You are on page 1of 134

NOLI ME

TANGERE
Inihahandog ng: Unang Grupo
ALAMIN NATIN • Ang pagsusulat ng Noli Me Tangere ay
bunga ng pagbasa ni Jose Protacio
Rizal Mercado y Alonzo Realonda o
mas kilala bilang Jose Rizal sa “Uncle
Tom’s Cabin” ni Harriet Beacher
Stowe na pumapaksa sa kasaysayan ng
mga aliping Negro sa kamay ng mga
puting Amerikano. Inilarawan dito ang
iba’t-ibang kalupitan at pagmamalabis
ng mga puti sa itim. Inihambing niya
ito sa kapalarang sinapit ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
ALAMIN NATIN
• Ang pamagat ng Noli Me
Tangere ay salitang Latin
na ang ibigsabihin sa
Tagalog ay “Huwag Mo
Akong Salingin” o “Touch
Me Not” sa Ingles at hango
ng Ebanghelyo ni San Juan
(20:13-17)
01
MGA TAUHAN
 Don Santiago de
los Santos o
Kapitan
Tiago/Tiyago
 Tiya Isabel
 Padre Sibyla
 Tinyente
Guevarra
 Donya Victorina
 Padre Damaso
 Crisostomo
Ibarra
 Don Rafael
 Maria Clara
 Pia Alba
 Don Saturnino
 Padre Salvi
 Alperes
 Donya
Consolacion
 Tasyo
 Kapitan Heneral
 Sisa
 Basilio
 Don Filipo
MGA KABANATA
KABANATA I –
ANG PAGTITIPON
Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o
mas kilala bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong
Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa
Kalye Anluwagi. Nang gabi ng pagititipon, dumagsa ang mga bisita na
iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga
dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. De
Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at isang kararating
lamang na dayuhan sa Pilipinas. Natanong ang dayuhan tungkol sa mga
Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa
tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga
Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang
usapan. Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-
paroko ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam
ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman
ni Tinyente na nararapat lamang ang parusa.
Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa
pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat
lamang ang parusa. Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na
pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya
ang bangkay ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang
erehe dahil ayaw lamang mangumpisal. Nagalit naman si Padre Damaso
dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre Sibyla upang pakalmahin
ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang
mahahalagang dokumento. Kumalma ang magkabilang panig at umalis
na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan at
kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.
PADRE
SIBYLA

DON TIAGO
DONYA
VICTORINA

PADRE
DAMASO
TINYENTE
GUEVARRA

TIYA ISABEL
MATATALINHAGANG
SALITA
• Indio – tawag sa mga Pilipino dati na
nangangahulugan na hindi matalino o
mahirap.
• Erehe – Kristiyano na sumusuway at hindi
nakikinig sa utos ng simbahan .
• Prayle – Pari
• Tobacco – Isang sangkap na ginagamit sa
paggawa n sigarilyo.
KABANATA II –
CRISOSTOMO
IBARRA
Dumating si Ibarra kasama si Kapitan
Tiyago at ipinakilala sa mga pari. Nagpakita
si Ibarra kay Padre Damaso ngunit
tinanggihan siya ng Padre. Nang magsimula
na ang hapunan, inanyayahan si Ibarra ng
tinyente na pumaroon na muli kinabukasan
upang mag tanghalian, tumanggi sya dahil
uuwi naman sya sa San Diego.
KABANATA III –
ANG HAPUNAN
Kahit na isang piging at kasiyahan ang
dinaluhan, balisa at yamot si Padre
Damaso, kabaligtaran ni Padre Sibyla na
aliw na aliw naman.
Umani ng papuri si Kapitan Tiago dahil sa
magandang piging na inihanda kabilang
ang masasarap na pagkain.
Magiliw na isinalaysay ni Ibarra ang kaniyang
mga napuntahang bansa at lugar.
Matapos ang Hapunan, nagsulat agad ang binata
tungkol sa Estudios Coloniales:
“Kung paano nakasira sa kasiyahan ng isang
piging ang isang leeg at isang pakpak ng
manok sa samplatong tinola ng isang
Frayle.”
KABANATA IV –
EREHE AT
PILIBUSTERO
Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang
ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon bago bumalik si
Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang
ama. Binilin ng ama niya na si Don Rafael sa kanya ng isang
sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala. Kinuwento ng
tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang
ama. Kung bakit siya nakulong at maraming galit sa kanya,
ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga pinaratang
sakanya noong siya ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang
pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat
ng makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng
kulungan.
TINYENTE
GUEVARRA

