You are on page 1of 14

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG ELEMENTARYA AT PANG-SEKUNDARYANG

EDUKASYON
(FILIPINO II, ENGLISH II, MATH II, SCIENCE II, BEED II ab ii)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Modyul 1

KABANATA I

KALALABASAN NG PAGKATUTO
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang
akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring
pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang panlipunan.
Kasanayan 1. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.
2. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang akdang pampanitikan.
3. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning panlipunan.
Halagahan 1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng panitikang pambansa na nakaugat sa
realidad ng buhay at mga pangarap ng mga mamamayang Pilipino.

PAUNANG PAGSUSULIT
I. Matamang basahin ang mga sumusunod na pahayag/ parirala. Pagkatapos, piliin at isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot buhat sa mga pamimilian.
______1. Ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal, masisining at madamdaming kaisipang
nagpapahayag ng mga karanasan at lungagati ng isang lahi.
a. Ponciano B.P. Pineda b. Maria Ramos c. Simplicio Bisa d. W. J. Long
______2. Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinamang uri ng lipunan.
a. Ponciano B.P. Pineda b. Maria Ramos c. Simplicio Bisa d. W. J. Long
______3. Ang panitikan ay salamin ng lahi.
a. Ponciano B.P. Pineda b. Maria Ramos c. Simplicio Bisa d. W. J. Long
______4. Ang panitikan ay nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.
a. Ponciano B.P. Pineda b. Maria Ramos c. Simplicio Bisa d. W. J. Long
______5. Anyo ng panitikang ang paglilipat ay naisasagawa sa pamamagitan ng dila o bibig.
a. Pasalindila b. pasalintroniko c. pasalinsulat
______6. Naisatitik sa pamamagitan ng paraan ng pagsulat ng unang katutubo.
a. Pasalindila b. pasalintroniko c. pasalinsulat
______7. Ang nalimbag ng simpleng makinilya ay napalitan ng sopistikadong kompyuter.
a. Pasalindila b. pasalintroniko c. pasalinsulat
______8. Opinion ng patnugot ng isang babasahin.
a. nobela b. anekdota c. parabola d. editorial
______9. Talinhaga mula sa banal na kasulatan, mismong sa bibig ni Hesus nagmula.
a. nobela b. anekdota c. parabola d. editorial
______10. Isang mahalagang pangyayari/ karanasan sa buhay ng isang kilalang tao.
a. nobela b. anekdota c. parabola d. editorial
______11. Prosang binubuo ng mga kawil na mga pangyayari.
a. nobela b. anekdota c. parabola d. editorial
______12. Isang uring tula na nagpapahayag ng panimdim sa isang minamahal na namatay.
a. Tulang liriko b. elehiya c. dalit d. soneto
______13. Isang tulang paghanga o papuri sa isang bagay.
a. Tulang liriko b. elehiya c. oda d. soneto
______14. Isang tula na may 14 na taludtod.
a. Tulang liriko b. elehiya c. dalit d. soneto
______15. Tulang nagpapahayag ng pag-ibig, paghanga, panimdim at poot o kalungkutan.
a. Tulang liriko b. elehiya c. dalit d. soneto
______16. Kakikitaan ng paghihimagsik sa mga tradisyunal at nagpupumiglas sa ritwal.
a. Realismo b. klasisismo c. impresyunismo d. simbolismo
______17. Kakikitaan ng paglalahad ng mga bagay, damdamin at kaisipan sa mga sagisag.
a. Realismo b. klasisismo c. impresyunismo d. simbolismo
______18. Naglalarawan sa paraang siyentipiko at hindi namimili ng mga bagay.
a. Realismo b. klasisismo c. impresyunismo d. simbolismo

