You are on page 1of 6

ARALIN 11:

PAGGALANG SA BUHAY, PASASALAMAT SA


DIYOS

Sa paggising sa umaga, anu-ano ang iyong ipinagpapasalamat sa Diyos?


Pamilya? Kakayahang taglay? Mga kaibigan? Karunungan? Mga karangalan?
Tagumpay? Pananampalataya? Pera? Anong handog Niya na nagbunga ng mga ito?
Anong handog Niya na maituturing na pinakadakila? Paano ito magbubunsod ng
pasasalamat mula sa bawat isa sa atin? Ang mga katanungan ay iyong matutugunan
sa araling ito.
ISIP ISIP!
Sagutin ang mga katanungan:
 Sa ilang taon mong pamamalagi sa mundong ito, ilang beses ka nakatanggap
ng regalo?
 Sa mga natanggap mong regalo, ano sa tingin mo ang pinakamahalaga?
 Masasabi mo bang BUHAY ang pinakamahalaga at pinakamagandang handog
ng Diyos sa iyo? Bakit?

Kalakip ng ating buhay, pinagkalooban din tayo ng Diyos ng isip at kilos-loob. Gamit
ang ISIP kaya nating hanapin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan, layunin at dahilan
ng mga bagay-bagay sa ating paligid. Ang ating KILOS-LOOB naman ang nagbibigay sa atin
ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili at magmahal. Biniyayaan din tayo ng KALAYAAN.

Ang ISIP, KILOS-LOOB at KALAYAAN ang may malaking impluwensiya sa bawat


kilos at desisyon na ating sinasagawa araw-araw. Dahil sa ating isip at kilos-loob, inaasahan
na tayo ay makabubuo at makagagawa ng isang mabuti at matalinong posisyon sa kabila ng
ibat ibang isyu sa lipunan.

Ano ang kahulugan ng salitang ISYU? Ang ISYU ay isang mahalagang katanungan na
kinapapalooban ng isa o higit pang mga panig o posisyon na magkasalungat at
nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas. Kasabay ng moderni- sasyon,
ang tao ay nakakaranas ng kali- tuhan at unti-unti na ring nagbabago ang pananaw sa
moralidad. Ano ang kadalasang itinuturing na dahilan ng pagkalitong ito?

 Media - Sa impluwensiya ng media, ang tao ay nakakabuo ng mga opinyon nang


hindi pa nasusuri at napag-iisipan ang ibat ibang panig, argumento, at batayan sa
pagbuo ng posisyon kaugnay ng ibat ibang isyung moral.

UNAWAIN

Kaya nararapat na gamiting maigi ang isip, kilos-loob at kalayaan upang suriing
maigi ang bawat panig ng isyu upang makagawa ng matalinong posisyon ukol rito. Lalo na
sa mga isyung may kinalaman sa buhay
Bakit mahalagang unawain at pag-isipang maigi ang mga isyu tungkol sa Buhay?

Ang BUHAY ng tao ay itinuturing na banal o sagrado. Ang buhay ng tao ay


maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-
ambag sa lipunan kung wala siyang buhay. Kaya dapat muna siyang isilang upang
mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kupuwa, pamayanan, at bansa.
Kinakailangang mabuhay at isilang siya.

Ang tao ay may kalayaan ngunit di sakop nito ang pagsira o pagkitil sa sariling
buhay o buhay ng iba. Tandaan, tungkulin nating pangalagaan, ingatan, at palaguin ang
sariling buhay at ng kapuwa.

GAWAIN 1

PANUTO: Buuin ang tsart sa pamamagitan ng paglagay ng mga gawain ng mga kabataan sa
ngayon na taliwas at nagpapakita ng kawalan ng halaga sa kasagraduhan ng buhay at ang
masamang epekto nito.

MGA GAWI NG KABATAAN NA MGA EPEKTO NITO SA BUHAY


MAKAKASIRA
Halimbawa: Pag-inom ng alak sa murang Halimbawa: Nasisira ang pisikal na katawan
edad gayon din ang mental na
kaisipan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Anu-ano nga ba ang mga gawi ng kabataan sa ngayon ang taliwas sa kasagraduhan ng
buhay? Isa-isa nating alamin sa araling ito.

