You are on page 1of 13

ARALIN 9

PAGMAMAHAL SA DIYOS
Apat na uri ng pagmamahal ayon kay C.S Lewis
1. Affection- pagmamahal bilang magkakapatid o magkakapamilya.
2. Philia- ito ang pagmamahal ng magkakaibigan
3. Eros- Ito ang pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng tao.
4. Agape- Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal sapagkat hindi ito nag-aantay ng kapalit. Ganito ang
Diyos sa tao,patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakasala patuloy Niya pa rin itong
minamahal dahil ang tao ay mahalaga sa Kaniya.
PANANAMPALATAYA- ito ay ang personal paniniwala at kaugnayan sa Diyos. Ito rin ang siyang
kapanatagan ng mga bagay na inaasam, ito rin ang kasiguraduran sa mga bagay na hindi natin nakikita
Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan sa Diyos at sa ating kapuwa:
1. Panalangin- Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa panalangin,ang tao ay
nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat,paghingi ng tawad at paghiling sa kaniya.
2. Pagninilay- Ito ay nakatutulong upang ang tao ay mag-isip upang maunawaan ng tao ang mensahe ng
Diyos,sa kaniyang buhay.
3. Pagsisimba/samba –Ito ang nakatutulong sa tao upang mapalawak ang kaniyang kaalaman sa salita ng
Diyos at maibahagi sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng napupulot na kaalaman sa pagsimba o pagsamba.
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos- Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos,nararapat na malaman ang
kaniyang mga turo o aral.
5. Pagmamahal sa kapuwa- Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa.
6, Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad- Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng
pananampalataya ng isang tao

GAWAIN BLG.1:
PANUTO: Isulat sa loob ng bilog ang mga dahilan bakit mahalaga ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa
iyong sagutang papel
GAWAIN BLG. 2:
GAWAIN BLG. 2:
PANUTO: Suriin ang mga sitwasyon na nasa loob ng kahon. Sa tapat nito ay isulat kung ano ang iyong
gagawin upang mapangatwiranan mo na ang pagmamahal sa Diyos ay nakatutulong upang malagpasan
ang mga pagsubok sa buhay at ito ay nangangahulugan ng pagmamahal sa kapwa.

MGA PANGYAYARI ANG AKING GAGAWIN


1. Mahal na mahal mo ang iyong mga magulang.
Isang araw, habang ikaw ay nasa paaralan,
nakatanggap ka ng balita na naaksidente sila at
nag-aagaw buhay sa ospital. Hindi ka nakalilimot
sa Diyos sa araw-araw at nagsisilbi ka sa inyong
simbahan. Ngunit pareho silang binawian ng
buhay dahil sa aksidente na kanilang sinapit.
Sisisihin mo ba ang Diyos sa pangyayaring ito?
2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa
inyong bahay, may nakita kang isang lalaking
nakahandusay sa kalsada. Siya ay duguan at
halos hindi na humihinga. Paglapit mo sa kaniya
ay namukhaan mong siya ang lalaking bumugbog
sa iyong ama na naging dahilan ng pagka-ospital
nito. Ano ang iyong gagawin?
3. Kumatok ang iyong kapitbahay at humihingi sa
iyo ng tulong dahil ang kaniyang anak ay may
malubhang karamdaman. Noong araw na iyon,
sakto lamang ang iyong pera para sa inyong
gastusin sa bahay. Ano ang iyong gagawin?

