You are on page 1of 19

Ang Tagpo: Lunan at Panahon

Introdaksyon
Bilang element ng katha, tinutukoy ng tagpo at ang lunan (kung saan nagaganap) at ang panahon
(kung kalian nagaganap) ang pinangyayarihan ng naratibo o galaw sa akda. Nagsisilbing
tuntungan,ugat at kaligiran ng isang katha ang elementong ito. Tinutukoy ng lunan ang mga
pinakapayak na detalye, tulad ng klima o uri ng panahon tulad ng tag-ulan, tag-araw, ang mga
kagamitan sa paligid, ang palamuti sa tahanan at ang mga arkitektura at disenyo ng isang
pamayanan. Gayundin, tinutukoy rin nito ang pinakamasalimuot na dimension gaya ng
kontekstong pangkasaysayan at panlipunan. Kilala rin ang tagpo bilang miliu para ilahad ang
konteksto at hindi lamang para itampok ang lugar na pinagyarihan. Dagdag pa, dahil may
angking katangian at personalidad ang mga lunan at panahon, nagagamit ang elementong ito para
makalikha ng tono, damdamin, o ng mood. Ito ang nakakubling pakiramdam at kaligirang
nililikha ng isang katha.
Ano ang Tagpo?
Ang tagpo ay isang mahalagang balangkas ng mga pangyayari na siyang bubuo at magtatayo sa
maikling katha. Karaniwan, ang isang kuwento ay binubuo ng marami at magkakaugnay na
tagpo. Ang tagpo sa kuwento ay siyang katapat ng isang eksena sa pelikula at dramang
pantanghalan.
Sa pamamagitan ng mga tagpo, maipakikita ang pagbabago at pagsulong ng mga pangyayari.
Pantulong na Malaki kung gayon ang tagpo upang maging makasining ang pag-unlad ng
kuwento sapagkat sa bawat tagpo ay may kaakibat na nagbabagong damdamin.
Kahalagahan ng tagpo sa Maikling kuwento
1. Ang mga tagpo ay kasangkapan upang maipakita ang mga pisikal na pangyayari sa
kuwento. Ang mga pangyayari sa isang akda ay kailangang sumulong at magbago, mula
sa payak hanggang sa makulay na sukdulan. Ngunit ito ay isang pagbabagong hindi dapat
maging masyadong komplikado o nakalilito sa bumabasa. Nararapat na ang pisikal na
baha-bahagi ng kuwento ay Makita ng mambabasa, kanyang masundan mula sa simula
hanggang sa katapusan.
Kailangang balangkasin kung ano ang una, ikalawa at mga susunod na tagpo sa kuwento.
Mahalaga kung gayong malaman muna ng sumusulat ang pangkabuuang balangkas ng
kuwento. Kailangang maging kongkreto ang balangkas o tunguhin ng kuwento.
2. Ang mga tagpo ay nagpapatipid sa mga gagamiting salita sa kuwento. Hinahayaan ng
may-akda na mangusap ang kuwento sa pamamagitan ng maingat na paglalarawan ng
lunan at panahon. SA di tuwirang pamamaraan, naipipinta na ng manunulat ang
konteksto at ang motibasyon ng tauhan kapag natukoy na ang lunan at panahon.
Nakalilikha rin siya ng damdamin at tono sa pamamagitan ng paglalarawan. Hahayaan
niyang mambabasa ang magbigay ng interpretasyon sa paglalarawan ng lunan at
panahon. Maihahalintulad ito sa pagtanaw sa isang kuwadro ng ipinintang larawan. May
ibig sabihin ang pagpili ng lugar at panahon. Halimbawa kapag pinili ng may-akda ang
looban at estero bilang lunan, maaari niyang talakayin sa akda ang pagkakaagnas ng
lungsod at ng buhay na nakapaligid sa lunan. Kapag pinili naman ng mangangatha ang
panahon ng Hapon bilang paksain, maaari niyang talakayin ang lagim ng digmaan.
3. Nabibigyan ng mga tagpo ang may-akda ng laya na mabisang matalakay ang mga
makulay at mataas na bahagi at damdamin sa kuwento. Ginagamit ang lunan at panahon
para ilarawan ang sumusulong na paggalaw ng banghay. Kadalasan, ang eksposisyon o
ang simula ng kuwento ay nagpapamalas lamang ng pangkalahatang lunan at panahon.
Ngunit sa pagsulong ng kuwento tulad ng mga hamon, tunggalian, at rurok, nagiging
espesipiko na ang mga lunan. Nakatutulong ang tagpo para ilarawan ang mga
madamdamin o dramatikong mga bahagi tulad ng kakalasan at resolusyon.
4. Ang mga tagpo ang nagtatakda ng makasining nab aha-bahaging pagsulong ng kuwento.
May tatlong mahahalagang bahagi ang kuwento- ang simula, gitna at wakas.
Kinakatawan nito ang tatlo ring bahagi ng banghay-eksposisyon, komplikasyon at
resolusyon. Malaki ang gampanin ng tagpo at lunan bilang tanghalan ng tatlong
pangyayari sa kuwento at banghay. Habang tumitindi at tumataas ang tension g kuwento,
nagiging dramatiko rin ng lunan at ang panahon (o kawalan ng panahon).

Gawain
I. Basahin ang kuwentong “Kinagisnang Balon” ni Andres Cristobal Cruz. Pagkatapos
ay tukuyin ang tatlong mahahalagang tagpo sa kuwento na nagpakilos at nagsulong sa
kuwento hanggang sa sukdulan at kakalasan nito.

Kinagisnang Balon
(Andres Cristobal Cruz)

Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim,
malaki't matandang balon.

Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinainan sa Tibag na hindi gumamit ng


tubig sa balong iyon.

Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang
biyaya ng matandang balong tisa.

Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o


binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon.

Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon.

Mahalaga nga ang balon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng
pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang
mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at
imumulat naman ng mga ito sa susunod nilang salinlahi.
Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon.

"Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda.

"Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba.

At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng
mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa
Pilipinas.

Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng
mga may kapangyarihan noong unang panahon ng mga Amerikano. Katunayan daw, maraming
bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luson, ang may mga balong tulad ng sa Tibag. Kaya naman daw
matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling
masugpo ang kolerang ilang beses kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong
pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, por lo menos, madali ang pagsugpo sa kakalat na
makamandag na kolera.

May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang
mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kwento!

Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang
pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw
sa may balon.

Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo
na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw
itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa
ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may
balon at nag-uungulan.

At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahating-gabi sa likod ng
mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang
magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga
nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sistihan nang makasal nang di oras ang dalawang
"maligno" na walang iba kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag.

Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang
mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa
ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng
saboy ng tubig o mga naluluma't hindi natutuloy na pagbabantang magsusumbong. Ang inay ng
mga batang nagsisipaligo, ng mga baldeng pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikhik ng
mga babae, harutan ng mga dalagita…
Marami ang makapagsasabing sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na
nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak
naman nito.

Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa
Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa
bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta.

Hanap buhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang
malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang
nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang
pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de
festejos. Ito rin ang ipinag-igib ng ninuno ni Tandang Owenyo.

Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay
abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at
kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw.

"Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng
iba.

"Binata pa'yan 'kamo,' dagdag ng ilan, "aguwador na."

"Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?"

"Aba, siyanga, ano!"

Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon.

"Pero 'ala namang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo."

"Minana na niya ang upisyong iyan."

"E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…"

"A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo."

"Labandera na noon si Nana Pisyang?"

"Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana
Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e."

"Ang Da Felisang Hilot?"

"Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. "Yan nga si
Nana Pisyang."
"Tingnan mo nga naman ang buhay."

"Sa Amerika ba, merong ganiyan?"

"Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay."

"Mana-mana ang lahat."

"Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din."

"At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera."

"Pero si Nana Pisyang humihilot din."

"Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng
pangkape ang Nana Pisyang, tama na."

"Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay."

"Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng damit ang dalagita
niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiks greyd."

"At si Narsing nila?"

"A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy."

"Ow, tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin."

"Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro, e!"

"Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro."

"Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano."

"E, ano raw?"

"Florante at Laura daw."

"Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata. May ulo pa naman."

"Balita ko'y ayaw mag-aguwador."

"Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatungtong na halos sa kolehiyo at sa pag-


aaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis lang ang alam e mga tente
bonete na."
"Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit
'yon!"

"Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!"

NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang punasan ang pinggan. Totoo nga na umiigib siya.
Ngunit iyon ay para lamang sa gamit nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang
balde kaysa gumamit ng pingga.

Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing
mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong baguntao pa ito. Iyon din ang palagay ng
mga nagkakahig ng sasabungin, ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat
ng lumang kapilya.

Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang
paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit.

Nagsasampay ang kanyang ina ng siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng
sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang
sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag
na kinula. Sa kabilang gilid bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang
kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng
upo.

Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa
paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga
bata.

Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tundo, sa Velasquez. Sa araw, naglalakad siya't


naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng
gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan.
Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE ang nakasabit sa mga tarangkahan at
pintuan ng mga pinupuntahan niya.

Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng
edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa ganoo't ganitong senador o
kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabalewala na pala ng mga ito kahit na
pirma ng pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na
trabaho ang balanang puntahan ni Narsing.

Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ‘to, sabi niya sa
sarili’t pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik.
Kinausap niya ang Insik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla.
Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik.
“Hene pwede,” sagot ng Intsik, “hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat ‘yan akyen lang tanim,
dilig.”

“O, paano, talagang wala?” sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para
siyang galit.

“Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha,” sagot ng Insik. Nangingiti-ngiti. “Akyen gusto lang
tulong sa ‘yo.”

“O sige, ano?”

“Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?”

Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera.

Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na


siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag. Pangkaraniwan na sa Tibag ang
nabibigo sa paghahanap ng trabaho sa Maynila, lalo na ang trabahong bago at hindi minana.
Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanap-
buhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa
hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa
kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami.

Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na ‘ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang
isip at guniguni sa sanlibu’t sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon
ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan.

Magtatakip-silim nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung
mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala.

Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang.


Habang sila’y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama’t ina ng
kanya pang isalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang
maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho?

Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo’y nagkandagutom siya sa
Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang
kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid
ang subo ng kanyang ama’t ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang
ulam nila’y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong
mustasa at ilang piniritong bangus. Maya’t maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang
parang aso’t pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi
halos nagkakaroon ng mumo sa buong dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung
magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos
na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki’t dumarami ang subo ng mga bata, dadalang
at liliit ang subo ng kanyang ama’t ina. Siya naman ay napapagaya naman sa kanila.
Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik
kung nasasaksihan niya ng kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit
na mahuhusay na ipinaglalaba’t ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang
paghihimagsik na matapos na sa pag-iigib ang kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang
kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga’t dalawang balde na animo’y isang
Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan.

Noong gabing iyon, nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa
itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang
harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang
kanyang ama sa may likuran niya.

“Gayon din lamang,” mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong
maghanapbuhay, subukin mong umigib.

May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at
pasinghal ang kanyang sagot.

“Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n’yo pati ako maging aguwador!”

Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina’y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit
at ano ang nangyari.

Minumura siya ng kanyang ama. “Bakit?” wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at


kumakatal ang tinig. “Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!”

Nakatayo na sana si Narsing. Ngunit sinundan siya ng kanyang ama’t buong lakas na hinaltak at
inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing. Itinaas niya ang isa niyang kamay
upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama.

Sumigaw ang kanyang ina. May kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina.
Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata’y umiiyak at humahagulgol na parang
maliliit na hayop.

Lumayo ang kanyang ama’t iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na
dinig pa rin ang kanyang sinasabi.

“Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating
din ang araw na mararanasan mo rin…mararanasan mo rin.”

Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang
bahay hindi siya pinapansin ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring
nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili’y
magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay.
ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyo ay
nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung
hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito’y napilayan.
Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba’y na
wala sa isip niya ang ginagawa.

Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na taga-


ibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang
matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa
tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador.

Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung
magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya sumalok. Sayang daw kung kinikita ng
ama niya’y sa iba pa mapupunta.

Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay ni Narsing, ay patotoo sa
paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama.

KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni
pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang
kanyang mga buto sa pag-akyat-panaoog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng
tubig. Siya ang umiigib.

Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong mga
bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng
hangin. Sa malayo’y may asong kumakahol na parang nakakita ng asuwang o ano. Hindi siya
nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya’y nasa hayskul. Bago siya maidlip,
sa guniguni niya ay nakita niya ang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo’y isang
Kristong pasan-pasan ang pingga’t dalawang baldeng mabibigat. Naisipan din niyang taniman
nang taniman ang bakuran nilang ngayo’y hindi na kanila’t inuupahan lamang.

Maaga pa’y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya’y muling umigib. Mahapdi ang kanyang
balikat. Humihingal siya’t parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod.

Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga’t
kinabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong
aguwador.

“Binyagan si Narsing!” sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng
tubig.
II. Basahin ang kuwentong ‘Nagbibihis na ang Nayon’ at iugnay ang pagbabago ng
nayon sa tauhang si Derang.
Nagbibihis na ang Nayon
Brigido C. Batungbakal

Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagsintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala


sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito at patungo sa
kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon,sapagkat wika nila'y likas na yaon
sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagamat nagkagayon si Derang ay walang pinag-
uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, mairog na pakikisama sa
kanyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang sapagkat naniniwala ang mga taga-Tulikan
na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging
dinaramdam.nga lamang nila'y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang, si
Mang Tiyago.
Nagugunita pa ng taga-Tulikan ang Rosauro Santos. Isang trak ang unang na kinalululanan ng
mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ng tininti sa nayon upang
ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at bahay ng tininti
nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa
anak ng tininti, kay Derang na lalabing-anim na taon lamang.
Ang pangalan ni Derang ay isang mabangong bulaklak sa kanyang kanayon, at ang kanyang
buhay ay isang bukas na aklat sa Tulikan. Hindi mahihirapan ang sinumang may nasang
makabatid sa uri ng kanyang kagandahan. Sapat na ang makinig sa mga sali-salitaan ng mga
tagaroon na nauukol sa dalaga. Sa mga bibingkahan, sa bitawan ng mga manok at sa alın mang
pagtitipon, kung ang nagiging paksa'y ang kariktan ng mga babae, sa hindi kinukusa'y nauuwi
ang salitaan sa angking kagandahan ni Derang. Sila- sila'y nagtatalo, ngunit pawang humahanga
sa kagandahan ng dalaga.
"Talagang wala nang pangalawa si Derang sa kagandahan dito sa atin, ang wika ng isang may
hawak na manok at pinauusukan pa ng kanyang sigarilyo.

