Professional Documents
Culture Documents
Soslit Week 1 5 3
Soslit Week 1 5 3
PHILIPPINES
(Formerly: Eastern Mindoro Institute of Technology & Sciences)
Del Pilar St, Pinamalayan, Oriental Mindoro
Telefax No. (043) 284-3974
soslit
Sosyedad at
Literatura/Panitikang
Panlipunan
Linggo 1-5
Deskripsyon ng Kurso:
Ang SOSLIT ay isang kurso sap ag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang
panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw
nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na
agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o
marhinalisado at iba pa.
SosLit:
Ang panitikan ay nagmula sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang”
ay ginagamit at hulaping “an”. At ang salitang “titik” naman ay nangangahulugang
literatura (literature), salitang Latin na litera na nangangahulugang titik.
Kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi.
Nasasalamin ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, kaligayahan, galit,
pag-ibig paghihiganti at iba pa.
Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhhaing pagpapahayag, pandaigdigang kaisipan, sa madaling salita ito ay isang
salamin ng buhay o lahi.
Ano naman ang SOSYEDAD o LIPUNAN?
Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali,
ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang
pamayanan o yunit.
Ano ang koneksyon ng literatura sa Sosyedad?
Ang modyul ay nahahati sa tatlong aralin; ang una nakatuon sa kasaysayan ng Panitikan
na kung saan ang bawat panahon ay may mga iba't-ibang suliraning panlipunan na napaloob
sa mga akdang pampanitikan na naisulat na makatulong upang mamulat ang mga mag-aaral
at magbigay daan sa kanilang kritikal na pag-iisip sa pag-unawa sa mga isyu o pangyayari sa
lipunan. Sa tulong nito, madaling makabuo ng mga sulating pampanitikan ang mga mag-aaral.
Ang pangalawang aralin ay ang mga panitikan hinggil sa kahirapan, karapatang pantao,
pangmanggagawa, pangmagsasaka at pambansa, isyung pangkasarian, minorya at migrasyon
at diaspora at ang pangatlo naman ang worksyap sa pagsulat ng sariling akdang
pampanitikan tungkol sa pinagusapang paksa. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na
tinalakay ng mga akdang Filipino na maging daluyan para makabuo ang mga estudyante ng
katha na nagpapakita ng pansosyedad na Iiteratura ng bansa.
Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli me Tangere ng
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na
naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito; ang kuwentongbayan, maikling kuwento,
sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabola bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat,
tanaga, bulong, awitng-bayan, epiko, pelikula at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula. Sa
biså ng Proklamasyon Blg. 968, s.2015, ang "Buwan ng Panitikan ng Filipinas" ay ipinagdiriwang tuwing
buwan ng Abril. Ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas 2018 na may temang "Pingkian" ay kasabay ng ika-230
anibersaryo ng pagkakasilang ni Francisco Balqgtas ang "Bayani ng Harayang Filipino.
Ano nga ba ang Panitikan? May iba't ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay
ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina
Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba. Noong 1983, para kay Arrogante,
isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng
napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhain na pamamaraan. Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang
lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring
magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an' na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an'. At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang Iiteratura (Iiterature), na ang
literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ito ay isang payak na salitang nahihiyasan ng
iba-iba at malalim na kahulugan. Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan,
repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992).
Ano nga ba ang Panitikan? May iba't ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay
ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina
Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba. Noong 1983, para kay Arrogante,
isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng
napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhain na pamamaraan. Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang
lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring
magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang
literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ito ay isang payak na salitang nahihiyasan ng
iba-iba at malalim na kahulugan. Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan,
repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992).
Mga katangian ng Panitikang Pilipino
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guniguni.
Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong
2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan
ng tao. May búhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga
arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang
lipunang ginagalawan. Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao
o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.
Pasalindila
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa
marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit,
nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga
salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa
kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga
ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.
Pasalinsulat
Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong
mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto,
kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.
Pasalintroniko
Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng
mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit
ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi
na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), atang kompyuter.
Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng
mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugmatugma o pagkakasintunug-
tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat
walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang
anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawito tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang
patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito.
Patuluyan
Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na
paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang mga
bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong. Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento,
sanaysay, nobela o kathangbuhay, at kuwentong-bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat,
mulamato mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.
Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay, mga
bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na diyalogong nasusulat na
maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa
magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawatyugto. Sa moro-moro, na isang halimbawa ng panitikang
patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang
matawag na patanghal.
Paraang historikal
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbåsa at pagpapaliwanag ng mga tekstong pampanitikan.
Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng
impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas.
Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysayan ng Pilipinas: ang
Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-Spanish Colonial Period (1400-1600), ang
Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1600-1898), Panahon ng mga Amerikano o American Occupation
(1898-1946), at ang Pangkasalukuyang Panahon Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary Post-colonial
Period.
Kaugnay ng panitikang Pilipino, Sina lose Villa Panganiban at Teotilo del Castillo ang unang gumamit
ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng panliteraturang mga teksto.
Paraang pormalistiko
Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at pagpapaliwanag
maging pagsulat-ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang ganitong paraan sa pamamagitan ng
Amerikanong sistemang pang-edukasyon.
5. Karunungan Bayan
• Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. hal. Aanhin
pa ang damo kung wala na ang kabayo,
• Sawikain - mga kasabihang walang natatagong kahulugan hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
gawa.
• Bugtong - maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan hal.
Isang tabo, laman ay pako. (langka)
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang
nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa: ang tulang gaya ng mga pasyong
inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa
mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa — isang patunay ang
awit na Floranteat Laura ni Balagtas.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinilala sa
ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasulat sa Kastila dahil sa pagpigil, sa nadaramang takot at pagiging
madamot ng mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa hansa; ang Doctrina Cristiana na
nalimbag noong 1953 na isang panrelihiyong aklat. Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon.
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba't ibang sagisagpanulat
upang maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-alipustang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ang
pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag- panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang
nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga
Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga
Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag- panulat na
PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto,
Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
Sa panahong ito napalitan ng Alpabetong Romano ang Alibata. Itinuro ang Doctrina Cristiana. Naging
bahagi ng wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila. Nadala rin ang ilang akdang pamapanitikan ng
Europa at tardisyong Europio na nagging bahagi ng ating panitkan gaya nga awit, kurido, moro-moro at iba pa.
Sa panahon ding ito nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibanag wikain. Nailathala ang
iba't- ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, llokano at Bisaya.
Mga Propagandista:
Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang ("Noli at El Fili)
Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) — Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,
Kaiigat Kayo at Tocsohan
Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)
Panahon ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga
Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sapamahalaang Kastila. Kung relihiyon
ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles
at Tagalog. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa hansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila,
Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikansa Ingles noong
1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat. Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina, Jose Corazon
de Jesus na tinaguriang Makatang Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na'Huseng Batute' at 'Huseng Sisiw'
dahil sisiw ang ipinabayad kapag nagpagawa sa kanya ng mga sulatin. Maalab ang divvang makabayan sa
panahong ito na hindi na nagawang igupo ng mga Amerikano. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba't
ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp. Pag-ibig sa bayan at pagnais ng
kalayaan ang tema ng mga isinulat. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at
wikang Ingles. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan. Sa panahong ito nailathala ang babasahing
Liwayway. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate. Sa panahong ito nagsimula ang pelikula sa
Pilipinas.
Mga Pahayagan:
El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
El Renacimiento (Muling Pagsilang) — itinatag ni Rafael Palma (1900)
Panahon ng Hapon
Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan. Itinuring ang panahong ito
na "Gintong Panahon ng Panitikan" para sa mga manunulat sa wikang tagalog sapagkat higit na malaya ang
mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino. Sa panahong
ito, ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles. Ang paksa ay tungkol sa buhay- lalawigan.
Ipinasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan. Sa panahong ito ay nagkaroon ng krisis ng papel
kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat.