GAWAIN BLG. 3:
PANUTO: Gumawa ng isang personal daily log na nagpapakita ng mga angkop na kilos upang mapaunlad
ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa isang malinis na papel.
GAWAIN BLG. 4:
PANUTO: Gumupit o maghanap ng larawan na nagpapakita ng mataas na paggalang at pagmamahal sa
Diyos. Idikit ito sa malinis na papel at lagyan ng dalawa hanggang tatlong (2-3) pangungusap na
magpapaliwanag bakit ito ang napili mong larawan.
ARALIN 10
PAGGALANG SA BUHAY
Ang buhay ang pinadakilang kaloob ng Diyos sa tao. Sa pamamagitan ng buhay ay naisasakatuparan ng tao
ang kanyang layunin. Sa lahat ng may buhay, espesyal ang tao sapagkat nilalang siya ng Diyos ayon sa
Kanyang wangis. Dahil dito pinagkatiwalaan Niya ang tao na pangalagaan nito ang sarili nitong buhay maging
ang buhay ng iba Niyang nilalang.
Ang ibig sabihin ng paggalang sa buhay ay pangangalaga sa kalusugan, pagiging maingat sa mga sakuna
at pagsasaalang-alang ng sariling kaligtasan at ng buhay ng iba. (Macabeo, 2019).
Mga Isyung Lumalabag Sa Paggalang Sa Buhay Ng Tao
a. ABORSIYON- pagpapalaglag o pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina
MGA ISYU TUNGKOL SA ABORSIYON:
1. Pro-life. Kinikilala nito ang likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula sa konsepsiyon
hanggang kamatayan (Macabeo, 2019). Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang buhay ay
nagsisimula sa pagsasanib ng punlay at itlog mula sa mga magulang (fertilization). (Gomez, 2016)
2. Pro-choice. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay sa sariling paniniwala, kagustuhan, at
iniisip na tama (Macabeo, 2019). Naniniwala ang mga tagapagsulong nito na ang fetus ay hindi pa
maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng sinapupunan ng
kanyang ina. Samakatuwid, umaasa pa lamang ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay. May
karapatan at malaya ang ina na magpasiya para sa sariling katawan (Brizuela, 2019)

DALAWANG URI NG ABORSIYON:


1. Kusa (Miscarriage). Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi ginagamitan ng medikal o
artipisyal na pamamaraan.
2. Sapilitan (Induced). Sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot ay nagwawakas
ang buhay ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.
b. PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT- maituturing na paglapastangan sa sariling buhay at
maging sa buhay ng iba. Ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan. Dahil sa droga, ang
isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip na maiproseso ang iba’t ibang impormasyon na
dumadaloy dito na karaniwang nagiging sanhi ng maling pagpapasiya at pagkilos (Brizuela, 2019).
Karamihan sa mga krimen na nagaganap sa ating lipunan ay may kaugnayan sa paggamit ng droga.
DAHILAN:
1. Impluwensiya ng mga barkada
2. Eksperimentasyon ng mapanuring isip.
3. May problema sa pamilya
4. Nais magrebelde
MASAMANG EPEKTO:
1. Hindi magandang epekto sa isip at katawan.
2. Nagiging dahilan ng mga nagaganap na krimen
3. Maaaring maghataid sa tao sa maling landas.
c. MERCY KILLING O EUTHANASIA- Ang salitang Euthanasia ay galing sa salitang Griyego na ang ibig
sabihin ay mabuting kamatayan (Gomez, 2016). Isa itong pamamaraan kung saan napadadali ang
kamatayan ng isang taong may malubhang karamdaman na maaari ring mauwi sa kamatayan dahil wala
na itong lunas. Ginagamitan ito ng modernong kagamitan o medisina upang tapusin ang paghihirap ng
taong maysakit. Kadalasang tinatawag din na assisted suicide.
DALAWANG URI NG EUTHANASIA:
1. Active Euthanasia. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng gamot na nakakapagdulot ng
kamatayan sa isang tao. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa maraming bansa dahil ito raw ay malinaw na
suicide o murder kaya itinuturing na imoral (Macabeo, 2019).
2. Passive Euthanasia. Ito ay pagtigil sa pagbibigay ng gamot at mga medikal na serbisyo. Ilan sa paraan
nito ay ang pagtanggal ng makinang sumusuporta sa buhay ng pasyente o pagtigil sa pagbibigay ng gamot
na maaaring makapagpahaba ng kanyang buhay. Ito ay itinuturing na lehitimo sapagkat tinatanggap
lamang na ang kamatayan ng tao ay hindi maaaring pigilan
d. PAGPAPATIWAKAL (SUICIDE)- sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan. Kadalasan, ginagawa ito upang takasan ang hirap at problema na nararanasan sa mundo.
Nawawalan na sila ng pag-asa na magpatuloy kaya pinipili na lamang nilang tapusin ang kanilang buhay.
Ang iilan naman ay nakararanas ng depresyon na kung hindi maaagapan ay mauuwi sa pagpapatiwakal.
e. ALKOHOLISMO AT PANINIGARILYO- tumutukoy sa labis na pagkonsumo ng alak. Ito ay may
masamang epekto sa tao dahil unti-unti nitong pinahihina ang enerhiya at napapabagal sa pag-iisip ng
tao.Humihina ang resistensiya ng katawan ng taong labis ang pagkonsumo ng alak at sigarilyo. Maaari
itong magdulot ng cancer, sakit sa atay, baga at kidney at maaaring mauwi sa kamatayan (Brizuela, 2019).

