You are on page 1of 23

QUEZON CITY UNIVERSITY

COLLEGE OF ENGINEERING

INDUSTRIAL ENGINEERING DEPARTMENT

Project in Course Life and Works of Rizal

SUBMITTED BY:

HOMENTO, JHON DAVID M.

BSIE-3J

SUBMITTED TO:

PROF. Nińo M. Persia

JANUARY 29, 2021


Noli Me Tangere (Buod)
Kabanata I
Isang Handaan

Si Don Santiago de los Santos o mas kilala nating Kapitan Tiago ay nag handa
ng isang magarbong handaan Para sa pagadating ng kanyang tinuturing na anak na
si Crisostomo Ibarra. Kung saan imbitado rin and prayleng si Padre Damaso na
Bagong dating sa Pilipinas. Ang prayle ay nag pamalas ng hindi kaaya-ayang ugali
na syang ipinakita sa naturang handaan.

Kabanata II

Si Crisostomo Ibarra

Crisostomo Ibarra ang anak ng namaalam na kaibigan ni Kapitan Tiago na si


Don Rafael Ibarra. Si Crisostomo ay nag aral ng pitong taon sa Europa. Ito ay nag
pakilala sa wikang aleman sa mga matataas na kastilang panauhin kasama na nga
dito si Padre Damaso.

Kabanata III

Ang Hapunan

Isa sa mga paniniwala ng kastila ay ang dulong pwesto ng hapag kainan ay


nakasalalay sa kura ng nasabing lugar. Kung saan ay nag karoon ng pag-tatalo kung
si Padre Damaso ba ang dapat maupo dahil sya ay Padre Kumpesor ng Pamilyang
de los santos. O si Padre Sibilya na syang Paring Pransiskano sa nasabing lugar. Sa
kabilang banda naman ay maayos na naki tungo si Crisostomo Ibarra sa mga bisita
ni Kapitan Tiago kahit ito’y nakakarinig ng pasaring sa kanya ni Padre Damaso.
Datapwa’t na syang dahilan kung bakit nag kukumahog na umalis ang binata.
Kabanata IV

Erehe at Pilibustero

Sa pag babalik ng binata ay dito nya nakilala si Tenyente Guevarra. Sila ay


nag kausap at nag tanong si Crisostomo tungkol sa kanyang yumaong Ama na si
Don Rafael. Ayon sa Tinyente ay, Isa sa pinaka-mayaman sa kanilang lalawigan ang
kanyang Ama. Dahilan upang ito ay mag-karoon ng maraming kaaway na syang nag
bintang na sya ay Erehe at Pilibustero dahil sa pag hindi nito pangungumpisal at
aksidenteng pag kakapatay nya sa isang kastila.

Kabanata V

Pangarap sa Gabing Madilim

Sa paglibot ng binata sakay ng kalesa ay nakarating ito sa Fonde de Lala at


natanaw nito ang isang magandang dilag na nababalot ng manipis na habi, May suot
na dyamante at ginto na kung saan ay pinag-aagawang pansin ng mga Pari, Militar,
at Intsik. Ang nasabing dalaga ay nag nga-ngalang Maria Clara.

Kabanata VI

Si Kapitan Tiago

Isang Kapitan na maipluwensya sapagkat marami itong kaibigang pari at


malakas ito sa gobyerno. Sa likod ng yaman at kapangyarihan ay di maiitatago ang
ang pagiging pandak, moreno, bilugang mukha at itim na buhok na syang
sumisimbolo sa pagiging Pilipino nito. Ang ngalan nya ay Don Santiago de los
Santos o mas kilalang Kapitan Tiago.
Kabanata VII

Suyuan sa Asotea

Isang malamig na panahon na kung saan ay nag tatahi si Maria Clara ng bigla
nitong marinig ang isang karwahe na tumigil sa tapat ng kanilang bahay. At dito nga
ay nabosesan nya ang isang binata. Dali-daling pumasok ang dalaga sa kanyang
kwarto at doon nga ay tinulungan siya ng kanyang tiya Isabel bago humarap sa
nasabing binata. At ang binata nga na ito ay si Crisostomo Ibarra. Sa wakas ay nag
tagpo na nga ang dalawa na sya naming nag dulot ng kasiyahan sa una nitong pormal
na pagkikita.

