Professional Documents
Culture Documents
GROUP 3
INTRODUKSYON
Sinasabing sa gitna ng permanteng krisis, mga paghihirap atpaghihikahos ng sambayan at mga panunupil ng
dayuhanang nararanasan kaya maitatanong natin: hindi ba isangmay kalabisang luho ang papuri nating ginagagawa
para sailang libro? Ano ang silbi ng sining sa harap ng mga krisis nakahit sino hindi makakabasa ng isang librong
maitatanghal dito? At ano ang silbi ng ating kaalamang magkilatis atmanuri kung hindi manlang natin ito gagamitin?
Ayon kay Epifanio San Juan Jr. , Sa gitna ng permanenteng krisis sa sambayanan, ng laganap na
karukhaan at paghihikahos ng nakararami; sa harap ng matinding kahirapan ng mga manggagawa’t
magbubukid, ng mga biktima ng militarismo at lov iEtensi war are ng mga may-kapangyarihan, at sa patuloy
na pagsasamata1a’t panunupil ng mga dayuhan, maitatanong natin: Hindi ba isang may- kalabisang luho
ang papuri nating ginagawa para sa ilang libro? Ano ang silbi ng sinlng sa harap na nakaririmariin na
kalagayan ng madlang hindi siguro makababasa ng kahit isang librong mattatanghal dito? Ano ang
katuturan ng proseso ng pagkilatis, panunuri, at pagpapabplagang nakapaloob sa pagkakataong ito?
Ang nasasakdal ngayon dito ay walang iba kundi ang kritiko, ang sining ng kritika, o mapanuring
kaisipan. Nakataya rito ngayon ang halaga at kabuluhan ng kritika sa lipunan natin, laluna na sa
pakikibakang pangkultura at pang-ideolohiyang bumubuhay sa atin.
Itinatanong ng kritika: anong uri ng kultura ha ang nililikha natin sa ngayon, isang kulturang
mapagpalaya o mapanupil?
Ang pagtatampok ng katanungang ito ay siyang tahasang sagisag ng inaadhika ng kritika: ang walang
pasubaling pagtatanong kung makatwiran ba o makatarungan ang umiiral na kaayusan ng lipunan.
Matatanggap ha natin ang namamayaning balangkas ng kapangyarihan?
Itinutukoy ko rito ang malawak na pagpapakahulugan sa kritika, hindi lamang ang makitid na
denotasyon nito bilang panunuring pampanitikan. Ang kritika bilang panunuri at pag-aaral sa likhang-sining
ay isang rasyonal at sistematikong pagtalakay sa 1ba’t ibang uri ng sining o likhang-isip, ang
pagpapaliwanag o pagpapahalaga sa mga pamamaraan nito at produkto. Mula kay Plato at Aristotle
hanggang kina I.A. Richards, T.S. Eliot, at Northrop Frye, ito ang tradisyunal na gawain ng kritiko. Ngunit ang
kritika, sa pakiwari ko, ay aksyon ng diwang sumisira’t bumubuo, nagpapalit at nagbabago— isang
rebolusyonaryong lakas ng tao.
Hindi tulad sa Kanluran, ang sining at kritika sa mga bansang dumaranas ng mga rebolusyonaryong
pagbabago ay hindi maibubukod sa krisis ng pulitika at ekonomiya—magkatalik ang krisis at kritika sa bawat
pangyayaring nagaganap sa lipunang ito.
Kaka nga, sa tingin ko, ang kritika ay isang proyektong namumukod sa akdang sinusuri sapagkat ito’y isang
likhang-sming din at may tanging kasarinlang nakaugat sa mga pagbabagong pangkultura na masasaksihan sa
lahat ng bansa sa Pangatlong Ivlundo, tulad ng Pilipinas. At sa krısis na laganap sa mga bansang
ito,anumang pagbabago sa politika, o ekonomiya, ay nakasalalay sa mga pagbabago sa kultura, mga
pagbabago sa ideya, damdamin, moralidad, kahalagahan, at sa kamalayang mapanuri. Diyalektiko ang relasyon
ng mga ito.
Ang anti-imperyalistang pakikibaka ng Pangatlong Mundo ang dapat ıturing na batayang global ng
anumang pagtitîmbang sa halaga ng kritikang tubo sa mga bayang nais makahulagpos sa mahigit na
isandaang taong pangungulila o pagkaalıpin—“four hundred years of servitude'’ wika nı NVM Gonzales.
Ang perspektıbong ınternasyunal ang siyang natatanging p angitaın ng mo der nong kamaİ ayan sa harap
ng pangingibabaw ng korporasyong transnasyunal at karısma ng dolyar at yen. Ngunıt ang ganitong pananaw
ay hindi naman nalilihis sa ating pambansang karanasan sapagkat ang k asaysayan natin ay isang halos
walang patid na naratib o ng paghihimagsik. Huwag nating kalimutan na ang rebolusyon ng I890 ay siyang
nagpasinayang huwaran ng pagbabago o tangka ng pagbabago sa buong Asya. Bago pa nadinig sina Mao,
Frantz Fanon, o Che Guevara, sinulat na ni Rizal ang kauna-unahang kritika ng makabagong pagbalikwas.
Sa sanaysay na “Ang Pilipınas Pagkaraan ng Isang Sıglo,” litaw ang sensibilidad at kamalayang
historikal na sadyang kinakailangan upang makasulong ang masa tungo sa tunay na kasarinlan.