GAWAIN BLG 1:
PANUTO: Panuto: Mula sa nabasa mo, punan mo ang hinihingi ng Hanay A at mga kaukulang kilos o payo
na pwede mong maitulong sa Hanay B.

GAWAIN BLG. 2:
PANUTO: Basahin at uanwaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Ibigay ang tinutukoy sa
bawat aytem. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

_____________________ 1. Isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa iba’tibang


paraa. Ito ay labag sa ikalimang utos ng ating Panginoon
_____________________ 2. Ang gawaing nakakasira sa ating baga na kung hindi
maagapan ay magiging kanser sa baga.
_____________________ 3. Nagdudulot ito ng negatibong epekto na maaaring
kinabibilangan ng balisang pagtulog, sobrang kalikutan,pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan,
napatinding pagka-agresibo at pagiging iritable.
_____________________ 4. Ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan.
_____________________ 5. Ito ay paraan ng pagpatay sa sarili sa tulong ng ibang tao, o ayon sa
kagustuhan ng isang pasyente upang wakasan ang nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na
nakakamatay o wala ng lunas.
GAWAIN BLG. 3
PANUTO: Basahin at unawain ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.

1. Pamilyar kaba sa mga taong grasa? Sila ay ang mga taong nakikita natin na naglalakad sa daan na tila
walang patutunguhan, tila hindi alam o walang pakialam sa mga nangyayari sa kapaligiran, minsan ay
nakikita din natin sila sa social media, katulad sa telebisyon, facebook o maging sa youtube, may mga
nagpopost na tumutulong ang dinadala sa shelter na kung saan sila ay maaalagaan o may mga taong
kumukupkop sa kanila o may mga tao naming pinagdidirihan sila o kinakatakutan o pinagtatawanan, o
kinukutya. Sila ay mga tao din katulad natin na may karapatang mabuhay at igalang. Bilang kabataan
paano mo mapapakita na may halaga o pinapahalagahan mo din ang buhay ng mga taong nabanggit.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Hindi na natin mabilang ang mga krimen na napapabalita sa ngayon. Sa kabila ng ating sitwasyon, may
mga tao na dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan ay kumikitil ng buhay ng iba upang maipakita lamang
na may kapangyarihan sila. Masasabi mo ba na makatarungan ang ginagawa ng mga taong kumikitil ng
buhay dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan? Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. May mga pagkakataon na naririnig natin sa balita o maging sa social media katulad ng facebook ang
mga kabataang nagpapatiwakal sa iba’t
ibang mga dahilan, mayroong dahil sa depresiyon, dahil sa pagkasawi sa pag-ibig o mayroon namang dahil
kulang sa pansin o dahil sa pag- aaral, mga iba’t ibang dahilan na hindi nakayanan ng mga kabataang
katulad mo kaya’t sumuko na lamang. Bilang kabataan, ano ang dapat gawin sa pagharap sa hamon ng
buhay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Ayon sa pag-uulat mayroon na naman bagong variant ng Covid na kung saan sinasabing mas delikado
kaysa sa naunang Covid dahil dito mas naging mahigpit ang gobyerno sa paglabas at pagpasok ng bansa
at dahil din dito ay minadali ang pagpapalabas ng vaccine para sa Covid 19. Bagamat marami ang hindi
sang-ayon at ayaw magpavaccine ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa ay isa sa
mga binigyan nito. Ano ang iyong opinyon sa nasabing pagpapavaccine ng ating mga kababayan sa ibang
bansa sa ayaw o sa gusto man nila? Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Isa sa mga tinututukan ng mga nagiging presidente ng ating bansa ay ang isyu sa droga. Maraming mga
krimen ang idinudulot nito at may mga kabataan din na napapariwara, dahil dito napabalita ang sunod
sunod na pagpatay sa mga taong pinaghihinalaang kasangkot sa droga. Marami ang umalma dito, may
mga sang-ayon at mayroon din naman hindi. Kung ikaw ay tatanungin sang-ayon ka ba sa pagpatay ng
mga kasangkot sa droga kahit pinaghihinalaan pa lamang o kahit may katunayan na? Ipaliwanag ang
sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