"Aba! E ano nga!... Huwag nang humara-hara ang mga tagabayan. Si Derang ay lalong maganda
kung nasisikatan ng araw ang kanyang mayuming mukha. Talo pa ang saga sa kapulahan ng mga
pisnging iyon na parang manggang hinog na may bahagyang bulo." Ang nagsalita ay tumigil na
pinirot-pirot pa ang lambi ng kanyang manok na hawak.
"Talaga namang lahi ng Ka Tiyago ang magagandang mukha. Kung nagisnan ninyo ang nasirang
ina ng Ka Tiyago ay kalingkingan lamang iyang si Derang," ang sambot ng isang matandang
nagbabasa ng pahayagan. "Talagang mapalad din naman ang ating nayon. Noong kapanahunan
ni Kapitang Tura, ang ina ng Ka Tiyago'y pinagdarayo ng mga anak ng kapitan sa iba't ibang
bayan dito sa ating lalawigan. Ngunit dito rin sa atin nakatagpo ng kasukat na binata."
"Ngunit iba na ang lakad ng panahon ngayon, Ka Tonyo," ang tugon ng isang kararating lamang.
"Noon po'y inuuri na ang mga mangingibig. Hindi katangian ang pagiging anak ng isang kapitan.
Minamabuti pa noong kapanahunang iyon ang marunong humawak ng pamitik ng araro."
"Siya nga! ang pasang-ayong sagot ni Ka Tonyo. "Talagang ibang-iba na ang panahong ito.
Noong panahon natin ay lumalapad ang talampakan mo sa kayayao't dito ay wala pa ring
liwanag ang iyong pakay, lalo na sa isang katulad ni Derang. Alangan ang mahabang panahon ng
paglilingkod. Magsisibak ng kahoy, iigib ng tubig, at maghahalili ng mga tahilan ng bahay.
Mambabataris ka kung panahon ng gapasan. Ngunit ngayon, ang kailangan lamang ay... liksi ng
kamay at dulas ng dila!"
Nagkatawanan ang mga kaumpok na binata sa narinig nila sa matandang Tonyo. Tila nasalang
ng matanda ang "sakit" ng kabataan. Tba na nga naman ngayon- wala na a g ugaling namulatan
sa matatanda.
"At kung magkakamali ka pang maupo sa tabi ng lakdawan, naririyan ang sarap ng ating
salitaan. Kung hindi ka matapakan ng tinamaan ng grasya ay tatalisurin ka naman!" At tiniklop
ang hawak na pahayagan. "Oo, Wala na rin ang pamimitagan sa natatanda. Kahit ka na kaharap
ay iginigiit ang nakakabuwisit na paghahain ng pagsinta. Ang panahong ito ay hindi na nga
katulad noong araw na kailangang mag-usap kayo sa tingin. Naku! Kaysarap lamang gunitain
ang panahong iyon ng aming kabataan."
"Oo nga, Ka Tonyo," ang sabad naman ng isa sa mga nakikinig sa matanda. "Noon ay hindi
maaari ang pasabay-sabay sa lansangan. Kailangang pumanhik at manaog oras. Ngunit ngayon,
may ligaw-lansangan pa tayo. Talagang naiiba ang kaugalian ng tao sa pagtanda ng panahon."
"Iyan naman ay nasa babae rin. Bakit ba si Derang? Hayan, tingnan ninyo kung may
nakasasabay sa kanya!" At napalingon ang marami sa dakong itinuro ng matanda na
kinarorooonan ng dalaga.
Si Derang na itinuro ng matanda ay may Sunong na bilao na punong-puno ng mga pinamili sa
bayan. Nakatapak at ang suot na sayang kremang mura na tinernuhan ng luntiang kimona ay
bagay sa kanyang magandang balat. Nasa kanyang imbay ang indayog ng ating mga tulang
kinatitikan ng lalong mayuming awit ng ating kaluluwa. Nang mapalapit si Derang ay biniro ni
Mang Tonyo.
"Kami na po ang magdadala ng inyong sunong, Aling Kuwan."
"Naku! Ang Ka Tonyo naman... baka kung inaano ninyo ako: Marami pong Salamat! At inirapan
ni Derang nang mairog ang mapagbirong matanda.
Nagkatawanan ang mga nagsisipagkahig. Talagang maganda si Derang. Ganyan ang sinasabi ng
kanilang mga mata.
Walang batarisan sa Tulikan na masasabing masaya at matao kung wala roon si Derang.Ang
kasayahan ng isang pabinyag ay nasa kanyang pagdalo o dili kaya'y kung siya ang maghahawak
sa batang bibinyagan. Ang Tulikan ay kumare na ni Derang. Walang batang babae na hindi
tumatawag sa kanya ng "ninang" o kaya'y "inang Derang." Ang lahat nang babaing may asawa
ay tumatawag sa kanya ng kumare; at siya, si Derang ay dinadakila ng nayon.
Ito'y noong hindi pa binubuksan ang lansangang maglalagos sa nayong itong patungo sa
kabundukan ng Sinukuan. Kay Derang ay hindi pa nabubuksan noon ang matinik na landas ng
buhay. Nasa kanyang paningin pa ang magandang liwanag ng mga umaga at ang kaakit-akit na
sinag ng makulimlim na takipsilim. Hindi pa malay manampaga sa kabuhayang tigmak sa
pasakit ang batang damdamin ni Derang.
Subalit nang hindi na kaila ang lahat ng mangyayari sa kanya ay unti-unting nagmaliw ang
dating halina ni Derang sa nayon. Masalubong man sa mga paraan ay hindi man lamang siya
batiin ng mga kaibigang dalaga. Para bagang mahahawa sila sa kasawian ni Derang kung ito'y
kanilang batiin. At ang mga kumpare at kumare, kung bumabati man sa kanya, ay halatang-
halata namang malamig ang kanilang damdamin, na tila baga isang kasalanan ang maging
kabatian ni Derang.
Magmula nga nang mabuksan ang ipinagagawang lansangan patungo sa Sinukuan ay nagbago na
ang pagtingin ng Tulikan kay Derang. Mula nang manuluyan si Inhinyero Santos sa tahanan ni
tininti ay nabawasan nang nabawasan ang halaga ng pagkatao ni Derang sa kanyang tungkulin
bilang anak ng tininti sa nayon. Talagang ganyan ang tao sa nayon-may sarili silang pamamaraan
ng pagdakila. Hindi kawangis ng panahong nababago sa paghihip ng hangin at pagpatak ng ulan.
