You are on page 1of 4

MGA PAHIWATIG SA BAWAT KABANATA NG EL FILIBUSTERISMO

Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero


-Ang kaawa-awang mga Pilipino’y tumatanggap ng mabigat na parusa sa kaunting pagkukulang. Malulupit ang
maraming mga nasa tungkulin.
-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes. Sila ang makapangyarihan sa bayan.
Kabanata VI: Si Basilio
-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan. Maging
ano mang uri ng gawain basta’t marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang
pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.
-Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno’y siyang bunga. Si Basilio ay may mga
mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama.
Kabanata VII: Si Simoun
-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito’y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa, kaisipan, damdamin at
mga mithiin ng may-akda para sa kaniyang bayan.
-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa’y humihiling na
maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama’y nagnanais humiwalay upang maging ganap na malaya.
Kabanata VIII: Maligayang Pasko
-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng salaping inaasahang ibibgay ng
Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa.
-Ang pagkapipi ni Tandang Selo ay nagpapahiwatig ng pagkakaalis sa mga Pilipino ng kalayaang magpahayag ng
kanilang nais sabihin.
Kabanata IX: Si Pilato
-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon. Walang Pilipinong maaaring lumaban dito noong panahong iyon.
-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siya’y naghugas ng kamay at sinabing siya’y
walang kasalanan.
Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan
-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.
-Ang mga Pilipino’y handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan.
Kabanata XI: Los Banos
-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang pasiya ng mga
prayle.
-Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita.
-Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.
Kabanata XII: Si Placido Penitente
-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat ito’y nagiging dahilan ng
pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral at ng di-paggalang ng mga ito sa guro.
Kabanata XIII: Ang Klase ng Pisika

-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa pamamalakad at pamamaraan ng pagtuturo sa
pamantasan. Sila’y naghain ng kahilingan upang magkaroon ng pagbabago.
-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa
sakit ng ating lipunan-ang pakitang tao.
Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante
-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan, na wari’y nalulusaw sa init ng
kabataan at karunungan. Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasama’t kamag-aral nina
Isagani at Makaraig.
Kabanata XV: Si Ginoong Pasta
-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o
kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
-Maraming taong tumitingin sa pansariling kapakanan at winawalang bahala ang ikabubuti ng bayan.
Kabanata XVI: Ang mga Kapighatian ng Isang Intsik
-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga lumalapit sa
kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.
Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo
-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang sining ay kinakikitaan ng damdamin at ng iniisip ng gumagawa nito,
makikitang ang nalalarawan sa kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong panahong yaon.
Kabanata XVIII: Mga Kadayaan
-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring nagaganap noong panahon ng Kastila.
-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa
kanilang kasamaa’t pagkakasala.
Kabanata XIX: Ang Mitsa
-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa huli upang maghimagsik.
-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak upang maipagmalaki at masabing sila’y
magulang ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.
Kabanata XX: Ang Nagpapalagay
-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad tayong humahanga. Hindi na natin sinusuri
ang kanilang mga tunay na pagkatao at kakayahan.
-May paniniwala si Rizal na ang tao’y pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang puti at kayumanggi.
Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila
-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang inaalagata ang
marami kundi ang kagalingang pansarili.
Kabanata XXII: Ang Palabas
-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito sa mga
Kastila.
-Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa ng mga
dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
Kabanata XXIII: Isang Bangkay
-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng kawagasan ng pag-ibig
nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.
Kabanata XXIV: Mga Pangarap
-Ang pag-unlad na nakikini-kita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang bayan.
-Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.
Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan
Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang kabataan ay hindi
binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.
-Makapangyarihan ang mga prayle rito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng pananampalataya, ay
nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan.
Kabanata XXVI: Ang Paskin
-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang kilusang labag sa
kanilang kapakanan.
-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa Pilipinas.
Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino
-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala sa mga
Pilipino.
Kabanata XXVIII: Tatakut
-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-nagpasalin-salin,
ito’y marami nang dagdag.
-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang maaring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.
Kabanata XXIX: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago
-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.
-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga
mananampalataya.
Kabanata XXX: Si Huli
-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga may tungkulin sa
pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.
-Walang natitira sa mga kawawa kundi ang mamundok at manulisan.
-Makapangyarihan ang pag-ibig.
Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding Kastilang , ay ugaling
marangal.
-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa ating
bansa.
Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin
-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya makapaghintay
sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata.
-Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y makabayan.
Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid
-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihiganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan.
-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga marurunong at mayayaman.
Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.
-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling masama ang
pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng kagandahang-asal.
Kabanata XXXIV: Ang Kasal
Ang kabanatang ito’y naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:
-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di lubhang kakilala.
Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin
bilang ninong pagkat ni hindi natatandaan ang inaanak.
-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pista rito sa
Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na mangutang.
Kabanata XXXV: Ang Pista
-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin. Sinasabing “Bilang
na, natimbang na, hati ang inyong kapangyarihan.” Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga
maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang nagkulang at nagkasala.
-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan, ayon sa relihiyong Romano.
Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben Zayb
-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.
Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga
-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi nahahayag.
Kabanata XXXVIII: Kasawian
-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang mga kababayan.
Kabanata XXXIX: Katapusan
-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.
-Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan ng tao.
-Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like