You are on page 1of 6

Kabanata 1

Isang pagtitipon ang inihanda ni Don Santiago sa kaniyang bahay na nasa tabi ng ilog ng Binundok at
sa daang Anluwage. Si Don Satiago ay mas kilala sa bansag na Kapitan Tiago at higit na kilala bilang
maginoo at bukas palad sa kaniyang kapwa. Halos puno ng tao ang kabahayan at magkakasama sa
isang pulutong sino Padre Sibyla, Padre Damaso, isang nakapaisano, at isang kawal. Inihayag ni
Padre Damaso na pagkatapos ng 20 taong panunungkulan niya ay umalis na sa bayan ng San Diego
at sinabi niya na may 6,000 na mamayaman ang na sa San Diego at ang lihim ng bawat isa’y batid
niya. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nang dahil sa naumpisahang paksa ng dayuhan, nailabas ni Padre Damaso ang kaniyang
mapanlait na ugali, ang nasagot ng Padre ay ang mga Indio ay mapagpabaya at ang tingin niya sa
mga ito ay hamak at mababa. Napunta ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa
ibang bayan pagkatapos mapagsilbihan ang San Diego. Napatanong ang isang pang Padre sa
pulutong na si Padre Siybla, “Padre Damaso, kayo’y 20 taon sa bayan ng San Diego. Hindi ba kayo
nasiyahan doon?” at sagot ni Padre Damaso na pagalit, “Hindi! Kung walang kalayaan ang magkura
ay mapapahamak ang bayan.” Nang dahil sa sagot ni Padre Damaso napatanong ang dalawa sa
kaniya mga kausap na si Padre Sibyla at ang Tenyente na kung ano ang kaniyang iniibig niyang
ipahiwatig, sagot naman ng Kura “Iyan ang sanhi ng mga kapahamakan. Ang mga ereheng kaaway
ng Diyos ay pinanigan ng pamahalaan.”. Ngunit, ito ay tinutulan ng tenyente ng Guardia Civil sa
pagsasabing may Karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ay kinakatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag din ng tenyente kung ano ang dahilan ng pagkalipat ng kura, ang kura ay umano’y nag-
utos na hukayin at ilipat ang bangay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng
pari sa kadahilanan na hindi pangungumpisal. Nang matapos ang kanilang usapan, iniwan na ng
tenyente ang umoukan pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Nang lumayo ang tenyente, unti-
unting nagbalik ang katiwasayan ng bulwagan. Dumating na ang ilan pang bagong panauhin gaya ng
mag-asawang sina Dr. de Espedaña at Donya Victorina.

Kabanata 2
Dumating si Kapitan Tiago na may kasamang Binatang luksang-luksa ang kasuotan. Ipinakilala ng
Kapitan ang Binatang kasama niya, “Ikinararangal kong ipakilala sa lahat si Ginoong Crisostomo
Ibarra, anak ng nasira kong kaibigan. Kadarating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa
Europa.”. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kaniyang masayang mukha mababakas ang
kagandahan ng ugali. Namutla si Padre Damaso ng makita muli si Ibarra, nagulat ang binaae kaya’t
lumapit siya upang makipagkamayan sa kura “Aba! Ang kura sa aking bayan, at matalik na kaibigan
ng aking ama.” ngunit ito ay itinanggi ng kura na siya ay kailanman hindi naging matalik na kaibigan
ng ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra sa sagot ng kura kaya naman iniatras niya ang kaniyang kamay
at dagling tinalikuran ang pari. Napaharap si Ibarra sa tenyenteng kanina pa nagmamasid, nang
lumapit si Ibarra sa tenyete doon nagsimula ang kaniyang pag uusap “Kayo ang anak ni G.Rafael
Ibarra? Salamat at nakarating kayo nang walang sakuna. Nagkaroon po ako ng pagkakataong
makilala ang iyong ama. Siya’y kilalang marangal.” sabi ng tenyente kaya’t napasagot si Ibarra
“Ginoo, ang papuri ninyo sa ama ko’y pumapawi sa aking hinala tungkol sa kaniyang pagkamatay.”.
Natapos na ang paguusap ng dalawa kaya’t napatingin ang tenyente kay Padre Damaso at ang
simpleng pasulyap ng kura ay sapat na upang layuan ng tenyente ang binata. Nawing mag-isa si
Ibarra sa bulwagan nang walang kakilala, tulad ng kaugaliang Aleman na natutuan niya sa buhat ng
kaniyang pag-aaral sa Europa kaya’t lumapit siya sa umpukan ng mga bisita upang makipagkilala.
Ang mga babae ay hindi umimik sa kaniya sapagkat ang mga lalaki na lamang ang nagpakilala rin sa
kaniya, at nakilala niya ang isang binate rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit nang tawagin ang
panauhin para mahapunan, anang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang
pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binate sapagkat nakatakda siyang magtungo
sa SanDiego sa araw na naturan.

