You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est for P rogress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 13
Mga Isyung Moral sa Buhay

Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon: _____
Paaralan: ________________
_
ALAMIN

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ISYU ? Anu-ano ba ang ibat-
ibang Isyu na makakaapekto sa ating moral na pagpasiya?Lahat ng mga ito
ay masasagot sa pamamagitan ng mga modyul sa markahan na ito. Ating
simulan sa patalakay ng isyu na malaki ang kinalaman sa ating pagiging
tao:Mga Isyung Moral Tungkol sa BUHAY.

Sa modyul na ito ,inaasahan na makakamit ng kabataang tulad mo ang


malalim na pag-unawa sa ibat-ibang mga pananaw kalakip ng mga ISYU
sa buhay na nasa huli ay makabuo ka ng pagpasiyang papanig sa kabutihan.

a.Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa Batas ng Diyos at sa kasagradu-


han ng buhay.
EsP10PS-IIa-5.1
b.Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan
ng buhay EsP10PS-IIa-5.2

Paunang Pagtataya

Panuto:Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag, Piliin ang


pinakawastong sagot at bilugan ito; 1.Ano ang isyung
moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng fetus
o sanggol na hindi maaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa
labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwkal
2.Anong mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang
mga panig o posisyon na makasalungat at nangangailangan ng mapanuring
pag-aaral ?
a.Balita b.Isyu c.Kontrobersiya d. Opinyon
3.Sa pahayag na “ limitado lamang ang bilang ng Lifeboat at hindi lahat
Makagamit nang sabay-sabay .Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak
Kanilang kaligtasan “ ano ang dapat na maging kaisipan ng taong may
hawak ng lifeboat?
a.Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.
b.Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng
sasagipin.
c.Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa
lipunan.
d.Mahalaga ang edad sa pagsaalang-alang sa pagpili ng sasakay sa
lifeboat.
4.Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung
iuugnay sa kasagraduhan ng buhay?

2
a.Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan
ng buhay.
b.Dahil nagbigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay
.
c.Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa
buhay.
d.Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga ng buhay.
5.Dahil sa isip at kilos-loob,inaasahan na ang tao ay makabubuo
ng mabuti at matalinong posisyon sa kanila ng iba’t-ibang isyung
moral na umiiral sa ating lipunan.Ang pangungusap na ito ay:
a.Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo
sa kabutihan.
b.Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang
gumawa, kumilos,pumili,at magmahal.
c.Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang
paghusga,
gawi, at kilos.
d.Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin ,alamin,unawain,at
ipaliwanag ang katotohanan sa kaniyang paligid.
6.Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak
maliban sa :
a.Nagpapabagal ng isip c.nagiging sanhi ng iba’t-ibang sakit
b.Nagpapahina ng Enerhiya d.Nababawasan ang kakayahan sa
pakikipagkapwa
7.Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng
paaralan.Dahil dito,naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng
ipinagbawal na gamot .Hindi nagtagal nakagawa siya ng mga bagay na hindi
inaasahan tulad ng pagnanakaw.Marami ang nalungkot sa kalagayan niya
sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata.Ipaliwanag ang naging
kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at kilos-loob ni
matteo at sa kaniyang maling pagpapasiya.
a.Ang isip ay nagiging “blank spot,’’ nahihirapang iproseso ang iba’t ibang
impormasyon na dumadaloy dito-sanhi ng maling kilos at pagpapasiya.
b.Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag-abuso
rito at di pag-ayon ng kilos-loob sa pagpapasiya.
c.Ang isip at kilos-loob ay hindi natugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at
matalinong pag-iisip.
d.Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humadlang
sa paggawa nito ng kabutihan.
8. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit
niya upang makamit niya ang kaganapan bilang tao.
b.Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang
nilikha ayon sa likas na Batas Moral.
c.May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga
katotohan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
d.May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at
magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba pang nilikha

