You are on page 1of 2

Pangalan: Carl Brix Marigomen Taon&Seksiyon: 9 Emerald

Kabanata 1: Ang Pagtitipon (Buod)


Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o
mas kilala bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong
Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye
Anluwage.

Nang gabi ng pagtitipon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni


Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla,
Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre
Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.

Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio.
Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si
Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba
naman ni Padre Sibyla ang usapan.

Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng


San Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng
Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na
nararapat lamang ang parusa.

Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba


pang parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang
marangal na lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang
mangumpisal.

Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si


Padre Sibyla upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni
Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento.

Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente.


Nagpatuloy naman ang talakayan at kwentuhan ng mga bisita noong gabi.

Aral – Kabanata 1
Makikita sa kabanatang ito ang hindi magandang pag-uugali ng ilang
Pilipino. Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga Pilipino, ngunit
siya pala mismo ay mayroong mga katiwaliang ginagawa. Madalas, ang mga
taong mapanghusga sa iba ay mas marumi pa sa mga inaakusahan nila.

Talasalitaan – Kabanata 1
Bantog – kilala
Bukas-palad – matulungin
Pangalan: Carl Brix Marigomen Taon&Seksiyon: 9 Emerald

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra (Buod)


Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, nakapokus ang kwento sa
pagpunta ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang kasaluhan at kasiyahan sa
kanyang bayan.

Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at panauhin,


kasali si Padre Damaso, na biglang namutla ng makita si Ibarra.

Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral


sa Europa. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso pero agad
itong tumalikod.

Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa


biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap siya sa tinyenteng
kanina pa nagmamasid sa kanila ni Ibarra.

Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na makita


siya sa kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa ang Tinyente
habang nag-uusap kay Ibarra.

Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan.
Nang nalaman ito, napawi ng binata ang masamang hinala nito sa
masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama. Nang malapit ng mag
hapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra ng pananghalian
kinabukasan.

Aral – Kabanata 2
Sa kabanata na ito, ang aral na mapupulot ay hindi lahat ng tao na
pinagkatiwalaan mo ay tatayo sa tabi mo habang buhay. Minsan, sila pa
ang magpapabagsak sa iyo.

You might also like