You are on page 1of 26

Kabanata 1- Isang Pagtitipon

Mahahalagang Pangyayari:
A. Noong huling araw ng Oktubre, naghanda ng isang
hapunan si Don Santiago de los Santos na kilala bilang
Kapitan Tiyago sa kanyang tahanan sa Anloage, Binondo,
Maynila.
B. Tinuligsa ni Padre Damaso ang paglalakbay ng
binatang si Juan Crisostomo Ibarra sa ibang bansang
nakita.
C. Pinag-usapan ang kamangmangan ng mga Indio na
hindi napabilang si Kapitan Tiyago.
D. Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Padre Damaso
at tenyente ng guwardiya sibil ukol sa pagpapahukay ng
pari sa bangkay ng isang marangal na tao.
Sa kabanatang ito, ay sinimulang ipakita ni Rizal ang isa sa mga
kaugaliang pagdalo sa pagtitipon nang walang paanyaya. Hindi
matiyak ng may-piging kung ilan ang dadalo sa handaan.Dahil
dito,kailangang ubos-kaya ang handa, nagiging sanhi ng labis na
paghihirap ng mga karaniwang mamamayan.
Inihambing din ni Rizal sa Pilipinas sa bahay ni Kapitan Tiago.
Ang bayan at ang bahay ni Kapitan Tiagoay kapwa bukas sa lahat.
Sinuman ay maaaring dumalo lalo na’t dugong Kastila.Ipinakita
rin ang tinig ng paring nangingibabaw sa mga nakikipagtalo at
pakikipagbidahan.
Litaw din ang gender discrimination. Nakahiwalay ang mga
babae sa mga pulutong ng mga kalalakihan. Ang mga babae ay
manaka-manaka lamang mag-usap at ito’y pabulong pa,
samantalang ang mga panauhing lalaki ay masisiglang
nagkukwentuhan. Ipinakikita lamang ni Rizal na sa kanyang
panahon ay pananahimik ang mga kababaihan na itinulad sa
imahen ng birhen.
Mapapansin din ang pani nirang-puri sa atin ng mga
dayuhan. Sa pamamagitan ni Padre Damaso ay makilala
natin ang mga katutubo bilang mapagwalang-bahala o
walang pakialaman,mangmang, tamad at walangpinag-
aralan kaya nararapat lamang na tawaging “Indiyo”.
Ipinamalas din sa kabanatang ito ang gitgitan ng
kapangyarihan ng simbahan at ng pamahalaan. Kinatawan
ng simbahan si Padre Damaso samantalang si Tenyente
Guevarra naman ang sa pamahalaan.Ipinalalagay na mas
makapangyarihan ang mga pari dahil anuman ang kanilang
naisin ay nasusunod at walang sinuman ang
makahahadlang kahit ang kanyang kamahalan .
Kabanata II- Si Crisostomo Ibarra
Mahahalagang Pangyayari:

A.Nang magkatagpo sina Tinyente Guevarra at Crisostomo ay


nakaramdam ng pagkalungkot ang una.
B.Nagpasyang ipakilala ni Crisostomo ang kanyang sarili sa mga
panauhin dahil walang magpakilala sa kanya.
C.Ikinagalit ni Padre ang pagsasabi ni Crisostomo na matalik na
magkaibigan sila ng kanyang ama.
D. Nagtaka nang labis si Crisostomo sa tinugon ni Padre Damaso at
pagtatatwa na hindi sila matalik n magkaibigan sila ng kanyang ama.
E. Ang imbitasyon ni Kapitan Tinong na isang pananghalian ay
tinanggihan ni Crisostomo Ibarra sapagkat siya ay patungong San
Diego kinabukasan.
Kabanata III- Sa Hapunan
A. Nagbigay si Kapitan Tiyago ng isang pasasalamat sa Mahal na Birhen para sa
maluwalhating pagdating ni Crisostomo
Ibarra.
B. Nagtalo sina Padre Damaso at Padre Damaso sa kung sino ang mauupo sa kabisera.
C. Nilait ni Padre Damaso ang kaalaman ni Crisostomo Ibarra ukol sa mga bansang
maunlad ang pamumuhay at pananampalataya dahil ayon sa kanya kahit sinong
batang eskuwela ay nababatid iyon.
D. Umalis si Crisostomo sa bahay ni Kapitan Tiyago na masama ang loob kay Padre
Damaso dahil sa napag-usapan sa pagtitipon kaya hindi na niya hinintay ang pagdating
ni Maria Clara.
Kabanata IV- Erehe at Pilibustero
A. Bumalik si Crisostomo sa Liwasang Binondo na walang nakitang pagbabago tulad ng mga dating daan at mga bahay na may
pintang puti at bughaw, ang lumang orasan sa simbahan, ang mga tindahan at ang baluktot na bakal na rehas ng mga Intsik.
B.Nag-usap sina Crisostomo at Tinyente Guevarra ukol sa pagkabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael Ibarra.
C. Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang dahilan ng pagkakakulong sa piitan ng ama ni Crisostomo.
D. Naimungkahi ni Tinyente Guevarra na kausapin ni Crisostomo Ibarra si Kapitan Tiyago upang mabatid ang iba pang nangyari.
Kabanata 5 – Tala sa Karimlan
A. Nagbalik sa gunita ni Ibarra ang kahirapang
sinapit ng kanyang amang si Don Rafael
Ibarra
B. Nagsisi nang lubusan si Ibarra dahil sa wala
siyang nagawa sa kalunos-lunos na nangyari
sa ama habang siya ay nagsasaya kasama ng
kanyang mga kaibigan sa Europa.
KabanataVI-Kapitan Tiyago
A. Napangasawa ni Kapitan Tiyago si Pia Alba na taga-
Sta. Cruz.
B. Si Pia Alba ay nagsayaw para magkaanak sa tatlong
pintakasi ng bayan ng Obando na Nuestra Senyor de
Salambao, Sta. Clara, at San Pascual Baylon.
C. Isang sanggol na babaeng si Maria Clara ang isinilang
ni Pia Alba
D. Inaanak ni Padre Damaso sa binyag.
E. Nagpaalam si Maria Clara upang pumasok sa
kumbento
Kabanata VII – Suyuan sa Asotea
A. Nagtungo sa simbahan sina Maria Clara at Tiya
Isabel ngunit nagyaya kaagad si Maria Clara na
umuwi.
B. Abala si Kapitan Tiyago sa pag-aasikaso ng mga
papeles at napuna niya si Maria Clara na tila may
karamdaman dahil sa siya ay namumutla.
C. Bumisita si Crisostomo Ibarra kay Maria Clara at
binalikabn nila ang mga alaala ng nakaraan mula sa
kanilang pagkabata hanggang sa sila ay naging
magkasintahan.
Kabanata IX-Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
A. Napatunayan ni Crisostomo Ibarra na si Padre Damaso ay papunta sa
bahay ni Kapitan Tiyago.
B. Nagkaroon ng pagpapalitan ng mga pahayag sina Padre Sibyla at ang
matandang pari ukol sa kanilang korporasyon.
C. Papuntang kumbento sina Maria Clara at Tiya Isabel upang kunin ang
mga kagamitan ng dalaga at makapagpaalam sa kanyang mga
kasamahan.
D. Sinalubong ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso at noong magmamano
siya ay hindi inabot ng pari ang kaniyang kamay.
E. Nagalit si Padre Damaso kay Kapitan Tiyago sapagkat gumagawa ang
huli ng desisyon ng hindi siya kinukonsulta.
F. Si Kapitan Tiyago ay nagtungo sa bahay-dalanginan at pinatay ang mga
kandila at lampara.
Kabanata 10- San Diego
A. Ang dating baryo ng San Diego ay naging nayon na.
B. Dumating sa San Diego si Eibarramendia at binili ang malawak na lupa sa
kagubatan ng San Diego.
C. Binayaran ni Eibarramendia ng mga damit, alahas, at salapi ang mga taong
nagbenta ng lupa bagama’t ang ilan ay nagpanggap lamang na nagmamay-
ari ng ga lupang ibinenta nila.
D. Natagpuan ang matandang Kastilang si Eibarramendia na nakabitin sa
puno.
E. Si Saturnino ay anak ni Eibarramendia at pinagyaman niya ang lupang
naiwan ng kanyang ama.
F. Si Don Rafael Ibarra ay anak ni Saturnino na minahal ang pagsasaka.
G. Dumagsa ang mga Intsik sa San Diego upang mangalakal dahilan sa mabilis
na pag-unlad ng bayang ito dahil sa pag-unlad ng pananim sa bukid.
Kabanata 11- Ang mga Makapangyarihan

A. Nasisiyahang siraan ng alperes ang kura sa kapwa


Kastila.
B. Si Padre Damaso ay nagpapataw ng parusa tulad ng
pagpalo ng tungkod o suntok.
C. Ang alperes ay malungkot sa piling ng kanyang
asawa kaya’t siya ay naglalasing at naapektuhan ang
kanyang trabaho bilang alperes.
D. Naggagantihan ang kura at alperes upang maipakita
kung sino sa kanila ang higit na makapangyarihan.
Kabanata 12- Araw ng Patay
A. Isinalaysay ng sepulturero ang kanyang
karanasan nang ipahukay ng kurang malaki
ang bangkay na kalilibing pa lamang.
B. Malakas ang ulan kaya hindi na nailipat sa
libingan ng mga Intsik ang bangkay na
ipinahukay ng kurang malaki.
Kabanata 19- Mga Karanasan ng Guro
A. Nag-usap si Crisostomo Ibarra at ang guro ng bayan ng San
Diego tungkol kay Don Rafael at sa mga suliranin ng guro.
B. Ipinagtapat ng guro na kasama niya si Tinyente Guevarra sa
lawa kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafel Ibarra.
C. Pinuri ng guro ang kabutihang ginawa sa kanya ni Don Rafel
Ibarra.
D. Nabanggit ng guro ang ukol sa mga suliranin sa pag-aaral ng
mga mag-aaral tulad ng kahirapan sa buhay, kawalan ng
interes, at kawalan ng silid-aralan.
E. Inalipusta ni Padre Damaso ang guro hinggil sa pagtuturo
nito ng wikang Kastila sa mga mag-aaral.
Kabanata 20 Pulong ng bayan
• A. Nagtipon sa bulwagang tribunal ang mga
matatanda at mga kabataan upang pag-
usapan ang mga planong gagawin sa pista ng
San Diego.
• B. Dumating si Crisostomo Ibarra at kinausap
ang guro.
Kabanata 21 Kasaysayan ng isang Ina
• A. Patakbong nilisan ni Sisa ang kumbento noong
malaman sa kusinero na wala pala doon si Crispin.
• B. Nakita ng mga guwardiyang sibil si Sisa kaya siya ay
sinita ng mga sundalo.
• C. Tinakot ng mga sundalo si Sisa upang magtapat kung
nasaan ang kanyang dalawang anak na sina Crispin at
Basilio.
• D. Dinala ng mga guwardiya sibil si Sisa sa kuwartel.
• E. Pinalaya si Sisa mula sa piitan dahilan sa utos ng
alperes.
Kabanata 22 Liwanag at Karimlan.
A. Naging usap-usapan ang pagdating nina Maria Clara at Tiya
Isabel sa San Diego dahil sa angking kagandahan ng dalaga.
B.May kakaibang pagbabago sa kilos ni Padre Salvi simula ng
dumating si Maria Clara sa San Diego.
C.Kinausap ni Maria Clara si Ibarra na wag ng imbitahan si Padre
Salvi sa pistang pambukid dahil sa kakaibang ikinikilos nito kapag
kaharap siya.
D.Nag-usap sina Ibarra at Padre Salvi ukol sa ibat ibang bagay at
inimbitahan ng binata ang kura na dumalo sa piknik.
E. May lumapit kay Ibarra na isang lalaking hindi nya kilala at
humingi ng tulong sa sinapit ng kanyang dalawang anak at asawa
Kabanata 23 Ang pangingisda

A . Masayang nagtungo ang langkay ng kababaihan at kalalakihan, ilang


matatadang babae at mga alilang babae sa lawa upang magdaos ng isang
piknik sa baybaying dagat.
B. Nagkaroon ng kaunting kaguluhan dahil ang mga kababaihan ay
natakot sa maaring paglubog ng bangka dahil sa pagpasok ng tubig sa
mga butas nito.
C. Ang mga kalalakihan ay lumapit ng bangka upang mapanatag ang
kalooban ng mga kababaihan at nagkaroon sila ng pagkakataon na
makatabi ang kanilng minamahal at nililigawan .
D. Isang makisig na piloto ang biglang tumalon sa lawa upang hulihin at
patayin ang buwaya .
E. Nasagip ni Ibarra ang piloto sa bingit ng kamatayan sa kamay ng
malaking buwaya.
Kabanata XXIV- Sa Gubat
• A. Nagpahatid si Padre Salvi sa gubat upang dumalo sa isang kasiyahan.
• B. Nagtago siya sa isang puno upang makita ang mga kadalagahang naliligo
sa ilog.
• C. Dumating sa kasiyahan ang baliw na si Sisa subalit agad ding nawala
nang makita ang alpires.
• D. Napagtalunan ng kura at alperes ang pagkawala ng salapi at ng
magkapatid na Crispin at Basilio.
• E. Masayang naglaro ng Gulong ng Kapalaran ang mga kabataan.
• F. Pinunit ni Padre Salvi ang mga dahon ng aklat ng Gulong ng Kapalaran
dahil ito raw ay masama at hindi dapat paniwalaan.
• G. Ipinagtanggol ni Ibarra ang pinaghahanap na si Elias sa panghuhusga ng
sarhento na siya ay hindi dapat pakisamahan dahil siya ay masamang
tao .
Kabanata XXVI- Bisperas ng Pista
• A. Ipinag diwang ng mga tao ang bisperas ng pista sa San
Diego.
• B. Ibat-ibang paghahanda ang ginawa ng tong bayan para sa
pagdiriwang ng pista upang mapasaya ang lahat ng mga
inanyayahang panauhin.
• C. Abalang-abala ang lahat ng mga trabahador sa pagtatayo
ng paaralan sa pamamahala ni Nol Juan.
• D. Hiniling ng kura na siya ang magbabasbas ng paglalayag ng
unang bato sa gusali ng paaralan.
• E. Binalaan ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na mag-ingat sa
magandang pakikitungo ng kura sa kanya.
Kabanata XXIX-Ang Umaga
• A. Nagbihis ng magagandang kasuotan ang mga tao at isinuot ang lahat
ng alahas nang dumating ang pista ng San Diego.
• B. Tanging si Pilosopo Tasyo ang hindi nagbago ng kanyang kasuotan
dahil naniniwala sya na ang paglustay ng salapi sa pista ay isang
kabaliwan sapagkat maraming taong naghihirap.
• C. Nais magbitiw ng tungkulin ni Don Filipo Lino bilang Tenyente Mayor
sapagkat wala syang kapangyarihan dahil ang mas nasunod sa
magarbong pagdiriwang ng pista ay ang kura at kapitan.
• D. Napilitang magbigay ng sermon si Padre Damaso dahil sya lamang
ang nakakaalam ng buhay at himala ni San Diego.
• E. Hindi binati ni Padre Salvi ang mga taong kilala niya na nakadungaw
sa bintana sa tahanan ni Kapitan Tiago bagkus ay nagtaas lamang ng
ulo at tumayo nang tuwid.
Kabanata XXX- Sa Simbahan
• A. Maraming tao ang nagsimba dahil nais nilang marinig ang sermon ni Padre
Damaso.
• B. Sinabi ni Pilosopo Tasyo na napakalaking halaga ang ibinigay na bayad
para sa isang sermon.
• C. Inihambing ng guro ng kapatiran ng San Francisco na ang mga taong
manonood sa komedya ay mapupunta sa impiyerno samantalang ang mga
makikinig naman sa sermon ay mapupunta sa langit.
• D. Maraming kilalang tao ang dumalo sa misa tulad nina Maria Clara,
Ibarra,Kapitan Tiago, at alkalde.
• E. Nang umakyat sa pulpito si Padre Damaso iginala nya ang tingin sa lahat ng
tao. Kinindatan niya si Ibarra na nagpapahiwatig na isasama niya ito sa
kanyang sermon.Patuya naman niyang tinignan si Padre Martin na
nagpapahiwatig na nais nyang daigin ang ginawa nitong sermon noong
nagdaang araw.
Kabanata XXXI- Ang Sermon
• A. Sinimulan ni Padre Damaso ang unang bahagi ng kanyang sermon sa wikang kastila.
• B. Ipininid ng mga sakristan ang pintuan sa pag-aakalang ito ay utos ni Padre Damaso.
• C. Binigyang-papuri ng pari ang pintakasing si San Diego de Alcala
• D. Inantok ang lahat ng tao dahil sa haba ng sermon ng pari.
• E. Nakalimutan ni Padre Damaso ang kanyang sermon dahil sa naligaw ang prayleng
tagapagdikta nito.
• F. Ipinag patuloy ni Padre Damaso ang ikalawang bahagi ng kanyang sermon sa wikang
Tagalog.
• G. Nagsisigaw si Hermana Pute dahil may isang lalakeng napayukayok sa kanya dahil sa
pagkakatulog.
• H. Nilibak ni Padre Damaso ang mga makasalanang tao tulad ng mga Pilipinong hindi
marunung gumalang sa mga prayle.
• I. Nagtimpi si Ibarra sa mga parinig ni Padre Damaso ukol sa kanya at sa kanyang ama.
• J. Nilapitan ni Elias si Ibarra upang sya ay paalalahanan sa gagawing paglalagay ng unang
bato sa kanyang ipinatayong paaralan.
Kabanata XXXII- Ang Panghugos
• A. Ipinagmalaki ni Nol Juan ang magandang pagkakagawa ng panghugos.
• B. Sinubaybayan ni Elias ang kilos ng taong madilaw habang
pinagmamasdan nito ang panghugos.
• C. Gumayak si Padre Salvi at binasbasan niya ang paglalagay ng unang
bato.
• D. Isa-isang naglagay ng kutsarang palitada ang mga kilalang tao bago
ihugos ang bato.
• E. Napilitang maglagay ng kutsarang palitada si Ibarra dahil sa kapipilit ng
alkade
• F. Malakas na dagundong ang narinig kasabay ng pagbagsak at pagguho ng
panghugos.
• G. Nasawi ang taong madilaw samantalang nailigtas naman sa pangnib si
Ibarra.
Kabanata XXXIV- Ang Nangyari sa Tanghalian.

• A. Dumating si Padre Damaso sa pananghalian


at pinaringgan si Ibarra tungkol sa kanyang ama.
• B. Hindi nakapag pigil si Ibarra sa mga parinig ni
Padre Damaso at mabilis niyang pinadapo ang
kanyang kamao sa pari.
• C. Walang sinuman ang nagtangkang
mamagitan kina Ibarra at Padre Damaso
maliban kay Maria Clara.
Kabanata XXXV-Mga Usap-usapan.
• A. Napag-usapan ang naging away nina Ibarra
t gwapo nga ni miguel

You might also like