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

______19. Pinahahalagahan ang pagiging marangal at maginoo sa pananalita at kilos.

a. Realismo b. klasisismo c. impresyunismo d. simbolismo
______20. Ipinakikita ang paghihimagsik sa isang tradisyon, pananampalataya o paniniwala.
a. Feminismo b. surealismo c. ekspresyunismo d. modernismo
______21. Ang paghahanay ng mga salita ay naiiba kaysa karaniwan.
a. Feminismo b. surealismo c. ekspresyunismo d. modernismo
______22. Isa sa pinakabagong teoryang pamapanitikan.
a. Feminismo b. surealismo c. ekspresyunismo d. modernismo
_______23. Pinagsasama ang realidad at superalidad.
a. Feminismo b. surealismo c. ekspresyunismo d. modernismo
_______24. Higit na pinahahalagahan ang mga aral o leksyong ibinibigay ng akda.
a. Eksistensyalismo b. moralistiko c. romantisismo d. naturalismo
_______25. Inihahanap ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad at kapangyarihan.
a. Eksistensyalismo b. moralistiko c. romantisismo d. naturalismo
_______26. Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan.
a. Hon. Azarias b. Nicasio, Sebastian c. Capili- Sayo d. Ongoco, Pineda
_______27. Ang panitikan ay lakas na nag-uugnay sa damdamin ng mga tao.
a. Hon. Azarias b. Nicasio, Sebastian c. Capili- Sayo d. Ongoco, Pineda
_______28. Ang panitikan ay kabuuan ng m,ga karanasan ng isang bansa.
a. Hon. Azarias b. Nicasio, Sebastian c. Capili- Sayo d. Ongoco, Pineda
_______29. Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao.
a. Hon. Azarias b. Nicasio, Sebastian c. Capili- Sayo d. Ongoco, Pineda
_______30. Ang pagbabasa ay paraan ng pagkilala ng nakalimbag na sagisag.
a. Dr. Lalunio b. Lapp at Flood c. Lorenzo d. Badayos
_______31. Ang pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisip at prosesong interaktibo.
a. Dr. Lalunio b. Lapp at Flood c. Lorenzo d. Badayos
_______32. Ang pagbabasa ay toyak at madaling pagkilala ng ayos at pagkakasunud-sunod.
a. Dr. Lalunio b. Lapp at Flood c. Lorenzo d. Badayos
_______33. Ang pagbabasa ay proseso na nangangailangan ng pag-iisip.
a. Dr. Lalunio b. Lapp at Flood c. Lorenzo d. Badayos
_______34. Ito ay pagbibigay ng mahusay na komento, opinion at reaksyon.
a. Mapanuring pagbabasa b. matalinong pamumuna
_______35. Paglalahad ng mambabasa ng kanyang pagsang-ayon o pagtutol ng may-akda.
a. Mapanuring pagbabasa b. matalinong pamumuna
_______36. Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda.
a. Mapanuring pagbabasa b. matalinong pamumuna
_______37. Ibayong pag-iisip at lubusang pag-unawa ng anumang babasahin.
a. Mapanuring pagbabasa b. matalinong pamumuna
_______38. Ang awtor ng “Vicenteng Bingi”.
a. Pablo M. Cuasay b. Villa Panganiban c. Alfonso Sujeco d. Myrna Afundar
_______39. Ang awtor ng “Maraming Kula yang Bahaghari”.
a. Pablo M. Cuasay b. Villa Panganiban c. Alfonso Sujeco d. Myrna Afundar
_______40. Ang awtor ng “Maskara”.
a. Pablo M. Cuasay b. Villa Panganiban c. Alfonso Sujeco d. Myrna Afundar
_______41. Ang awtor ng “Talaga, Lalayas na Ako.”
a. Pablo M. Cuasay b. Villa Panganiban c. Alfonso Sujeco d. Myrna Afundar
_______42. Ang awtor ng “Bubungang Lata”.
a. Pablo M. Cuasay b. Agapito Joaquin c. Alfonso Sujeco d. Myrna Afundar
_______43. Ang epiko ayon kay Ramos ay nagsimula sa panahong ito.
a. Panahon ng mga Ninuno b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano
a. panahon ng Hapon
_______44. Ang awit at korido ay lumaganap sa panahong ito.
a. Panahon ng mga Ninuno b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano
d.panahon ng Hapon
_______45. Sa panahong ito namayani ang mga akdang romansa.
a. Panahon ng mga Ninuno b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano
d.panahon ng Hapon
_______46. Sa panahong ito, nangagsara ang mga sinehan dahil sa pagkahinto ng pelikula.
a. Panahon ng mga Ninuno b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano
d. panahon ng Hapon