3
9. Anong proseso ang isinagawa modernong medisina upang wakasan ang
buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d. Lethal
injection

10. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo
dapat mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan
ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraang mabigat na
suliranin .Ano ang mahalagang diwa ng isinasaad ng pahayag?
a. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraan ng tao sa
kaniyang kasalukuyang buhay.
b.May resposibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.
kabigat ang pinagdaanan.
c.Hindi sagot ang mga pinagdaraang suliranin upang magpasiyang
magpatiwakal.
d.Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man

BALIKAN
Sa nakaraang modyul nalaman mo ang iba’t-ibang pagpahalagang
moral na makatulong upang ikaw ay makapagpasiya at makakilos tungo
sa makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos , sa kapwa, sa
bayan at kapaligiran.

GAWAIN 1: PAKIKIPAG-UGNAYAN AY KABUTIHAN!


Panuto: Punan ang Tsart ng tiglimang sagot kung anu-anong pakikipag-
ugnayan na kabutihan ang iyong nagawa bilang isang tao:

PAKIKIPAG- PAKIKIPAG-UGNAYAN PAKIKIPAG- PAKIKIPAG-UNAYAN


UGNAYAN UGNAYAN
SA KAPWA SA KAPALIGIRAN
SA DIYOS SA BAYAN
1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

3. 3. 3. 3.

4
4. 4. 4. 4.

5. 5. 5. 5.

1. Ano ang iyong naramdaman habang ginawa mo ang gawain?


Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos,sa kapwa, sa bayan,at sa
kapaligiran ay nakatulong ba sa iyo bilang isang tao? Sa anong
paraan ka nakikipag-ugnayan

TUKLASIN

GAWAIN 1:Panuto: Gumuhit ng tig-aapat na mga


larawan sa tsart na nasa ibaba ukol sa mga Isyu ng buhay at
punan ng mga salita ang nasa patlang;

A__OR__I__ON E__TH___N___S___A

P__GG__M__T N__ D__G___ P__G__P__P__T__W__K__L

5
Mga Tanong:

1.Anu-ano ang mga isyu sa buhay ang iyong naiguhit?


2.Alin sa mga Isyung ito ang madalas mong nababasa at
naririnig na pinag-uusapan ?Bakit?3.Kung ikaw ang tatanungin
,bakit sinasabing mga isyu sa buhay ang mga gawaing ito?
Ipaliwanag ang sagot.

Gawain 2 ISYU MO,ISYU KO,ISYU NATING LAHAT


Panuto:

1.Sa iyong sagutang papel ,isulat ang mga kaalaman sa mga isyung
nabanggit sa gawain 1

2.Itala ang ibat-ibang isyu tungkol sa buhay na nagganap sa


iyong paligid.

Aborsiyon
Euthanasia

ISYU

Alkoholismo
Paggamit
ng Droga

Pagpapatiwakal

6
3.Ano ang nadarama mo tuwing pinag-uusapan ang mga Isyung ito?
4.Paano nakakaapekto sa buhay ng tao ang mga sumusunod na Isyu?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

SURIIN

Gawain 3: ISYU KO,ISYU MO,ISYU NATING LAHAT

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap kung anong uri ng ISYU
na nagpapakita ng iba’t-ibang sitwasyon ,katulad
pagpapatiwakal,aborsiyon,Euthanasia,paggamit ng Droga, at alkoholismo.
Isulat sa hulihan ng pangungusap kung anong uri ng isyu o sitwasyon:

1.Naging biktima ng rape si Jodi,sa kasamaangpalad ay


nagbunga ang nangyari sa kanya at ito’y kanyang
ipinalaglag._____________________
2.Naging lantang gulay ang buhay ni Agnes simula ng
maaksidente ito,at siya ay nilagyan ng life support system upang
madugtungan ang buhay pero wala na itong pag-asa pang
mabalik sa normal ang buhay,ayon sa doktor,kaya
napagpasiyahan ng mga kamag-anak na kitlin nalang ang
kaniyang buhay.____________________
3.Nagpakamatay si Marco sa pamamagitan ng pagbigti dalawang
buwan pagkatapos ng kaniyang ikalabing anim na taong
kaarawan.____________
4.Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak noong siyay 13 taong
gulang pa lamang hanggang siya ngayon ay binata
na.___________________
5.Si Michael ay nalulong sa ipinagbawal na
gamot._____________________

Mga Tanong:
1.Ano ang inyong natuklasan sa natapos na gawain?
2.Sa iyong palagay,ano ang nararapat na maging pasiya ng mga
taong nabanggit sa sitwasyon?
3.Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay?
4. Paano natin mapanatiling sagrado ang buhay na ipinagkaloob sa atin

7
PAGYAMANIN

Gawain 4:Mga Isyu Tungkol Sa Buhay

Para malaman kung ano ang mga Isyu tungkol sa Buhay


1.Ang paggamit ng ipinagbawal na gamot -ay nagdulot ng masamang
epekto sa isip, at katawan dahil ito ay nakasisira sa isip,at nagiging blank
spot ito.
2.Aborsiyon-o pagpalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol ng
sinapupunan sa isang Ina.
May 2 itong uri ,ito ay ang 1.miscarriage at 2. sapilitan o induced

Mga Isyu ng Aborsiyon:

1.Pro-life
2.Pro-choice

1.Pro-life
a.Ang sanggol ay itinuring na isang tao mula sa sandali ng paglilihi;ito ay
nangangahulugang ang pagpalaglag sa kaniya ay pagpatay na tuwirang
nilalabag ang mga pamantayang moral at batas positibo.
b.Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina(hal. Hindi niya
ginawa ang tamang pag-iingat upang epektibong maiwasan ang hindi
nilalayong pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais
magkaanak.
c.Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring
gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang
pagbubuntis.
d.Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na
ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa lipunan o
sa buong mundo.
e.Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang
mga paraan ng birth control dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay
para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang batang
nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng
Diyos ay masama.

2.Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay


pinananatili na:
a.Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang
8
tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang nabubunga
ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga
magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at
pinansiyal na aspekto.
b.Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa
itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kaniyang ina. Hindi
maituturing na pagpatay ang pagpalaglag ng isang fetus dahil umaasa pa rin
ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay.
c. Sa mga kasong rape o incest , ang sanggol ay maaaring maging
tagapagpaala-ala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan.
d.Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin
sa bahay-ampunan.
e. Ang aborsiyon ,sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan .Mas
mababa pa sa 1% ng Aborsiyon na ginawa bago ang ika 21 na linggo.

3.Pagpapatiwakal-ito ay sadyang pagkitil ng sariling buhay ng isang tao na


humantong sa kamatayan.
4.Euthanasia- (Mercy killing)-isang gawain kung saan napadali ang
kamatayan ng isang taong may matindi at walang lunas na karamdaman.
5. Alkoholismo-ito ay labis na pagkonsumo ng alak, ng isang tao.

GAWAIN 4: BUHAY MO, PAHALAGAHAN KO,BUHAY


KO,PAHALAGAHAN MO
Panuto:Sa isang buong papel isulat ang iyong sagot

Suriin ang sitwasyon 1


Isang Ina na limang buwang nang nagdadalang-tao ang nagkaroon
ng malub-
hang sakit . Sa pagsusuri ng mga doktor ,nalaman niya na
kailangang alisin
ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong magresulta sa
pagkamatay ng
sanggol sa kaniyang sinapupunan. Kung hindi ito isagawa ,maaaring
magdulot
ito ng komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay.

Mga Tanong:
1. Ano ang nararapat niyang gawin sa sitwasyong na ito? Nararapat ba
siyang bigyan ng pagkakataong sagipin ang sarili kahit maari itong maging
dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak? Maituturing ba itong isang
halimbawa ng isang aborsiyon?Pangatwiranan ang iyong sagot.

