You are on page 1of 39

PANIMULANG PANALANGIN

Panginoon maraming salamat po sa mga biyayang


ipinakaloob mo po sa amin. Bigyan mo po kami ng
karunungan Panginoon upang maunawaan at
maintindihan namin ang mga ituturo ng aming mga
guro.Patnubayan mo po kami sa lahat ng aming gagawin
sa araw na ito. Ito na lamang po ang aming samo’t
dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.
PAGTATALA NG MAG-AARAL
Pampasiglang Gawain
Panimula
VALUES EDUCATION

Quarter 3
FEBRUARY 2, 2024
ARALIN

Karapatang Pantao

QUARTER 3
Community Awareness
(Servitude)

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
LAYUNIN:
1.Natutukoy ang mga Karapatan ng tao. EsP9TT-IIa-5.1
2.Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa
pamilya, paaralan,barangay/pamayanan,o
Lipunan/bansa.EsP9TT-IIa-5.2
3.Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin. EsP9TT-IIb-5.3
4.Naisasagawa ang angkop na kilos upang pukawin ang kamalayan
ng kapwa Pilipino tungkol sa mga nasaksihan, naobserbahan o
napanood na paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya,
paaralan,barangay/pamayanan, o Lipunan/bansa. EsP9TT-IIb-5.4
Gawain 1: SPIN A WHEEL

Panuto:

 Magpapakita ang guro ng Spin a wheel gamit ang


ppt.presentation.
 Babasahin ng guro na lahat ng nakalagay sa wheel ito ay
mga tanong na may kaugnayan sa titik K o Karapatan.
 Kung saan ito huminto ay tatawag ang guro ng isang
mag-aaral upang ito ay sagutin.
Sino ang nagbigay sa iyo
ng

Maipaglalaban Ano ang iyong

K?
mo ba ang iyong

Kailan ka
mga

nagkaroon ng Para saan ang


iyong

SPIN
GABAY NA TANONG:

1. Madali mo bang nasagot ang mga tanong sa gawain?


2. Paano mo nagagamit ang iyong Karapatan?
3. Sa tingin mo, may nalalabag ba sa iyong Karapatan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawain 2: AWITIN NATIN

Panuto:
 Awitin
at unawain ang nilalaman ng awit na may
pamagat na
“IPAGLABAN”, na isinulat at inawit Rizal D. Samulde (1st
Prize Winner, 2018 CHR Karapatan Dapat Human Rights
Songwriting Contest)
GABAY NA TANONG:
1. Ano ang pamagat ng ating awitin?Sino ang kumanta
nito?
2. Ano ang mensaheng ipinararating ng awitin?
3. Bakit kailangan nating tulungang ipaglaban ang
Karapatan ng mga mahihina?
4. Bilang isang kabataan paano ka makatutulong sa iyong
kapwa na di kayang ipaglaban ang kanilang Karapatan?
Gawain 3:HANAPIN ANG KASINGKAHULUGAN

Panuto:

1. Basahin ang mga salita sa hanay A at piliin ang


kasingkahulugan nito na makikita sa hanay B.
2. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
HANAY A HANAY B
1. TAKIP-SILIM NA A. NAGTITIIS
2. MAALINSANGANG
HANGIN B. DIMAPAKALI
3. NAKIKISIMPATYA SA C. MAINIT
KALUNGKUTAN
D. DUMADAMAY
4. ALUMPIHIT SA HIGAAN
5. NAGTITILIW ANG PALAKA
E. DUMIDILIM NA
Susi ng pagwawasto:

HANAY A HANAY B
E 1. TAKIP-SILIM NA
A. NAGTITIIS
C 2. MAALINSANGANG HANGIN
3. NAKIKISIMPATYA SA B. DIMAPAKALI
D KALUNGKUTAN
C. MAINIT
4. ALUMPIHIT SA HIGAAN
B D. DUMADAMAY
5. NAGTITILIW ANG PALAKA
A
E. DUMIDILIM NA
Gabay na Tanong:

1. Mabilis mo bang nahanap ang salitang magkasingkahulugan


2. Bakit kailangang malaman mo ang kasingkahulugan ng salita.
3. Ano ang kaugnayan ng mga salitang ito sa ating pag-aaralan?
Gawain 4: PAGBASA NG MAIKLING KWENTO

Panuto:

1. Basahin ng tahimik ang maikling kwento tungkol sa karapatang


pantao na may pamagat na “LUHA NG KAHAPON” Akda ni Ian
Fiedalan.
2. Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng isang kopya ng babasahin, at
tahimik itong babasahin at uunawain sa inyong upuan.
3. Matapos ang pagbasa ay sagutin ang mga tanong upang tayahin ang
inyong pag-unawa tungkol sa inyong binasa. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA:
1.) Tungkol saan ang kuwento o akdang ito?
2.) Ano ang pangalan ng mga tauhan sa maikling kwentong iyong nabasa?
3.) Bakit hindi nakarating si Tandang Ador sa pagtatapos ni Arnel?
4.) Ano ang naramdaman ni Arnel nang malaman niya na patay na si Tandang
Ador?
5.) Makatarungan ba ang ginawa sa kanya ng mga sundalo na bumaril sa
kanya?Ipaliwanag.
6.) Anong Karapatan ang nilabag kay Tatang Ador?
7). Ano ang nilalaman ng sulat ni Tandang Ador para sa kanyang anak?
8.) Paano naintindihan ni Arnel si tandang Ador sa pagkamatay nito?
9.) Kung ikaw ang tatanungin dapat bang gayahin natin si Tandang Ador
kaniyang ginawang pakikipaglaban?Bakit?Ipaliwanag.
Gawain 5: Pagbasa ng nilalaman ng aralin

Panuto: Basahin Ang Karapatan
ang nilalaman ay ang kapangyarihang moral na
ng aralin.
gawin, hawakan,pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang
kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o
puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
Kaakibat sa Karapatan ng isang tao ang obligasyon ng
kaniyang kapuwa na igalang ito.Kapag nilabag ang
karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng
pagsisisi.
Mga Uri ng Karapatan-ayon kay Sto Tomas de Aquino
1. Karapatan sa buhay
-Ito ang pinakamataas sa antas ng mga Karapatan dahil kung wala ito,
hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang Karapatan. Halimbawa nito
sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera.Ang Karapatan ng fetus na
ipanganak, kaya ipinagbabawal ang sapilitang aborsyon ay binigyang
diin ni Papa Juan XXIII sa kanyang pahayag.Ang paggalang sa dignidad
ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng bawat buhay, kasama
ng mga taong nakapatay ng kanilang kapuwa.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian.
- Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan
niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa Lipunan.

3. Karapatang magpakasal
- May Karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar.
- Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o
tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng
trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang
panganib.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang
pananampalataya.
- May Karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na
makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang
pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay.
- May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay
ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan
upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang Karapatan? Bakit ito sinabing kapangyarihang
moral?
2. Saan nakabatay ang Karapatan?
3. Bakit kailangang ipagtanggol ng may determinasyon ang
karapatan sa buhay ayon sa pahayag ni Juan Papa XXIII?
Activity 6:PAGSUSURI NG SITWASYON
Panuto: PANGKATANG GAWAIN
1. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro isang sitwasyon,tatalakayin nila at
sasagutin ang sumusunod na tanong sa isang manila paper at iuulat ito
sa klase.
2. Piliin kung anong Karapatan ang nalabag sa sitwasyon.
PAMIMILIAN: MGA KARAPATANG NALABAG
A. Karapatan sa buhay E. Karapatang pumunta sa ibang lugar
B. Karapatan sa pribadong ari-arian F. Karapatang magtrabaho o
maghanapbuhay
C. Karapatang magpakasal
D. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
PANGKAT 1
SITWASYON 1
 Isang buwan ng kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa
nakaraang isang linggo, tatlong bahay sa kanilang kapitbahayan
ang inakyat ng magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso dahil
hindi niya kilala nang ganap si Ida. Inisip din ni Gng. Hermoso
na baka makipagkaibigan ang mga magnanakaw kay Ida at dahil
dito, baka pasukin din ang kanilang bahay kapag siya lang ang
tao rito. Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag ng palabasin ng
bahay si Ida, kahit bumili sa tindahan sa loob ng subdivision.
TANONG:
1. Anong Karapatan ang nilalabag sa ating pagunahing tauhan.
2. Tama bang ipaglaban niya ang kanyang Karapatan.
3. Ano ang iyong mungkahing solusyon upang hindi malabag ang iyong karapatan?.
PANGKAT 2
SITWASYON 2
 Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Jean sa kaniyang ina na
mag-aasawa na siya. Napagtapos na niya ang kaniyang
dalawang kapatid at nasa Junior High School na ang bunso.
Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang magtapos
ang huli bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng
kaniyang ina.

TANONG:
1. Anong Karapatan ang nilalabag sa ating pagunahing tauhan.
2. Tama bang ipaglaban niya ang kanyang Karapatan.
3. Ano ang iyong mungkahing solusyon upang hindi malabag ang iyong karapatan?.
PANGKAT 3
SITWASYON 3
 Inilabasng United Natios ang planong Sustainable Development na
may bisa hanggang 2030. Isa sa mga tunguhin nito ang pagbibigay
permiso sa lahat, kasama ang Kabataan, sa karapatang sekswal at
pagpapadami (reproductive). Hindi binanggit sa dokumento ang
aborsyon bilang resulta ng mga karapatang ito. Hinihingi ng UN ang
suporta ng mga lider ng mga bansa para sa pagpapatupad ng
planong ito.
TANONG:
1. Anong Karapatan ang nilalabag sa ating pagunahing tauhan.
2. Tama bang ipaglaban niya ang kanyang Karapatan.
3. Ano ang iyong mungkahing solusyon upang hindi malabag ang iyong karapatan?.
PANGKAT 4
SITWASYON 4
 Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangailangan
siya ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo niya sa mga
ito at libre ang pagkain nila lalo na kapag may ovetime na trabaho. Ngunit
ng nagkatampuhan si Aling Delia at ang kaniyang asawa, nagpasiya itong
bumili ng condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila.
Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at
hindi pa nila ito natatanggap sa takdang araw.

TANONG:
1. Anong Karapatan ang nilalabag sa ating pagunahing tauhan.
2. Tama bang ipaglaban niya ang kanyang Karapatan.
3. Ano ang iyong mungkahing solusyon upang hindi malabag ang iyong karapatan?.
PANGKAT 5
SITWASYON 5
 Nagtatrabaho bilang isang sales Lady sa isang mall si Jessa,
bago iyong ay aktibo siyang dumadalo sa lahat ng Gawain ng
kanilang simbahan.Para sa kanya ang araw ng linggo ay para sa
pagsamba sa Panginoon, ngunit dahil sa kanilang trabaho ay
bawal na lumiban sa pagpasok, kayat sinabihan siya ng kanyang
supervisor na wag na muna siyang sumimba tuwing linggo.

TANONG:
1. Anong Karapatan ang nilalabag sa ating pagunahing tauhan.
2. Tama bang ipaglaban niya ang kanyang Karapatan.
3. Ano ang iyong mungkahing solusyon upang hindi malabag ang iyong karapatan?.
PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT

SITWASYON 1

SITWASYON 5 SITWASYON 2
MGA URI NG KARAPATANG
NILALABAG

SITWASYON 4 SITWASYON 3
PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT

Karapatang pumunta
sa ibang lugar
SITWASYON 1
Karapatang
sumamba
o ipahayag
ang SITWASYON 5 Karapatang
SITWASYON 2
pananampa MGA URI NG KARAPATANG magpakasal
lataya NILALABAG

Karapatang magtrabaho
o maghanapbuhay SITWASYON 4 SITWASYON 3
Karapatan sa buhay
Gabay na tanong:

1. Bakitmaituturing na paglabag sa Karapatan ng


bawat tauhan ang inilalarawan sa bawat
sitwasyon?
2. Ano-ano ang maaaring gawin ng mga Kabataang
kasing edad mo upang pukawin ang kamalayan ng
kapuwa Pilipino sa mga paglabag na ito?
Gawain 7: PANOORIN ANG MAIKLING PALABAS/VIDEO
Sagutin ang gabay na tanong:
1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga karapatang pantao?
2. Ano ang mahalagang mensahe ng ating napanood?Ipaliwanag.
3. May magagawa ka ba sa malawakang paglabag sa mga karapatang
pantao batay sa ipinakita sa palabas?
4. Paano mo maipaglalaban ang iyong Karapatan bilang isang kabataan?
Gawain 8: Essay Writing/Pagsulat ng Sanaysay.

Panuto:

1. Batay sa inyong pinanood video,sumulat ng isang sanaysay na


may pamagat na “Karapatan mo bilang tao kung paano mo
ipaglalaban ang iyong Karapatan”. Gawin ito sa isang
buong papel.
Repleksyon/Pagninilay:

Ano ang iyong natutunan sa natapos na aralin.Isulat ang


iyong sagot sa iyong kwaderno

Repleksyon:
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
______________________________________________
Pangwakas na Salita

 “Hindi maaaring ang Karapatan ng isang tao ay para lamang sa


kaniyang sarili. Magiging makabuluhan lamang ito kung makikita ang
kaugnayan nito sa Karapatan ng iba at ang katungkulang labanan at
tutulan ang mga paglabag sa mga karapatang ito.”
Binabati kita at natapos mo ang unang aralin ng
Edukasyon sa Pagpapakatao sa Catch-up Friday ng Q3.

You might also like