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

_________46. Ang nobela ng romansa ay isang hamibawa ng ---------

a. tuluyan o prosa b. patula c. patanghal d. padula
_________47. Ang Senakulo ay isang halimbawa ng -------------
a. tuluyan o prosa b. patula c. patanghal d. padula
___________48. Ang Tulang pasalaysay ay isang halimbawa ng -------------
a. tuluyan o prosa b. patula c. patanghal d. padula
___________49. Ang Dula ay isang halimbawa ng ______________
a. tuluyan o prosa b. patula c. patanghal d. padula
___________50. Ang Tulang padula ay isang halimbawa ng ------------
a. tuluyan o prosa b. patula c. patanghal d. padula
___________51. “ Natanim sa isip ko na may pulitiko na sarili lamang ang iniisip”.
a. Bisa sa damdamin b. bisa sa kaasalan c. bisa sa isip d, bisa sa puso
___________52. “Nakaaawa ang asawa ng mayor sapagkat di tinitigilan ng mayor ang kanyang masamang
gawain” .
a. Bisa sa damdamin b. bisa sa kaasalan c. bisa sa isip d, bisa sa puso
___________53. “Pagkatapos ng kaligayan ay kalungkutan”
a. Bisa sa damdamin b. bisa sa kaasalan c. bisa sa isip d, bisa sa puso
___________54. “ Ang kahirapang dinaranas sa buhay ay mga pagsubok lamang sa ating katatagan”.
a. Bisa sa damdamin b. bisa sa kaasalan c. bisa sa isip d, bisa sa puso
___________55. “Nakikisimpatiya ako sa pamilya ni Mang Andong”.
a. Bisa sa damdamin b. bisa sa kaasalan c. bisa sa isip d, bisa sa puso
__________56. “Naliwanagan ako tungkol sa katayuan sa buhay ng mga taong nakatira sa bukid”.
a. Bisa sa damdamin b. bisa sa kaasalan c. bisa sa isip d, bisa sa puso
__________57. “ Mayaman o mahirap, ang bawat nilalang ay may puso at sa larangan ng pag-ibig ang lahay
ay pantay-pantay.”
a. Kalagayang sosyal b. kulturang Pilipino c. pilosopiyang Pilipino d. tradisyong Pinoy
__________58. “Ang pagiging mapagmahal sapagkat ito ang kaugaliang maipagmamalaki nating mga Pilipino.”
a. Kalagayang sosyal b. kulturang Pilipino c. pilosopiyang Pilipino d. tradisyong Pinoy
_________59. “Layag may malaki’y sunod sa agos, di dapat mamangka sa dalawang ilog”.
a. Kalagayang sosyal b. kulturang Pilipino c. pilosopiyang Pilipino d. tradisyong Pinoy
________60. “ Puso, ito ay pagmamahal, pag-ibig na bumabalot sa pangkalahatang nilalang ng Maykapal.”
a. Kalagayang sosyal b. kulturang Pilipino c. simbolismong Pilipino d. tradisyong Pinoy

NILALAMAN

SAMU’T SARING KABATIRAN SA PANITIKANG PILIPINO

Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at inoobserbahan ang
mga tamang pagbaybay, paggamit sa mga pananda, paggamit ng tamang uri ng mga salita upang maipakita o
masabi ang nararamdaman o ang reaksyon.
Isang sining sa maayos at makahulugang pagpapahayag ng damdamin ng tao, pasalita o pasulat hinggil sa
bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili o sa pakikitungo niya sa kapwa.
Ang panitikan ay matapat sa muling paglikha ng buhay sa isang masining na paraan.
Ito ay hinuhubog ng iba’t ibang bagay.
Ito ay maaaring pasulat o pasalita. Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang
tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan. (Arrogante 1983)

Isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. (Villafuerte, 2000)

Ang panitikan ay nagmula sa salitang "titik", ibig sabihin ay letra. "Panitik" o pantitik na ang ibig sabihin ay
ginagamit sa pagbuo ng mga titik. (http://sarisaringngiti.weebly.com/ for free Filipino)

