You are on page 1of 23

Kabanata I

Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit
na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa
Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.

Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad
ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.

Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin
ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-
dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi
bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag
ang binata.

Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang
magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman tungkol
dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan
bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya
pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.

Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya
ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na
nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan
naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni
Maria Clara.

Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di
kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako
at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay
mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa
gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na Kastila at hindi Pilipino.

8
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil na
sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling
pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago
harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin,
nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga
taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga
babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan,
mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.

Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay
sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Biglang
dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.

Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng
isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi
ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.

Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa
kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si Padre Salvi ang siyang
makapangyarihan dito.

Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at
may bakod na lumang pader at kawayan. Sa ibang bahagi ng libingan, may
dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang
babagsak na. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang
lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi
niya matagalan ang gayong tanawin.

9
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Nakita
nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni
Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng
sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa
dahil sa utos ni Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-
aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging isang pari.

Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga
kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada buwan. Pinapalo sila at
pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan. Kapag nalaman ito ni Sisa ay
siguradong magagalit ito.

Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din
bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat
nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at
palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa
kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay
dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.

Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.Dumadaloy ang
masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na
napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang
parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.

Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari
niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito.
Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong
ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din
pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel.
Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang
magkapatid, pagdiin pa ng alila.

10
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag.
Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok.Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra
at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon
ang labi ni Don Rafael.

Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na
pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing isang araw na
lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan
dahil malabo pa ang mga paghahanda sa pyesta.

Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip
ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng
sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga
sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay
ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa
kanyang dibdib.

Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na
siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na
huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan
nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.

Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday,
Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at
nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa
pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento
upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito.
Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang
kanyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.

11
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra.
Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na
ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang
babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.

Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may
nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng
relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa
Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at
sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan
dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng
isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang
kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Kabanata XXVIII
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa
ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng
pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa
karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni
Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batanggas at Maynila.

Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim
ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay
nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.

12
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua
bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay
binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa
loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa
komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Kabanata XXXI
Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa
wikang kastila at Tagalog. Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni
Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa
alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa
kanyang sariling sermon.

Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya
mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa
ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq
tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas
naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.

Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito
ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay
nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din
niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng
dako ito ay mayroong kaaway.

13
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na
panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin
nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang
kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang
tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-
aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari
Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.

Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay
madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi
matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata
na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa
kanyang ama.

Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa
hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay
ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at
ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na
makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon
sa binate

Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre
Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni
Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng
pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito,
nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-
Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.

14
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga
batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga
binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang
naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan
Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay
ng kapitan.

Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion
ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at
paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano
hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng
alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang
amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa
sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa
kay Maria Clara.

Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis.
Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay
naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa
mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang
unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang
bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya
ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan
nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok
ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-
bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang
kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta
niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si
Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat
nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya
sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra
ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
15
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana,
na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng
lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya
Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.

Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay
anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang
sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay
Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat
ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol
naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si
Tiyago.

Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang
pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng
kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang
mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay
nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa
Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na
inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya
nilabnot ang pustiso ng asawa.

Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na
makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat,
may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na
hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang
na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa
matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang
pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.

16
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa
San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan
Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang
sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang
magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.

Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay
naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang
malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa
tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin.
Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo
hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya
ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng
Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang
pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang
hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-
pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes.Umawat si Don
Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na
nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.

Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi
pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na
parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya
dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay
ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.

17
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi
nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si
Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng
mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga
pag-aalinlangan at pagbabala.

Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang
malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60
taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de
libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa
at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi
nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang
kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang
kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa
lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring
humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa
anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang
nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang
babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng
kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang
natanggap.Nagbigti ito.Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy
ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng
asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at
ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

18
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula
kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang
papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan
Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala.
Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa
mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa
libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng
pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat
nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang
anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni
Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.

Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na
nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno
ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang
kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni
Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa
pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang
tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.

Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia
at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya.
Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra
na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa,
ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing
lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
19
Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang
kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-
walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa
kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang
pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang
gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig
upang magdasal.

Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan
ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-
maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at
inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga
iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay
nagbalitaan.Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi
tulad noong mandambong si Balat.Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw
na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.

Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit,
iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo
ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa
limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na
si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay
Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang
immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos
sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang
sa magdugo ang buong katawan nito.

20
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.Nakakapaso ang
sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-
iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang
baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero pinagbawalan
sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay
inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.

Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay
nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang
balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang
lumaganap.Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan.
Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas
na nagiging pilibustero. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa
Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak
ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa
naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na
galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa
nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang
utang na loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga
tunay na tao.

21
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si
Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.
Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang
mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria
tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido
na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya
si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t
inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na
itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang
salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng
ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa
pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas,
dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra
na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran
at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.

22
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa
itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero,
hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya
dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang
kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra
walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay
na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang
kumbento.Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria
ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya.
Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang
walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa
kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin
nito ang kamatayan.

Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula
sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang
mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan.
Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay.
Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla.
Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga
bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy
pero hindi naman nananakit ng kapwa.Nakarating na si Basilio sa
kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes.
Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng
babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit
nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot.
Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa
daan. Kabanata

23
LXIV
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre
Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa
kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging
obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara
na pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San
Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging
ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-
saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging
mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling
niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa
Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-
isa.

24
Talambuhay ni Ginoong José Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa


Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina
Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral
sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag
tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan.
Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang
medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang
wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa
Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan
ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang
pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at
agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon
sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng
paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa
pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging
makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon
ay Luneta).

2
Proyekto
Sa
Filipino-9
(Noli me Tangere)

Ipinasa ni: Paul Dastin M.


Romana (9-Aristotle)

Ipinasa kay: Ma’am Cindy


Quilala
Buod Ng Noli
Isang binatang Pilipino ang umuwi sa Pilipinas matapos ang pag-aaral sa Europa ng
pitong taon, ang binatang ito ay walang iba kundi si Juan Crisostomo Ibarra.
Sa kanyang pagbabalik ay naghandog si kapitan Tiago ng isang hapunan. Habang
nagaganap ang piging na ito ay makalawang hinamak siya ng isang prayleng
pransiskano na dati nang naging kura ng San Diego at dating kaibigan ng kanyang
ama. Siya ay walang iba kundi si Padre Damaso.
Humingi ng paumanhin si Ibarra at lumisan sa kadahilanang siya ay may mahalaga
pang pupuntahan.

Si Maria Clara na katipan ni Crisostomo Ibarra ay isang kaakit-akit na binibini. Para kay
Ibarra si Maria Clara ay sumasagisag sa Inang Pilipinas. Ang binibining ito ay anak sa
turing ng isa sa mayayaman sa Binundok at makapangyarihan kung ituturing, si kapitan
Tiago.
Kinabukasan, matapos maidaos ang hapunang yaon ay dinalaw ni Crisostomo Ibarra
ay kanyang iniibig na si Maria Clara. Sa kanilang pagkikita ay sinasariwa nila ang mga
ala-ala ng kanilang kamusmusan at ang tunay na pagmamahalan nila kahit sila ay
paslit pa lamang. Inilabas ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambong na nababalot sa
isang papel na may sentimental na halaga. Ang sulat naman na ibinigay ni Ibarra kay
Maria Clara bago niya lisanin ang Pilipinas ay binasa ng dalaga.

Bago umuwi si Crisostomo Ibarra ay nailahad ni Tenyente Guevara ang sinapit ng


kanyang ama na isang taon nang namayapa. Sinabi niya na nangyari ang lahat ng ito
matapos ipagtanggol ang isang bata sa isang kubrador na aksidenteng nabagok ang
ulo kaya namatay. Umabot ang kaso sa hukuman at nagsilabasan ang kaaway ni Don
Rafael Ibarra. Nang malulutas na ang kaso ay siya namang namatay si don Rafael sa
loob ng hukuman. Hindi pa nagpaawat si Padre Damaso.

Ipinahukay niya ang bangkay ni Don Rafael at ipapalipat sana sa libingan ng mga
intsik ngunit dahil sa umuulan ng panahong iyon ay tinapon na lamang sa ilog ng bay.

