You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao

1
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Karapatan at Tungkulin

2
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan, Modyul 1: Karapatan at Tungkulin
Unang Edisyon, 2020

Isinaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipa sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang malang pahintulot sa Kagawaran..

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Writer: Genellyn C. Dela Cruz
Editor: Maria Carol T. Reyes
Language and Social Content: Joel Valdez
Alexander Geronimo
Windy Serrano
Irene Salvador
Technical Aspect: Alexander Barasi
Cherry Grace Amin
Alexander Geronimo
Consultants: Ruby B. Maur
Marites L. Llanes
Alfredo B. Gumaru Jr.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Schools Division of
Cauayan City- Region 02
Office Address: Barangay Turayong, Cauayan City, Isabela
Telephone Nos.: (078) 652- 1614
Email Address: cauayancity@deped.gov.ph

3
Alamin
“With great power comes great responsibility.” Anong kapangyarihan ang
tinutukoy sa pahayag na ito ni Stan Lee, ang manunulat ng komiks na Spiderman
at ni Francois-Marie Arouet, mas kilalang Voltaire,
noong ika-19 na siglo? Anong pananagutan ang
tinutukoy sa pahayag? Saan nakaankla ang
kapangyarihang ito?

Sa modyul na ito, pag-iisipan mo ang


karapatan at kaakibat nitong tungkulin. Mahalagang
maunawaan mo ito upang makilala mo sa
makabuuang paraan ang tungkulin ng tao sa
lipunan at ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad
nito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao.

https://www.google.com/search?q=advice+love+family
Gabay ng isang babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa
modyul na ito ang mga Mahalagang Tanong na: Ano ang dapat gawin ng tao
upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan? Bakit moral na
gawain ang pagtupad ng tungkulin? Ano-ano ang dalawang obligasyon na
kaakibat ng karapatan ng isang tao?

PAMANTAYANG PANG NILALAMAN:


Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga karapatan at tungkulin
ng tao sa lipunan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naisasagawa ng magaaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1)

2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,


paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

4
Subukin
Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang
sagot.

1. Ano ang tinutukoy na kapangyarihang moral na gawin, hawakan,


pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang
estado sa buhay?
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad
2. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na
Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
A. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral
B. Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin
C. Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan
D. Kung may karapatan, ipaglaban mo
3. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na
mapangalagaan ang kaniyang sarili?
A. Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa
pag-aaral.
B. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa
paligsahan
C. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging
masaya palagi.
D. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang
mapangalagaan ang kaniyang pagkatao.
4. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan)
ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
A. Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao
B. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral
C. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao
D. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito
tinututupad
5. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng
kapuwa
B. Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong
sa kanila
C. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating
nararapat dahil tayo ay may karapatan at dignidad bilang tao
D. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating
obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas
Moral

5
6. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa
ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang makapagtrabaho o maghanapbuhay
7. May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa
kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa
Diyos at kapuwa.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang makapagtrabaho o maghanapbuhay
8. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar
na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa
anomang panganib.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
9. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-
arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang makapagtrabaho o maghanapbuhay
10. Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in
Terris ay masasalamin sa:
A. Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
B. Pacem in Terris
C. Likas na Batas Moral
D. Pangkahalatang Pagpapahayag ng mga Tungkulin ng Tao

6
Aralin

1 Karapatan at Tungkulin

Balikan
Sa Unang Markahan, natutuhan mo ang mahalagang papel mo sa
lipunang iyong ginagalawan at mga pagpapahalagang kailangan mong hubugin
sa iyong sarili tungo sa kabutihang panlahat. Sa modyul na ito, gagabayan ka
na mauunawaan mo ang iyong mga karapatan at tungkulin upang magiging
mapanagutan ka sa iyong mga kilos sa bawat yugto ng iyong pagkatao. Alam mo
ba ang iyong mga karapatan? Ano ang mga tungkulin na dapat mong
gampanan? Malaki ang maitutulong sa iyo ng araling ito.

Tuklasin

Gawain 1: “Ang aking mga karapatan at tungkulin...”


Bilang isang panlipunang nilalang, bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaron ng
karapatan at tungkulin. Ano-ano kaya ang mga karapatan at tungkuling ito ng
tao?

Panuto: Sa unang bahagi, magsulat ng anim na itinuturing mong karapatan. Isulat


ang mga ito ayon sa lumabas sa iyong isip. Pagkatapos, iranggo mo ito - 1 ang
pinakamahalaga at 6 ang pinakahuli. Sa pangalawang bahagi, magsulat naman ng
anim na itinuturing mong tungkulin. Pagkatapos, iranggo mo itong muli.

UNANG BAHAGI

Aking mga Karapatan Ranggo (1-6)


a.
b.
c.
d.
e.
f.