DON RAFAEL
MATATALINHAGANG
SALITA
• Paratang – akusasyon o aligasyon sa
madaling salita ay bintang.
• Pagkakabilanggo – pagkakakulong sa
selda.
• Mapait na sinapit – karanasan na
masalimuot.
• Salaysay – ito ay kuwento o istorya na
may paglalahad ng pangyayari o mga
karanasan.
KABANATA V –
ANG LIWANAG SA
GABING MADILIM
Dumating si Ibarra sa kanyang tinutuluyan sa Fonda de
Lala. Agad itong naupo sa kanyang silid. Nagmasid-
masid ito sa kapaligiran habang may gulong tumatakbo
sa kanyang isip dahil sa sinapit ng ama.
Natanaw niya mula sa kanyang bintana ang maliwanag
na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang tunog na
gawa ng orkestra at ang kalansing ng mga pinggan.
Natanaw din niya ang isang magandang babae na may
balingkinitan na pangangatawan at may kasuotang
diyamante at ginto, siya ay si Maria Clara.
IBARRA

MARIA
CLARA
MATATALINHAGANG
SALITA
• Nagmamasid masid –
pinagmamasdan ang isang tao,
lugar, o isang bagay.
• Balingkinitan – nasa tamang
sukat ng katawan , na kadalasang
tinatawag ng mga Pilipino na
‘sexy’.
KABANATA VI –
KAPITAN TIYAGO
Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang
negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon.
Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong
ng isang Dominikong kaibigan na kanyang
pinaglingkuran. Isang tipikal na Pilipino kung
ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan Tiyago. Ang
kanyang hugis ng katawan at maging ang buong
pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya
nga ay isang Indio.
Isang dalaga mula Sta Cruz ang
napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay
si Pia Alba. Pareho silang masipag sa
pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at
naging kabilang sa mga prominenteng
pamilya sa bayan.
Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos,
manamit at mamuhay na para na ring isang Espanyol.
Sagrado at deboto siya ng katoliko na sumasamba sa lahat ng
mga santo. Naging sunod-sunuran din siya sa mga gawain at
kagustuhan ng mga banyaga. Ang pagsasama nila ng anim na
taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae,
pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang kanyang
kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang
pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria
Clara.
TIYA ISABEL

MARIA
CLARA
DON TIAGO

PIA ALBA
MATATALINHAGANG
SALITA
• Lohika – sa ingles
ay logic
• Prominente – layag
o kilala
KABANATA VII –
LIGAWAN SA AZOTEA
Sa simbahan pa lang ay di na mapakali si Maria Clara dahil
gusto na nitong umuwi. Hindi mapakali ang dalaga sa tuwing
may karwaheng hihinto sa tapat ng kanilang bahay sa pag-
aakalang si Ibarra na ang dumating. Pinayuhan ng doktor na
magbakasyon si Maria Clara sa San Diego upang muling
maibalik ang pamumula ng pisngi nito. Tuwang tuwa naman
si Maria Clara dahil doon ay makikita niya si Ibarra. Ilang
saglit lang ay dumating na ang binata. Hindi maitago ang
pananabikni Maria Clara kay Ibarra. Pumasok si Maria Clara
sa kaniyang silid upang mag-ayos ng sarili habang
tinutulungan naman siya ni Tiya Isabel.
KABANATA VIII