Kabanata 3
Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na ito ay nakita niya si
Pari Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla ang kasiyahan niya sa
pagdalo, samantala, so Padre Damaso naman ay mukhang banas na banas.
Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiyago
ang mga masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan
kinainisan siya ni Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok. Umupo si Ibarra sa
may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang pari kung sino
ang tatabi sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang mga panauhin. Nakipag
usap si Ibarra sa mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang taon ng
kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang kanyang mga natututunan, bukod sa
wika, tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.

Kabanata 4
Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di niya na tiyak kung
saang destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may Binundok ng
Liwasan. Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-
pareho pa rin sa dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang
kapaligiran, habang iniisip ang mga alaala niya sa lugar na yun. Naisalaysay ni Tinyente Guevarra
ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon bago bumalik si Ibarra sa
Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niya na si Don Rafael sa
kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala. Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang
lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung bakit siya nakulong at maraming galit sa kanya,
ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga pinaratang sakanya noong siya ay nasa kulungan,
hanggang sa kanyang pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat ng makalabas,
siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.

Kabanata 5
Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing pupunta ng
Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng
kaniyang ama. Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang
bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra.
Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga nagtatanghal.Nakita niya ang ilang binibini na may
mamahaling suot at mga diyamante at ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga
pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila,
Intsik, at mga prayle. Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara.
Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita
naman ni Ibarra ang mga batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman ito. Abala
naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya Victoria naman ay
abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara. Dahil pagod sa maghapon, madaling
nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na habang si Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria
sa kaniyang isipan.

Kabanata 6
Si kapitan tiago ay ang asawa ni pia alba na namatay matapos maipanganak ang kanilang anak na si
maria. Gayundin ay tinuturing syang pinakamayaman sa binundok dahil sa kanyang negosyo at ari-
arian. At dahil sya ay mayaman, malapit sya sa mga tao sa gobyerno at prayle lalo na kay padre
damaso na ninong at ama-amahan ng kanyang anak. Si tiago ay mababa ang mga tingin sa Pilipino
kaya naman itinuturing nya ang sarili nya na tunay na kastila.

Kabanata 7
Sabik at hindi mapakali si maria clara, na kada may naririnig syang mga karwaheng dadaan ay
napapasilip sya kung ang kasintahan na ba niya yon na halos pitong taon nya nang hindi nakikita.
Nang makarating si ibarra ay sinabihan ni tiya isabel na mag ayos na si maria clara. Nag usap ang
mag kasintahan sa asotea kung saan nagtatampo si maria na baka may ibang babae nang nahanap
si ibarra sa ibang bansa, binigyan naman sya ng assurance ng binata at binalikan nila ang kanilang
nakaraan. Ngunit kinailangan nang umalis agad ng ibarra upang hanapin ang labi ng kanyang
namatay na ama.

Kabanata 8
Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino.
Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya namang
pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan. Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra
ang Maynila. Nanlumo at nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at
lalo pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito. Ang tanawin at alaala
ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan. Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo
pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin. Kung gaano kagara at kakintab ang mga
karwahe ng mga prayle ay siya namang ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng
mga pobreng Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra. Bahagyang
naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip
niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng
inspirasyon upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-
asa ng bayan.

Kabanata 9
Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon.
Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya
namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi
minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng
Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi
kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi
dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni
Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan
din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway.
Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang
itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako,
nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya
ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan,
katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng
Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng
saloobin ang matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng
pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng
ari-arian.

Kabanata 10
Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na
siya ring malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan
na ito dahil sa magagandang tanawin dito. Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan
nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay may isang matandang Kastila ang
nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan. Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari
sa lupa ay nagbigay ang matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit
at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain. Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal
ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda
pero walang nakahanap ng tunay na rason. Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang
dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino.
Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang
kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.