7
IKALAWANG BAHAGI
Aking mga Tungkulin Ranggo (1-6)
a.
b.
c.
d.
e.
f.

MGA PAMANTAYAN SA ISAHANG GAWAIN


Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon- 10 puntos
Presentasyon- 5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.


a. Batay sa iyong mga sagot sa talahanayan, ano ang karapatan para sa iyo?
Ano naman ang tungkulin?
b. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan at
tungkulin bilang tao? Patunayan.

Suriin

Karapatan at Tungkulin
Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita
ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?

Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng


tao. Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay niya sa kaniyang
kapuwa ay ang taglay niyang dignidad. Nag-uugat ang dignidad na ito sa kaniyang
kakayahang mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-tangi. Ano naman
ang batayan ng pagiging pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano ba ang
karapatan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan,


pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado
sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa
na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya
sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa
na igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin
ng pagsisisi.

8
Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao
lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang
ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin.

Nakabatay ang mga karapatan sa Likas na Batas Moral na tatalakayin sa


susunod na modyul. Ito ang batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang
lipunan o pamahalaan. Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao
na igalang ang mga karapatan ng isang tao.

MgaUri ng Karapatan

Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa.


May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inelienable) ayon kay Santo Tomas
de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng
mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at maghanapbuhay.

1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil


kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat
itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa
panganib. Halimbawa, sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera, kailangang
bigyan ng pagkain ng may-ari ng grocery o tindahan sa palengke ang taong
nagugutom. Ipinakita dito na nalilimitahan ng karapatan sa buhay ang
karapatan sa pribadong ari-arian. Kapag hindi nakatugon sa
pangangailangang ito ang may-ari ng grocery o tindahan, magkakaroon siya ng
bigat ng konsensiya.

Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipinanganak, kaya ipinagbabawal


ang sapilitang aborsyon. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kaniyang
pahayag:

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng


karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay
labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa
buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa
lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may
mataas na antas na determinasyon (Pacem in Terris).

Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng


bawat buhay, kasama ng mga taong nakapatay sa kanilang kapuwa.

2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito


dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang
dako, magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung naaapi o
naaagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.

3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa


pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na
kailangang humingi ang slave ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapag-
asawa. Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng

9
kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang
mapangalagaan siya sa anomang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-
aasawa ang mga may nakahahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay pa
rin nila ang karapatang magpakasal.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang


lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng buhay o ligtas sa anomang panganib, tulad ng paglikas ng mga
taga-Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic
State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinarurusahan
o binibilanggo nang walang katarungan.

5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang


bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad
ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi
maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na
relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.

6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o


pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May
karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay
batay sa kanilang pangangailangan.

Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “Kapayapaan


sa Katotohanan” Pacem in Terris:
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang
pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito

Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in


Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
(Universal Declaration of Human Rights). Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng
Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas at hindi maaalis na
karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan,
katarungan, at kapayapaan sa buong mundo. Saan nagsisimula ang mga
karapatang pantao? Narito ang sagot ni Eleanor Roosevelt, pinuno ng pangkat na
bumuo ng Deklarasyon:

10
Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao
– sa maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan
niya, sa factory, sakahan, o opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga
lugar kung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o bata ang pantay na
katarungan, oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung walang
kabuluhan ang mga karapatang ito sa mga lugar na iyon, wala ring kahulugan ang
mga ito sa anomang bahagi ng mundo. Kung walang nagkakaisang kilos ang mga
mamamayan upang itaguyod ang mga karapatang ito sa mga lugar na nabanggit,
mahihirapan tayong matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral

Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin?


Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang
gawain. Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob
ng tao. Kaya tulad ng karapatan, ang subheto ng tungkulin ay tao lamang. Tulad
ng karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang mga tungkulin. Kaya
kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti.
Kasama ito sa pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin
dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan (Dy, 2013).
Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat
sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

Binigyang-diin ito ni Max Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa


pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang
kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong
panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas. Halimbawa,
kailangan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng Parent Teachers and Community
Association at baranggay upang maisagawa ang medical mission ng mga
boluntaryong magulang. Tulad ng binanggit sa Modyul 2, kailangan ang
pananagutan ng indibidwal na kasapi ng lipunan na maging mabuting kasapi sa
pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mahalagang gawain. Kung hindi,
hindi rin matutupad ng pamahalaan ang mga obligasyon nito sa mga mamamayan.

Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na


tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan:

1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang


kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at
kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang talento at kakayahan –
sa aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o
pumunta sa ospital kung kailangan. Kailangang iwasan ang mga isport na
mapanganib, na maaaring humantong sa kamatayan tulad ng car racing,
wrestling, o boxing.