ANG MGA ALAALA
Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa
pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din niya
kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya
namang pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan. Habang
lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila.
Nanlumo at nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan.
Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta
pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito. Ang tanawin at
alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang
napabayaan. Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo pang
lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin.
IBARRA
• Inang Bayan – bayan na sinilangan
• Binagtas – dinaraanan
• Karwahe – sasakyan noon / kalesa
• Nanlumo – nanghina
• Nasilayan – nakita
• Nilisan - iniwan
MATATALINHAGANG
SALITA
KABANATA IX –
ANG BALITA
TUNGKOL SA BAYAN
Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni
Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa
mga usapin tungkol kay Maria Clara. Nakagayak na ang
magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa
Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang
sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre
Damaso. Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila
papunta at nang kanya itong malaman ay biglang nag-init ang
kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niyang hinanap si kapitan
Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa
umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging
tampulan ng tsismis ng mga pari.
PADRE
SIBYLA

DON TIAGO
MARIA
CLARA

TIYA ISABEL
IBARRA

PADRE
DAMASO
MATATALINHAGANG
SALITA
• Magara – maganda
• Mag-ale – mag tiyahin
• Pagtuligsa – paghuli o pagpigil
• Nagugulumihanan –
naguguluhan
• Silid Dalanginan – simbahan
KABANATA X –
BAYAN NG SAN DIEGO
Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa
bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring
malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang
manghang-mangha sa bayan na ito dahil sa magagandang
tanawin dito. Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung
saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang
panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng
interes sa isang lupa malapit sa kagubatan. Bagama’t walang
tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda
nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng
damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain.
Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang
matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang
umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda pero
walang nakahanap ng tunay na rason. Makalipas ang
ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa
bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang
kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya
sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay
nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don
Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.
IBARRA