Ang kanila ay isang pamamaraang katulad ng tubig sa bukal ng mga matang-tubig, na laging
malinaw at malamig kahit na sa katag-arawan.
Nang unang kumalat ang balitang nangingibig ang inhinyero sa dalagang anak ng tininti ay
walang tinugon ang mga taga-Tulikan kundi mga lihim na iling. Nagkaroon ng mga pasaring ang
matatandang magsasaka na tumutudyo sa tininti kung nagkakasalubong sa mga paraan at
tumana. Lalo na nang kanilang makita na kasama ng inhinyero si Derang, isang magda-
dapithapon, na naglalakad sa lansangan. Parang tunog ng tambuling kumalat at gumising sa
nayon ang balitang talagang nagkakabuti na ang inhinyero at si Derang.
Ang paningin ng Tulikan ay napako kay Derang. Kung nakikita nila ito ay parang nakikita nila
ang inhinyero na nagpapagawa ng lansangan, naka-pulinas at suot ang sebastipol at pahiyaw-
hiyaw sa mga manggagawa. At kung ang inhinyero ay nakikitang pauwi na sa tahanan ni Mang
Tiyago, si Derang naman ang sumasagi sa kanilang alaala. Ang kagandahan nito'y kawangis ng
isang buko ng bulaklak na ang halimuyak ay sumasalubong sa pagdating ng inhinyero at sa labi
nakahiyas ang ngiting mayaman sa kaligayahan. Ano pa't si Derang ang larawang gumagalaw sa
katauhan ng Inhinyero Santos.
Sa mga araruhan, ang kapalarang iyon ni Derang ang lagi nang nagiging paksa ng mga pag-
uusap. Ang mga magsasaka, sa tuwing magkakasalubong, ay nangapapahinto sa lilim ng mga
punongkahoy at iyan din ang ginagawang tulay ng kanilang batian. Sa pakikiraan sa harapan ng
mga kubo ay yaon ang ginagawang panghingi ng pahintulot, at daan din ng kanilang
pasasalamat. Katulad ng minsang maraan si Candido sa harap ng kubo ni Tandang Tonyo.
Wala na po kayong kapit-kubo ngayon, ang bati ni Candido kay Mang Tonyo na nakatalungko sa
lilim ng suha at nagsisibak ng kahoy.
"A! Talaga.. wala na ngang talaga! Hindi na raw magsasaka ang Ka Tiyago. Talagang iba na ang
may magandang anak, ano Candido?" ang naisagot ng matanda, na inihinto ang pagsisibak ng
kahoy at umupo sa karetang nasa tabi ng talaksan ng kahoy.
"Aba, opo, sino po ang magsasabing ang Ka Tiyago'y magkakamanugang ng isang inhinyero?
Malayong mangyari kung hahakain lamang ng tao!"
"Talagang ganyan Ilamang ang buhay ng tao, bata ka! Maanong matuloy na nga ang hindi
pagsasaka ni Tininti!" At ang "tininti" ay binigkas nang buong diin. "Kung hindi na siya
magsasaka ay mawawalan na ako ng kabangay sa hanggahan ng aming mga bakod. Ikaw na ang
gumawa niyan, sakaling humanap ng kasama ang ating tininti.
"Mahirap po ang makisama sa mga biglang-yaman." At dinuluhan pa ng isang impit na halakhak.
"lingnan lang ninyo ngayon ang ugali ng ating tininti. Minsan ay nasalubong po ni Karyo ang
tininti sa sapa, maanong nangiti man lamang ang unatin. Madaling magbago po ang tao!"
"Siya nga! Siya nga!" At tumango-tango si matandang Tonyo. "Kung gayo'y kumusta na lamang
sa asawa ng inhinyero, hane?"
"Makararating po!" at nagkatawanan ang dalawang nagpapaalaman.
Lumala ang mga sali-salitang nauukol sa sinasabing kapalaran ni Derang. Hindi lamang
ginawang tulay ng pagbabatian kundi kinaladkad na sa lansangan. Kung nakikita si Derang ay
napapailing ang matatandang nagbabayo ng itso sa katikot, at may ibinubulong na kung ano sa
katabi ng lagi nang nabubuntutan ng tawanan. Ang labi ng mga dalaga'y parang hinahatak sa
paghaba na sinusundan ng pag-ismid sa dalagang kahapo'y mutya ng Tulikan. At kung ang tininti
ang nakikitang may pasang araro, ang mga magsasaka ay nagkakatinginan nang lihim, na para
bagang sinasabing "Diyan din pala ang lagpak ng iyong paa."
Ito'y lumala nang matapos na ang 8inagawang lansangang bumabagtas sa Tulikan at patungo sa
kabundukan ng Sinukuan. Isang babae ang dumating sa nayon at ipinagtatanong ang inhinyero.
sa tananan din ni lininting Tiyago umurong ang babaing iyon. Sariwa pa sa lahat ng mga taga-
Tulikan ang pagkakadating ng babaing iyong humahanap sa inhinyero.
Si Karyo ang unang napagtanungan nito noong inaararo niya ang kanyang punlaan. Sa tapat ng
punlaan ni Karyo huminto ang berlina at nanaog nga ang babaeng nagtatanong sa kinaroroonan
ng inhinyero. Nang una'y di ibig ituro ni Karyo ang bahay ng tininti sa paniwalang may
mangyayari, ngunit napilitan din siya sapagkat likas at katutubo: sa mga taong laki sa bukid ang
kabutihang ugali. Inihimatong nga ni Karyo ang bahay ng tininti.
Hindi pa nakalalayo ang berlina sa punlaan ni Karyo'y sa-sisipot naman si Tandang Tonyo.
Sakay siya ng kanyang kalakian. Huminto ang berlina sa tapat ni Tandang Tonyo. Dumungaw sa
munting bintana ang babaeng nagtanong kay Karyo ng kinaroroonan ng inhinyero.
"Saan po ba rito ang bahay ng tininti?"
"Sino pong tininti?"
"Ang pinanunuluyan po ng inhinyerong nagpapagawa ng lansangang ito."
Si inhinyero bang..." At naputol ang sasabihin ng matanda. "Doon po kayo huminto sa tapat ng
kakapalan ng mga punong kamatsiling iyon. May makikita kayong isang bahay na tabla at siim
ang atip. Ipagtanong po ninyo sa dalaga doon ang bahay ni Aling Derang. Ituturo sa inyo ang