Kabanata VIII

Mga Alala

Sa pagbagtas ng binata sa kamaynilaan ay naalala nito ang kanyang buhay na


iniwan sa Europa. Na kung saan nga ay maraming tao na may iba’t-ibang kasuotan.
Mga taong nag lalako ng alahas pagkain at mga tela. Mga lalaking walang pang itaas
na saplot na nag bubuhat. Mga ponda at restaurant at mga karwahe sa kalsada.

Kabanata IX

Mga suliranin tungkol sa Bayan

Mayroong isang karwahe ang tumigil sa tapat ng bahay nila Kapitan Tiago.
Sa loob nito ay naroon si Tiya Isabel na syang nag hahantay kay Maria Clara nang
biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Ipinabatid ng Pari
na sya ay tutol sa pag susuyuan ni Ibarra at Maria Clara.
Kabanata X

Ang San Diego

Ang bayan ng San Diego ay mata-tagpuan sa baybayin ng isang lawa at may


malalawak na bukirin at kalupaan isa itong bayan sa Pilipinas. At matatanaw mo ang
kabuuhang bayan sa tuktok ng simboryo ng simbahan.

Kabanata XI

Ang mga Makapangyarihan

Ang umpisa ng pagiging ganid sa kapangyarihan ay nauunang ipinamalas sa


atin ng mga Kastila. Ang bayan ng San Diego ay minsan ng naihalintulad sa Roma
at Italya. Kung saan talamak ang pamumulitika at pag abuso sa kapangyarihan base
sa kung sino ang nakaluklok. Ang mga taong makapangyarihan sa bayan ng San
Diego ay ang Alperes at Padre Salvi.

Kabanata XII

Araw ng mga patay

Sa Kala-gitnaan ng malawak na palayan na may bakod na lumang pader at


kawayan ay matatagpuan ang sementeryo ng San Diego. Isang ordinaryong gabi
para sa dalawang supulturero na syang nag huhukay sa isang pader na pag
lilibingan, na tila babagsak na. Dito nga ay tanaw nila ang isang sariwang bangkay
na dumudugo pa. Batid ng isang supulturero sa kanyang kasama ay iwan na ito at
lumipat na ng pwesto, sapagkat nakakapanghilakbot ang tanawing ito.
Kabanata XIII

Mga unang banta ng unos

Dumating si Ibarra at isang matandang supulturero sa libingan ng ama nitong


si Don Rafael. Nasindak ang binata sapagkat wala dito ang katwan ng kanyang ama.
Ayon sa supulturero ay pinatapon ang katawan ng kanyang ama at sinunog ang krus
sa libingan nito sa utos ng nag nganga-lang Padre Garote.

Kabanata XIV

Si Pilosopo Tasyo

Si Don Anastacio o mas kilalang Pilosopo Tasyo ay dating Haciendero.

Matuturing na isang matalino tao, ngunit pinatigil ito ng kanyang mga magulang sa
pag-aaral sapagkat nais nilang mag pari ito.

Kabanata XV

Ang mga Sakristan

May dalawang batang sacristan ang syang naglilingkod sa simbahan ng San


Diego. Ang ngalan nila ay Crispin at Basilio. Sila ay mag kapatid at nag tatrabaho
sa simbahan bilang tagakamapana. Sila ay nakararanas ng pag mamalupit mula sa
mga paring kastila at pinaparatangan pa ang dalawa na magnanakaw.
Kabanata XVI

Sa isang maliit na dampa sa Labas ng bayan ng San Diego ay matatagpuan


ang bahay ni Sisa. May isang oras din ang byahe mula bayan hanggang dito.
Maituturing si Sisa na kapuspalad sapagkat ito ay nakapag asawa ng irresponsableng
tao. Meron silang dalawang anak na sila Crispin at Basilio na syang nag tataguyod
dito mag-isa.