ARALIN 11
ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN

Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan sa isang bansa. Lahat
tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito ay "daig pa natin ang
hayop at malansang isda" katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

Sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, (The Preamble), nakapaloob dito ang mga pagpapahalagang dapat
linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.

Pagpapahalaga sa buhay. Ang buhay ng tao ay mula sa Diyos. Ang pagpapahalaga sa buhay ay isang
moral na obligasyon sa Diyos, kaya't walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito. Sikapin na
mapanatili ang dignidad ng tao at maprotektahan ang buhay mula sa maling pagpapasya.
Katotohanan. Ang katotohanan ay hindi matatawaran, hindi mapagkunwari, pinangangalagaan sa lahat ng
oras at panahon. Kasama na rito ang walang kapaguran at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng
kaalaman at tumatanggi sa anumang bagay na hindi ayon sa katotohanan.
Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Sa pamamagitan ng pagtulong na walang hinihintay na
kapalit ay nagpagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kapuwa. Kasama sa responsibilidad ng tao ang
magtulungan at gawing bahagi ang kapuwa tao sa ating buhay. Ang halimbawa nito ay ang mga salitang,
“kung wala ako at mayroon ka, hati tayo o puwedeng ikaw muna at ako naman sa susunod”.
Pananampalataya. Ang lahat ng bagay ay posible kung tayo ay may pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.
Paggalang. Ang paggalang ay naipapakita kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay hindi
natatapakan at napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
Katarungan. Ang katarungan ay naibibigay kung ano ang para sa tao, sinisigurado na ang paggalang sa
karapatan ay naisasabuhay, at walang nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
Kapayapaan. Ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, kawalan ng kaguluhan, at paggalang sa
bawat indibidwal ay resulta ng kapayapaan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng kabutihang panlahat.
Kaayusan. Ang kaayusan ay pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon, organisado sa pagbibigay ng
ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa.
Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang pangunahing institusyon ng lipunan ay ang pamilya. Bilang
pundasyon ng pamilya binibigyang-halaga rito ang kasal, pinapangalagaan ang pisikal, moral, ispiritwal, at
panlipunang pag-unlad ng bawat miyembro, kasama na rito ang pagtuturo sa mga bata ng ating kultura.
Kasipagan. Ito ay ang pagiging matiyaga at ginagamit ang talento na tapusin ang anumang uri ng gawain
nang buong husay sa pamamaraang nakatutulong sa kapuwa.
Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang pagsasabuhay ng responsibilidad bilang
tagapangalaga ng kalikasan at kapaligiran laban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagkawasak.
Pagkakaisa. Ito ay ang pagkakaroon ng iisang layuin na magkasama sa pag-unlad at pakikipagtulungan
ng bawat indibidwal na mapag-iisa.
Kabayanihan. Ito ay ang pagsagot sa tanong na, “Ano ang magagawa ko para sa kapuwa ko at sa
bayan?”.
Kalayaan. Ito ay isang tungkulin ng tao na gumawa ng mabuti, katanggap-tanggap na kilos na ayon sa
ipinapatupad na batas, at pagsasabuhay ng dignidad bilang isang malayang indibidwal.
Pagsunod sa batas. Ito ay ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga
ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan.
Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ito ay ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat ng
tao na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti ng lahat.