inhinyero."
Nang umalis ang inhinyero'y hindi makatingin si Derang. Wala na ang inhinyero'y nasa silid pa
siya at nang lumabas sa silid ay namumugto ang mata. Si Tininting Tiyago ay parang isinalab sa
apoy nang kanyang marinig ang ganitong pamamaalam ng babae:
"Kayo na po ang bahalang magpapaumanhin sa mga kakulangang nagawa ng aking asawa."
Ang mga katagang ito'y narinig ng buong Tulikan na pawang sabik na sabik sa pagtulak ng
inhinyero. Hindi nakakibo si Tininting Tiyago, at napayuko na lamang. Dito nagsimula ang
pagkawala ng pagtingin ng Tulikan kay Derang.
Ang mga kumare ay para-parang nagsisisi kung bakit kay Derang panila napahawakan ang
pinakamaganda sa kanilang mga anak. Kung maaari lamang magsaulian ng kandila ay ginawa na
marahil. At pati na mga inaanak ni Derang ay nagsisipagtagpo sa hapilan, hangya, at tarundon
kapag siya y nasasalubong sa landas. Nababatid niya ang dahilan nito: ang pagkakaroon ng
malaking pagbabago nila na kasabay ng paggawa sa lansangang nagmumula sa kabayanan,
bumabagtas sa Tulikan at patungo sa kabundukang Sinukuan. May kadakilaang nawala sa kanila
nang mayari na ang lansangang iyong lumilipad ang alikabok kung tag-araw, at hindi katulad ng
bukal ng mga matang-tubig na hindi nababago ang linaw kahit na humangin at pumatak pa ang
ulan.
III. Basahin ang kuwentong Lugmok na ang Nayon at sagutin suriin ang tagpo nito sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.
Lugmok na ang Nayon
ni Edgardo M. Reyes
Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hiningang isang nilalagnat."Malayo pa ba?"
pahingal na tanong ko kay Vic na kasamakong nananalaktak sa bitak-bitak na lupang
nakukumutan ngdapurak na dayami. "May dalawang oras na yata tayongnaglalakad, a. Baka
hindi natin nalalaman, e, nasa Siberia natayo."Bagama't humahagok na rin ay nakuha pang
tumawa ni Vic.“Malapit-lapit na tayong mangalahati," sabi niya.“Totoo?" “Totoo." Napakamot
ako sa batok. Ang patay na tanawin sa palibot ay nakaragdag pa sa pagodat kabagot ko. Ang
kinaroroonan namin, sa pakiwari ko, ay hindikasama sa inog ng mundo parang pusong hindi
tumitibok, parangbatis na hindi umaagos.Sa silangan ay tila gumagapang na dambuhala ang lunti
atalun-along bundok. Sa kanluran at sa aming harap ay
nakaunatanglawakbukiringnakakalatanngmangisa-ngisangpunungkahoy at kulu-kulupong na
kawayanan. Manaka-naka'ynakakakita ako ng ibong sumisibad sa papawirin."Mamahinga muna
tayo," sabi ko.Sumalagmak kami at nanigarilyo sa lilim ng isang payat napunungkahoy na
nakatubo sa tabi ng kambal na punso. Walanglubay ang pagpag ko sa aking polo-shirt.
Nakapanikit sa bala angaking kamisetang basa ng pawis. Sa taluktok ng huling
kawayanang nilampasan namin ay natatanaw ko ang sungot ngkampanaryo ng simbahan sa San
Manuel. "Uuwi ako bukas," kahapo'y sabi sa akin ni Vic, "Linggo rinlang e di sumama ka't nang
makita mo naman ang bayan namin.”Pumayag naman ako, ngunit walang-wala sa loob
kongmagpipinitensiya ako nang di oras. Ang akala ko kasi'y sakabayanan ng San Manuel—
mahigit na isang daang kilometrobuhat sa Maynila—ang tungo namin pagkat doon nanggaling
sinaVic bago namin sila naging kapitbahay sa Sta. Mesa, may ilangtaon na. Iyon pala, ang
pagsasadyain nami'y ang pinakadulongnayon ng San Manuel!"Mag-aalas-diyes na," sabi ni Vic
na nakatitig sa relos niya“Tena't nang umabot tayo ng tanghalian sa San Manuel!"Sumagsag na
naman kami. Ang sapatos kong itim aynamumuti na sa alikabok. Humuhulas ang pawis sa aking
mukhaat leeg. Tuyung-tuyo ang lalamunan ko. Sa tindi ng uhaw ko'ybaka hindi ko ipagpalit sa
isang magandang babae ang isangbasong tubig na kumikinang sa nakalutang na yelo.Kung
tutuusin, ang inaabot naming hirap ay hindi sulit saaming pakay. Ayon kay Vic ay manghihingi
lamang kami ngmanok sa mga kamag-anakan nila sa Sapang-Putol pagkat sadarating na
Sabado’y ikakasal ang kanyang Kuya Selmo atkailangang maghanda. Ngunit gaano na kaya ang
amingmahihingi?“Hindi ba nakahihiya itong gagawin natin?" tanong ko.“Dumayo pa tayo rito
para manghingi.""Ni hindi naman tayo magsasalita, e," sabi ni Vic. Basta’tibabalita ko sa kanila
na ikakasal si Kuya Selmo, alam na nilayon.”"Matunog silang makiramdam, ha?"
"Hindi naman. Ang lagay, e, nasanay na sila pagkat madalassilang lapitan ng mga tagabayan at
ng mga taga-Maynilang gayanatin. Banggitin mo lang sa kanila na mayroon kang
pabinyag,pakasal, patapos, anumang okasyon na may handaan angkailangan mo."Ang pag-uusap
ay lumibang sa aming paglalakad...
Unti-unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran. Ang
mga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at
kawayan, ay waring nagsisipagbantang lulupasay sa ano mang sandal. Sa malayang hangin ay
nagsanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok aat itik,unga ng mga kalabaw,alatiit
ng nagtatayugang kawayan, at pagaspas ng dahoon ng mga punong manga, kamatsile, santol,
duhat, iba pa. SA mabakong daan ay dalawang nanlilimahid na batang lalaki ang nagpapato ng
mga buto ng kasoy. Sa baiting ng hagdan ng isang bahay ay tatlong babae ang magkakasunod at