Kabanata XVII

Si Basilio

Di maipaliwanag na ekspresyon ang ipnimalas ni Sisa ng umuwi ang anak na


si Basilio na sugatan ang ulo. Isa pa rito ay ang pag kakaiwan ng kapatid nitong si
Crispin sa kamay ng Sakristan Mayor sapagkat sila ay napagbintangang
magnanakaw.

Kabanata XVIII

Mga Kaluluwang Nag-hihirap

Sa pangyayaring naganap sa dalawang anak ni Sisa ay syang nag tulak dito


upang tumungo sa simbahan. Doon nga ay natagpuan nya ang tagapaluto rito na sya
ring alila. Tinanong ito ni Sisa kung maari bang makausap niya ang pari. Sumagot
ang tagapagluto at sinabing hindi raw pwede sapagkat may sakit daw ang pari. Nag
tanong uli si Sisa kung alam ba nito ang kinaroroonan ni Crispin. Tumakas ang bata
pag tapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Naatasan na ang mga gwardiya sibil
at maaring patungo na sakanila para dakpin ang dalawang bata, ayon sa tagapagluto.
Kabanata XIX

Mga Suliranin ng isang guro

Isang malakas na bagyo ang dumaan. Ang lawa ay di gaanong nabagbag


sapagkat ito’y napalilibutan ng mga bundok. Dito ay nag usap sila Ibarra at ang
binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saan Itinapon ang labi ng kanyang
ama.

Kabanata XX

Ang pulong sa Tribunal

Labing Isang araw bago maganap ang piyesta sa bayan ng San Diego. Sa
pulong ng Tribunal kung saan may malaking Bulwagan na siyang pinagtitipunan ng
matatas na tao sa bayan. Ay siyang araw kung saan Tinuligsa ni Don Felipo ang
Tinyente mayor at kapitan dahil sa kapalaluang pag hahanda para sa darating na
piyesta.

Kabanata XXI

Mga Pagdurusa ni Sisa

Di lubos maisip ni Sisa kung ano ang kanyang gagawin upang iligtas ang
kanyang anak na sila Basilio at Crispin ayon sa pagtuligsa na pinautos ng kura.
Para itong mawawala sa katinuan dahil sa takot para kanyang mga anak. Sa likod
ng kanyang pagkabulahaw ay napawi ito ng makauwi ito at makasalubong ang
dalawang Gwardya sibil.
Kabanata XXII

Liwanag at Dilim

Dumating si Maria kasama ang kanyang tiya Isabel sa bayan ng San Diego
para sa pistang darating. Naging bukambibig ito sa bayan sapagkat ngayon na
lamang nakabalik ang dalaga sa kanyang bayang sinilangan. Ipinakiusap ng dalaga
sa kanyang kasintahan na wag ng isama ang kura sa nasabing lakad sapagkat ito’y
natatakot sa kura simula palang ng unag silang mag kaharap.

Kabanata XXIII

Ang Piknik

Sa isang masayang salo-salo ay nakasama ng Maria Clara ang matatalik


nitong kaibigan na sila Iday, Victorina, Nene at Sinang. Silang masayang nag
kekwentuhan at nag bibiruan. Na sya namang pinag babawalan ng kanyang tiya
Isabel.

Kabanata XXIV

Sa Kagubatan

Si Padre Salvi ay kasalukuyang nag aalmusal pag tapos ng maaga niyang


misa. Dito ay naktanggap siya ng isang liham na kung saan ay nilamukos nya ito at
dali-daling ipinahanda ang kanyang karwahe para dumalo sa nasabing piknikan.
Kabanata XXV

Ang Tahanan ng Pilosopo

Nag karoon ng diskusyon sa pagitan ni Ibarra at Pilosopo Tasyo kaugnay sa


Pulitika at relihiyon. Ayon kay mang tasyo ay nang sandaling maitatag ang simbahan
ay kaugnay rito ang gobyerno. Ito ay kusang guguho ng sandaling iiwan na ito ng
simbahan.