 DROGA

Paggamit ng ipinagbabawal na gamot. nIsang estadong sikiko (psychic) o


pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot. Nangyayari matapis
gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy tuloy na pagkakataon.
Dahilan ng paggamit ng droga:

1. Peer pressure
2. Nag-eexplore
3. Problema
4. Pagrerebelde

Epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na droga

1.Pagkasira sa relasyon sa kapwa


2.Paggawa at pagtaas ng krimen
3.Nagpapabagal at nagpapahina sa tao na nauuwi sa kabiguam
4.Ang isip ng tao ay nagiging blank spot
5.Nahihirapan itong iproseso ang ibat ibang impormasyon na dumadaloy
ditto
 ALKOHOLISMO
Isang gawaing maaaring gawin ng lahat pero maaaring maiwasan. Ito ay ang
labis na pagkonsumo sa inuming alak.
Epekto ng Alkohol..
1. Nagpapahina ng enerhiya
2. Nagpapabagal ng pag-iisip
3. Nagiging dahilan ng away at gulo
4. Nakakasira ng kalusugan at maging sanhi ng cancer, sakit sa kidney at
atay
5. Pinagmumulan ng sakit na maaaring humantong sa kamatayan
 ABORSIYON/PAGPAPALAGLAG
Ang pagpapaalis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Sa ilang bansa, isa itong lehitimong paraan ng pagkontrol o pagpigil sa
paglaki ng pamilya o populasyon. Ngunit sa Pilipinas, itinuturing na isang
krimen ang pagpapalaglag ng isang sanggol.
2 uri ng Aborsiyon:
1. Kusa (Miscarriage)
Ang pagkawala ng sanggol bago ang ika-2 linggo ng pagbubuntis.
Isang natural na pangyayari, di ginagamitan ng medical o artepisyal na
pamamaraan
2. Sapilitan (Induced)

Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang lingo,


sa pamamagitan ng pagopera o pagpapainom ng mga gamot.
 PAGPAPATIWAKAL
Sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan.
Dahilan kung bakit naiisipang magpatiwakal ng isang tao:
1. Despair o kawalan ng asal – ito ay ang pagkawala ng tiwala sa sarili at
kapwa, kawalan ng paniniwalang may mas magandang bukas pang
darating.

Paano ito mapipigilan?

1. Pagiisip ng malalaking posibilidad at natatanging paraan upang


kinabukasan ay gumanda
2. Maging positibo sa buhay
3. Panatilihing abala ang sarili sa makabuluhang bagay
4. Magkaroon ng matibay na support system (Pamilya, kaibigan, kamag-
anak, kasintahan, alagang hayop o halaman)
 Euthanasia (Mercy Killing)
Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may
matinding karamdaman at wala ng lunas.
Tinatawag ring assited suicide. May pagnanais o motibo ang isang biktima na
wakasan ang kanyang buhay, ngunit iba ang gagawa para sa kaniya

TANDAAN!

Maraming handog ang idinulot ng Diyos sa taon. Kung kaya’t marapat na tayo ay
magpasalamat sa lahat ng Kanyang biyaya at pagkaingatan ito. Ang pamumuhay ay
mapangangalagaan at mapahahalagahan sa pamamagitan gn pag-iwas sa mga bisyong
makakasama sa katawan tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at pag-gamit ng
ipinagbabawal na gamot. Iwasan ang pagpupuyat at kumain ng mga masusustansyang
pagkain. Mahalaga ang pagpapahinga sa tamang paraan at ang regular na pag-eehersisyo.
Higit sa lahat mapahahalagahan ang buhay kung ang pamamaraan ng pamumuhay sa araw
araw ay magiging tugon sa pasasalamat sa mismong nagdulot ng buhay.
GAWAIN 2

PANUTO: Sa pamamagitan ng photo collage, ipaliwanag ang kahalagahan ng buhay.

You might also like