You are on page 1of 12

Kabanata 1: Ang Pagtitipon (Buod)

Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 1

Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala
bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na
kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi.
Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya
Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at
isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.
Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang
mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre
Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre
Sabyla ang usapan.
Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San Diego.
Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-
parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat lamang ang parusa.
Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang
parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na
lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang mangumpisal.
Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre
Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang
nawawalang mahahalagang dokumento.
Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente.
Nagpatuloy naman ang talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.

Aral – Kabanata 1
Makikta sa kabanatang ito ang hindi magandang pag-uugali ng ilang Pilipino.
Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga Pilipino, ngunit siya pala mismo
ay mayroong mga katiwaliang ginagawa. Madalas, ang mga taong mapangdusta sa
iba ay mas marumi pa sa mga inaakusahan nila.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra (Buod)


Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 2

Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang kwento sa


pagpunta ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang kasaluhan at kasiyahan sa kanyang
bayan.
Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at panauhin, kasali si Padre
Damaso, na biglang namutla ng makita si Ibarra.
Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso pero agad itong tumalikod.
Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa biglang
pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap siya sa tinyenteng kanina pa
namgmamasid sa kanila ni Ibarra.
Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na makita siya sa
kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa ang Tinyente habang nag-uusap
kay Ibarra.
Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan. Nang
nalaman ito, napawi ng binata ang masamang hinala nito sa masamang hinala ng
pagkamatay ng kanyang ama.Ng malapit ng maghapunan, inimbita ni Kapitan
Tinong si Ibarra ng pananghalian kinabukasan.

Aral – Kabanata 2
Sa kabanata na ito, ang aral na maipupulot ay hindi lahat ng tao na pinagkatiwalaan
mo ay tatayo sa tabi mo habang buhay. Minsan, sila pa ang magpapabagsak sa iyo.
Kabanata 3: Ang Hapunan (Buod)
Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 3

Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na ito


ay nakita niya si Pari Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari
Sybyla ang kasiyahan niya sa pagdalo, samantala, so Padre Damaso naman ay
mukhang banas na banas.

Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni


Kapitan Tiyago ang mga masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin
ang Tinyente, na kung saan kinainisan siya ni Donya Victoria dahil sa pagmamasid
nito sa kanyang buhok.

Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay


nakikipagtalunan ang dalawang pari kung sino ang tatabi sakanya. Ng inihanda na
ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang mga panauhin. Nakipag usap si Ibarra sa
mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang
taon ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang kanyang
mga natututunan, bukod sa wika, tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng
kanyang pinuntahan.

Aral – Kabanata 3

Sa kabanata na ito ay nagpapakita na importante sa isang tao ang matutunan kung


paano makisama sa ibang tao dahil darating ang oras na kakailanganin mo ng
tulong nila at upang hindi ka magkaroon ng kaaway. Mahalaga rin ang pagiging
makabayan kahit may hindi magandang naidulot ang isang tao sa iyo.
Kabanata 4: Erehe At Pilibustero (Buod)
Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 4

Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di niya


na tiyak kung saang destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot
siya sa may Binundok ng Liwasan.

Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay


parehong-pareho pa rin sa dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid,
nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran, habang iniisip ang mga alaala niya sa
lugar na yun.

Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na


sinapit nito. Isang taon bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng
sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niya na si Don Rafael sa kanya ng isang sulat
na nagsasabing di siya dapat mag abala.

Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama.
Kung bakit siya nakulong at maraming galit sa kanya, ang rason ng kanyang
pagkabilanggo, ang mga pinaratang sakanya noong siya ay nasa kulungan,
hanggang sa kanyang pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat
ng makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.

Aral – Kabanata 4

Sa kabanata na ito makikita natin na hindi lahat ng nasasakdal ng batas ay


makasalanan. Si Don Rafael ay isang mabait at marangal na tao na napagbintangan
ng kalapastangan ng kanyang kapwa. Ngunit kahit di niya ginawa ang mga
pinaratang sakanya, hinarap niya ang mga yun kahit labag sakanyang damdamin at
pagkatao.
Kabanata 5: Pangarap Sa Gabing Madilim (Buod)
Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 5

Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya
tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at
inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama.

Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang


bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang
tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga
nagtatanghal.

Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto.
May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa.
Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga
prayle.
Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara.
Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga.
Nang makita naman ni Ibarra ang mga batang Pransiskano na payat at putlain ay
nahabag naman ito.
Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si
Donya Victoria naman ay abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria
Clara.

Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan


na habang si Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
Aral – Kabanata 5
Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong isang bituin na
sumisimbolo sa bagong pag-asa. Kahit may pagsubok na hinaharap, mayroon
namang mga rason para mahanap ang kagandahan ng buhay.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago (Buod)


Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 6

Ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umiikot sa katauhan at pag-uugali ng


pangunahing karakter na si Kapitan Tiyago.
Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng
Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong ng isang
Dominikong kaibigan na kanyang pinaglingkuran.
Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan Tiyago. Ang
kanyang hugis ng katawan at maging ang buong pisikal nitong katangian ay hindi
maikakaila na siya nga ay isang Indio.

Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay si Donya
Pia. Pareho silang masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at naging
kabilang sa mga prominenteng pamilya sa bayan.

Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos, manamit at


mamuhay na para na ring isang Espanyol. Sagrado at deboto siyang katoliko na
sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging sunod-sunuran din siya sa mga gawain
at kagustuhan ng mga banyaga.

Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng isang
sanggol na babae, pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang kanyang kabiyak
mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang pinsan ang naging katuwang
niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Aral – Kabanata 6
Hindi mababago ng pera o ng anumang uri ng kapangyarihan ang pagkatao ng
isang nilalang, magbihis ka man ng ginto sa loob ay tanso ka pa rin.

Kabanata 7: Suyuan Sa Asotea (Buod)


Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 7

Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang mahalagang


responsibilidad sa buhay.

Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na


magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng
misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si Maria, bagay na ikinagalit ng
kanyang tiyahin.

Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga.


Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong
taon din ang lumipas na hindi nagkita ang dalawang magsing-irog.
Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa
kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay
nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa
kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.
Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman
itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin ang mga higit na
mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan.

Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga
yumaong magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa
nalalapit na undas.
Aral – Kabanata 7
Sa buhay minsan ay kailangan magparaya at isantabi ang mga ibang bagay.
Mayroong tamang oras na nakalaan para sa lahat ng mga hangarin.

Kabanata 8: Mga Alaala (Buod)


Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 8

Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga


dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso
ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan.
Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Nanlumo at
nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo
pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito.
Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan.
Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang
bilang ng mga alipin.

Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya namang
ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng mga pobreng Pilipino. Ito
ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra.

Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang


Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip niya ang mga aral ng kanyang dating guro na
pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang isapuso ang
pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan.

Aral – Kabanata 8
Huwag gawing hadlang ang nakikita at nararanasang kahirapan upang makamit
ang pangarap na gustong maibigay sa Inang bayan. Bagkus, dapat natin itong
gamiting inspirasyon.

Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan (Buod)


Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 9

Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan


ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.

Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa


Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya
namang pagdating ni Padre Damaso.

Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong
malaman ay biglang nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan
Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay
nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari.

Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang


pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na
magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang kaaway.

Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng desisyon


patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang ama.

Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol kay
Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar
para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra.
Aral – Kabanata 9

Maging mapanuri sa mga taong nakakasalamuha. Hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay


may magandang hangarin. Kagaya lamang ni Padre Damaso, na ang akala mo ay walang
pag-aalinlangan sa katauhan ni Ibarra.

Kabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego (Buod)


Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 10

Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San Diego – na
siya ring pamagat ng kabanata.

Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin


ang bayan na siya ring malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang
manghang-mangha sa bayan na ito dahil sa magagandang tanawin dito.

Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan.
Sinasabing noong unang panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng
interes sa isang lupa malapit sa kagubatan.

Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda nang


kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa mga taong
naninirahan malapit sa lupain.

Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka
ang umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na
rason.

Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan na
nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan
siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang
kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.
Aral – Kabanata 10
Sa kabanatang ito ay matututunan natin na ang bawat bayan ay may kasaysayan na
masaya at mayroon ring mga trahedya.

You might also like