Kabanata XXVI

Ang Bisperas ng Pista

Nakahanda na ang iba’t-ibang uri ng alak na naiingkat mula pa sa ibang


bansa. Mga iba’t ibang uri ng pagkain gaya ng hamon minatamis na bungang
kahoy at iba pa ay taon-taon na ginagawa upang pag saluhan ng mga mayayaman
at mahihirap mga taong makapangyarihan at maipluwnsya nang sagayon ay
masiyahan ang mga ito.

Kabanata XXVII

Sa pagtakip silim

Sa nasabing Pista ay isa sa mga magarbong paghahanda ay ang bahay ni


Kapitan Tiyago. Ito’y ginawa nya para sa dalaga at sa nobyo nito. Sapagkat ito ay
nailathala sa dyaryo at nakatanggap ng papuri na nag sasabing sya ay dalubhasa at
mayamang kapitalista.
Kabanata XXVIII

Sulatan

Nailathala sa dyaryo ng Maynila ang patungkol sa pista na naganap. Ito ay


para ihayag kung gaano kasaya ginugunita ng mga Pilipino ang nasabing araw.
Inassikaso ng mga paring Pransiskano ang pag punta ni Padre Hermando Sybilia.

Kabanata XXIX

Ang Umaga

Araw ng Prusisyon kung saan kanya kanyang paghahanda ang ginawa ng


mayayaman. Kanya kanya suot ng magagarbong damit at alahas para sa nasabing
prusisyon. Ang prusisyon ay pinangungunahan ng mga matatadang dalaga na
kabilang sa kapatiran ni San Francisco.

Kabanata XXX

Ang Simbahan

Nag-uumapaw sa deboto ang simbahan na sya namang nag uunahan upang


makasawsaw sa Agua Bendita. Ito ay binabayaran ng dalawang daan at limampung
piso. Kasabay nito ang ikatlong gabing pag tatanghal ng komedya. Kung saan may
paniniwala na ang mga nakikinig rito ay mapupunta sa impyerno at ang mga taong
nakikinig sa sermon ay mapupuntang langit.
Kabanata XXXI

Ang Sermon

Nag pamalas si Padre Damaso ng kanyang sermon gamit ang wikang

Espanyol at tagalog na sya namang ikinamangha ng mga Paring pransiskano. Alam


nila sa kanilang mga sarili na ang pangbungad na sermon ginawa nito ay di
maiitatanging napaka-husay.

Kabanata XXXII

Ang Panghugos

Nasaksihan ni Nor Juan ang kalong na pampakilos na kanyang tinatayo.


Ayon sa kanya mayroon itong walong metrong taas at nakabaon sa lupa ang apat
nitong haligi. Sa haligi nito ay may nakasabit na malalaking lubid kaya mapag
hahalataang napakattibay nito. Sa itaas ay matatagpuan ang bander ana my iba’t-
ibang kulay.

Kabanata XXXIII

Malayang Kaisipan

Nag kita si elias at Ibara sa isang handaan at binigyan nito ng babala ang
binate patungkol sa mga nag paplanong pabagsakin ito gaya ng sinapit ng kanyang
ama. Ayon kay elias ay kaya nya lamang ginagawa ito sa binata ay upang
magbayad ng utang na loob dito.
Kabanata XXXIV

Ang Pananghalian

Sa kalagitnaan ng pananghalian ay patuloy na pinapasaringan ni Padre

Damaso si Ibara na syang pilit namang iniiwasan ng alkayde kung kaya’t sinisikap
nito na ibahin ang usapan. Ngunit hindi nag patinag ang pari ng hanggang ang ama
naman nito ang kanyang binanatan na syang dahilan upang masaid ang pisi ni Ibara.
Dahilan upang ambain nya ito at tutukan ng patalim sa kanyang dibdib. Ngunit
pinigilan ito ni Maria Clara.