Kaysa maghiganti, si Crisostomo ay ipinagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama.


Isinagawa niya ang panukala ng ama tungkol sa pagsusulong ng pagtuturo.
Nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.
Noong babasbasan na ang paaralan ay may batong muntikan nang ikamatay ni
Ibarra. Mabuti na lamang at siya ay iniligtas ni Elias. Sa halip na si Ibarra ang mamatay
ay ang taong binayaran ng lihim na kaaway niya ang nasawi.
Muli siyang hinamak ni Padre Damaso.
Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili at sasaksakin na niya ang pari ng kutsilyo ngunit
siya ay napigilan ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag si Ibarra ng Arsobispo sa Simbahang Katoliko.


Ang sitwasyon ay sinamantala ni Padre Damaso. Iniutos niya kay Kapitan Tiago na hindi
ituloy ang kasal ni Maria Clara at Ibarra. Sa halip ay ipakasal si Maria Clara kay Linares
na isang binatang kadadating pa lang sa Pilipinas.

Napawalang-bisa ang pagiging eskomulgado ni Ibarra at tinanggap muli siya sa


simbahan ngunit sa di-inaasahang pagkakataon ay hinuli at ikinulong dahil
naparatangan siya na nanguna sa pagsalakay sa kuwartel.

3
Sa naganap na paglilitis ay napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra ngunit sinundan
muli ito ng panganyaya dahil sa liham na sinulat niya kay Maria Clara. Kahit walang
kaugnayan ito sa kaso ay ginamit ito ng may kapangyarihan upang hamakin ang
binata.

Habang ginaganap ang hapunan para sa kasal ni Linares at Maria Clara ay nakatakas
si Ibarra sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang lumisan ay hiniling muna ni Ibarra na makausap si Maria Clara. Sinumbat
niya ang sulat na ginamit sa hukuman ngunit mariin itong itinanggi ni Maria Clara.
Sinabi niya na inagaw mula sa kanya ang liham. Kapalit nito ang liham mula sa
kanyang ina na nagsasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso. Sinabi pa
niya na kaya siya magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng ina, ngunit ang
pagmamahal niya para kay Ibarra ay di lilipas at mawawala magpakailanman.

Tinulungan siya ni Elias sa pagtakas ngunit naabutan sila ng palwa ng sibil. Sa


pamamagitan ni Elias ay nailigaw niya ang mga tumutugis at nakatakas si Ibarra. Nang
makalundag si Elias sa tubig ay pinagbabaril siya.
Sa pagkalat ng balita sa pahayagan na namatay si Ibarra, si Maria Clara ay lubos na
namighati. Nakiusap siya na pumasok sa kumbento upang magmongha at walang
magawa si padre Damaso dahil kung hindi ito papayag ay magpapatiwakal ang
dalaga.

Ang balitang kumalat ay walang katotohanan sapagkat si Crisostomo ay nakaligtas sa


tulong ni Elias.

Si Elias na sugatan at halos naghihingalo na ay nakarating sa gubat ng mga Ibarra.


Bago siya tuluyang pumanaw ay humarap siya sa Silanganan at nagwika na kung
hindi man niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, ang makakakita ay
batiin ito at huwag kakalimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi at iyon ang huling
mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

4
Talaan ng nilalaman
Talambuhay ni Rizal…. 2
Buod ng Noli ME Tangere…. 3
Mga Tauhan…. 5
Kabanata I - VI 8
Kabanata VII - XII 9
Kabanata XIII - XVIII 10
Kabanata XIX - XXIV 11
Kabanata XXV - XXIX 12
Kabanata XXX - XXXIII 13
Kabanata XXXIV - XXXVII 14
Kabanata XXXVIII - XLI 15
Kabanata XLII - XLV 16
Kabanata XLVI - XLVIII 17
Kabanata XLIX - L 18
Kabanata LI - LIV 19
Kabanata LV - LVII 20
Kabanata LVIII - LIX 21
Kabanata LX - LXI 22
Kabanata LXII – LXIII 23
Kabanata LXIV 24

You might also like