sa malas ay naghihingutuhan. May isang matandang lalaking tumitimba ng tubig sa balon. Ito na
marahil ang pinakasalat sa mga nayong narrating ko na. Ito ang Sapang Putol.
“Kina Tata Pilo muna tayo tutuloy.” Sabi ni Vic. “Pinsang buo siya ng Nanay.”
Mabulaklak ang madre- de-kakaw na nakapaligid sa bakurang pinasok naming. Sa mahabnag
balag sa duluhan ay naglawit ang naghahabaang bunga ng upo. May mataas na mandala ng
dayami. Ang dalawang kalabaw na nakahiga sa kural ay nakatingin sa amin. Nakatikwas ang
pangharap na bintana ng bahay ngunit ni isang tao’y wala akong matanaw. Sa puno ng hagdang
kawayan ay may dalawang manok na nagkakahig. Sa pusali ay tatlong baboy ang abala sap ag-
aarumbang. Sa silong at magkakatabi ang lusong, kariton, matong, suyod at araro.
Ni hindi na tumawag si Vic. Tuluy-tuloy siyang pumanhik sa hagdang nakasandal sa batalan.
Kasunod niya ako.
“Huli kayo!” panggulat ni Vic pagbungad naming sa pintuan sa itaas.
Sa loob, ang nagsisiksikan ay nangagitla at nangagpatingin sa amin. Nagsalampak sila sa sahig
na kawayan (itaas tuhod ang iba), nakapaikot sa dulang. Ang matandang lalaking sunog sa araw
ang balat, nag-alsa ang mga ugat sa bisig, ay hindi kukulangin sa gulang na limampu. Ang
matandang babae, payat at nakapusod ay mga apatnapu’t lima naman. May isang sa tingin ko’y
binate, isang sa wari ko’y dalaga; dalawang binatilyo na mahirap hulaan kung sino ang ang
matanda; at tatlong bata na sunud-sunod ang laki. Ang pinakamaliit, babae at mga limang taong
gulang, ay nakanganga, at ang paligid ng bibig ay namumutiktik sa mumo. Sagana sa kanin ang
dulang ngunit ang ulam ay nilagang talong at bagoong lamang. Ngunit lahat sila ay pawisan na
tila ba sarap na sarap sa pananghalian.
“aba, e Inte!” bulalas ng matandang lalaki.
Nangiti ako, Inte pala ang palayaw kay Vicente; sa Maynila na lamang marahil siya naging Vic.
Nagtayuan sila at masigla at sabik na sumalubong sa amin. Nagmano si Vic sa dalawang
matanda. Sa kanilang pagkakatuwa at agarang pagkukumustahan ay waring nalimutan na nilang
naroroon ako. Napalunok ako nang tamaan ng aking tingin ang nagpapawis na kaang ng inumin.
“Hindi ba naman nagkakasakit ang nanay mo?”
“Hindi naman po.”
Nasa perokaril pa rin po.”
Sa wakas, sa pamamgitan ni Vic ay nakilala nila ako at nakilala ko rin silang lahat. Ang
matandang lalaki ay si Pilo. Ang matandang babae ay si Nana Buro. Ang binate ay si oding. Ang
dalaga ay si Ising. Ang iba ay hindi na gaanong mahalaga.
“Dale, ‘te muna kayo sa loob at tatapusin lang naming ‘tong pagkain at nang maipaghanda
naman namin kayo, “sabi ni Tata Pilo. “Gutum na gutom kayo, ‘no?”
“At uhaw na uhaw po,”nakatawang pagtatapat ko.
Pinainom kami ni Ising sa basong yari sa pinutol na bote ng serbesa; nakatatlong baso ako. Hindi
ko gusto ang lasa ng tubig ngunit iyon na ata ang pinakamasarap na inom na naranasan ko.
Nasok kami sa munting kabahayan. Iisang selyon lamang ang upuan doon kaya’t si Vic ay
nagtiyaga na sa sakong nakatayo sa isang sulok; palagay ko’y palay ang laman ng sako. Masilat
ang sahig. Sa dingdig ng sawali ay walang kaayusan ang pagkakadikit ng mga larawan ng kung
sino-sinong artista sa pelikula na mapaghuhulong suplemento ng mga magasin. Sa makipot na
silid ay nasisilip ko ang sabit ng mga damit at ang magulong tambak ng banig at unan.
“Bukas na’ng uwi natin,”tila nanunudyo ay sabi ni Vic.
“Ha?” sabi ko “May pasok tayo bukas.”
“O, e ano? Pawalang bahalang sabi ni Vic. “Sa hapon naman ang pasok natin. Marami pa tayong
pupuntahan dito. Sa ganitong lugar, pag napasyal ka, kahit na pinakamalayong kamag-anak mo’t
di mo madalaw, tiyak na maghinanakit sa iyo. Mayroon ka ‘ikang tinitingnan at mayroon naman
tinititigan.”
Hindi na ako kumibo. Maya-maya, mula sa silong ng bahay ay narinig ko ang piyok ng manok
na sa hula ko’y dinakma. Pakiramdam ko’y biglang humilab ang aking sikmura.
Pasadong ala-una nan ang magsimula kaming mananghalian. Nangingintab sa mantika ang
pritong manok sa platong losa. Walang kutsara ngunit kapag gayon ang ulam ay masarap
magkamay.
“E kumusta ng apala ang Kuya Selmo?” tanong ni Tata Pilon a nakaupo sa pasamano at
nakamasid sa amin. “Di pa ba nakakaisip mag-asawa?”
“Kaya nga po kami nasagsag dito e, “ sabi ni Vic. “Sa Sabado po e ikakasal si Kuya Selmo, sabi
po ni Nanay, kung makaluluwas daw kayo…”
Idinahilan ni Tata Pilon a abala siya sa pakwanan. Kung saan-saan pa nagawi ang usapan,
naungkat ang pag-aaral ni Vic.
“Kung hindi po magluluko, sabi ko, “baka dalawang taon pa’y may pamangkin na kayong
abogado.”
“pareho lang po kami”, sabi ni Vic ni inginuso ako.
“mainam pala kayo’t nagsisikarera na, “ sabi ni Tata Pilo sa tinig na magkahalo ang tuwa at ang
himutok. “ Sa mga batang ito’y ala n ani isang nakaabot man lang sa heskul.. Ke layu-layo kasi
ng bayan at sa paglalakad e di tatagal ang bata. ‘Yon namang pangako ni Gobernador na
maglalagay daw ng isang eskwelahan dito, hanggang ngayon e di pa natutuloy.”
Pagkakain, sandal lang kaming namahinga ni Vic at pagkuwa’y sinimulan na naming hagurin
