You are on page 1of 2

Jessa E.

Mendoza 9-Emerald 4/13/2023

NOLI ME TANGERE
Kabanata 19:

MGA SULIRANIN NG GURO


Aktibidad
1. Magbigay ng mga suliranin na iyong naranasan sa iyong pag-aaral at isulat ito sa ½ crosswise.
Analysis
1. Ano kaya sa palagay ninyo ang mga suliranin ng mga bata gusting mag-aral?
2. Malaki ba ang tulong ni Don Rafael sa mga batang gusting mag-aral?
Abstraction
1. Bakit kailangan natin ng isang magandang pag-aaral?
 Dapat nating laging ilagay sa ating isipan na ang kaalaman at pag-unawa ay hindi likas sa atin.
Kailangan natin silang matutunan. Hindi sapat na kabisaduhin ang isang partikular na paksa
ngunit kailangan ng mas malalim na pag-unawa sa loob nito. Nakatulong ito sa amin na umunlad
at maging mas matalino. Ang pag-aaral ng mabuti ay ginagawang kapaki-pakinabang at
produktibo ang pag-aaral.
2. Ano kaya ang mangyayari kung hindi mo bigyang importansiya ang pag-aaral?
 Marami sa mga pangarap mo ang hindi matutupad
Aplikasyon
Habang may buhay, may pag-asa. Huwag manibugho sa kadiliman ng buhay, kung nakakaranas ng mga suliranin
at pagsubok sa buhay, laging tandaan na ang bawat araw na darating ay mayroong kasamang bagong pag-asa,
hindi pa huli ang lahat para maging maayos ang lahat.
Ebalwasyon
1. Sino ang nagtapon sa bangkay ng ama ni Ibarra sa ilog?

A. Sisa B. Padre Damaso C. Tinyente Guevarra D. Kapitan Tiago


2. Sino ang kura ng San Diego?

A. Padre Damaso B. Padre Salvi C. Padre Martin D. Kapitan Tiago


3. Sino ang lalaking kausap ni Crisostomo Ibarra habang sila ay nasa isang maraas na lugar?
A. Guro B. Pilosopo Tasyo C. Tenyente Guevarra D. Kapitan Tiago
4. Bakit nagtagpo sa gulod ng lawa si Crisostomo at ang guro?
A. Upang humingi ng payo ang binata sa guro
B. Upang maisalaysay ang nangyari kay Don Rafael
C. Upang matukoy ang kinaroroonan ng bangkay ni Don Rafael
D. Upang matukoy ang kalagayan ng edukasyon at mga suliranin sa pagtuturo
5. Ano ang kauna-unahang kailangan ng San Diego sa larangan ng edukasyon?
A. pondo B.bahay-paaralan C.lansangan D.taniman
Jessa E. Mendoza 9-Emerald 4/13/2023

NOLI ME TANGERE
Kabanata 20:

PULONG SA TRIBUNAL
Aktibidad
1. Kung kaya ay ipahanda ng isang piesta ano-ano ang mga gagawin Ninyo ipaliwanag sa ½ crosswise
Analysis
1. Ano-ano kaya ang mga plano ng mga matatanda upang maging maayos ang kapistahan?
Abtraction
1. Sa paanong paraan ipinakita ng kura ang kanyang kapangyarihan sa pulong ng tribunal gayong hindi naman
ito dumalo?
 Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang
kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at
isang komedya.
Aplikasyon
Kinakailangan talagang magpulong upang mailabas ang saloobin at kagustohan ng bawat kasapi ng grupo.
Ebalwasyon
1. Dalawang partidong nagpulong para sa kapistahan ng San Diego
A. Liberal & Conserbador B. Subersibo & Erehe C. Erehe & Liberal D. Conserbador &
Subersibo
2. Isang partido na binubuo ng mga matatanda o may edad na
A. Liberal B. Bulwagan C. Conservador D. Pulong ng Bayan
3. Magkano ang kabuoang badyet para sa pista.
A. Sandaan at limampung piso B. Sanlibong piso  C. Tatlong libo't limang piso D. Sanlibong piso
4. Ano-ano ang dalawang komedya na itatanghal sa pista.
A. Ang Paghahalal sa Kapitan at Maria Makiling
B. Ang Pilosopo at Maria Makiling
C. Noche Buena at Ang Paghahalal sa Kapitan
D. Noche Buena at Ang Pilosopo
5. Ano-ano ang mga balak ng kura para sa pista?
A. dalawang sermon, dalawang misa mayor, at anim na prusisyon
B. tatlong sermon, tatlong misa mayor, at anim na prusisyon
C. apat na sermon, apat na misa mayor, at anim na prusisyon
D. limang sermon, limang misa mayor, at anim na prusisyon

You might also like