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan


Ayon kay Alex Lacson, may magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga
problemang bayan na ating hinaharap. 4 Bukod sa mga tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino
at mamamayan ng ating bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaaring
isabuhay upang makatulong sa bansa.
Mag-aral nang mabuti. Ang isang taong may mabuting pinag-aralan hindi kailanman mag-iisip na gumawa
ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng kaniyang bansa. Ang kaniyang natutuhan sa
pagaaral ay gagamitin niyang paraan upang matulungan ang bansa sa problemang kinahaharap.
Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang pagkaroon ng batas tungkol sa tamang oras (RA
10535 o Philippine Standard Time) na susundan ng bawat Pilipino ay makakatulong para maisulong ang
kultura nang pagiging maagap (culture of punctuality).
Pumila nang maayos.Disiplina ang pakiusap. Hindi dapat mag-unahan sa pila o maggitgitan sa kalsada
na naging dahilan ng pagtatalo, nauuwi sa aksidente, away, patayan, at bugbugan.
Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Ang maaaring gawin ng isang
mamamayan para sa kaniyang bayan ay ang igalang ang kaniyang pagkakilanlan at awitin na may
paggalang at ng buong puso ang pambansang awit.
Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. Ang pangongopya o pagpapakopya na
kadalasang ginagawa ng isang mag-aaral ay hindi makatutulong upang maging matapat at totoo sa lahat
ng panahon. Ang katapatan ay unang itinuturo sa bahay, isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan, at
pinauunlad at pinalalawak ito sa paaralan. Ang mga tao ay inaasahan na mangangalaga sa karapatan ng
mamamayan.
Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan. Ang responsableng
paggamit ng pinagkukunangyaman, kasama na rito ang pagtitipid sa tubig, kuryente, pangangalaga sa
kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at pagtatapon ng basura sa tamang tapunan ay
solusyon sa lumalalang isyo ng ating bansa. Nasa kamay ng mamamayan ang pag-agsa ng bayan.
Iwasan ang anumang gawain na hindi nakakatulong. Ang kalusugan ng tao ay yaman ng bansa.
Iwasan natin ang paninigarilyo, pagsusugal, pag-iinom at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa
kompyuter. Ito ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa.
Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang produkto ng gawang Pilipino ay likas
na matibay at maganda. Ang pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan ito
upang lalo pang matulungan at mapalago ang ekonomiya ng bansa. Ang mamamayang Pilipino ay ang
makikinabang nito sa huli.
Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama.Ang pagpili ng tamang pinuno na kakatawan sa
ating bansa ay dapat maisasagawa ng tama. Hindi ibebenta or ipagpapalit ang ating boto sa anong pabor o
materyal na bagay.
Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ang pangangalaga at paggalang sa nakatatanda ay isang
pananagutan na dapat maisasabuhay, bahagi man ng pamilya o hindi. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal
sa pagbibigay galang at pagsasabi ng “po” at “opo”.
sama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang paghingi ng patnubay ay mahalaga.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi masusukat kailanman. Ang pagtawag sa Kaniya sa pamamagitan ng
panalangin ay nakakabuti para sa atin. Pakikinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang
nagkakaisa sa pananampalataya

GAWAIN BLG. 1:
Panuto: Ano ang makakaya mong gawin para sa inang bayan? Isulat ito sa nakalaang espasyo bilang
isang panata.

