You are on page 1of 1

Estephanie Rose Cudal

1PSYCH 2
PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT NI ERICSON ACOSTA

Reaksyong Papel

Si Ericson Acosta ay kilala bilang isang bilanggong manunulat, kompositor, mang-aawit at aktibistang
intelektwal. Siya ay inilarawan bilang isang makatang nagsasaliksik ng karapatang pantao at ang tunay na
kalagayan ng mamamayan sa kanilang lugar sa San Jose, Samar. At tunay nga naman na ang kanyang akda
na Pitong Sundang ay nagpapahiwatig ng paglalarawan ng iba't ibang suliranin ng lipunan sa pananaw ng
isang api na nararanasan noong unang panahon hanggang ngayong kasalukuyan katulad na lamang ng
panghuhuli o pagpaslang sa mga mamamahayag o komentarista sa radyo.

Ang isang halimbawa nito para sa aking pagkakaunawa ay ang unang sundang sapagkat mababasang
naglalarawan ito ng karanasan ng isang manunulat na nalalabag ang kaniyang kalayaan sa pananalita. Gamit
ang matatalinhagang pagtutulad ni Erickson Acosta msasabing na kaniyang naipahayag ang kaiyang saloobin
sa nararanasan nilang kahirapan at kaapihan sa gobyerno o sa mga matatas na tao sa lipunan. Ipanararating
din ng may akda. Naipaparating din ng tula kung paano ninanais ng mga tao sa lipunan na makipagbaka para
sa kanilang nararanasan kahit na ang dulot nito ay kapahamakan mababasang sama-sama pa rin sila sa
kanilang pinaglalaban.

Sa huling saknong, ang aking hinuha ay isa itong talinhaga na nagsasabing gumising ang mga kamalayan ng
mga taong nang-aapi at pakinggan ng mga taong nasa kapangyarihan ang daing ng mga mamamayang may
hinaing hindi napapansin. Sa aking pagbabasa ng huling saknong, aking naalala ang awit ni Gloc-9 na
"Upuan" na ang mga taong nasa kapangyarihan ay bulag at bingi sa tunay na nangyayari sa lipunang kanilang
ginagalawan.

Sa aking pananaw, ang tulang aking nabasa ay nakakabuhay ng natutulog kung damdamin para sa aking mga
kababayan na hanggang ngayon ay hindi buong nakakaranas ng kanilang karapatang pantao. Malalim man at
matalinhaga ang pagpapahayag ng saloobin ng may akda ng tula masasabi kong nakakapagbigay ito ng
liwanag sa ibang mambabasa upang kanilang damdamin ay umalab para tumulong at makipagbaka sa
pakikipaglaban patungkol sa karapatang pantao ng bawat isa.

You might also like