11
Mahalaga ang patuloy na pag-aaral o pagkuha ng kurso na makatutulong
upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay. Kailangan
din ang paglinang ng mga birtud sa pamamagitan ng pauli-ulit o palagiang
pagsasagawa ng mga bagay na makatutulong sa paglampas sa mga
pansariling kahinaan.

2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at


palaguin ang anomang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang
kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa
mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o
pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.

3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang


pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.
Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa
eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at
pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng
pamahalaan at estado ang karapatang ito sa pamamagitan ng batas na nag-
iingat sa karapatan ng asawang babae at mga anak sa abusadong asawang
lalaki.

4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga


pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin
ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga
ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na


igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga
relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang
na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang paggalang
sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na


magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anomang
gawain.

Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin,


nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang walang ginagawa.
Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung may
inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga empleyado sa
diyalogo sa kompanya o arbitration.

12
Pagyamanin

Gawain 2: “Pagpapahalaga sa Karapatan at Tungkulin”


Panuto: Batay sa tinukoy mong anim na karapatan at tungkulin sa Gawain 1,
isulat sa tapat ng bawat karapatan at tungkulin kung paano mo ito
pinahahalagahan.

Aking mga Karapatan Paano ko ito pinahahalagahan?


a.
b.
c.
d.
e.
f.
Aking mga Tugkulin Paano ko ito pinahahalagahan?
a.
b.
c.
d.
e.
f.

MGA PAMANTAYAN SA ISAHANG GAWAIN


Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon- 10 puntos
Presentasyon- 5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

Isaisip

Gawain 3: “Pik- tuklas!”


Ang mga sumusunod ay larawang nagpapakita ng iba’t- ibang karapatan.
Panuto: Tukuyin kung anong karapatan ang ipinapakita sa larawan at magsulat ng
halimbawa ng paglabag dito.

1. Karapatan: ___________________________

Paglabag: _____________________________

https://www.google.com/search?q=karapatang+maipanganak+clipart

13
2. Karapatan: ___________________________

Paglabag: _____________________________

https://www.google.com/search?q=life+goals+car+house+money

3. Karapatan: ___________________________

Paglabag: _____________________________

https://www.google.com/search?q=karapatang+magpakasal

4. Karapatan: ___________________________

Paglabag: _____________________________

https://www.google.com/search?q=passport+travel+goals

5. Karapatan: ___________________________

Paglabag: _____________________________

https://www.google.com/search?q=relihiyon+sa+pilipinas

6. Karapatan: ___________________________

Paglabag: ____________________________

https://www.google.com/search?q=mga+trabaho+sa+pilipinas

14
Isagawa

Gawain 4: “Paglabag sa Karapatang Pantao”


Bilang tao, tayo ay may mga karapatan. Ngunit may mga pagkakataon na ito
ay nalalabag. Kaya naman, magbigay ng halimbawa ng paglabag sa karapatang
pantao sa apat na aspektong ito – Pamilya, Paaralan, Barangay/ pamayanan, at
Lipunan/ bansa.

Mga Paglabag sa Karapatang Pantao

PAMILYA: PAARALAN:

BARANGAY/ PAMAYANAN: LIPUNAN/ BANSA:

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO:
KRAYTIRYA/ 4 3 2 1
PUNTOS
Natukoy ang mga Natukoy ang Natukoy ang Natukoy ang Isa lamang
pangyayaring lima o higit apat o dalawang ang natukoy
paglabag sa pang tatlong pangyayaring na
karapatang pantao pangyayaring pangyayaring paglabag sa pangyayaring
sa bahay, paglabag sa paglabag sa karapatang paglabag sa
paaralan, lipunan karapatang karapatang pantao. karapatang
at bansa. pantao. pantao. pantao.

Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop


Kaangkupan angkop ang mga angkop ang ang mga
mga halimbawang mga halimbawang
halimbawang ibinigay. halimbawang ibinigay.
ibinigay. ibinigay.
Kabuuang puntos:

15
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang
sagot.

1. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na


Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
A. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral
B. Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin
C. Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan
D. Kung may karapatan, ipaglaban mo
2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan)
ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
A. Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao
B. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral
C. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao
D. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito
tinututupad
3. Ano ang tinutukoy na kapangyarihang moral na gawin, hawakan,
pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang
estado sa buhay?
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad
4. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na
mapangalagaan ang kaniyang sarili?
A. Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa
pag-aaral.
B. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa
paligsahan
C. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging
masaya palagi.
D. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang
mapangalagaan ang kaniyang pagkatao.
5. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng
kapuwa
B. Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong
sa kanila
C. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating
nararapat dahil tayo ay may karapatan at dignidad bilang tao
D. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating
obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas
Moral

16
6. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar
na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa
anomang panganib.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
7. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-
arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang makapagtrabaho o maghanapbuhay
8. Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in
Terris ay masasalamin sa:
A. Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
B. Pacem in Terris
C. Likas na Batas Moral
D. Pangkahalatang Pagpapahayag ng mga Tungkulin ng Tao
9. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa
ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang makapagtrabaho o maghanapbuhay
10. May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa
kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa
Diyos at kapuwa.
A. Karapatan sa pribadong ari- arian
B. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatang makapagtrabaho o maghanapbuhay

Karagdagang Gawain
Gawain 5: “Nangangako Ako!”
Panuto: Gumawa ng isang ng isang pangako ng pagtupad sa tungkuling kaakibat
ng mga karapatang mayroon ka. Isulat ito sa isang magandang papel.

