You are on page 1of 37

Pangkalahatang Uri

ng Panitikan
(akdang Tuluyan at Patula)
Akdang Tuluyan
Akdang Tuluyan
yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap.
Nobela
isang mahabang salaysaying nahahati sa mga
kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga
pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
Ginagalawan ito ng maraming tauhan.

Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos


Akdang Tuluyan
Uri ng Nobela
1. Nobela ng Tauhan- pangangailangan, kalagayan at
hangarin ng mga tauhan.
2. Nobelang Makabanghay- pagbabalangkas ng
pangyayari ay siyang ikinawiwili ng mga mambabasa sa
uring ito.
3. Nobela ng Kasaysayan-binibigyan ng diin ang
kasaysayan ng bayan o isang pook.
4. Nobela ng Romansa- ang layunin at mga simulaing
lubhang mahalaga sa buhay ng tao at ng lipunan ang
binibigyang diin.
Akdang Tuluyan
 Maikling Kwento
ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari sa kakintalan.

Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute


Uri ng Maikling kwento
1. Salaysay
timbang na timbang ang bawat bahagi, hindi
nagmamalabis bagama’t masaklaw, maluwag ang
pagsasalaysay at hindi apurahan.
Akdang Tuluyan
2. Kuwento ng Kababalaghan
- bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at
kaisipan. Kathang-isip lamang ng may-akda.
3. Kuwento ng Katutubong kulay
- inilalarawan ang mga tao sa isang pook, ang kanilang
pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at mga
paniniwala.
4. Kuwento ng Katatawanan
- may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang
galaw ng mga pangyayari.
Akdang Tuluyan
5. Kuwento ng Katauhan
tauhan o mga tauhan ang binibigyan ng diin.

6. Kuwento ng Katatakutan
ang damdamin ng katauhan ang binibigyan-diin at
mahalaga ang bisa at kaisahan ng kwento.

7. Pakikipagsapalaran
ito ay pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
Akdang Tuluyan
8. Madulang Pangyayari
ang pangyayari ay lubhang mahalaga at nagbubunga ng
isang bigla at kakaibang pagbabago

9. Kuwento ng Talino
pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga tauhang
gumaganap.

10. Kuwento ng Sikolohiya


inilalarawan ang tauhan sa isipan ng mambabasa.
Akdang Tuluyan
Dula
itinatanghal sa ibabaw ng entablado tanghalan.
Nahahati ito sa ilang yugto, na ang bawat yugto ay
maraming tagpo.

Halimbawa:
“Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino
Akdang Tuluyan
Sanaysay
ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may-akda
tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng
Editoryal ng isang pahayagan.

Uri ng Sanaysay
1. Maanyo o Pormal - maingat na pagpili ng salita, maayos
at mabisang paglalahad ng kaisipan.
2. Malaya o di-pormal - higit na madali at magaang sulatin
sapagkat simple, kadalasang natural ang paglalahad ng
mga kaisipan.
Akdang Tuluyan
Talambuhay
ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring
ito’y pang-iba o pansarili.

Uri ng Talambuhay
1. Pansarili
ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling
talambuhay.
2. Paiba
ang talambuhay ay isinulat ng ibang tao.
Akdang Tuluyan
Alamat
ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa
pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito.
Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”
Ang Pabula
mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit
ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at
pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.
Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”
Akdang Tuluyan
 Anekdota
mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga
maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay
makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring
ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.

Halimbawa:
“Ang Gamu-gamo at Ang Munting Ilawan”
Akdang Tuluyan
 Balita
ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at
agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa
buong bansa o maging sa ibayong dagat.

Halimbawa:
“TV Patrol, News TV at 24 Oras”

 
Akdang Tuluyan
 Talumpati
ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga
pakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay
ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at
magbigay ng opinion o paniniwala.
Akdang Tuluyan
Parabula
ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na
tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y
makapagbigay-aral sa mga mambabasa o
nakikinig.
Halimbawa:
“Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”
 Mga Akdang Patula
”Yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng
mga pantig, tugma, taludtod, at saknong.”
 
Ang Tula
Ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng
mga salita, pagbilang ng pantig, at paghahanap
ng magkakatugmang mga salita upang
maipadama and isang damdamin o kaisipang
nais ipahayag ng isang manunulat.
Ang isang tula ay maaaring may tatlong
interpretasyon o pakahulugan: yaong sa
manunulat, sa guro at mag aaral.
Tulang Pasalaysay:
naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang
kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at
panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga
bayani.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:
Epiko
nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga
kababalaghan.
Ito’y nagbubunyi ng isang alamat o kasaysayan na
naging matagumpay laban sa mga panganib at
kagipitan.

Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman”


Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:
 Awit at Korido
ang mga ito’y may paksang hango sa
pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga
hari at reyna, prinsesa’t prinsipe.
Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:
 Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig
at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o bandurya.
Halimbawa ng Awit:
“Ibong Adarna” ni Jose Dela Cruz
Bernardo Carpio” ni Jose Dela Cruz
.

 Ang korido’y may sukat na walong (8) pantig at


binibigkas sa kumpas ng martsa.
Halimbawa ng Korido:
“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:
 Balad
ito’y may himig na awit dahilang ito ay inaawit,
habang may nagsasayaw.
Ito ay nilikha noong unang panahon.
Sa kasalukuyan ay napapasama ito sa tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong pantig. 

Halimbawa:
Kundiman sa Gitna ng Karimlan
 
Mga Uri ng Tula ng
Damdamin o Tulang Liriko
Tulang Liriko
ay nagpapahayag ng damdaming maaaring
sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha
ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng
makata na batay sa isang karanasan.
Karaniwang maikli, likas, at madaling
maunawaan ang mga ito.
Mga Uri ng Tulang Liriko
 Awit
ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang
pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at
kalungkutan.
  Soneto
ito’y tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin
at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at
sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa:
“Soneto ng Buhay” ni Fernando B . Monleon
Mga Uri ng Tulang Liriko
 Elehiya
nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayn
o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang
yumao.
Halimbawa:
“Awit Sa Isang Bangkay”

 Dalit
awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay
ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Mga Uri ng Tulang Liriko
 Pastoral
ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa
bukid.
Halimbawa: “Bayani ng Bukid”

 Oda
nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang
masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o
tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa: “Tumangis Si Raquel”
 
Tulang Dula
o
Pantanghalan
Tulang Dula o Pantanghalan
Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod:
Komedya
isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang
pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang
kawilihan ng manonood.
Nagwawakas ito ng masaya.
Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa
pagkakasundo ng mga tauhan na siyang
nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
Tulang Dula o Pantanghalan
 Melodrama
karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal,
kasama na ang opera.
Ngunit ngayon ito ay may ugnayan sa trahedya katulad
ng parsa sa komedya.
Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit
nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing
tauhan ng dula.
Tulang Dula o Pantanghalan
 Trahedya
angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas
sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
 Parsa
isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan
ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
 Saynete
ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-
uugali ng tao o pook.
Tulang Patnigan
Tulang Patnigan
 Karagatan
ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na
naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa
ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga
binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa
dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya.
Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil
sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang
lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang
matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin
ng dalaga ng mga talinhaga. 
Tulang Patnigan
 Duplo
ito ang humalili sa karagatan.
Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran ng patula.
Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa
mga sawikain, at mga kasabihan.
Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga
namatayan.
Tulang Patnigan
 Balagtasan
ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng
Siesne ng Panginay na si Francisco “Balagtas”
Baltazar.
Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan.

You might also like