DON
SATURNINO
DON RAFAEL
MATATALINHAGANG
SALITA
• Nagpatiwakal – nagpakamatay
• Haka-haka –hula
• Umusbong – sumibol
• Yumao – namatay
• Salapi – pera
• Rason – dahilan
• Nanirahan - nakatira
KABANATA XI –
ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
Si Don Rafael ay hindi makapangyarihan bagamat
siya ang pinakamayaman sa lugar. Kailanman ay
hindi siya nagyabang kahit siya ay nagmamay-ari ng
napakaraming lupain. Hindi rin makapangyarihan si
Kapitan Tiyago bagamat nagpapasalubong siya ng
orkestra at nagpapaulan ng regalo. Hindi rin pwede
ang alkalde dahil hindi ito nakapag-uutos dahil siya
mismo ang sumusunod. Ang tunay na
makapangyarihan ay ang kura paroko sa simbahan at
ang Alperes.
Si Padre Salvi ang kura paroko na pumalit kay Padre
Damaso. Siya ay mas mabait na maituturing
kumpara kay Padre Damaso. Ang Alperes ay
mapambugbog sa asawa, lasinggero, at malupit sa
kaniyang tauhan. Nakatuluyan niya ang isang
Pilipina na si Donya Consolacion na mahilig
maglagay ng kolerete sa mukha. Palihim na may
hidwaan ang dalawang makapangyarihan ngunit sila
ay nagkukunwaring magkasundo sa harap ng
madaming tao.
KABANATA XII –
ANG ARAW NG MGA PATAY
Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa
gitna ng malawak na palayan. Ito ay nahaharangan ng
lumang pader at kawayan. Sa gitna nito ay may
nakapuwestong malaking krus. Mahirap ang
makarating sa sementeryo dahil sa masukal na
libingan. Maputik ang daanan kung tag-ulan,
maalikabok naman kung tag-araw. Bumuhos ang
napakalakas na ulan noong gabing iyon. Dalawang tao
ang mabilis na naghuhukay sa isang bahagi ng
sementeryo. Ang isa ay dalubhasa na sa pagiging
sepulturero at ang isa naman ay baguhan pa lang.
Hinukay at iniahon ng dalawa ang
bangkay na siyang kakalibing pa
lamang makalipas ang dalawampung
araw. Ang pagpapahukay at
pagpapalipat ng bangkay sa libingan ng
mga Intsik ay utos mula kay Padre
Garrote na siyang si Padre Damaso.
PADRE
DAMASO
MATATALINHAGANG
SALITA
• Masukal – makalat ang daanan
• Dalubhasa – marunong o sanay
na.
• Sepulturero – taga-hukay ng mga
bangkay o taga-alaga.
• Iniahon – kinuha mula sa ilalim.
KABANATA XIII –
ANG BABALA NG SIGWA
Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don
Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng
matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago
para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw
siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang
puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila
Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na
sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don
Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote.
Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra
dahil sa pagkabalisang nadarama,
habang naluha naman ang matanda.
Hindi niya lubos maisip na
mayroong hindi nagbigay ng galang
sa bangkay ng ama.
Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre
Salvi, tangan ang kaniyang baston. Bagaman hindi
niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta
niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang
ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing
nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa
prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at
agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa
ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang
si Padre Salvi.
KABANATA XIV –
TASYO: BALIW O
PILOSOPO?
Inilarawan ni Rizal si Tasyo sa kabanatang ito at pinakita
kung paano siya tinatrato ng kanyang mga kababayan.
Para sa mga mangmang o mga di-nakapag-aral, si Tasyo ay
baliw sapagkat kakaiba ang taglay nitong mga kaisipan at
di karaniwan ang pakikipagkapwa-tao.
Para sa mga matatalino at nakapag-aral, isa siyang pilosopo
sapagkat kakikitaan ng mga lohikong pag-iisip at
nagbibigay ng mabubuting payo.
Kinasangkapan ni Rizal si Tasyo upang ilantad ang
kanyang mahuhusay na ideya. Mga kaisipang maaaring
paniwalaan o pagdudahan sapagkat galing sa isang baliw o
kakaiba.
Sa pamamagitan ni Tasyo ay inilantad ni Rizal ang kanyang
paniniwala na mas mabuti nang mamatay ang tao sa
pamamagitan ng sigwa o delubyo upang lumitaw ang isang
bagong salinlahi na hindi alipin, mangmang at sunod-sunuran.
Nilikha rin siya bilang isang taong walang kinatatakutan – siya
ang nagsumbong sa Kapitan Heneral sa mga katiwaliang ginawa
ni Padre Damaso. Taglay niya ang katapangang ito dahil sa
kaniyang pinag-aralan.
Si Tasyo ay biktima rin ng kanyang lipunan. Kinatakutan ng
kanyang mga magulang na siya’y pag-aralin dahil sa taglay
niyang talino upang hindi makalimot sa diyos. Mas pinili ni
Tasyo na iwan na lamang ang pag-aaral kaysa magpari.
TASYO