Kabanata XXXV

Mga Usap-usapan

Sa nangyaring kumosyon sa pagitan ng Pari at ng binta ay madaling kumalat


ang mga usap-usapan sa San Diego. Ang mga taga baryo ay nag didiskusyon kung
sino nga ba ang may katwiran sa dalawa. Ayon kay Ibara ay handa nitong dungisan
ang kanyang kamay kung patuloy nitong aalipustahin ang kanyang nasirang ama.

Kabanata XXXVI

Ang unang suliranin

Dumating ang Kapitan-Heneral sa bahay ni Kapitan tiyago upang balaan ang


anak nito na tigilan na ang pakikipagkita sa binata dahil mayroon nakahaing
eskomonyon rito. Na sya namang pinagsasawalang bahala ng dalaga at sinuway nga
nito ang utos sa kanyang Ale at ni Andeng.
Kabanata XXXVII

Ang Kapitan Heneral

Agarang pinahahanap ng Heneral si Ibara. Ngunit sa kabilang banda ay

nabaling ang atensyon nito sa isang binate na agaran lumabas ng simbahan ng hindi
pa natatapos ang misa na sya namang ikinagalit ni Padre Damaso. Namutla sa takot
ang binata ngunit lumabas ito ng may ngiti sa kanyang mukha pagtapos kausapin ng
Heneral. Ibig sabihin lamang ay may mabuting ugali ang Heneral.

Kabanata XXXVIII

Ang Prusisyon

Bitbit ang mga nag ki-kinangang mga parol at batingaw ng mga paputok ay
badya na nga na nag-uumpisa na ang prusisyon. Kabilang dito ay ang Alcalde,
Alperes, at si Ibara tungo sa bahay ni Kapitan Tiyago.

Kabanata XXXIX

Si Donya Consolacion

Napadaan ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Donya Consolacion. Dito nga


ay nag aalimpuyo ang asawa nito bagama’t hindi nitong pinayagan lumabas ang
asawa upang magsimba. Ito ay sa kadahilanang katawa-tawa ang pananamit nito.
Ngunit para sa Alperes. Ang kanyang asawa ay natatangi at mas maganda pa kaysa
kay Maria Clara.
Kabanata XL

Ang Karapatan at Lakas

Ika-Sampu ng gabi ay isa-isang inilawan ang kalsada ito ay nag sisilbing


gabay sa mga naglalakad patungo sa liwasang bayan. Nakarating si Ibara sa tagpuan
nila ng dalaga ng matapos ang unang bahagi ng pagtatanghal. Dito nga ay umugong
ang mga usap-usapan na sya ipinagsawalang bahala ng binata at malugod nitong
binati si Maria Clara at mga Kasamahan nito.

Kabanata XLI

Dalawang Dalawa

Kalagitnaan ng gabi at hindi dinadalaw ng antok si Ibara. Kaya’t nag tungo


ito sa kanyang laboratoryo ng kausapin sya ng kanyang utusan upang ipag-bigay
alam na ito’y mayroong bisita. At ito nga ay si Elias na may dalang tatlong mensahe
para sa binate. Una rito ay para ipaalam na si Maria Clara ay may sakit. Ikalawa ay
magtutungo na ito sa Batangas. At ikatlo ay kung mayroon pa bai tong hulig bilin.

Kabanata XLII

Ang mag-asawang De Espadańa

Dumalaw sa bahay ni Kapitan Tiago sila Don Tiburcio De Espadańa ang


kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso.
Kasama din nito ang asawa nya na si Donya Victorina na napagkakamalang Orofea.
Kabanata XLIII

Mga balak o panukala

Pinakilala ni Donya Victorina si Linares. Si linares ay dating Abogado sa


Unversidad Central. Ito rin inaanak ng bayaw ni Padre Damaso na si Carlicos. Ang
binate ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Kaya iminungkahi ng pari
na kausapin nito si Kapitan Tiyago.

