You are on page 1of 8

Kabanata I

Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya
ni Don Santiago de los Santos na higit na
popular sa taguring kapitan tiago. Kabilang sa
mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si
Padre Damaso na nailabas ang kanyang
mapanlait na ugali.
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang nya buhat sa
pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng
kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra
buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga
nanduruong kamukha niyang panauhin.
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa
isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre
Damaso ang dapat umupo roon dahil sya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla
naman ang iginigiit ng paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura
sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na
umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay
nagpaalam ng uuwi bagamat pinigilan ni Kapitan Tiyago
dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata.

Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglalakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente
Guevarra na pinakiusapan nyang mag kwento tungkol sa
buhay ng kanyang ama dahil sa wala syang nalalaman
tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang
pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay
ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan syang
nakapatay kaya pinagbintangan syang erehe at pilibustero.
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala.
Mula sa bintana, natanaw nya ang isang maliwanag sa
kabila ng ilog. May isang magandang binibini na
nababalot ng manipis na habi,may suot na dyamante
at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila,
Pilipino, pari, intsik, military ay nakatuon lahat sa
kagandahan ni Maria Clara.

Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay intinuturing hulog
ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang
mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang
nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki. Dahil sya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Sya ay malakas sa mga taong
nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga
prayle. Ang turing nya sa sarili nya ay isang tunay na
Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang
tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa
kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara.
Tinulungan sya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili
bago sya harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni
Ibarra at nagtama ang kanilang pagtingin,
nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII
Mga alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa
Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga
kalesa at karumatang hingi tumitigil sa pagbibiyahe,
mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad
ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing
naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking hubad
na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang
mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
Kabanta IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni
Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya
Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria.
Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si
Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikibagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.

Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas
na nasa isang baybayin ng isang lawa at may
malalapad na bukirin at palayan. Mula sa
pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan,
halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI
Ang Mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya
sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan
pumunuan ng bayan. Ang alperes at si padre Salvi ang
siyang makapangyarihan dito.

Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng
isang malawak na palayan at may bakod na lumang
pader at kawayan. Sa ibang bahagi ng libingan, may
dalawang tao ang humuhukay ng paglilibangan na
malapit sa pader na parang babasak na. Sinabi ng
naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila
ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang
bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi nya matagalan
ang gayong tanawin.
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod
ng ama- si Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda
ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng
libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing.
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na
kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang
bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garotte.

Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa
katalinuhan, pinatigil siya sa pag-aaral ng kanyang ina
dahil ang gusto nito para sa anak ay maging isang pari.
Kabanata XV
Ang Mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan.
Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga kampana na
sineswelduhan lang ng 2.00 kada buwan. Pinapalo
sila at pinagbintangan na magnanakaw sa
simbahan. Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong
magagalit ito.

You might also like