KAHULUGAN NG PANITIKAN

Ang panitikan ay buhay, buhay-buhay ng tao. Ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal,
masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.
(Ponciano B.P. Pineda)

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Ang panitikan ay salamin ng lahi.
(Simplicio Bisa(1987)

Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.
(Hon. Azarias)

Pilosopiya ng Literatura

Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian , paniniwala, pamahiin,
kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at masining na
paraan, nakasulat man o hindi.
(Paz N. Nicasio) (Federico B. Sebastia)_

Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang panitikan, tulad ng kasaysayan ay nagtataglay
ng mga ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.
(G.K.R. Pineda T.C. Ongoco(1972)

Ang panitikan ay pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang

nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha
o manunulat.
(Lydia Fer Gonzales, et.al (1982)

Ang panitikan ay talaan ng buhay.

(Jose A. Arrogante (1983)

Anumang bagay raw na naisasatitik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y
totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan. (Webster)

Ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa
kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
(Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal)

Ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa
kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
(Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga
ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan
ng buwan. (Zeus Salazar 1995)

Maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita o talinghaga. Ito ang tinatawag
na “fiction ”. (Terry Eagleton)
\

BAKIT PINAG-AARALAN ANG PANITIKAN?

• Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
• Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga
impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
• Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga
ito.
• Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at
mapaunlad.
• Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-
aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling

mga buhay
 Upang matugunan ang kanilang mga suliranin,
 Upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.

 Nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan
upang sa ganoon maharap natin ang darating nang may lakas at talino.

Uri ng Panitikan
1. Pasalindila- Ang anyo ng panitikang ang paglilipat ay naisasagawa sa pamamagitan ng dila o bibig.
2. Pasalinsulat- Naisatitik ang ating mga sinaunang panitikan nang matutuhan ng mga katutubo ang
paraan ng pagsulat.
3. Pasalintroniko- Ang dating mga titik na nalilimbag ng mga simpleng makinilya ay napalitan ng mga
sopistikadong kompyuter.

Anyo ng Panitikan
1. PATULA
2. TULUYAN O PROSA

1. Tuluyan o Prosa- Uri ng panitikang nasusulat nang pangungusap, wala itong sukat at wala ring tugma.

a. Nobela- uri ng prosa na binubuo ng mga kawil ng mga pangyayari.

- nahahati sa mga kabanat, sumasakop sa mahabang panahon ang daloy ng kuwento at maraming
tauhang gumaganap.
-layuning na maghain ng mga katotohanan may basihan o kaya’y kathang isip na maaaring maganap
sa katotohanan
Uri ng Nobela
 Nobela ng Tauhan
 Nobela ng Pangyayari
 Nobela ng Romansa
 Nobela ng Kasaysayan
 Nobela ng Pagbabago
 Nobela ng Layunin
1. Maikling Kwento- layuning magsalaysay ng mahahalgang pangyayaring tungkol sa pangunahing
tauhan.
Uri ng Maikling Kuwento
 Kuwento ng Katutubong kulay
 Kuwento ng madulang pangyayari
 Kuwento ng Pakikipagsapalaran
 Kuwento ng Kababalaghan
 Kuwento ng Tauhan
 Kuwento ng Sikolohiko
 Kuwento ng Katatawanan
 Kuwento ng Katatakutan
 Kuwento ng Salaysay
 Kuwento ng Talino