Kabanata XLIV

Pag-susuri sa Budhi

Nag kasakit si Maria matapos nitong mangumpisal. Sa kanyang panaghoy ay


paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ng kanyang in ana hindi man lang niya
nakilala simula pagka-bata. Ito nama’y upang mag alay ng misa si Kapitan Tiyago
at nangakong mag alay ng gintong tungkod sa birhen ng antipolo. Humilom ang sakit
ng Dalaga na sya namang ikinataka ni Don Tiburcio sa naging epekto ng gamut na
inireseta niya sa dalaga.

Kabanata XLV

Ang mga Pinag-uusig

Inilahad ni Elias kay Tandang Pablo na sya ay mapalad sapagkat nabigyan


ito ng pag kakataon na mapaglingkuran ang isang binatang mayaman, matapat,
may pinag aralan at anak ng isang marangal na tao na sya ring hinmak ng isang
pari. Ito ay tinuring na pagkakataon ni Elias na daan upang ipahatid sa Heneral ang
mga hinaing ng bayan.
Kabanata XLVI

Ang Sabungan

Sa isang sabungan sa San Diego ay matatagpuan ang mga taong di mag ka-
mayaw sa pagpusta sa nagaganap na pagsusultada, Kabilang din dito ay sina Kapitan
Pablo, Kapitan Basilio at Lucas.

Kabanata XLVII

Ang Dalawang Senyora

Nilibot nila Donya Victorina at Don Tiburcio ang bahay ng mga Indio. Dito
nga ay napadaan sila sa tapat ng bahay ng alperes. Dito ay nag tama ang kanilang
paningin at tila ba inuusisa ang bawat isa mula ulo hanggang paa. Sa likod nito ay
kinutya nya ito sa pamamagitan ng pag dura sa gilid habang minamatyagan ito, na
sya namang ikinagalit ng sobra ni Donya Victorina. Nag karoon ng pasaringan ang
dalawa tungkol sa hindi kaaya-ayang nilang mga nakaraan. Hanggang sa muntikan
na nga ito’ng mag pang abot ngunit napigilan pa ni Don Tiburcio ang magaganap na
komosyon na sya namang tumawag ng pansin sa maraming tao doon.

Kabanata XLVIII

Ang Talinhaga

Dumalaw si Ibara kay Maria at pinaliwanag nito ang hindi pinasabing

pagdalaw. Habang ito ay nag sasalita ay nakatingin lamang sa kanya nag dalaga na
tila binabasa nya lamang ang sinasabi ng binata. Hanggang sa nag pasya na lamang
na umalis ang binata at nag paalam na babalik na lang ito sa sunod na araw. Sa
paglisan ay baon nito ang pag tataka at pag aalilangan para sa kanyang iniirog.

Kabanata XLIX

Ang mga tinig ng pinag-uusig

Kasama sa bangka ni Elias si Ibarra kung saan nag pamalas ang binata ng
pagkadismaya na siya namang ihiningi ng pasesnya ni elias. Nang walang ano-ano
nga’y binanggit na nito ang kanyang pakay na ibahagi ang kanilang tinig ng mga
sawing palad.

Kabanata L

Ang mga kaanak ni Elias

Inilahad ni Elias kay Ibarra ang karimarimarim na nakaraan ng kanyang nuno.


Ani nya’y dating Tenedor de Libros ito sa bahay kalakal ng mga kastila. Dito nga ay
kasama nya ang kanyang asawa at isang anak. Nang Isang gabi ay nasunog ang
bahay kalakal na kanyang pinag tatrabauhan kalaunan ay ibintang sa kanya ang
pangyayaring ito. Sya ay sinentensyhan na kaladkarin sa kalsada habang
hinahambalos. Matapos ito ay napagpasyahan nitong mamundok na lamang kasama
nag asawa. Doon ngay di nakayanan nito ang paghihirap kaya’t napagpasiyahan
nitong wakasan ang kanyang buhay.