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya't sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng hansa ang
pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng hansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namunong
Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong
wika sa hansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at
may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat
na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas. Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng
mga Hapon, kahirapan ng pamumuhay noon atbp. Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa
giyera. Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950. Nagkaroon din
ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Sumigla
rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo. Nagbukas rin ang palimbagan ng
lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atbp.
Noong 1972 idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos
Ang nagging paksa sa panahong ito ay ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan. Nagsimula ang
programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972. Pinahinto ang mga pampahayagan at maging
samahang pampaaralan. Itinatag ang "Ministri ng Kabatirang Pangmadla" (sumubaybay sa mga pahayagan,
aklat at mga iba pang babasahing panlipunan).
Pagsusulit I
Sosyedad at Literatura
(Saklaw: ARALIN 1)
Pangalan:_______________________________ Taon/Kurso:_________________
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi.
Salungguhitan ang mali sa pahayag.
Telefax No. (043)
1.Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing 284-3974
tumutukoy sa umiiral, umuunlad at namamayaning uri at anyo
ng katutubong panitikan.
2.Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 968, s.2015, ang “Buwan ng Panitikan ng Filipinas” ay ipinagdiriwang
tuwing buwan ng Enero.
3.Noong 1983 para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao
ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
4.Noong 1992, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
5.Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay
ginamit at hulaping “an”. At sa salitang “titik” naman ay nangangahulugang literature (literature), na ang literature ay
galing sa latin na littera na nangangahulugang titik.
6.Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy
sa katawan ng tao.
7.Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo
ng katutubong panitikan.
8.Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli Me Tangere ng
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
9.Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon
ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992).
10.Ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas 2017 na may temang “Pingkian” ay kasabay ng ika-230 anibersaryo
ng pagkakasilang ni Francisco Balagtas ang “Bayani ng Harayang Filipino”.
II. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang wastong sagot sa bawat patlang bago ang mga bilang.
III. Panuto: Ilarawan ang naging pagbabago sa panitikang Filipino sa paglipas ng panahon sa pamamagitan ng Graphic
Organizer, Dayagram o masining na larawan. Siguruhing angkop ang nilalaman, malikhain at orihinal. (30 puntos)
SosLit:
Kahalagahan ng Panitikan
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan.
Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito
ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tintulungan
nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang
sistema.
Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging isang
magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng
pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.
Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-
sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang divva
ng kalikasan ng pagiging makatao. Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung
tayo'y may kinalaman sa pagsusuri nito.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an " na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang
literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ito ay isang payak na salitang nahihiyasan ng
iba-iba at malalim na kahulugan. Para sa mga manunulat, ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan,
repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan (Reyes, 1992).
Uri ng Panitikan
1. Kathang-lsip (Fiction)
Ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento
ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa.
Nobela
Tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't
ibang kabanata.
Pabula
Akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop
Parabula
Tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya.
Maikling Kuwento
Ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Dula
Uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
Sanaysay
Maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Talambuhay
Isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na impormasyon.
Talumpati
Isinalaysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Balita
Nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa.
Kwentong Bayan
Uri na sumalaysay ng mga Iikhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan.
Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng
pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay
naglayong gamitin ito sa ritwal.
Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon.
Mayroon itong anim hanggang walong pantig.
2. Ang tulang paawit o Iiriko ay mayroon ding iba't ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Awiting Bayan - ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta
o inaawit pa rin natin.
Soneto - ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Dito ay may
mapupulot na aral ang mambabasa.
Elehiya — ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang
sumakabilang-buhay na.
Dalit — kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng papuri sa Diyos o kaya
ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon.
Oda — ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang
pantig at taludtod.
3. Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:
Komedya — ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa
ng pangunahing tauhan, Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang
pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood.
Parsa - ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtongdugtong na mga
pangyayaring nakatatawa.
Saynete - ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.
4. Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Karagatan — ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may
matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag
huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang
matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog
ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan.
Duplo - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran
nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas
laruin tuwing may lamay sa patay.