2. Kuwentong Bayan- mga akdang nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamayan.

Uri
 Alamat
 Mito

3. Pabula- kwentong ang mga nasisihananap ay mga hayop.

4. Anekdota- Isang mahalagang pangyayari/ karanasan sa buhay ng isang kilalang tao

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

5. Parabula- mga talinghaga nula sa Banal ng Kasulatan, mismong sa bibig ni Hesus nagmula

6. Talambuhay - Kasaysayan/ mga pangyayari sa buhay ng isang tao

Uri
 Pansarili
 Talambuhay ng ibangTao

8. Balita- mga pangyayaring kasalukuyang nagaganap sa loob at labas ng bansa

9. Sanaysay- paglalahad ng kuru-kuro o opinyon ng sumusulat hingil sa isang paksa

Uri
 Pormal
 Impormal

10. Pangulong Tudling/ Editoryal- opinyon ng patnugot ng isangbabasahin hinggil sa isang

pinakamainit na isyu ng mga balita

11. Dula- ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng galaw, kilos at mga pananalita na ninanais
ipaabot ng awtor
Uri ng Dula
 Komedya
 Trahedya
 Melodrama
 Saynete
 Parsa
2. Patula- uri ng panitikang nasusulat nang pasaknong
Anyo
1. Tulang Liriko- uri ng tulang nagpapahayag ng pag-ibig, paghanga, panimdim at poot o
kalungkutan at karaniwan na may sukat at tugma samantalang may ilang uri na inaawit o
nilalapatan ng himig.
a. Kantahin- tulang may sukat at tugma at ang layunin ay para awitin
b. Soneto-ito’y isang uri ng tula na may 14 na talutod
c. Elehiya- isang uri ng tula na nagpapahayag ng panindim sa isang minamahal na namatay
d. Oda- isang tulang paghanga o papuri sa isang bagay
e. Dalit- isang tula na papuri sa Diyos at sa mga santo

2. Tulang Pasalaysay- tulang nagsasalaysay ng buhay sa paraang patula, mayroong sukat at

tugma

3. Tulang Padula- Uri ng tula na isinasadula o kaya ay itinatanghal sa dulaan na ang mga tauhang
gumaganap ay nag-uusap nang patula
Uri
 awit
 Korido
 Epiko

4. Tulang Patnigan- uri ng tula na naglalaman ng pangangatwirang may mahusay na pagpapatnig

Uri
 Karagatan
 Duplo
 Balagtasan

3. Patanghal- Uri ng panitikang isinasadula sa entablado, sa bahay, sa bakuran, sa paaralan o kahit

saan

PORMAT SA PANUNURING PAMPANITIKAN AYON SA IBA’T IBANG KLASIPIKASYON

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1. PROSA
PAMAGAT:_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
MAY-AKDA:______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
BUOD:___________________________________________________________________________________

2. TULA
PAMAGAT: ______________________________________________________________________________
MAY-AKDA:
________________________________________________________________________________________
ANYO: __________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
BLG. NG TALUDTOD:______________________________________________________________________
MENSAHE NG TULA: ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
MGA LINYANG NAIBIGAN AT PALIWANAG:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
BAHAGI/MGA BAHAGING MAY KAHINAAN AT PALIWANAG:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. PANITIKANG ITINANGHAL
PAMAGAT: ______________________________________________________________________________
LUGAR NA PINAGTANGHALAN: _____________________________________________________________
MAY-AKDA: ______________________________________________________________________________
DIREKTOR(KUNG MAYROON): ______________________________________________________________
BUOD:___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
MGA TAUHAN AT PAHAYAG NA NAIBIGAN AT IPALIWANAG:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
MENSAHE NG PAGTATANGHAL:

KALAGAYAN AT KATANGIAN NG PANITIKAN NG BAWAT PANAHON

Sumasakop sa panahon ng ating ninuno hanggang sa panahon natin ngayon.

“Nagsimula ang ating panitikan bago pa masakop ng imperyo ng Madjapahit ang Pilipinas. Ang mga
kalapit na bansa ng Pilipinas gaya ng Indonesia, Malaysia, India, Arabia at Cambodia ay nakapag-ambag ng
kani-kanilang panitikan sa Pilipinas gaya ng epiko, alamat, kwentong bayan, awiting bayan, at iba’t ibang uri ng
dula. (Maria S. Ramos) (1984)

PANAHON NG KASTILA
• Lumaganap ang panitikang Europeo

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

• Unang naging mga manunulat ang mga pari na sumulat ng mga nobena, buhay ng mga santo, maikling
kwento at nobela
• Napabantog sina JOSE DELA CRUZ bilang HUSENG SISIW at FRANCISCO BALAGTAS

PANAHON NG MGA AMERIKANO

• Namayani ang mga akdang romansa
• Nahati ang mga manunulat sa tatlong pangkat:

Una: WIKANG KASTILA

MGA AWTOR: Manuel Bernabe, Jesus Balmori, Claro M. Recto, Fernando Ma. Guerero,
Cecilio Apostol

Ikalawa: WIKANG TAGALOG

MGA AWTOR Lope K. Santos, Inigo Ed Regalado, Aurelio Tolentino, Juan Cruz Balmaceda,
Valeriano Hernandez Pena, Rosalia Aguinaldo, Juan Laya, Thomas Remigio, Roman Cruz de Guzman,
Patricio Mariano at Hermogenes Ilagan

Ikatlo: WIKANG INGLES

MGA AWTOR Jose Garcia Villa, NVM Gonzales, Paz Marquez Benitez, Oreto Paras, Nick
Quaquin, Casiano Calalang, Jose Dayrit at Jose Villa Panganiban

PANAHON NG HAPON
• Namayani ang mga dulang Tagalog dahilan sa nangasara ang mga sinehan dahil sa pagkahinto ng
paggawa ng pelikula
• Nakahakbang nang malaki ang Panitikang Tagalog dahil sa pagbabawal ng mga Hapones sa paggamit
ng Ingles
• Bumandila ang mga maikling kwento gayundin ang mga dulang Tagalog na ipinalalabas/itinatanghal sa
mga teatro

PANAHONG KASALUKUYAN
• Malaki na ang iniunlad ng Panitikang Pilipino
• Bagama’t may bahid pa rin ng romantisismo, nakapamamayani rin ang realismo sa maraming akda ng
manunulat
• Mga manunulat sa akdang realismo:
Rogelio Sicat, Rogelio Ordonez, Efren Abueg, Virgilio Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob,
Domingo Landicho at Clemente Bautista

GAWAIN SA PAGKATUTO
Paggawa ng Infomercial
1. Gumawa ng isang sariling video presentation na nagpapakita ng maikling paglalarawan ng panitikan
kasama ang mga halimbawa o uri nito gayundin ang maikling kasaysayan nito.. Maaaring gawing
sanggunian ang lekturang ibinigay ng guro.
Pagsulat ng sariling akda
2. Sumulat ng isang halimbawa ng panitikan na iyong naibigan gaya ng tula, sanaysay atbp. Anumang
paksa ay malugod na tatanggapin basta”t sariling gawa at kasiya-siyang basahin at ibahagi sa klase.

PAGTATASA
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sa iyong mga naunang kaalaman sa panitikan, ibigay ang iyong sariling paakahulugan tungkol dito.
_________________________________________________________________________________

2. Sa iyong pagsusuri, paano nagkakapareho ang konsepto ng mga pakahulugan ng iba”t ibang awtor
tungkol sa panitikan? Sinong awtor ang nagbigay ng pakahulugan na malapit sa iyong kaisipan? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Paano nalalapit ang pag-aaral ng panitikan sa iyong pagtuturo balang araw at kurso at medyor na iyong
kinukuha?

4. Paano kaya ginamit ng mga dayuhan ang panitikan upang masakop ang ating mga katutubo?
_____________________________________________________________________________________

B.
Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga sumusunod na awtor: Pagkatapos,
suriin ang pagkakatulad sa tema ng mga awtor na nabanggit.
a. Jose Dela Cruz
b. Cecilio Apostol
c. Nvm Gonzales
d. Virgilio Almario

1. Gumawa ng timeline sa kalagayan at katangian ng panitikan ng bawat panahon

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

2. Ano ang halaga ng pagbabalik-tanaw sa mga ugat ng panitikan ng Pilipinas? Sumulat ng iyong
repleksyon at saloobin sa halaga ng pagkakakilanlan at pagpapayaman ng ating kultura na nag-uugat
sa pag-aaral ng ating sariling pantikan.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

1. Suriin ang tatlong pormat na ginagamit sa panunuring pampanitikan. Alin ang nababagay sa lebel ng
katulad ninyong mga mga manunuri na nasa kolehiyo? Sa malalim mong pagsipat , mayroon ka bang
aspeto na dapat mabago o madagdagan?