GAWAIN BLG. 2:
Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa kung paano mo mapatutunayan ang iyong pagmamahal sa
bansa sa mga temang nakasaad. Isulat sa iyong sagutang papel.
Pangatwiranan Mo!
Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa kung paano mo mapatutunayan ang
iyong pagmamahal sa bansa sa mga temang nakasaad. Isulat sa iyong
sagutang papel.
1. Alamin ang kasaysayan ng sariling bansa.

1.

2.

2. Magkaroon ng kamalayan sa mga isyu na nangyayari sa bansa sa kasalukuyan.

1.

2.

3. Maging aktibo sa programa ng inyong pamahalaan.


1.

2.

4. Mahalin, pahalagahan at gamitin ang sariling wika.

1.

2.

5. Tangkilikin ang sariling produkto.

1.

2.

ARALIN 12
PANGANGALAGA SA KALIKASAN

Ang Kuwento ng Paglikha


Mula sa Genesis, kabanata 1, talata 27-31, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan
bilang lalaki o babae. Binasbasan sila ng Diyos at binigyan ng tagubilin na magparami. Kaakibat ng
pagbabasbas na ito ay ang utos na punuin ang daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa
lahat ng Kaniyang nilalang. Departamento ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10. (Pasig City:
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat).

Ang Kahulugan ng Kalikasan


Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay. Ito ay kinabibilangan ng mga
puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding
bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at iba pa na siyang nagbibigay-daan o
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang sa kanilang buhay.

III. Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan


Maraming ginagawa ang tao na tuwirang nakasisira sa ating kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at
suriin mo ang inyong sarili kung kabilang ka sa mga kabataan na gumagawa o naka-aambag sa mga ito.
A. Maling pagtatapon ng basura. Ito ay ang ginawang pagtatapon ng basura kung saan-saang lugar na
lamang at sa hindi sa tamang lalagyan.
B. Ilegal na pagputol ng mga puno. Ito ay ang walang tigil na pagputol ng mga puno at hindi pagpapalit
ng bagong halaman sa mga naputol na puno na nagdudulot ng mga pagbaha kapag madalas ang pag-
ulan.
C. Polusyon sa hangin, tubig at lupa. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa
kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay. Ang polusyon ay karaniwang
nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at
marami pang iba.
D. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatanIto ay ang pagiging
threatened, endangered at extinct ng maraming uri ng hayop at halaman dulot ng pagkawala ng kanilang
habitat o tirahan sa kagubatan, gayundin ang pagkuha sa kanila para sa ilegal na kalakalan.
E. Malabis at mapanirang pangingisda. Ito ay ang hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at
sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o
tirahan. Ang sistemang muro-ami ay pamamaraan ng pangingisda kung saan ang nakapaligid na lambat na
may pabigat na bato ay paulit-ulit at marahas na ibinababa sa mga coral reef upang palabasin ang mga
isda sa kanilang kanlungan, at karaniwang binabayaran ang mga kabataan para magtrabaho (Philippine
Star, February 18, 2001).
F. Pag-convert ng mga lupang sakahan (may mga lupang sakahan na hindi na tinatamnan dahil
ginawa na nilang subdivision, golf courses, mga hotel, expressways at iba pa), ilegal na pagmimina,
at quarrying. Mali at patagong pagkuha ng yamang mineral sa pamamagitan ng pagpapasabog ng mga
bundok at paghuhukay sa mga dalampasigan.
G. Global Warming at Climate Change Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakakaapekto sa
panahon at nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag
na climate change.
Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na greenhouse gases lalo
na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming.
H. Komersiyalismo at urbanisasyon Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos
na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na bagay
sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ito rin ay tumutukoy sa mga pamamaraan sa pagsubok na
magkaroon ng higit na kita hangga’t maaari na hindi alintana kung anuman ang maging epekto nito sa
ibang mga tao o lugar