Balagtasan — ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula.
Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar, Pinatanyag ito ng "Hari ng
Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
Kahalagahan ng Panitikan
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan,
Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang
isang uri ng libangan para sa mga tao.
Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tinutulungan
nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema.
Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging isang
magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang
lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.
Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling
mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng
pagiging makatao.
Mga katangian ng Panitikang Pilipino
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na
guniguni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at
pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang
dumadaloy sa katawan ng tao. May búhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na
dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan.
Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan. Kapag binasa ang panitikan,
pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga
ito ng kapwa tao.
Sa kasalukuyan, madali at magaan ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa
Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na
salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang
elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka,
mga tape ng VHS, at mga kompyuter. Dahil sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng
impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may
pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura. Teorya ng
Panitikan at Pagsusuri.
A. Sining at Panitikan
1. Tao at Sining, Ang tao ay napaliligiran: ito ay isang katotohanang hindi maipagwalangbahala
sapagkat anumang bagay na likha ng tao na hindi maibibilang sa mga tinatawag na kababalaghang
pangkalikasan ay ang anyo ng sining. Samakatwid, gaya ng eskultura at pagpipinta, ang arkitektura,
pagpaplano ng siyudad at paligid, potograpiya, dulaan, "cinema" at iba pa ay maituturing ding
sining.
Ang pagsasama-sama o kumbinasyon ng ilan o Iahat ng anyo ng sining ay hindi lamang
nagsisislbing kaligiran ng ating buhay kundi nagiging paraan pa rin ng pagtatamo ng katiwasayan at
kaunlaran. Dahil dito, masasabi pa ring sa pamamagitan ng sining ay napagtatangkaan ng tao na
iangkop niya ang sarili sa kapaligiran, likas man ito o panlipunan; gawing kasangkapan ang
kapaligirang ito sa pagtataguyod ng kanyang kagalingan at pag-unlad; ilahad ang kanyang pangarap
at mithiin, ang kanyang mga paniniwala at pananaw, ang hangaring makaisa ang kanyang
Tagapaglikha.
2. Tao at Panitikan. Hindi mapag-aalinlangan na ang panitikan ay isang anyo ng sining. Katunayan,
kabilang ito sa kategorya ng mataas na uri ng sining. Ang matwid sa ganitong pagpapahalaga ay
halos kawangki na ng pagsasaalang-alang sa katangian ng tau Sang-ayon kay Plato, sa kanyang
Phaedo, ang tao ay nag-aangkin ng "iba't-ibang anyo ng kaluluwa", yaong pagkakaroon ng mga
hangarin at guniguni na siyang magbibigay sa kanya ng pagkakataong makilala ang sarili at sabihin
pa'y malaman ang pinakapunong dahilan ng kanyang pagkatao at pananatili sa daigdig.
Samutsari ang bias ng panitikan sa bawat tao, gayundin sa bawat lipunan. Maraming bagay sa
kasalukuyanang mga nasa angkop nilang kalagayan dahil sa panitikan. Panitikan ang titis na
nagpasiklab sa himagsikang pinamunuan ni Bonifaciona napatitik sa kasaysayan n gating Iahi at
magugunitang ang panitikang nagpaalab ng kanyang poot (ang Noli Me Tangere ni Rizal) ay
iniluwal din ng kapwa panitikan, bagaman di - tuwiran.
B. Sining ng Panunuri
1. Pangkalahatang Pangangailangan.
Sa pamamagitan ng sining, nagagawa ng taong mailahad ang kanyang naiisip at nadarama, ang
kanyang mga pangarap at guniguni, ang kanyang paniniwala at pananaw at ang kanyang hangad na
makaisa ang kanyang Tagapaglikha. Sa pamamagitan ng sining, nagkakatinig, nagkakaanyo at
nagkakahugis ang kirot at lugod, ang hirap at saya, ang panimdim at pangamba Iahat ng karanasang
nagpapatining ng pagkatao, nagpapatangi sa isang panahon o sandali at nagpapakulay sa buhay.