KAPITAN
HENERAL
PADRE
DAMASO
MATATALINHAGANG
SALITA
• Mangmang – walang kaalam-alam o walang alam sa
isang bagay o sitwasyon.
• Pakikipagkapwa-tao – pagpapakita ng respeto, pag-
unawa, at pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
• Pilosopo – mahilig mag-isip at magtanong tungkol sa
malalalim na bagay.
• Lohikong pag-iisip – kakayahang mag-isip ng
malalalim.
• Sigwa – malakas at mabuilis
• Salinlahi – taong nasa alipinato o nasa ilalim ng
kapangyarihan ng iba.
KABANATA XV –
ANG MGA SAKRISTAN
Ang kabanatang ito ay nagpapahayag ng
kalupitan ng mga kastila sa mga batang Pilipino.
Inihayag ni Rizal na uso na ang sapilitang
pagpapatrabaho sa mga musmos (Child labor) para
maging katuwang ng magulang lalo na’t kung
ito’y nauukol sa paglilingkod sa Diyos.
Tahasang inihayag niya na ang ganitong pang-
aabuso ay ibinibigay sa mga taong walang
kalaban-laban.
MATATALINHAGANG
SALITA
• Kalupitan – marahas na paggamit ng
kanilang lakas o kapangyarihan upang
saktan ang mga tao.
• Musmos – batang paslit o batang walang
alam sa mundo.
• Taong walang kalaban-laban – taong
walang tiyansang manalo o gumanti sa
sinumang nananakit sa kaniya.
KABANATA XVI –
SI SISA
Sa kabanatang ito ipinauunawa ni Rizal ang
katauhan ni Sisa. Si Sisa bilang asawang martir o
matiisin dahil biktima ng paniniwalang panrelihiyon
na dapat pasakop sa asawang lalaki at maging
sunud-sunuran o kaya’y tagatanggap lamang ng
kapalarang ipagkaloob ng asawa.
Inilarawan si Sisa bilang isang mahinang ina na
nawala sa katinuan ng mawalay sa kanya ang
kanyang mga anak.
SISA
MATATALINHAGANG
SALITA
• Ipinauunawa – pinapaalam o pinapaliwanag.
• Katauhan – personalidad o pagkakakilanlan ng
isang tao
• Taga-tanggap – pagtanggap mo sa mga bagay
na ibibigay o kailangan mo lalo na ang biyayang
kaloob ng Diyos.
• Inilarawan – pagpaalam ng pagkakakilanlan ng
isang tao o ng isang bagay.
• Mawalay – madalas gamitin sa mga taong
naulila na sa kanilang mahal sa buhay.
KABANATA XVII –
SI BASILIO
Si Basilio ay inilarawan ng awtor bilang
kinatawan ng isang Pilipino. Sa kanyang pangarap
ay ilalantad ni Basilio ang balak na magkaroon ng
isang lupa na masasaka, mapag-aral ang mga kapatid
at maging malaya kapiling ang ina at kapatid. Ang
pagsasamo at paghahangad ng kalayaan sa kamay ng
panginoong kastila ay nasa konsepto na ni Rizal sa
pamamagitan ng pagpapakita ng ganitong senaryo.
BASILIO
MATATALINHAGANG
SALITA
• Pagsamo – isang pagmamakaawa
o madamdaming hiling.
• Paghahangad – ay ang
pagkakaroon ng pagnanasa o
layunin na makamit ang isang
bagay o sitwasyon.
KABANATA XVIII –
MGA KALULUWANG
NAGDURUSA
Muli ay pinuna ni Rizal sa kabanatang ito
ang mga gawi at kilos ng mga Pilipino ukol sa
relihiyon. Isang kamangmangan ayon sa
awtor ang maniwala sa “indulgencia
plendria”. Ito raw ang siyang tanging
kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa
purgatoryo upang mahango sila roon. Pinuna
rin nya na napakahirap na amuin ng alagad ng
simbahan lalo na’t isa kang mahirap.
MATATALINHAGANG
SALITA
• Indulgencia Plendria
(Plenaria) – dasal para
matubos o patawarin ang
kasalanan.
KABANATA XIX –
MGA KARANASAN NG
ISANG GURO
] Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung
gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle para
sirain ang kinabukasan ng mga kabataan. Dalawang
lalaki na kapwa nakadamit panluksa ang tahimik na
nagmumuni sa lawa. Ang mga ito ay sina Ibarra at ang
guro. Ikinumpisal ng guro na kasama niya ang
sepulturero at si Tenyente Guevarra sa pagtapon ng
bangkay ni Don Rafael sa lawa. Mula sa kanyang
narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa halip,
mas lalo siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing
guro.
Sinabi rin ng guro kung gaano niya ninais na baguhin ang
lumang kairalan sa pagtuturo ngunit siya ay bigo. Habang
tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral.
Ang silid aralan na kanilang ginagamit ay isang kwadra. Pinag-
aaralan ng mga bata ang mga litanya ng dasal sa salitang
Kastila. Pinakita rin sa kabanatang ito ang marahas na
kaparusahan na binibigay sa bawat kamalian ng mga bata. Ayaw
ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong binago
ng patago. Ngunit siya ay inalipusta at pinarusahan ni Padre
Damaso sa harapan ng kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si
Ibarra sa mga tinuran ng guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-
asa na balang araw mababago rin ang lahat.
IBARRA