GAWAIN BLG. 1:
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag na nagpapakita na mga pangyayari o
pagbabago sa ating paligid. Itugma ang mga inilalarawan ng hanay A sa hanay B. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot mula sa hanay B sa iyong sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1.Maraming uri ng hayop at halaman ang A. Maling pagtatapon ng basura
nagiging threatened, endangered at ang
pinakamalala sa lahat ay ang kanilang B. Ilegal na pagputol ng mga puno
extinction.
C.Polusyon sa hangin, tubig at lupa
2. Ang patuloy na pagpapatayo ng
naglalakihang gusali, mall, condominium units at D.Pagkaubos ng mga natatanging species ng
iba pa, paggawa ng kalye sa mga bayan o siyudad hayop at halaman sa kagubatan
o anumang ginagawang pagpapaunlad sa lugar ay
nagdudulot kung minsan sa pagputol ng mga E. Malabis at mapanirang pangingisda
kahoy.
F. Ang pag-convert ng mga lupang sakahan, ilegal
3. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga na pagmimina, at quarrying

G. Global Warming
salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot
nang matinding pagbabago sa pangmatagalang H. Komersiyalismo
sistema ng klima.
I. Urbanisasyon
4. Ang walang habas na pagtatapon ng basura
kung saan-saang na lugar. J. Climate Change

5.Unti-unting nauubos ang mga yaman


dito dahil sa hindi matigil na cyanide
fishing, dynamite fishing, at sistemang
muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa
mga isda kundi maging sa kanilang
natural habitat o tirahan.

6.Ang kadalasang pag-ulan na nagdudulot ng mga


pagbaha ay bunga ng walang tigil na pagputol ng
mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman
sa mga naputol na puno.

7.Tumutukoy ito sa pag-uugali ng tao at mga kilos


na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na
kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na
bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga.

8.Maling sistema na patagong ginagawa


ng mga kompanyang tulad ng pagpapasabog ng
mga bundok at paghuhukay sa mga dalampasigan
upang makakuha ng mga yamang mineral.

9. Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman


tulad ng respiratory diseases, sakit sa digestive
tract, sakit sa balat, at marami pang iba.

10. Ang patuloy na pagtaas ng temperatura bunga


ng pagdami ng tinatawag na green house gases
lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera.

GAWAIN BLG. 2:
PANUTO: Isulat ang Tama kapag totoo ang diwa ng pangungusap, isulat naman ang Mali kapag ang diwa
nito ay hindi totoo. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_______ 1. Ang tungkulin na pangalagaan ang kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay
mamamayan ng iisang mundo.
_______ 2. Inutusan ng Diyos ang tao na alagaan ang kalikasan at maging tagapagdomina nito para sa
susunod na henerasyon.
_______ 3. Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang
panlahat.
_______ 4. Ang Sampung Utos para sa Kalikasan ay listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
pangangalaga sa kalikasan.
_______ 5. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat.
_______ 6. Ang kalikasan ay nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan lamang.
_______ 7. Ang halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay hindi nararapat na bigyang-
pansin at timbangin nang maayos.
_______ 8. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may
pagkakapantay-pantay.
_______ 9. Ang mabuhay nang simple ay isang hakbang upang makatulong sa pagpapanatili sa
kagandahan at kasaganaan ng mundo.
______ 10. Sa lahat ng pagkakataon, itapon ang basura sa tamang lugar.

GAWAIN BLG 3:Panuto: Para makabuo ka ng isang mapanindigang posisyon tungkol sa pangangalaga
sa kalikasan, gumawa ka ng isang Komitment Sa Kalikasan. Gawing gabay ang pormat sa ibaba.

You might also like