Totoong hindi lahat ng tao ay napagkakalooban ng kakanyahang maging manlilikha ng sining,
ngunit ang Iahat ay pinagkalooban ng kakayahang magsuri at ang kakayahang ito ay kailangang
linangin sapagkat tayong Iahat ay gumagamit, bumibili at tumatangkilik ng mga likhang-sining.
2. Panunuri at Panitikan.
Sa pag-unawa ng anumang anyo ng sining, may pangangailangang gawaing ito ay masasabing
mahirap para sa mga wala pang kaalaman o karanasan. Maipalalagay pang kinakailangan ang kasanayan
sa paglikha ng sining bago makapagsuri, ngunit ang ganitong pagpapalagay ay mag-aakay lamang ng
mgs kakatwang konklusyong gaya ng kinakailangan munang matutuhan ng isang tao ang pananahi bago
siya makapagdamit nang maayos o dili kaya'y kinakailangan muna niyang matutuhan ang pagluluto
bago siya magkaroon ng wastong panlasa sa pagkain.
Sa matamang pagmamasid at pag-aaral ng anumang anyo ng sining, sinuman ay
makapagpapatibay na iisa ang mga batayang simulain at pamamaraan ng pagsusuri ng lahat ng anyo ng
sining. Ang mga simulaing ito ay kinasasangkutan ng mga payak na gawaing tulad ng pagmamasid,
paghahambing, paghuhulo, pagbubuo o paglalahat at paglalapat. Dahil dito, sinumang may kaalamang
pangkapaligiran sa panitikan ay may kakayahang makapagsuri ng anumang anyo ng sining.
Panunuri o Kritisismo
Panunuri
Naghahanap ng estruktura
Naghahanap kung ano ang puwede
Nagtatanong upang maliwangan
Nakalahad sa mabuti, matapat at obhetibong tinig
Kritisismo
Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kulang
Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan
Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining.
Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri
ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga
pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili. Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga
makata at manunulat na Pilipino Sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-
tanging kritikong sa panitikang Filipino noong kanilang panahon.
Sa bisa ng "Parolang Ginto" ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng
pamimili ng sa palagay niya'y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling
ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang "Parolang Ginto" ay pinasok ni del Mundo ang
larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa
pamamagitan ng kanyang "Talaang Bughaw" noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa
buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.Sa "Hindi na uso ang
Hindi pa [Jso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq," isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na
tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan
ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang
uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita'y
nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
PRELIMINARY EXAMINATION
Sosyedad at Literatura
(Saklaw: ARALIN 2)
Pangalan:____________________________________ Marka:____________________
Guro:_______________________________________ Kurso/Seksiyon/Taon: ____________
I. Tukuyin kung anong uri/anyo ng panitikan ang mga sumusunod. Isulat sa patlang kung ano lamang ang tama. Bawal ang magbura,
hindi lahat ng pagkakamali ay maaari pang itama kaya bago gumawa, pag-isipan muna.
1. Ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma Bawat anyo ay mga iba't ibang mga akda.
______ _ 2. Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat o
kilalang mga tao.
_ 3. Isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagaybagay
sa daigdig.
_ 4. Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
_____ _5. Akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop.
6.Ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalano impresyon lamang.
______ 7. Isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na
impormasyon.
_ 8. Ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin.
9.Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.
10.Nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas.
III. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi. Tandaan, kailanma’y hindi magiging tama
ang mali.
1. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
2. Ang kritiko ay hindi laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
3. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga
unang taon ng kanyang pamimili.
4. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining.
5. Ang kritiko ay hindi iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
6. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri
ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
7. Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng
pamimili ng sa palagay niya'y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon.
8. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1932.
9. Sa 'Windi na uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq," isang sanaysay ni Isagani R.
Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari
ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika.
10. Si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang
Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na
akda, maging tula o akda man.
IV. Ibigay ang mga sumusunod. Siguraduhing ilista ang sapat na hinihinging kasagutan, walang labis, walang kulang.
1-5. Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan