You are on page 1of 4

ANG BUHAY

ni: Amado V. Hernandez

May isang dalagang maganda at marilag


lahat ng nasa’y natatamong lahat:
Subalit nang minsang imutin ng liyag;
ay lason ang naging kanyang pahimakas.

May isang lalaking marunong at bantog,


halos pati langit ay kanyang naabot;
Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok,
sa sariling buhay, punlo ang lumagot.

May isang matandang mistula nang pagong,


hindi kayang dalhin ang bigat ng taon;
Tuwing magdarasal sa mahal na Poon,
mahabang buhay pa ang ibinubulong.

Kabalintunaan ang buhay sa mundo,


paruparo’y halos mamatay sa bango;
Ngunit sa libingan, sa tuntungang bato
namulaklak pa ang kawawang damo.

May buhay na ilan ang nakakawangki,


malawak ang tigang sa anumang binhi;
May buhay na tulad ng kanaryong munti,
matamis ang awit sa bawat sandali.

Karaniwang tao ay buhay-alamang,


ngunit magiting ding nagsasapalaran
binibigyang matuwid na ang asong buhay
higit na mabuti kaysa sa asong patay.

Madaling isilang ang tao sa mundo,


madaling mabuhay ang masamang damo;
subalit ang laging bilin ng nuno ko
“Atong, sikapin mong ika’y maging tao.”
I. Sagutin ang mga tanong:
1. Ano- ano ang mga damdaming inilahad ng awtor sa kaniyang tula?
2. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa buhay ng mga tauhan sat ula ang iyong nanaisin? Patunayan.
3. Ano-anong Magandang kaugalian ang binanggit sat ula? Nakikita pa rin ba ang mga ito sa
kasalukuyan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
4. Ano-anong isyung panlipunang tinalakay sat ula ang makiki pa rin sa kasalukuyan?

II. Ang PAYAK na salita ay ang mga salitang-ugat ng isang salita. Ito ay walang panlapi, hindi
inuulit, at walang kakambal na ibang kahulugan.
-Mula sa bawat pahayag, tuluyin ang payak na salita at panlaping ginamit mula sa salitang
may salungguhit.
Mga Pahayag Payak na Salita Panlaping Ginamit
1. Kaniyang nagging
pahimakas
2. Bumagsak sa
pagtatampok
3. Usad-uod sa pagdaralita
4. Langit kaniyang naabot
5. Ilang ang nakakawangki

III. Ipaliwanag ang pahayag na “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”

IV. Tukuyin ang mga tauhan at ang katangian ng bawat isa sa tulang binasa. Isulat ang sagot sa
talahanayan.

TAUHAN KATANGIAN
a.
b.
c.
d.
 Ang isang teksto ay nagtataglay ng mahahalaga at tiyak na mga detalye tungkol sa mga
bagay, tao, hayop, lugar at pangyayari. Napapalawak ang paksa sa pamamagitan ng
mga ideyang sumusuporta dito upang mas maging malinaw at madaling maintindihan
ang nais ipahatid sa mga mambabasa.
 Nahahati sa dalawa ang teksto: ito ay ang pangunahing kaisipan at ang isa ay
pantulong na kaisipan na nagsasabi o di kaya’y sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
PANGUNAHING KAISIPAN – ang pangunahing kaisipan na tumutukoy sa pangunahing diwa ng
teksto ito ang nagbibigay pahiwatig kung saan ang pag-unawa sa binasa. Kadalasan nakikita ito sa
una, gitna at huling talata.
Halimbawa:
 Ang tao ay espesyan na nilikha ng Diyos . Kung ating ihahambing nga sa iba pang nilikha ng
Diyos sa daigdig, walang pag-aalinlangang na ang tao ay nakakahigit sa lahat. Ito rin ay
mababatay sa antas ng pag-iisip ng utak.
 Bilang isang estudyante sa kolehiyo, kailangang matutong magsikap mag-isa dahil walang
tutulong kundi ang sarili. Ang buhay kolehiyo ay sadyang napakahirap. Kailangan rin talagang
magsunog ng kilay para makakuha ng mataas na marka.
 Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang hanggang sa paglaki. Pinag-aaral
niya tayo para sa ating kunabukasan. Bilang ganti, dapat nating siyang mahalin at maging
mabuting anak. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan.

PANTULONG NA KAISIPAN – ang nagbibigay paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang


pangungusap.

Mga Paraan ng Pagbibigay ng detalye sa Pagbuo ng Pantulong na Kaisipan


1. Gumamit ng impormasyon na maaring mapatotohanan
Hal.
Pamaksa: Nanganganib lumubog ang Kalakhang Maynila sa darating na taon.
Pantulong: Tuwing umuulan binabaha na ang Maynila.
2. Gumamit ng mga istadistika
Hal.
Pamaksa: Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang bumubuti.
Pantulong: Sa nakaraang buwan, umakyat ng 2 puntos 5 bahagdan ang Gross
Domestic Product ng ating bansa.
3. Gumamit ng halimbawa
Hal.
Pamaksa: Maraming kabataan ang nalulung sa iba’t ibang bisyo.
Pantulong: Ang ilan sa mga ito’y paninigarilyo, pagsusugal, at paggamit ng bawal na
gamot.
Panuto: Ano-anong kaisipan ang inilahad ng awtor sat tula? Isulat sa loob ng graphic organizer
ang iyong sagot.

‘;
ANG BUHAY

Pangunahing Kaisipan

Pantulong na Kaisipan Pantulong na Kaisipan Pantulong na Kaisipan

You might also like