Kabanata LI

Mga Pagbabago

Nakatanggap ng liham si Linares mula kay Donya Victorina. Dito nga ay


nakapaloob na kailangan nyang hamunin ang alperes. Isa pang suliranin nito ay kung
sino ang kanyang magiging Padrino. Kung ang kura ba o si Kapitan Tiyago, Dahilan
ito upang pagsisihan ng binata ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
Donya.

Kabanata LII

Ang Braha ng mga Patay at mga Anino

Sa isang Malamig na gabi sa bayan ng San Diego may tatalong anino ang nag
uusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa rito kung nakausap na ba nito
si Elias. Tugon naman ng isa ay hindi, ngunit nakasisiguro ito na makakasama si
Elias sapagkat minsan na siyang nailigtas ni Ibara. Tumugon pa ang isang anino at
sinabing pumayag itong sumama sapagkat ipanadala ni ibara sa maynila ang kayang
asawa para ipagamot. Siya raw mismo ang sasalakay upang makabawi sa Kura.

Kabanata LIII

Ang Mabuting Araw ay nakilala sa Umaga

Kinabukasan sa bayan ng San Diego ay naging Usap-Usapan ang balita

tungkol sa mga kaganapan sa libingan kagabi. Sa paniniwala ng puno ng San


Francisco may Dalawampung kandila ang nakasindi. Samatalang pag-iiyak ang
narirnig ni Ermana Sipa. Binigyang pansin din ito sa naging sermon kung saan ito
raw at patungkol sa kaluluwa sa purgatoryo.

Kabanata LIV

Lahat ng lihim ay nabubunyag at walang di nagkakamit ng parusa

Sa pagpili ni Elias at Ibara sa mga kasulatan ay may napansin itong isang


sulat na may ngalan na Don Pedro Eibarramienda. Itinanong nito sa binata kung ano
ng aba ang kinalaman nito sa kanya. Ayon kay Ibara ang taong ito ay kanyang nuno
ngunit pinaikli lamang ang kanyang ngalan. Dito nga ay nayanig ang mundo ni Elias
sapagkat ito ay lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.

Kabanata LV

Ang Pagkakagulo

Nakahanda na sa palanong pagtakas si Ibara at Maria. Nakatakda ito sa Ika-


walo ng gabi na sya ring oras na gagawing pag lusob sa kwartel. Dito nga ay nakaupo
ang isang pari sa sulok ng tumugtog na ang kampana ng sila’y tumindig at nag
umpisang magdasal.

Kabanata LVI

Ang mga sabi at kuro-kuro

Dumating ang kinabukasan sa bayan ng San Diego kung saan bakas pa rin
ang takot sa bawat kalsada. Dito nga’y napag pasiyahan lumabas ng isang bata na
sya ring dahilan upang mag sisunod ang mga nakakatanda. Dito na nga ay nag
umpisa ang mga usap-usapan at ang lumalabas na suspetya sa naganap na paglusob
ay si Kapitan Pablo.

Kabanata LVII

Vae Victus! Sa aba ng mga manlulupig

Nahuli si Tarsilio at walang hapas na tinanog ito kung kasabwat ba si ibarra


sa nasabing gulo. Iginiit ni Tarsilio na walang kinalaman dito ang binata sapagkat
ang layon nila ay ipaghiganti ang kanilang nuno. Sa paulit-ulit na pag sa walang imik
nito ay nag init ang ulo ng Alperes dahilan upang i-utos na paluin ito ng yantok.
Kabanata LVIII

Ang Sinumpa

Tirik ang araw sa bayan ng San Diego na kung saan kabay nito ang naging
pagluluksa ng mga kapamilya ng mga bilanngo. Ikalawa ng hapon ng mapadaan ang
kariton na hila ng isang baka. Dito nga ay tiangka ng mga kaanak ng mga bilanggo
na sirain at kalagan ang mga hayop. Ngunit sila ay pinag bawalan ng kapitana.
Pagdating ni Ibarra ay pinasaringan ito nga mga tao na kung sino pa ang may utak
sa likod nito ay sya pa ang walang gapos. Dito ngay napagpasyahan ng binata na
mag pahuli.

Kabanata LIX

Pag-ibig sa bayan

Kalat na kalat sa bayan ng San Diego ang naisagawang pag aalsa ng mga
sawingpalad. Nag karoon ito nga iba’t ibang bersyon na kung saan ay ginamit ng
mga pari upang lalong siraan si Ibarra Heneral. Kasabay na rin dito na paratangan
na ang mga nag aaral na Heswita sa Ateneo ay mga Pilibustero.

Kabanata LX

Ikakasal na si Maria Clara

Nag tungo si Linares sa bahay ni Kapitan Tiago dito nga ay kasama nya ang
mga Espadana. Ayon kay Donya Victorina ay kung ang hatol kay Ibarra ay pag baril
ay nararapat lamang yon sa kanya sapagkat isa syang Pilibustero. Sa kabilang banda
naman ay kinaharap ni Maria Clara ang mga bisita sa likod ng kanyang nanghihinang
pangangatawan. Napag-usapan nga sa naging pagtitipon na ito ang napipintong pag
iisang dibdib ni Linares at ng Dalaga na syang pinakahihintay ni Kapitan Tiago
sapagkat si Linares ay tagapayo ng Kapitan Heneral.

Kabanata LXI

Ang Barilan sa Lawa

Tumakas si Elias at Ibarra sa ginawang pagtugis sa kanila. Habang mabilis


na nag sasagwan si elias ay sinabi nga nito na kunin na lamang ni Ibarra ang perang
itinago nya sab alite at gamitin ito upang pumunta sa ibang bansa. Ayon kay elias ay
mas makakamit nito ang kaginhawaan sa ibang bansa at hindi sa Pilipinas. Inaya
naman ni Ibarra si Elias sa nasabing plano sapagkat parehas lamang sila ng
kahahantungan. Ngunit tinanggihan ito ni Elias.

Kabanata LXII

Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Nakaabot ang dyaryo kay Maria na nag lalaman ng pagkasawi ni Ibarra. Dito
nga ay malungkot ang dalaga at ipinagsawalang bahal ang balita at nag makaawa
kay Padre Damaso. Aniya’y ngayong patay na si Ibarra ay wala ng ibang lalaki itong
pakakasalan. Dalawa na lamang ang kanyang pwedeng patunguhan at ito ay
kamatayan o seminaryo. Na sya naman pinahintulutan ni Padre Damaso kaysa mag
pakamatay ang dalaga.

Kabanata LXIII

Ang Noche Buena


Malamig na panahon na sinalubong ng bayan ng San Diego ang Noche

Buena. Dahil sa mga nagdaang trahedya ay mahahalatang hindi pinag handaan ang
pasko. Walang makikinang na parol at tahimik na kalsada ang eksena sa bayan. Dito
nga ay matatagpuan si Sisa na tila wala na sa katinuan. Patungo ito sa bahay ng
Alperes habang kumakanta. Walang ano pa man ay binato ito ng isang alilang babae.

Kabanata LXIV

Katapusan

Hindi naging maganda ang katapusan para kay Padre Damaso. Ito ay

nanuluyan sa maynila at doon na rin binawian ng sama ng loob. Ganon din kay
kapitan tiyago na halos ang laki ng pinayat at naging mapag-isip simula ng umalis
si Maria at mag pasyang mag seminaryo. Makalipas ang ilang lingo bago maging
tuluyang isang madre ay tumuloy na rin ito sa Maynila.

You might also like