN kung tama ang pahayag at LIGWAK GANERN
naman kung mali ang pahayag ayon sa nabasang akda.

__________11. Isang matandang bingi at papilay-pilay ang dumating nang hindi inaasahan sa
pagdiriwang ng cañao.
__________12. Bahagi ng pagdiriwang ng cañao ang pag-aalay ng karne ng baboy, awit, sayawan
at malalakas na tugtog at panalangin.
__________13. Ang makakita ng uwak sa daan ay nangangahulugan ng isang magandang
pangitain.
__________14. Ang pamilya ni Lifu-o ang nanguna sa pagkakaroon ng pagdiriwang ng cañao.
__________15. Naging mayaman ang lahat ng mga katutubo dahil sa kaloob na gintong puno ni
bathalang Kabunian.
III. Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag at sitwasyon. Itiman ang bilog ng tamang
sagot.

16. Ang cañao ay isang ritwal o seremonyang ginagawa sa isang pagtitipon ng mga
pangkat-etnikong kagaya ng Igorot, Kalinga at Kankana-ey. Ang mga ganitong
pagdiriwang ay sumasalamin saan?

a. Malalim at tapat na pagsunod sa kanilang mayamang kultura.


b. Ang mga pangkat-etniko ay mapamahiin.
c. Ang mga pangkat-etniko ay marangya ang pamumuhay.
d. Sila ay may batas na dapat sundin.

17. “Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga pa sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba.”

Ano ang pangunahing ideya ng saknong na ito ng tula?

a. Ang sariling wika ng isang lahi


b. Wikang patungo sa susunod na henerasyon
c. Ang wikang ay mas mahalaga pa sa kayamanan
d. Ito’y kaluluwang maaaring mailipat

18. “Sa ikatlong araw, isang kahoy ang magsusupling . Huwag ninyong gagalawin ang
puno. Ang magiging bunga lamang ang maaari ninyong pitasin”. Ano ang damdamin
ng nagsasalita?

a. Nangangaral c. nagbibigay-babala
b. Nang-uuyam d. naglalarawan

19. “Takluban ninyo ako ng isang malaking kawa at ipagpatuloy na ninyo ang cañao.
Huwag ninyong gagalawin ang pagkakataob.” Ano ang layon ng bahaging ito ng
akda?

a. Nagbibigay ng papuri c. nag-uutos


b. Naglalarawan d. nangangaral

20. “Sumang-ayon si Daragang Magayon na magpakasal kay Pagtuga alang-alang sa


kanyang ama”. Ano ang katangiang ipinakita ng tauhan dito?

a. Pagsasakripisyo alang-alang sa buhay ng minamahal


b. Pagsunod sa kagustuhan ng nakatataas
c. Pagpapakita ng kababaan
d. Mahina ang mga babae kumpara sa lalake

21. “Tinawag na Mayon mula sa pangalang Magayon ang bulkang nabuo sa puntod ng
magsing-irog”. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng anong katangian ng alamat.

a. Tumatalakay sa mga diyos


b. Tungkol sa tauhang may hindi kapani-paniwalang kapangyarihan
c. Nagsasaad ng pinagmulan o pinanggalingan ng mga bagay-bagay
d. Makatotohan at nagpapakita ng realidad.
IV. Suriin ang mga sanggunian na nasa loob ng kahon. Iayos ang mga ito sa talahanayan
ayon sa uri.

22. MGA RELIKYA O ARTIFACTS 23.TALAARAWAN 24.INTERBYU


25.MGA BALITA 26.LIHAM 27.MAGASIN 28.BIOGRAPHIES

PRIMARYANG SANGGUNIAN SEKONDARYANG SANGGUNIAN

V. Ikahon ang ginamit na hudyat na pananda sa bawat pangungusap at pagkatapos ay


kilalanin ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa. Isulat ang sagot sa patlang.
(2 pts. each)

_______________29. Ang mga igorot ay tunay na nagpasimula ng estruktural na pagtatanim sa gilid


ng bundok.
_______________30. Sa madaling salita, mahuhusay talaga sila at patunay nito ang Hagdang-
hagdang Palayang binuo sa Banaue.
_______________31. Ang magandang nagawa ng mga Igorot ay ating bigyang pansin.
_______________32. Walang duda likas na mahuhusay ang mga kapatid nating Igorot kaya’t dapat
natin silang ipagmalaki.
_______________33. Bilang paglalahat, masasabing mahusay nga ang mga Pilipino sa ipinakita nilang
halimbawa.

VI. A. Piliin sa kahoy at isulat sa linya ang tamang salitang pupuno sa diwa ng mga
pangungusap.

39.__________ ay maagang gigising si Nanay upang magpunta sa palengke. /bu.kas/,


40.__________ pa kaya ang bahay nila Lino? /bukas/

41. Hindi napigilan ni Sarah ang kanyang __________ nang makita ang
kaibigang matagal na hindi nakasama. /sa.yah/,
42. Bihira na sa mga kababaihan ngayon ang nagsusuot ng /sayah/
__________ sa panahong ito.
B. Ibigay ang kahulugang nais iparating ng mga pangungusap na may sandaling
paghinto.

43. Tito/ Juan Anton ang pangalan niya// _______________________________________________


44. Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//________________________________________________
45. Tito Juan Anton/ ang pangalan niya// _______________________________________________

VII. PAGGAMIT NG WASTO AT ANGKOP NA PAHAYAG. Balikan ang akdang “Alamat ng


Bulkang Mayon”, ibuod ang akda gamit ang angkop na pahayag sa panimula, gitna at
wakas. Gamitin bilang gabay ang mga pananda na nasa loob ng kahon. (46-50).

Unang-una Sumunod Pagkatapos Saka Sa huli

You might also like