2. Isulat ang buod ng iyong natatandaan o nalalamang sanaysay o maikling kuwento. Pumili ng pormat na
ibig buhat sa lektura.

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MGA SANGGUNIAN

Batayan at Sanayang-Aklat:
San Juan, Gloria P. et al., Panunuring Pampanitikan, Manila, Booklore Publishing Corp. 2005

Mga Iba pang Sanggunian Aklat:

Casanova, Arthur P., Lagrada, Heracleo D., Rubin, Ligaya T., Panitikang Pilipino, Manila, Rex Book Store,
Inc. 2003
Dinglasan, Resurreccion D.,Ph.D., Kritisismong Pampanitikan ni Ponciano B. P. Pineda, Manila, Rex Book
Store Inc. 2005
Lalic, Erlinda D. at Matic, Avelina J. Ang Ating Panitikang Pilipino, Bulacan, Trinitas Publishing Inc. 2004

Rubriks
Rubric sa Pagsagot sa mga Katanungan
Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor
(5) Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi nakita
ang introduksyon. introduksyon introduksyon ang sa ginawang
Malinaw na ang ang introduksyon at sanaysay.
nakalahad ang pangunahing pangunahing ang
pangunahing paksa gayundin paksa subalit pangunahing
paksa gayundin ang panlahat na hindi sapat ang paksa. Hindi rin
ang panlahat na pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
pagtanaw ukol dito. dito. ukol dito. panlahat na
pagpapaliwanag
ukol dito.

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop *

bawat talata dahil may sapat na sa detalye ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *
ng mga Ideya ang debelopment pagkakaayos ng na organisado
pagkakasunud- ng mga talata mga talata ang
sunod ng mga subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
ideya; gumamit din makinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
ng mga pagkakalahad ganap na
transisyunal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang
Hindi ganap na May kakulangan *
ang konklusyon at pangkalahatang
naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang palagay o pasya
pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa
palagay o pasya
palagay o paksa paksa batay sa
tungkol sa
batay sa katibayan mga katibayan
paksa batay sa
at mga katwirang at mga
mga katibayan
inisa-isa sa katwirang inisa-
at mga
bahaging gitna. isa sa bahaging
katwirang inisa-
gitna. isa sa bahaging
gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga
kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon pagkakamali sa
pagbabaybay. at at pagbabaybay. mga bantas,
pagbabaybay. kapitalisasyon
at pagbabaybay.
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at *
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa
pangungusap at mga mga estruktura ng
gamit ng mga pangungusap pangungusap at mga
salita. at gamit ng mga gamit ng mga pangungusap at
salita. salita. gamit ng mga
salita.

Rubrik sa Paggawa ng infomercial

PAMANTAYAN KONSISTENT MAHUSAY KATAMTAM KAILANGA KABU

AN N NG UAN
PAGSASAN
AY

Nilalaman. Malinaw na naipakita ang

paksang nais talakayin sa infomercial 40 35 30 25
gayundin ang mga payong nais ibahagi
sa mga kabataan. Akmang-akma ang
video presentation / infomercial sa mga
kabataang manonood.

FIL 113/ SOSLIT

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Gramatika. Nagamit nang mahusay

ang paggamit ng Filipino sa 40 35 30 25
pamamagitan ng paggamit ng mga
ekspresong naglalahad ng posibilidad
sa isinagawang infomercial.

Pagiging Malikhain. Kitang-kita ang

kahusayan sa paggamit ng iba’t ibang
mga teknik o istratehiya upang maging
masaya, kaakit- akit ang infomercial na 20 15 10 5
nabuo. Bawat miyembro ay nagkaroon
ng pagkakataong makita ang
kahusayan sa pagganap sa
isinagawang infomercial. Tumagal ng
isang (1) minuto ang video at maayos
ang paraan ng pagkaka-edit

100%
KABUUAN

Kraytirya Sa Pagsulat Ng Sariling Akda

Nilalaman (45%)
Organisasyon ng mga ideya (30%)
Pagkamalikhain (25%)
Kabuuan (100%)

FIL 113/ SOSLIT

You might also like