ang mga kamag-anakan nila sa Sapang Putol. Kasama naming si oding. Malugod kaming
tinatanggap at bawat punatahan namin, na tila ba ang pagkakadalaw nami’y isang napakalaking
karangalan at kasiyahan nila. Ni hindi ko narinig na nanghingi ng ano man si Vic, sa halip ay
nag-anyaya lamang siya sa kasal ng kanyang kapatid. At hindi kami nakapapanaog ng bahay
nang hindi muna nagmiminindal-nilagang sago, nilagang kamote. Lahat sila’y mapilit na sa
kanila na kami maghapunan at magpalipas ng magdamag.
Dakong hapon at niyakag kami ni oding sa isang ponda. Umano, ang nagtitinda roon, na Eda ang
pangalan, ay siyang pinakamaganda sa Sapang Putol.
Napakaganda nga ng bilugang mukha ni Eda. Buhay na buhay ang maiitim niyang mata. Mahaba
ang buhok niya at likas na mapula ang labi. Ngunit ang mukha lamang niya ang maganda. Ang
binti niya, ang paa, ang bisig, ang mga daliri ng kamay, maging sa dibdib ay waring pinisala ng
mabibigat na Gawain sa bukid. Sumaloob ko tuloy na ang kapaligiran ay mahalaga sa kalikasan
ng tao. Kung si Eda, halimbawa ay anak-mayaman at sa Maynila lumaki, marahil ay hindi
mapipingasan ang kanyang ganda. Nasayang ang kagandahan ni Eda.
Napansin ko rin na kakaunti ang tinda ni Eda. May ilang kaha ng pinakamurang sigarilyo, ilang
ote ng inuming pampalamig, tatlong garapong biskwit, isang garapong kendi. Marahil, kung
papakyawin ko ang tinda ni Eda, ang sampung piso ko’y makakatikim pa ng sukli.
Sa aming paglilibot, bukod sa mabuting kalooban ng mga tagaroon, nadama at nasaksihan ko rin
ang pagdaralitang umaalipin sa nayong iyon. Paano uunlad ang isang nayong napakalayo sa
dimakaling kabihasnan? Anong hinaharap ang naghihintay sa mga batang sa mga sandaling
dapat ay nasa paaralana ay nasa likod ng kalabaw?
Kinagabihan, gayong halos ay hindi ako makagulapay sa hirap, ay hindi ako makatulog. Kung
anu-ano ang naiisip ko. Lahat kami’y nakahiga na sa sahig na nalalatagan ng banig. Magkatabi
kami ni Vic. Puno ang bahay nina Tata Pilo; parang sardinas na walang sabaw, wika nga. Sa
dakong loob ay sama-sama ang mga babae, sag awing labas naman ay ang mga lalaki.
Walang kasarilinan, naisaloob ko. Dalaga si ising; paano kung nagkataong ako’y malikot kung
gabi? Lahat ng bahay na pinanhik nami’y walang silid tulugan; paano ang mga bagong kasal? O
kahit na ang mga karaniwang mag-asawa na lamang?
Kinabukasa’y maaga kaming nagising ni Vic ngunit kami na rin ang kahuli-hulihan sa banig. Sa
batalan ay alanganin akong maghilamos pagka’t wala akong mahagilap na sabon. Binasa ko na
lamang ng tubig ang aking mukha.
Hindi pa kami nakapag-aalmusal ay isa-isa nang nagdaratingan kina Tata Pilo ang mga
‘inanyayahan’ ni Vic. Kung anu-ano ang mga dala nila. Ito ang tuos ni Vic sa nahingi naming:
kalahating kabang bigas na milagrosa, isang litsuning baboy, dalawang kambing, isang kilong
manok, walong pato, dalawang pabo at dalawang bayong ng sari-saring gulay.
“Paano nating madadalang lahat ‘yon? Tanong ko. Hindi ko akalaing gayon karami ang
mahihingi naming.
“Gagamitin natin ang kariton ni Tata Pilo.” Sabi ni Vice.
Ilang sandal pa,matapos na mapasalamatan naming ang lahat- hindi ko sila matingnan nang
tuwid sa mata- ay nagpaalam na kami. Lumulan kami sa karitong nakasingkaw na sa kalabaw,
hawak ni Oding ang pamitik ng kalabaw.
Matapat ang kasiyahang nababakas ko sa mukha ng lahat. Umuusad na ang kariton ay
naghahabol pa sila ng mga bilin.
“Kumusta na lang sa kanila.”
“Sabihin mo sa Nanay mong dalawin naman niya kami.”
“Paabutin mo sa mga ikakasal ang pagbati namin”
“Pagdamutan na ‘kamo nila ang nakayanan namin.”
Nankangingilo ang ingit ng gulong ng kariton. Malayo na kami. Sa tingin ko’y tila madilim na
dawag na lamang ang Sapang Putol. Pinagmasdan ko ang laman ng kariton. Ito’y isa nang
napakalaking kayamanan ng nagsasalat na nayon, naisip ko. At sa Sabado, ito’y pagpapasasasaan
at bubundat sa maraming tagalungsod.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang masuri ang tagpo ng kuwento:
1. Paano inilarawan ng kuwentista ang init ng panahon sa akda?
2. Paano pinatunayan ng may-akda ang ‘patay na tanawin’ sa kuwento? Ano’ng tayutay ang
kanyang ginamit?
3. Ano ang ibig sabihin ng may-akda sa paglalarawang “tulad ng hangin na tila hininga ng
isang nilalagnat”?
4. Paano inilarawan ng may pun-de-bista ang kanyang matinding pagkauhaw?
5. Paano ipinamalas ng kuwentista na dahop at atrasadong kapaligiran ang lunan ng katha?
Sa paanong paraan naging mapanglaw ang nayon ng SApang Putol?
6. Bukod sa paglalarawan ng nakikita, gumamit din si Reyes ng mga onomatopeya. Tukuyin
ang mga bahaging naglalahad ng mga tunog ng nayon.
7. Mabisa ba ang pagkakapili ng pangalan ng nayon ayon sa katangiang pisikal nito?
8. Paano inilarawan ang heograpiya ng bayan at ang larawan ng kahirapan? Ano ang
kaugnayan ng karalitaan sa akda at ng tag-araw sa akda?
9. Paano nakaapekto ang bukid at nayon sa kagandahan ng tauhang si Eda?
10. Ano ang mga lumulutang na mga komentaryong panlipunan ng akda sa mga kaugaliang
Pilipino?

You might also like