Sitwasyon 2

Isang lalaki ang may nakakamatay na sakit.Sa ospital kung saan siya
namamalagi
Makikitang maraming medikal na kagamitan ang nakakabit sa kaniya .Sa
ganitong

9
Kalagayan hinihintay na lamang niya ang takdang oras.Isang araw ,nakiusap
siya na alisin ang lahat na kagamitang medikal at payagan na siyang umuwi at
mamatay
Sa kapayapaan. Ngunit tumanggi ang mga doktor ,sa kadahilanang kapag
ginawa
nila iyon,tiyak na magreresulta sa agarang kamatayan

2.Kung pumayag ang mga doktor sa pakiusap ng maysakit, na


tanggalin ang mga kagamitang medikal,kung susuriin ang
sitwasyon maituturing bang paglabag sa kasagraduhan ng buhay
?Bakit?

Gawain 5
Panuto: Gamit ang graphic organizer ay buuin ang mahalagang konsepto na
nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin na binasa. Punan ng
wasto o akmang mga-salita na nasa ibaba.

Ang ___________ng______ay ________


at_________.Kay ________. Kaya dapat
itong__________at___________. Dahil tayo
ay ________ayon sa kanyang mukha.
Bilang kaloob ng_______ay kailangan tayong
magiging kontento at masaya,anumang
_________na na ating ___________at
mararanasan.
a.buhay c.tao e. Sagrado g. Mahalaga
i.pakaingatan j. mahalin
b.wangis d. Diyos f. Problema h.kakaharapin

ISAGAWA
Panuto: Sumulat ka ng isang pagninilay/sanaysay tungkol sa :

Bakit sinasabing ang buhay ay sagrado kaysa iba pang uri ng buhay?

Bilang kabataan ,paano mo mapanatili ang kasagraduhan ng buhay?

10
Rubriks sa Pagsusulat ng Maikling Sanaysay

BAKIT SAGRADO
ANG BUHAY?

Nilalaman Organisasyon Style Mechaniks


(Pagkamapanlikha
at
35% Pagkamalikhain)
35% Mahusay ang 20% 10%
Naipapakita at pagkakasunud- Lubos na Wasto ang
naipaliwanag ng sunod ng mga nagpapamalas ng mga ginamit
maayos ang ugnayan ideya, malinaw at pagkamalikhain sa na salita at
Kraytirya ng konseptong isinulat makabuluhan. pagsulat ng pagbabantas
sa pahayag maikling sanaysay
at
Orihinal ang mga
ideyang ginamit

PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
1.Ano ang pinakatanging hayop at natatanging nilikha sa ibabaw
ng mundo?
A.tao B.aso C.pusa

2.Ang pagkawala ng isang sanggol sa sinapupunan ng isang ina na


hindi ginagamitan ng medisina o sa natural na paraan ay ang;
A. miscarriage B.induce C.abortion

3.Bakit sagrado ang buhay ng tao ?;


A.Siya ay kawangis ng panginoon
B.nilalang na may ispiritu
C.madaling matukso
4.Paano mapanatiling sagrado ang buhay?

11
A.Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o pagkakaroon ng
disiplina
B.Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili na may dignidad at may takot sa
Diyos na kitlin ang buhay
C.Sa pamamagitan ng pagdarasal

5.Analohiya: Isip: Kapangyarihang mangatwiran, Kilos- loob:


A. Kapangyarihang magnilay
B.Kapangyarihang pumili
C.Kapangyarihang magpasya

6.Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


A. Nilikha siyang may isip,kilos loob,puso,kamay,at katawan
na magagamit, niya upang makamit ang kaganapan bilang tao
B.May kakayahang hanapin,alamin,unawain,at ipaliwanag ang mga
katotohanan at layunin ng mga bagaybagay sa kaniyang paligid
C.May isip at kilos-loob na nabibigay ng kakayahang kumilos,gumawa
at magpahalaga sa kaniyang sarili ,kapuwa,at iba pang nilikha
7.Anong proseso ang isinagawa sa modernong medisina upang wakasan
ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling
pa?
A.suicide B.aborsiyon C.euthanasia
8.Ano sa mga ito ang hindi kasama sa pisikal na epekto ng labis na pag-
inom ng alak?
A.nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
B. nagpahina sa enerhiya
C.nagiging sanhi ng iba’t-ibang sakit

9. Anong uri ng katanungan na kinapapalooban ng dalawa o


higit pang mga panig o posisyon na magkasalungat at nangangaila-
ngan ng mapanuring pag-aaral upang malutas ito?
A.Balita B.Isyu C.Opinyon
10. Alin sa mga Isyung ito tungkol sa buhay ng tao ang gumagamit ng
Mercy killing?
A.Pagpapatiwakal B.Aborsiyon C. Euthanasia

Pagsubok IIA:
Panuto:

1.Alin sa mga ito ang nagiging sanhi sa pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit.

12
a.Pag-inom ng alak b. pag-ehersisyo c. Pagtatrabaho

2 .Bakit sinasabing ang tao ay kawangis ng Panginoon ayon sa kanyang

mukha?

a.Siya ay lalang ng Diyos

b. Siya ay pinakadominanting hayop sa ibabaw ng mundo

c. dahil may katangian ang tao na gaya ng katangian Niya

3. Ano ang ipinagkaiba ng tao sa lahat ng hayop?

a. dahil ang tao ay may kakayahang mag-isip

b.dahil ang tao ay may ispiritu

c. dahil ang tao ay alam niya kung ano ang tama at mali

4.Alin sa mga salitang ito ang hindi naakit sa kasamaan, hindi nito kailanman

naakit sa kasamaan.

a.kilos-loob b. Dignidad c. Konsinsya 5.Bakit

sagrado ang buhay ng tao?

a. Bigay ng Diyos b.Nilalang na may ispiritu c. May isip

6.Paano pahalagahan ng isang Ina ang bata sa kaniyang sinapupunan?

a. Tamang pag-iingat b. Paglilihi c. kumain ng masustansiyang

pagkain

7. Alin sa mga paraang ito nang pagkontrol na magkaanak ang mag-asawa

ang sinasang-ayunan ng isang relihiyon ?

a. Rhythm Methods b. Contraceptive Methods c. Aborsiyon

8.Alin sa mga ito ang hindi tumutukoy sa Isyung Pagpapatiwakal?

13
a.pagbigti b.pag-inom ng lason c. Pagkalaglag ng bata

9.Kung ikaw ay nagiging biktima ng isang rape at ikaw ay nagdadalang-tao at

matakot kang ipalaglag ito dahil matakot ka sa Diyos, Ano ang iyong mas

unang gagawin?

a.tatanggapin na lang ang lahat

b.ipaampon ang bata

c.kusang aalagaan ang bata

10.Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang

buhay ng taong may malubhang sakit na kailanma’y hindi na

gagaling pa?

a. Suicide b. Aborsiyon c.Euthanesia

14
Susi sa Pagwawasto

10. c 10.c
9.c 9.b
8.c 8.a
7.a 7.c
6.a 6.c
5.b 5.c
4.a 4.b
3.c 3.c
2.c 2.a
1.a 1.a
2a 1-a
PAGTATAYA
10.c
9.c
8.d
7.a
6.d
5.b
4.c
3.c
2.b
1. a
SUBUKIN

Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul
para sa Mag-aaral,
pp 254-257

Bumuo sa Pagsulat ng
Modyul
Manunulat: Benedicta D. Coraza, SST-I
Pagadian City NHS,Danlugan,
Pagadian City Division
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the 11
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like