Kabanata 11
Si Don Rafael ang ama ni ibarra, Hindi siya kinikilalang makapangyarihan kahit isa siya sa mga
pinaka mayaman. Ngunit iginagalaang at lahat ng tao ay maypagkakautang sakanya. Dahil sa
kanyang pgiging mabusilak ay kinalaban siya noong nagka usapin at ni walang kumampi dito. Kahit si
Kapitan Tiago na mayaman at sinasalubong ng mga banda at musikabay kapag nakatalikod
tinatawag siyang Sakristan Tiago. Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga
makapangyarihan dahil nabili lamang niya ang puwesto na yun sa halagang ₽5,000 at madalas
siyang pagalitan at sabunin ng Alkalde mayor. Ang San Diego ay maitutulad sa Roma at Italya na
mahigpit din pinag aagawan ang pamunuan ng bayan, Sina Padre Salvi at Padre Damaso ay laging
pinaghahambing dahil si Padre Salvi ay batang pransiskano at siya ang pumalit kay Padre Damaso,
kung maihahambing sila ay mas mabait at maingat sa tungkulin si Padre Salvi. Ang Alpares at ang
kanyang Asawa na si Donya Consolacion isang pilipinang mahilig maglagay ng kolorete sa muka,
Ang alperes ay punong Guwardiya Sibil, Ang pangagasawa niya ay binubunton siya sa pamamagitan
ng paglalasing, pag uutos sa mga sundalo na mag sanay sa Initan o Dilim. Bagamat may hidwaan
ang Alperes at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay nagpplastikan sila na parang walang nag
hhidwaan sakanila. pero kapag sila ay nagkalikuran ay naghihiganti sila sa isat-isa. Ang Alperes at
Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego na Tinatawag na CASIQUE.

Kabanata 12
Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo ng bayan.
Inilarawan ang sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing may
isang krus na nakatirik sa isang bato sa gitna ng libingan. Habang ang dalawang tauhan ay abala sa
kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa kanilang
mga naging karanasan sa trabaho. Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na
bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating
libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing
para ilipat ito sa ibang lugar. Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay
inilahad naman niya na noon ay may isang bangkay na dalawampung araw palang naililibing na
ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay. Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa
libingan ng mga Intsik ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang
bangkay sa lawa. Napag-alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote and nag-utos.

Kabanata 13

Kabanata 13 Mga Unang Banta Ng Unos (Buod)Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang
si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng
nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak
ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan
ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng
tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa
lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote. Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang
nadarama, habang naluha naman ang matanda. Hindi niya lubos maisip na mayroong hindi nagbigay
ng galang sa bangkay ng ama. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang
kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at
tinanong kung bakit nilapastangan ang ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si
Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang
kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.

Kabanata 14
Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa
kaniyang namayapang asawa. Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang
pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita. Pinahinto ito ng
kaniyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot na nito ang Diyos sa
sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito. Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa.
Gayunman, isang taon matapos ikasal ay namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang
oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga minana. Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit.
Ngunit sa halip na matakot, masaya pa si Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na
magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan. Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang
magkapatid. Sinabihan niya ito na umuwi na dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila.
Natuwa man ang magkapatid ay nanatili sila sa simbahan. Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda
hanggang narrating ang bahay nina Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang
hinagpis na nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama. Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan.
Hindi man daw naniniwala ang Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.
Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at nagngingitngit
ang kilog at kidlat.

Kabanata 15
Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may banta ng bagyo,
pinatunog pa rin ng dalawa ang kapmana sa kampanaryo ngunit hindi nila ito napatunog nang tama.
Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa hapunang inihanda ng inang si
Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa simbahan. Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa
paratang at ipinagdarasal na magkasakit ang mga prayle. Halagang P32 (dalawang onsa) ang
pinababayaran sa magkapatid gayong dalawang piso lang ang sahod nila kada buwan. Hindi nila
mababayaran ang ibinibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin ng mga salitang sana ay
tunay na nagnakaw na lamang umano siya para makapagbayad sa ibinibintang na halaga. Habang
nag-uusap ang dalawa, dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa sa palyadong
pagpapatunog sa kampana. Sinabihan din sila na hanggang ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan,
lagpas na sa ika-9 ng gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada. Makikiusap sana si Basilio sa
sakristan mayor, ngunit hinila nito ang umiiyak na si Crispin pababa sa simbahan hanggang lamunin
ng dilim. Hindi makapaniwala si Basilio sa sinasapit na kalupitan ng kapatid. Gumawa ng paraan si
Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang tumila ang ulan, kumuha ng lubid at nagpadausdos
hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid na pinagdalhan sa kapatid ngunit
sinarado ang pinto.

Kabanata 16
Nang gabing iyon, abala sya sa pagdating ni Basilio at Crispin. Siya ang naghain ng tuyong tawili at
pitas na kamatis para kay Crispin. Tapang baboy damo at isang hita ng patong bundok na hinihingi
nya kay Pilosopo Tasyo para naman kay Basilio. Ngunit sa kasamaang palad, hindi natikman ng
inihanda ng ina sapagkat dumating na ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang pagkaing nakasadya
sa dalawa. Windang ang puso ni Sisa, hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Iniisip nya kung paano
nalamang ang kanyang dalawang anak.

You might also like