TINYENTE
GUEVARRA
DON RAFAEL
MATATALINHAGANG
SALITA
• Nagmumuni – malalim na pag-iisip.
• Ikinumpisal – inamin
• Sepulturero – taga-hukay ng puntod para
sa ililibing.
• Tumangis – umiyak o mamighati
• Kwadra – silungan o bahay ng mga
hayop.
• Inalipusta – minamaliit
• Tinuran – binanggit o sinabi
KABANATA XX –
ANG PAGPUPULONG SA
TRIBUNAL
Ang bulwagang pulungan ng San Diego ay
dinadaluhan ng mga kinikilalang mamamayan na
pawang nagbibigay ng opinyon para sa ikakaganda
ng bayan. Sa loob ay makikita ang dalawang grupo
ng mga panauhin. Ang una ay ang mga konserbatibo
o grupo ng mga nakakatanda na pinamumunuan ng
Kabesa. Ang ikalawa naman ay ang mga liberal o
grupo ng mga nakakabata na pinamumunuan naman
ni Don Filipo.
Ang paksa ng pagpupulong ay ang
gaganaping pista, labing-isang araw
mula sa araw na iyon. Kabilang din sa
pagpupulong ang pagtatayo ng paaralan
sa bayan. Iminungkahi ni Don Filipo na
magkaroon ng talaan ng mga gastos sa
bawat gawaing isasakatuparan.
MATATALINHAGANG
SALITA
• Bulwagang Pulungan – lugar kung saan nag-uusap ang
mga opisyales o ‘meeting room’.
• Panauhin – bisita
• Kabesa – Barangay
• Talaan – listahan
• Konserbatibo – mga taong gustong itaguyod at
mapanatili ang nakasanayan.
• Liberal – mga tao na tinuturing ang indibidwal na
kalayaan at pagkakapantay-pantay.
• Iminungkahi – nagbigay ng sariling pananaw.
DON FILIPO
Upang basahin ang
kinabukasan ng isang bayan,
kinakailangan buksan muna
ang libro ng kaniyang
nakalipas.
—Dr. Jose Rizal
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
A
GS
A
SA
N
AY
PANUTO: Suriin ang tamang Kabanata sa Hanay B upang maitugma ito sa mga pamagat na nakalagay sa Hanay A. Isulat
ang iyong sagot sa malalaking titik.
HANAY A HANAY B
1. Ang Mga Ala-ala
A. Kabanata 1
2. Ang Balita Tungkol sa Bayan
B. Kabanata 2
3. Ang Hapunan
C. Kabanata 3
4. Ang Liwanag sa Gabing
D. Kabanata 4
Madilim
E. Kabanata 5
5. Bayan ng San Diego
F. Kabanata 6
6. Crisostomo Ibarra
G. Kabanata 7
7. Kapitan Tiyago
H. Kabanata 8
8. Ang Pagtitipon
I. Kabanata 9
9. Ligawan sa Azotea
J. Kabanata 10
10. Erehe at Pilibustero
K. Kabanata 11
11. Ang Mga Makapangyarihan
L. Kabanata 12
12. Ang Mga Sakristan
M. Kabanata 13
13. Mga Kaluluwang Nagdurusa
N. Kabanata 14
14. Tasyo: Baliw o Pilosopo?
O. Kabanata 15
15. Ang Araw ng Mga Patay
P. Kabanata 16
16. Mga Karanasan ng isang Guro
Q. Kabanata 17
17. Ang Pagpupulong Sa Tribunal
R. Kabanata 18
18. Si Basilio
S. Kabanata 19
19. Ang Babala ng Sigwa
T. Kabanata 20
20. Si Sisa

You might also like