MGA PAMANTAYAN SA ISAHANG GAWAIN


Nilalaman – 5 puntos
Organisasyon- 5 puntos
Presentasyon- 5 puntos
Kabuuan - 15 puntos

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag -
aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City. Accessed May
27, 2020
Dean, Mary Elizabeth. 2020. Advice,Love, Family What it is, What it looks like and
how to make it happen. n.d. www.google.com. Accessed May 27, 2020.
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Gabay sa
Pagtuturo. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul para sa
Mag-aaral. Unang ed. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon,
2015. Accessed May 27, 2020
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa
Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng
Edukasyon, 2016. Accessed May 27, 2020
Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the
National Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa
Pagpapakatao, Guimaras Province, May 6, 2019.

https://www.google.com/search?q=karapatang+maipanganak+clipart&tbm=isch&ved=2ah
UKEwjlkvzC36TtAhWJAKYKHeY8CnEQ2-
cCegQIABAA&oq=karapatang+maipanganak+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1CAzwFY7NoBYL3
cAWgAcAB4AIABgwGIAYoFkgEDNy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img
&ei=QADCX-XyOYmBmAXm-
aiIBw&bih=657&biw=1366&rlz=1C1GGRV_enPH808PH808#imgrc=mCfp3mTEiqSemM
Retrieved December 1, 2020

https://www.google.com/search?q=life+goals+car+house+money&tbm=isch&hl=en&rlz=1C
1GGRV_enPH808PH808&sa=X&ved=2ahUKEwj92a6lqqrtAhU2x4sBHUi-
BrMQrNwCKAB6BQgBELgC&biw=1349&bih=600#imgrc=NgGtziT4ZE7aeM
Retrieved December 1, 2020

https://www.google.com/search?q=karapatang+magpakasal&tbm=isch&ved=2ahUKEwj27b
muqqrtAhVKXpQKHW_GAwkQ2-
cCegQIABAA&oq=karapatang+mag&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIIxAnMgQIIxAnMgIIADICC
AAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BQgAELEDOgQIABBDOgcIABCxAxBDOggIABC
xAxCDAVC7yQRYu9gEYNXmBGgAcAB4AIABfIgBwAmSAQQxMC40mAEAoAEBqgELZ3dzLX
dpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=0e3EX7bBEMq80QTvjI9I&bih=600&biw=1349&rlz=1C1G
GRV_enPH808PH808&hl=en#imgrc=khH91o_b1Sg0NM Retrieved December 1, 2020

https://www.google.com/search?q=passport+travel+goals&tbm=isch&ved=2ahUKEwihm63
rqqrtAhVYy4sBHSSSAJQQ2-
cCegQIABAA&oq=pass&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIA
BBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDOgUIABCxAzo
CCABQmIkBWKiNAWCJmgFoAHAAeACAAWCIAdYCkgEBNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW
1nwAEB&sclient=img&ei=UO7EX6GzPNiWr7wPpKSCoAk&bih=600&biw=1349&rlz=1C1GG
RV_enPH808PH808&hl=en#imgrc=rTrsDxnAscnoPM Retrieved December 1, 2020

19
https://www.google.com/search?q=relihiyon+sa+pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwji48v1
qqrtAhVLfpQKHeB1AMwQ2-
cCegQIABAA&oq=relihi&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAg
gAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoECAAQQzoHCAAQsQMQQzoICAAQsQMQgwFQw_
8BWLKHAmDTkwJoAHAAeACAAZ0BiAGsBJIBAzUuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nw
AEB&sclient=img&ei=Zu7EX-
KYHMv80QTg64HgDA&bih=600&biw=1349&rlz=1C1GGRV_enPH808PH808&hl=en
Retrieved December 1, 2020

https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+trabaho+sa+pilipinas&rlz=1C1GGRV_e
nPH808PH808&sxsrf=ALeKk01lMiyRyyl8OxJkuWhr6DAqHjWExw:1607925706248&source
=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiF266E5sztAhXP3mEKHbFJCJsQ_AUoAXoECBIQA
w#imgrc=t18oyAO2HAyBLM Retrieved December 1, 2020

20

You might also like